9.5.19

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)


Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)


Tian Ying
Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? … Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.

Sa unang oras sa umaga ng sumunod na araw, nagdesisyon ako na magpunta sa tahanan ng Kapatid na Hu at hanapin ang kapatid na babae na nagpalaganap ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos upang makapagpatuloy kami sa pakikipagsamahan. Sino ang mag-aakala, na bago pa man ako lumabas ng pinto si Kapatid na Hu ay dinala ang kapatid na babae sa aking bahay. Nang oras na iyon naalala ko na nararamdaman kong ang Panginoon ay ginabayan sila na gawin ito. Pagkatapos pumasok ng kapatid na babae, una niya akong tinanong nang may malasakit kung nagambala ba ako o hindi ng pastor kahapon. Walang pag-aalinlangan kong sinabi: “Hindi, pagkatapos ng samahan kahapon, bumalik ako dito at maingat na pinag-isipan ang lahat, at napagtanto ko na hindi talaga tayo basta malilinis sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus, ang ating karumihan at kasamaan ay mananatili, at kasama iyon hindi natin matatamo ang kaligtasan ng Diyos. At ito pa, nabasa ko rin ang isang talata sa Biblia na humula talaga na ang Panginoon ay babalik upang isagawa ang Kaniyang gawain sa paghatol sa mga huling araw. Ang bagay na pinakanais kong malaman ngayon ay: Ano ba talaga ang gawain ng paghatol na isasagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay parehas na maglilinis at magbabago ng tao?”

Sinabi ng kapatid na babae na may kagalakan na: “Salamat sa Diyos! Ang katanungan na iyong itinanong ay talagang napakahalaga, sapagkat may kinalaman ito sa mahalagang paksa kung paano ang pananampalataya natin sa Diyos ay talagang hahayaan tayo na matamo ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit. Tingnan muna natin kung paano ito sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na: “Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”


Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, ang kapatid na babae ay nagpatuloy sa pagbabahagi: “Sa pamamagitan ng salita ng Diyos nauunawaan natin na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay gumagamit ng maraming aspeto ng katotohanan upang ilantad ang tao at suriin ang tao, at ang gawain na ito ng paghatol ay naisagawa gamit ang Kaniyang matuwid at makaharing disposisyon na hindi mapipigilan ng kasalanan ng tao. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang ipahayag ang diwa at katotohanan tungkol sa katiwalian ng tao, at hatulan ang ating mala-satanas na kalikasan na lumalaban sa Diyos at nagtataksil sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos iba’t-ibang uri ng ating katiwalian ang nalilinis, gaya ng pagkakaron ng saganang pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa gawain ng Diyos, o pagturing sa ating sariling pagkaintindi bilang katotohanan sa ating pagsuri sa gawain ng Diyos, upang hatulan natin ang Diyos, kondenahin ang Diyos at labanan ang Diyos ayon sa gusto natin; bagaman naniniwala tayo sa Diyos wala talaga tayong pagkakaiba sa mga hindi mananampalataya, parehas nating hinahabol ang katanyagan at kapalaran, pumapayag na magbayad anumang halaga para rito, ngunit wala kahit isang tao ang nabubuhay upang magbigay kasiyahan sa Diyos; tumitingin din tayo sa maraming bagay na may mga pananaw na hindi naaayon sa Diyos, gaya ng ating paniniwala na hanggang naniniwala tayo sa Panginoon tayo ay maliligtas, at kapag dumating ang Panginoon tayo ay madadala sa kaharian ng langit, kung saan ang totoo sinasabi talaga ng Diyos na tanging sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos magagawa ng tao na pumasok sa kaharian ng langit. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang mga tiwaling disposisyon na ito, maling paraan ng pag-iisip at mga patakaran ni Satanas sa pamumuhay ay malilinis at magbabagong anyo, at mas tunay na susundin natin ang Diyos, at kasabay nito, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, magagawa rin natin na makilala na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi mapipigilan ng kasalanan ng tao, mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, magkakaroon tayo ng paggalang sa Diyos, malalaman natin kung paano gawin ang mga bagay upang matamo ang papuri ng Diyos, at magagawa natin na maayos na maisagawa ang ating mga tungkulin. Sa pamamagitan ng pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mas mauunawan natin ang katotohanan. Halimbawa: Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na makamtan ang kaligtasan; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng sumunod sa Diyos at mahalin ang Diyos; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng sumunod sa kalooban ng Diyos. Habang nakakamit natin ang pagpasok sa katotohanan sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, ang ating mga tiwaling disposisyon ay mababagong lahat sa iba’t-ibang antas, at ang ating mga pananaw sa buhay at mga sistema ng pagpapahalaga ay magbabagong anyo din. Ito ang gawain ng paghatol at pagkastigo na isinasagawa ng Diyos sa atin, matatawag mo rin ito na mapagmahal na kaligtasan ng Diyos. Kaya, tanging sa pamamagitan ng pagtanggap ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos magagawa natin na matanggap ang katotohanan, pagkatapos lamang nito natin magagawa na makawala mula sa kasalanan at malilinis at matatamo ang kaligtasan. Kapatid na babae, nagagawa mo bang tanggapin ang pagbabahaging ito?”

