Ang mga propesiya ng pagbabalik ni Jesus-Cristo ay halos natupad. Paano dumating ang Panginoong Jesus? Paano natin matatanggap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit? Ang mga aspeto ng katotohanan ay ang pinakamahalaga sa atin.
Christian Maiikling Dula | “Ang Pagmamatyag” | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)
Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …
mga kwento ng bibliya-Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit
Baffled From Reading the Bible
Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.
Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso’t diwa ni Xiaozhen …
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos
Madalas kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, at ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, samantalang inilalarawan ng mga tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Noong binuksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang kanyang kaarawan, ginulat nito ang mga espirituwal na pinuno, kabilang na ang tatlong kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Naiintindihan at nauunawaan ito ng karamihan ng tao. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat nilalabag, ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Sa kabilang banda, nilabag ni Job ang mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong gawain na itinuturing ng karamihan bilang pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Hindi lamang siya hindi karapat-dapat sa pang-unawa at simpatiya ng mga tao, hindi rin siya karapat-dapat sa kapatawaran ng Diyos. Kasabay nito, mas maraming tao ang nagduda sa pagkamatuwid ni Job, dahil tila ba naging makasarili siya bunga ng papuri ng Diyos sa kanya, naging sobrang mapangahas at walang ingat kung kaya hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at pag-aalaga Niya sa kanya sa kanyang buong buhay, ngunit isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Ano ito, kung hindi pagsalungat sa Diyos? Ang mga ganitong kababawan ang nagbibigay sa mga tao ng patunay upang kondenahin ang ginawang ito ni Job, ngunit sino ang nakakaalam ng tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang nakakaalam kung bakit kumilos si Job nang ganoon? Tanging ang Diyos at si Job lamang ang may alam ng tunay na kuwento at mga dahilan dito.
Maiikling Dula “Paggutom sa Sarili sa Takot na Mabulunan” (Tagalog Dubbed)
In the matter of welcoming the Lord’s coming, there are some in the religious world who close their door and wait alone for fear of being deceived by false Christs. They starve themselves for fear of choking, and cling to the words, “Then if any man shall say to you, See, here is Christ, or there; believe it not. For there shall arise false Christs, and false prophets, and shall show great signs and wonders; so that, if it were possible, they shall deceive the very elect” (Mat 24:23-24). They think anyone who preaches God’s gospel of the last days or testifies the Lord’s return is false, and utterly refuse to hear, see, or come into contact with them, but they ignore how to welcome the Lord’s coming. The protagonist of this skit is one such person …
Kaligtasan at Ganap na Kaligtasan-Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?
Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.
mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula
Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.
mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Filipino Variety Show | “Mga Fariseo ng mga Huling Araw”
Christian Zhang Yi heard testimony that the Lord had returned, but as he investigated the true way, his pastor and elder tried several times to stop and prevent him, saying, “Any who claim the Lord has come incarnate are spreading heresy and false teachings. Don’t listen to them, don’t read their words, and don’t have any contact with them!” This confused Zhang Yi, because the Lord Jesus clearly said, “And at midnight there was a cry made, Behold, the bridegroom comes; go you out to meet him” (Matthew 25:6). “My sheep hear My voice” (John 10:27). The Lord’s words say that people must be wise virgins and actively seek and listen to the Lord’s voice to be able to receive the Lord, but his pastor and elder try everything they can to prevent and limit believers from hearing God’s voice. Why are they afraid of believers investigating the true way? … Through debates with his pastor and elder, Zhang Yi finally sees who the Pharisees are in the last days, and who is the real obstacle preventing believers from receiving the Lord.
Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?
Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?
Pagkilala sa Diyos-Ang Hiwaga ng “Muling Pagkabuhay ng Isang Patay na Tao”
Mga kapatid, kapayapaan ay suma inyo! Salamat sa Panginoon para sa Kanyang mga paghahanda na nagpahintulot sa atin na ipabatid dito ang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon. Sa araw na ito, nais kong mangusap sa bawat isa tungkol sa paksang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.”
