Pananampalataya at Buhay-Ang Paghihirap ay isang Hakbang Tungo sa Tagumpay
Ni Xichen
Narinig ko ang ganitong kwento: Ang pinagdaraanan ng agila sa paglaki ay malupit. Para makalipad sa papawirin ang mga batang agila, itutulak sila ng inang agila mula sa ibabaw ng bangin kapag ganap nang tumubo ang pakpak nila. Habang nahuhulog, buong lakas na ipapagaspas ng mga batang agila ang pakpak nila para mabuhay. Sa pamamagitan ng labis na paghihirap, sa wakas pwede na silang lumipad. Gayun pa man, para makalipad sila nang matayog sa kalangitan, babaliin ng inang agila ang mga pakpak nila at muli silang itutulak sa bangin. Sa pagkakataong ito, mas matinding sakit ang dadanasin nila kaysa dati. Kahit na nasasaktan sila nang husto, kailangan pa rin nilang ipagaspas ang baling mga pakpak. Dahil sa pamamagitan lang ng paggawa nito sila makakalipad sa mataas na kalangitan; dahil kung hindi, hindi na sila makakalipad sa asul na langit.
Bakit kailangan sumailalim ng mga batang agila sa ganon katinding pagsasanay tungo sa paglaki? Dahil sa pamamagitan lang ng ganon katinding pagsasanay sila papailanlang sa mataas na hangin. Katulad nito, marami tayong kakaharaping paghihirap sa buhay katulad ng mga batang agila, at ang mga paghihirap na ito ay ang metikulosong pag-aayos ng Diyos para sa pagsasanay natin para sa ating paglaki.
Pero madalas hindi natin nakikita ang kahalagahan ng pagdanas sa mga ganitong paghihirap, o malaman na ang mga paghihirap na ‘to ay ang tunay na hakbang sa ating tagumpay. Kaya tayo, sa kaibuturan ng ating mga puso, natatakot dumanas ng mga paghihirap, at nilalabanan natin ito, umaasa na magiging payapa ang ating mga buhay, maayos at payapa magpakailanman. Ang totoo, ang pag-iisip natin ang pinaka-hangal. Tulad ng sinasabi ng Biblia: “Ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila” (Kawikaan 1:32). Pagnanasa para sa dibersyon, tayo ay magiging tiwali, at magiging mga parasito; lalo pa, ang pagnanasa sa dibersyon, tayo ay bubusugin ng pagkain at mananatiling nakatigil, sa huli walang matatapos at mabubuhay sa kabiguan.
Sabi nga sa isang kasabihan: “Tumatalim lang ang espada kapag hinasa; bumabango ang mga bulaklak ng plum kapag matindi ang lamig.” Tanging sa paulit-ulit lang na pagpapanday maaaring maging de kalidad ang bakal. Kaya, kung gusto natin magkaron ng tunay na paglago, hindi tayo dapat lumalaban sa mga pagsubok na maingat na inayos ng Diyos para sa atin.
Sa mga karanasan natin sa buhay, isinasaayos ng Diyos ang ilang paghihirap at maging mga pasakit para sa ating lahat. Kapag nahaharap sa mga paghihirap, kabiguan at balakid, may ilang taong natatalo at hindi na nagiging masaya mula noon, habang ang iba naman patuloy na nangangapa. Matapos makaranas ng madalas na pagkatisod, unti-unti silang nagiging malakas, ganap at matatag, nagagawang umako ng responsibilidad sa mga bagay; samantala, ilan sa kanilang kapusukan pati na rin ang kanilang kapalaluan ay nabawasan. Pagkatapos dumaan sa mga paghihirap, sila ay naging parang katulad nung mga de kalidad na bakal na paulit-ulit na pinanday, isang bonsai na maingat na ginupitan, isang peniks, na nagkaron ng isang bagong buhay sa pamamagitan ng bautismo ng apoy, o isang batang agila na lumilipad nang napakataas sa kalangitan sa pagsasanay ng mga nabaling pakpak. Paghihirap ang tunay na nagpaganda sa kanilang buhay.
Yamang ang paghihirap ay isang hakbang tungo sa tagumpay, kung ganon pa’no natin ito dapat harapin at danasin?
Sinasabi sa Biblia: “Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. … Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Diyos, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay” (Efeso 6:10, 13). “Kaya’t iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila’y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban” (Nehemias 9:27). Mismo, minsan ang paghihirap ay parang pader na itinayo sa ating harapan, at mahirap para sa atin na lampasan ito. Pero ang mabuting hangarin ng Diyos ng pag-aayos ng mga kahirapan ay para hubugin tayo, at hindi para biguin. Sa oras na ito, hangga’t natututo tayong umasa sa Diyos para malampasan ang “pader” na ito, makikita natin na ang tagumpay ay naghihintay sa atin.
Kapag nahaharap ka sa paghihirap sa buhay mo, huwag ka sanang masiraan ng loob, o manlumo. Dahil alam ng Diyos ang lahat ng nararanasan natin, at minamasdan Niya tayo nang palihim sa bawat oras, at naghihintay lang sa ating tapat na panalangin. Kapag nakahanda tayong tumawag sa Kanya, tutulungan Niya tayong malampasan ang lahat ng paghihirap at umakyat sa lahat ng balakid na humaharang sa atin.