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapatid na babae, nagawa kong maunawaan ang gawain ng Diyos at ang Kaniyang kalooban. Bilang resulta, tumango ako, lubhang naantig ang damdamin, at sinabi ko: “Salamat sa Diyos, sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pamamagitan ng iyong pagbabahagi, dumating ako sa pagkaunawa na sa mga huling araw ginagamit ng Diyos ang katotohanan ng Kaniyang salita upang isagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao. Ang mga nakaraan kong paghabol ay napakalabo, ang mga ito ay hindi praktikal, ngunit ngayon nauunawaan ko na sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw na ang tao ay magagawang linisin ng Diyos at matamo ang kaligtasan upang siya ay makapasok sa kaharian ng langit. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus! Ako ay malugod na tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang ang aking tiwaling disposisyon pagdating ng araw ay mababago.” Habang siya ay nakikinig sa akin sa pagsasabi ko nito, ang kapatid na babae ay masayang ngumiti, at patuloy na nagbigay ng kaniyang pasasalamat sa Diyos.

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pinalaya ako sa mga pagkaintindi na mayroon ako sa aking isipan, at ipinakita nila sa akin ang daan sa pagtapon ng aking mga tiwaling disposisyon at sa pagiging malinis. Naramdaman ko na mayroon akong malinaw na daan upang bumaba sa paghabol sa pagtamo ng kaligtasan, at ang pakiramdam ng aking espiritu ay maliwanag at matibay, na parang ito ay napalaya. Habang tumitingin ako sa labas ng aking bintana naramdaman ko na ang himpapawid ng araw na iyon ay malinaw at maaraw. Ako aynapabagsak sa lapag at nanalangin sa Diyos: “O Diyos, ibinibigay ko ang pasasalamat sa Iyo, sapagkat biniyayaan Mo ako sa pamamagitan ng pagpapahintulot Mo na makilala Kita sa aking buong buhay! O Diyos, naniniwala ako sa Iyo, at nananabik ako sa Iyong pagdating nang sa gayon ay matanggap ko ang Iyong kaligtasan. Ngunit ako ay bulag at ignorante, sapagkat naniwala ako sa mga sabi-sabi na ikinalat ng mga pastor at nakatatanda, pinanghawakan ko ang aking pagkaintindi at imahinasyon, at halos mawala ko ang aking walang hanggang kaligtasan! O Diyos, ako ay lubhang ignorante at manhid! Ako ay malugod na nagsisisi, at pinahahalagahan ko itong lubos na bihirang pagkakataon na matamo ang kaligtasan. Malugod din ako na magdadala sa mga kapatid na lalaki at babae sa Iyong presensya na hindi pa lumalapit sa Iyo upang matamo nila ang kaligtasan! Siya nawa!”