Gaya ng pagkakaalam ng mga taong naniniwala sa Panginoon, ang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao” ay tumutukoy sa oras nang pagbabalik ni Jesus. Ito rin ay isang sitwasyon na kinasasabikan natin makita bilang mga Kristiyano. Ngayon, paano ba ang “isang patay” ay muling mabuhay? Maraming tao ang maiisip ang kabanata 37, talatang 5-6 sa Libro ni Ezekiel: “Ganito ang sabi ni Jehova Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo’y mangabubuhay. At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo’y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.” Sa Ebanghelyo ni Juan kabanata 6, talatang 39, sinabi ni Jesus: “At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.” Sa kabanata 15, talatang 52-53 sa Libro ng 1 Corinto, nababasa: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.” Bukod pa rito, kung babasahin ng mga tao ang literal na kahulugan ng Biblia, ito ang paniniwalaan nila: Sa mga huling araw, kapag pababa na ang Panginoon, magaganap ang maraming dakila at mahimalang mga bagay. Sa Kanyang pagka-makapangyarihan, muli Niyang bubuhayin ang katawan ng mga santong natutulog sa loob ng maraming henerasyon. Iaangat Niya ang mga ito mula sa kanilang mga libingan, mula sa ilalim ng lupa o dagat. Ang libu-libong mga kalansay na nabulok sa ilalim ng lupa o dagat ay kaagad mabibigyan ng bagong buhay. Ang pagkabulok ay mahiwagang mawawala at sila ay papasok patungo sa kaluwalhatian. Talagang kamang-mangha ang tanawing ito! … Ito rin ang ating mga pananaw at imahinasyon patungkol sa “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.” Paano ba matutupad ang propesiyang ito? Ito ba talaga ay magiging kahima-himala tulad ng ating iniisip? Tutuparin ba ito ng Panginoon ayon sa ating mga imahinasyon?
Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job kay Satanas at ang Mga Layunin ng Gawain ng Diyos
Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay kinikilala na si Job ay perpekto at matuwid, at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, hindi nagbibigay ang pagkilalang ito sa kanila ng mas higit na pag-unawa sa layunin ng Diyos. Kasabay ng pagkainggit sa pagkatao at gawain ni Job, tinatanong nila ang mga sumusunod na katanungan sa Diyos: Si Job ay lubos na perpekto at matuwid, ang mga tao ay minamahal siyang lubos, kaya bakit siya ibinigay ng Diyos kay Satanas at isinailalim siya sa ganoong paghihirap? Ang ganitong mga tanong ay umiiral sa mga puso ng maraming tao—o kaya, ang pagdududang ito ang tanong na nasa puso ng maraming tao. Dahil nililito nito ang napakaraming tao, kailangan natin itong ilatag at ipaliwanag nang maayos.
Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil lahat ng ginagawa Niya sa tao ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at pagliligtas ng sangkatauhan. Natural, ang gawain na ginawa ng Diyos kay Job ay hindi naiiba, kahit na si Job ay perpekto at matuwid sa paningin ng Diyos. Sa madaling salita, kahit ano pa ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit ano pa ang halaga, o ang Kanyang layunin, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay upang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, mga kinakailangan ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa ibang salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pag-unawa sa puso ng Diyos at pag-intindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya upang sundin ang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at sa gayon ay nagbibigay-daan sa tao upang matamo ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—ang lahat ng ito ay isang aspeto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ang kabaligtaran at nagsisilbing gamit sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang ipakita sa mga tao ang mga kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng mga pagtukso at paglusob ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas at magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang unti-unting palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamamahala ni Satanas, at mula sa mga paratang, pakikialam, at paglusob ni Satanas—hanggang, salamat sa mga salita ng Diyos, ang kanilang kaalaman at pagsunod sa Diyos, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at takot sa Kanya, sila ay magtagumpay sa mga paglusob ni Satanas, at magtagumpay sa mga paratang ni Satanas; doon lamang sila ganap na maiaadya mula sa sakop ni Satanas. Ang paglaya ng mga tao ay nangangahulugan na si Satanas ay natalo, ito ay nangangahulugan na hindi na sila pagkain sa bibig ni Satanas—na sa halip na lunukin sila, pinakawalan sila ni Satanas. Ito ay dahil ang mga taong ito ay matuwid, dahil mayroon silang pananampalataya, pagkamasunurin, at takot sa Diyos, at dahil tuluyan silang humihiwalay kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at tuluyan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang matibay na paniniwala sa pagsunod sa Diyos, at ang pagsunod at takot nila sa Diyos ang tumalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang isinuko ni Satanas. Tanging ang mga taong tulad ng mga ito ang mga tunay na nakamtan ng Diyos, at ito ang tunay na layunin ng Diyos sa pagligtas sa tao. Kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, kung gayon lahat ng gustong sumunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga tukso at paglusob na maliit at malaki galing kay Satanas. Ang mga taong mangingibabaw sa mga tukso at paglusob at nagagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas ng Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at nilusob ni Satanas nang di mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at mga kinakailangan ng Diyos, at nagagawang sumunod sa dakilang kapangyarihan at pag-aayos ng Diyos, at hindi nila itinakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa gitna ng mga tukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas ng Diyos ay nagtataglay ng katapatan, sila ay may mabuting puso, pinaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may katinuan sila ng katarungan at sila ay makatwiran, at nagagawa nilang pangalagaan ang Diyos at pahalagahan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi tinatalian, minamanmanan, pinaparatangan, o inaabuso ni Satanas, sila ay ganap na malaya, sila ay ganap na malaya at napakawalan na. Si Job ay isang tao ng kalayaan, at ito ang tiyak na kahulugan kung bakit ipinasa siya ng Diyos kay Satanas.
Si Job ay inabuso ni Satanas, ngunit nakakuha rin siya ng walang hanggang kalayaan at pagpapalaya, at nagkamit ng karapatan na hindi na kailanman muling mapasailalim sa katiwalian, pag-aabuso, at mga paratang ni Satanas, sa halip ay mabuhay sa liwanag ng pagsang-ayon sa Diyos na malaya at walang hadlang, at ang mabuhay sa gitna ng pagpapala ng Diyos sa kanya. Walang maaaring mag-alis, o sumira, o kumuha ng karapatang ito. Ito ay ibinigay kay Job kapalit ng kanyang pananampalataya, determinasyon, at pagsunod at takot sa Diyos; nagbayad si Job ng kanyang buhay upang manalo ng kagalakan at kaligayahan sa lupa, upang mapanalunan ang karapatan at pagiging karapat-dapat, itinakda ng Langit at kinilala sa lupa, upang sumamba sa Lumikha nang walang hadlang bilang isang tunay na nilalang ng Diyos sa lupa. Ito rin ang pinakamalaking kinalabasan ng mga tukso na tiniis ni Job.
Kapag ang mga tao ay ililigtas pa lang, ang mga buhay nila ay madalas na pinanghihimasukan, at pinamamahalaan, ni Satanas. Sa ibang salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay tinutugis na mabuti at nilulusob na matindi ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang karaniwang buhay na masasabi, at higit pa wala silang dangal na masasabi. Tanging kung ikaw ay manindigan at makipaglaban kay Satanas, gamit ang iyong pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at pagkatakot sa Diyos bilang mga sandata na gagamitin para sa buhay-at-kamatayan mong pakikipaglaban kay Satanas, na sukdulan mong matatalo si Satanas at magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at magiging duwag tuwing makikita ka nito, para tuluyan nang itigil ang kanyang mga paglusob at paratang laban sa iyo—doon ka lang maililigtas at magiging malaya. Kung ikaw ay determinadong lumaya nang lubusan mula kay Satanas, ngunit wala kang mga sandatang tutulong sa iyo para matalo si Satanas, kung gayon ikaw ay manganganib pa rin; at sa paglipas ng panahon, kapag ikaw ay lubhang napahirapan na ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo, ngunit hindi mo pa rin magawang magpatotoo, hindi pa rin tuluyang napapalaya ang iyong sarili sa mga paratang at paglusob ni Satanas laban sa iyo, kung gayon maliit na lang ang pag-asa na maililigtas ka. Sa katapusan, kapag ang konklusyon ng gawain ng Diyos ay ipinapahayag, nasa mahigpit na pagkakahawak ka pa rin ni Satanas, na hindi mo magawang palayain ang iyong sarili, sa gayon hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa. Ang pahiwatig, sa gayon, ay magiging ganap nang mga bihag ni Satanas ang ganitong mga tao.
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-Tungkol Kay Job (II)
Ang Pagkamakatwiran ni Job
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.
Mga Klasikong Musika l“Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos” (Tagalog Dubbed)
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Mga minamahal na kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,
Kamusta sa inyong lahat! Kamakailan lamang ay binigyan ako ng isang patotoo tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at binigyan din nila ako ng isang kopya ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos itong basahin ay naramdaman ko na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakasisiguro ako na ang mga salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay binigkas ng Banal na Espiritu. Gayunman, ang hindi ko lubos na nauunawaan ay kung bakit ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay higit sa Biblia.
Zhenxin
Kumusta Kapatid na Zhenxin,
Kung nais nating linawin ang isyung ito, dapat munang maunawaan natin ang pagbubuo at istruktura ng Biblia. Kasama sa Biblia ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Itinala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos na paglikha ng lupa at ang gawaing isinagawa sa Kapanahunan ng Kautusan, itinala ito ni Moises at ng mga propeta. Itinala ng Bagong Tipan ang gawaing isinagawa ng Panginoong Jesus sa Judea, isinulat ito ng mga disipulo ni Jesus na malapit na sumunod sa Kanya matapos lumisan ang Panginoong Jesus. Sa simula ang mga liham na ito ay kumalat sa iba’t ibang lupain, hanggang sa matapos ang mahigit 300 taon pagkatapos umalis ang Panginoon, sa isang pulong ng relihiyon, ang mga pinuno ng relihiyon mula sa iba’t ibang bansa ay pumili ng 27 na liham mula sa lahat ng mga ito na kumalat, at inayos nila ang mga ito upang maging Bagong Tipan ngayon. Ibig sabihin, nang dumating ang Panginoong Jesus upang isakatuparan ang Kanyang gawain, wala pang Bagong Tipan, ang Bagong Tipan ay hindi nabuo hanggang sa mahigit tatlong daang taon pagkatapos na umalis ang Panginoon. Ang Biblia ay isang talaan lamang at testimonya ng gawain na ginawa ng Diyos noong nakaraan, ito ay isang nakasulat na makasaysayang gawain ng gawain na isinagawa ng Diyos noong nakaraan.
Ang gawain ng Diyos ay may prinsipyo, ito ay hindi nililimitahan ng Biblia, sa halip, ito ay isinasagawa batay sa sariling plano ng Diyos at mga pangangailangan ng tao sa panahong iyon, ito ay lubusang lumalabas sa Biblia. Tulad ng pagdating ng Panginoong Jesus sa lupa upang maisakatuparan ang gawain, hindi Niya sinunod ang mga batas ng Lumang Tipan, kundi ang Kanyang gawain ay lubusang lumampas sa batas, ang lahat ng ginawa Niya ay isang bagong gawain na lumampas sa Lumang Tipan. Halimbawa: Hiningi ng Lumang Tipan sa tao na sambahin ang Diyos sa templo, ngunit isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa labas ng templo, hinihingi sa mga tao na gamitin ang kanilang mga puso upang tapat na sumamba sa Diyos; hiningi ng Lumang Tipan sa tao na ang tao ay hindi dapat magtrabaho sa Araw ng pamamahinga, ngunit ang Panginoong Jesus ay inaasikaso ang may sakit sa Araw ng pamamahinga; ang Lumang Tipan ay ginawang patakaran na kung ang tao ay nagkasala ay maaari lamang siyang mapatawad sa pamamagitan ng paghahandog ng sakripisyo, ngunit sinabi ng Panginoong Jesus na hangga’t ang mga tao ay naniniwala sa Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, sila ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan …. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na ang gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay hindi katulad ng gawaing isinagawa alinsunod sa Lumang Tipan, ang lahat ng ito ay bagong gawain na lumampas sa Lumang Tipan. Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman nagpapatuloy sa parehong lumang daan, Siya ay laging nagsasagawa ng bagong gawain, at ang bawat yugto ng bagong gawain na isinagawa ng Diyos ay isinasagawa upang mas makamit ang kaligtasan ng tao.
Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?
Mga kapatid:
Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?
Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Sa Pananampalatayang Katoliko: Alam mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos
Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Yahweh; sa Kapanahunan ng Biyaya, kinuha Niya ang pangalang Jesus, at sa Aklat ng Pahayag pinopresiya na magkakaron uli ng bagong pangalan ang Diyos. Bakit nagbabago ng pangalan ang Diyos? Halos pagsarhan ko ng pinto ang pagbabalik ng Panginoong Jesus dahil hindi ko naiintindihan ang aspetong ito ng katotohanan. Pero sa huli, matapos ang panahon ng paghahanap at pag-iimbestiga, sa wakas naunawaan ko ang mga misteryo sa likod ng pangalan ng Diyos at sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Itinatagong Paniwala, Pinagsasarhan ng Pinto ang Diyos
Noong Setyembre 2017, isang kaibigan ko ang nag-imbita sa isang Brother Yang para magbahagi ng isang sermon sa amin. Nung araw na ‘yon pumunta ako nang maaga sa pinag-usapang lugar at matapos magbatian ang lahat, sinimulan na namin ang pag-aaral ng Biblia.
Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon
Max Estados Unidos
Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.
Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)
Tian Ying
Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? … Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
Pagkaunawa sa Buhay-Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon
Qingxin, Myanmar
Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.
Pagkilala sa Diyos-Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Pagliligtas at Pagkamit ng Buong Kaligtasan
Sa tuwing nababanggit ang pagkakaiba sa pagitan ng pagliligtas at pagkamit ng buong kaligtasan, marahil ay may ilang mga kapatid ang magsasabing, “Mayroon bang pagkakaiba sa pagitan ng pagliligtas at pagkamit ng buong kaligtasan? Hindi ba’t ang kahulugan ng maligtas ay pagkamit ng buong kaligtasan? Nailigtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, kaya hindi ba’t nakamit na natin ang buong kaligtasan? Kapag dumating ang Panginoon, agad tayong matitipon sa langit.” Ngunit tunay nga bang ganoon ito kasimple? Mas makabubuti sa atin na maghanap at pag-usapan ang bagay na ito.
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos
August 15, 2012 Hong Wei, Beijing
Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.
Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!” Ang kabiyak ng aking sapatos ay naanod na ng baha kaya minabuti kong magtungo sa pangunahing kalsada. Subalit nanghina ako sa aking nakita; ang kabilang kalsada ay nakabakod at hindi ako makaliban.
Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya.
Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Basta magtitiis tayo hanggang sa huli, Pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, ‘yon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng ano ma’ng pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na ‘yon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo ‘yon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit ano’ng mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao.
Ang tanong n’yo ay napakahalaga. Tungkol ito sa kung madadala ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon. Nadarama ng maraming nananalig sa Panginoon na ang pagsunod sa halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon ay kapareho ng pagsunod sa daan ng Panginoon at pagkamarapat na tanggapin sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ito ang pagkaunawa ng maraming tao. Ang pagkaunawa bang ito ay batay sa salita ng Panginoon? Nasisiyahan ba ang puso ng Panginoon kung ganito ang gagawin natin? Talaga bang sinusunod natin ang daan ng Panginoon sa pagsisikap para sa Panginoon na katulad ni Pablo? Magiging karapat-dapat ba tayo para sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
(Gen 18:26) At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.
(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:30) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:31) At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
(Gen 18:32) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos
na, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”
(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila’y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila’y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa’t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti’t malaki: ano pa’t sila’y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos
Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na Siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng mga tao at lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anumang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.
Pagkilala sa Diyos-Makakapasok ba ang mga Kristiyano sa Kaharian ng Langit sa Pamamagitan ng Paggawa?
Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,
Kamakailan lamang, isang tanong ang gumugulo sa akin, at nais kong humingi ng mga sagot mula sa inyo: Maraming taon na akong naniniwala sa Panginoon, at palagi akong tumatalikod, gumugugol sa Diyos, at ginagawa ang gawain ng Panginoon, dahil palagi akong naniniwala na kapag naniwala ako sa ganitong paraan, kapag dumating ang Panginoon, hahayaan ako nitong maitaas sa kaharian ng langit. Ngunit kamakailan lamang, nakita ko sa Biblia na sinabi ng Panginoong Hesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Nalilito ako dito. Bakit hindi maaaring pumasok sa kaharian ng langit ang mga nagpapakalat ng ebanghelyo, nagpapagaling ng may sakit, at nagpapalayas ng demonyo sa ngalan ng Panginoon? At bakit sinasabi ng Panginoon na sila ang mga gumagawa ng kasamaan? Nangangahulugan ba ito na tayo na nagtatrabaho, tumatalikod at gumugugol sa Diyos ay hindi yaong mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? Ano ang mga pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit? Umaasa ako na matutulungan ninyo akong malutas ang mga kalituhan ko.
Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos. Sa huli, magiging kaharian ng Diyos ang mga kaharian sa lupa. Matapos masira ang lumang mundo sa malalaking sakuna, lilitaw ang Milenaryong Kaharian. Ang mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo. At matutupad na ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Yon ang ganap na tutupad sa propesiyang: Darating sa lupa ang bagong Jerusalem. Naging tao ang Diyos at isinasagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para tapusin ang madilim at masamang henerasyong ito. Lahat ng nakakarinig sa tinig ng Diyos at nadala sa Kanyang trono ay magiging perpekto at mananagumpay. At magsisimula na ang malalaking sakuna. Tanging ang mga nalinis na at nailigtas ng gawa ng Diyos sa mga huling araw ang mananatili. Sila ang magiging mamamayan ng kaharian ng Diyos. Tayo ang pinakapinagpala ngayon dito para tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tayong mapapalad na nakarinig sa tinig ng Diyos at naiakyat sa harap ng Kanyang trono ay lilinisin sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at magiging mga mananagumpay bago ang mga sakuna, ang mga unang bunga na nakamit ng Diyos. Tapos ipapadala na ng Diyos ang malalaking sakuna. Lahat ng lumalaban sa Diyos, gano’n din ang lahat ng masasamang hindi nananampalataya ay malilipol sa malaking sakuna. Lahat ng nalinis at ginawang perpekto ay makakatanggap ng proteksyon ng Diyos habang nagaganap ang sakuna, at sila’y makakaligtas. Pag bumaba na ang Diyos sa alapaap at magpakita sa lahat, pupunta ang Diyos sa Kanyang kaharian sa lupa. Yon ang malapit nang tuparin ng Diyos. Kung tayong mga sumasampalataya ay hindi makita ang pangitaing ito, hindi ba tayo bulag? Yung mga tumitingala lang sa langit at naghihintay na bumaba mula sa alapaap ang Panginoon ay tatangis at magngangalit ang mga ngipin kung talagang bumabalik na Siya mula sa mga ulap. Kagaya lang ‘yon ng mga propesiyang nasasaad sa Pahayag: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7). Ang mga taong hindi nakakarinig sa tinig ng Diyos bago ang mga sakuna at nabigong madala sa harap ng Kanyang trono ay magagapi sa mga sakuna at mapaparusahan doon, tataghoy at magngangalit ang kanilang mga ngipin.
Unang nilikha ng Diyos ang tao sa lupa. Ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Sa huli, ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Nagawa ang lahat ng ito sa lupa hanggang sa lumitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa. Samakatwid, itatayo sa lupa ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw. Ang huling destinasyon ng sangkatuhan ay sa lupa, hindi sa langit. Itinakda na ‘yan ng Diyos. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba.