Pagkilala sa Diyos-Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Pagliligtas at Pagkamit ng Buong Kaligtasan
Sa tuwing nababanggit ang pagkakaiba sa pagitan ng pagliligtas at pagkamit ng buong kaligtasan, marahil ay may ilang mga kapatid ang magsasabing, “Mayroon bang pagkakaiba sa pagitan ng pagliligtas at pagkamit ng buong kaligtasan? Hindi ba’t ang kahulugan ng maligtas ay pagkamit ng buong kaligtasan? Nailigtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, kaya hindi ba’t nakamit na natin ang buong kaligtasan? Kapag dumating ang Panginoon, agad tayong matitipon sa langit.” Ngunit tunay nga bang ganoon ito kasimple? Mas makabubuti sa atin na maghanap at pag-usapan ang bagay na ito.
1. Anong Kahulugan ng Maligtas? Wala na ba Tayong Kasalanan Matapos Tayong Maligtas?
Una, basahin natin ang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.” Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na naligtas tayo sa pamamagitan ng paniniwala natin sa Panginoon dahil nagsagawa ang Panginoong Jesus ng gawain ng pagtubos. Isinuko ng Panginoon ang Kanyang sarili bilang handog sa kasalanan at ipinako sa krus, at noon Niya tayo natubos mula sa kasalanan. Kaya naman, sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoon, hindi na tayo makasalanan at hindi na tayo nakagapos sa kautusan. Kapag nagkakasala tayo ngayon, nagagawa nating lumapit ng diretso sa Diyos upang manalangin sa Kanya, at maaari nating hingin sa Panginoon na patawarin tayo. Ito ang kahulugan ng maligtas.
Kung ganoon ay wala na ba tayong kasalanan matapos tayong maligtas? Makikita natin sa sarili nating mga karanasan na, kahit magpakahirap tayo at magtrabaho ng husto, at maaaring gumawa rin tayo ng mga panlabas na magagandang gawain, nagagawa pa rin nating magkasala nang madalas, at hindi natin itinakwil ang gapos ng kasalanan. Ang mga disposisyon natin sa buhay ay hindi nagbago, at sa sandaling may makatagpo tayo na hindi ayon sa ating sariling mga paniniwala o bagay na lumalabag sa sarili nating mga interes, inihahantad natin ang napakaraming mga masasamang disposisyon at, bilang resulta, naghihimagsik tayo laban sa Diyos at nilalabanan ang Diyos. Halimbawa, sa loob ng iglesia, sa tuwing may ibang magbibigay ng sermon na ipinapakitang mas magaling sila sa atin, nakakaramdam tayo ng selos sa kanila o sinusubukan nating siraan sila nang palihim; kapag may ibang lumalabag sa sarili nating mga interes, nagagalit tayo sa kanila at, sa mga mas malalang kaso, maaari tayong magalit at gumanti sa kanila; sa tuwing may iiwan tayo o gugulin ang ating mga sarili nang kaunti sa ating gawain para sa Panginoon, ipinagmamayabang natin ang ating mga nagawa at naglalatag ng mga kondisyon sa Diyos, o kung hindi ay hahamakin at pipintasan ang ibang mga tao; sa tuwing mayroon tayong pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa ating mga gawain at mga sermon at makakakuha tayo ng resulta, labis tayong matutuwa sa ating mga sarili at kakamkamin natin ang kaluwalhatian ng Diyos; matapos nating magdusa at magbayad at wala tayong nakukuhang kapalit at hindi nasisiyahan ang ating mga personal na interes, sinisisi natin ang Diyos at hindi natin Siya maunawaan, naniniwala na hindi tayo pinoprotektahan o binibiyayaan ng Diyos; kapag may ginawa tayong lumalabag sa mga kautusan ng Diyos, natatakot tayo na malaman ng iba, at nagsisinungaling tayo upang linlangin ang iba at upang linlangin ang Diyos; kapag maraming taon tayong naniwala sa Diyos at iniisip natin na hindi tayo binibigyan ng sapat na biyaya ng Diyos, sinusunod natin ang pamamaraan ng mundo at nagtataksil sa Diyos, at iba pa. Ang ganoong mga klase ng pagkilos at ekspresiyon ay sapat na upang patunayan na namumuhay pa rin tao sa kasalanan at namumuhay tayo sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas; pinatutunayan nila na ang ating kalikasan ay satanikong kalikasan pa rin, na ang ating mga iniisip at pananaw ay nauukol sa mundo, at na may kapasidad tayo na hindi makatwirang pagtaksilan ang Diyos at bumalik sa ating makamundong mga buhay dahil sa kahit anong sitwasyon na hindi umaayon sa ating sariling mga ideya.
2. Ano ang Ibig Sabihin sa Pagkamit ng Buong Kaligtasan? Anong Mga Pag-uugali ang Nagagawa ng mga Nagtataglay ng Buong Kaligtasan?
Una, basahin natin ang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag iniwan ng tao ang karumihan, mga tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung manananatili silang walang kakayahan na alisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon mananatili pa rin sila sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay mga bagay ni Satanas; sa pagliligtas sa iyo, ihihiwalay ka ng Diyos mula sa mga bagay na ito at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali, at ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. … Kung ikaw ay nabubuhay sa ialim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, at ikaw ay magiging normal, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos.”
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang pagkamit ng buong kaligtasan ay nangangahulugan na itakwil ang kasalanan at madalisay. Ibig sabihin, ang mga nagkamit ng ganap na kaligtasan ay hindi lamang gumagawa ng ilang mga panlabas na mabuting gawa, ngunit ang kanilang mapagmataas, makasarili, mapanlinlang at masamang kalikasan ay nagbago, at nabuhay sila sa mga salita ng Diyos, ganap na nagpapasakop sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos at, kahit na nahaharap sa pagbabanta ng nalalapit na kamatayan, nagagawa pa rin nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa bumalik upang mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi na sila maaaring maghimagsik laban sa Diyos. Tanging ang mga ganitong klase ng tao lamang ang lubos na natamo ng Diyos. Ang mga nagkamit ng ganap na kaligtasan ng Diyos ay ang mga nauunawaan ang katotohanan, na nakakakilala sa Diyos at maaaring sumunod sa Diyos; ang mga nagkamit ng ganap na kaligtasan ay ang mga mananatiling patotoo sa gitna ng lahat ng uri ng mga tukso ni Satanas, na maaaring mabuhay sa pamamagitan ng katotohanan, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan; ang mga nagkamit ng lubos na kaligtasan ay yaong mga mapagbigay sa kalooban ng Diyos, na nagsasalita ng matapat at direkta, na may mabuting kalooban, na kayang mahalin at pasayahin ang Diyos, na ang pananaw sa mga salita ng Diyos ay mga patakaran para sa kanilang mga kilos at paggawi, na maaaring mabuhay ng isang tunay na kawangis ng tao, at kung sino ang maaaring luwalhatiin ang Diyos at ihayag Siya sa lahat ng kanilang ginagawa.
3. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Pagliligtas at Pagkamit ng Buong Kaligtasan
Tinalakay lamang natin kung anong kahulugan ng pagliligtas at kung mayroon o wala na tayong kasalanan matapos tayong maligtas, at tinalakay din natin kung anong kahulugan ng pagkamit ng buong kaligtasan, at anong mga pagkilos ang inihahayag ng mga nagkamit ng buong kaligtasan. Naniniwala ako na alam na ng lahat ang kaibahan sa pagitan ng pagliligtas at pagkamit ng buong kaligtasan. Ang kahulugan ng pagliligtas ay hindi na tayo hinahatulan ng kautusan, na hindi na tayo mga makasalanan, na tinubos na tayo ng Diyos, na naaangkop na tayong pumunta sa harap ng Diyos ngunit, sa kabila ng maaari tayong gumawa ng mga panlabas na mabubuting gawain, nananatili pa ring malalim ang ugat ng makasalanang kalikasan natin. Ang pagkamit ng buong kaligtasan, sa kabilang banda, ay nangangahulugan na nagbago na ang mga disposisyon natin sa buhay, na nagagawa na nating isabuhay ang katotohanan, na hindi na tayo gumagawa ng anumang kasalanan, na nagagawa na nating sundin ng buo ang mga salita ng Diyos at sinusunod ang Diyos, na nagagawa nating isabuhay ang reyalidad ng mga salita ng Diyos, at na ganap na tayong malaya sa impluwensiya ni Satanas at naging malayang mga tao.
Sa kabaligtaran, ang ating kasalukuyang sitwasyon bilang mga kapatid sa Panginoon ay nabubuhay pa tayo sa iba’t ibang uri ng masasamang disposisyon, at nabubuhay tayo sa buhay kung saan nagkakasala tayo sa araw at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa gabi. Tayo ay walang kakayahan na talikuran ang mga pang-aakit at temptasyon ni Satanas, at maaari pa rin tayong magrebelde laban sa Diyos, labanan ang Diyos, sisihin ang Diyos at hindi maunawaan ang Diyos. Ang buhay natin ay hindi maaaring luwalhatiin ang Diyos o ihayag Siya, kaya paano natin maaaring sabihin na mayroon tayong ganap na kaligtasan? Sinasabi ng Diyos, “Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1 Pedro 1:16). “Kung ikaw ay nabubuhay sa ialim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, at ikaw ay magiging normal, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos.” Ang kakanyahan ng Diyos ay banal at matuwid. Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang uri ng kasalanan sa loob natin at kinamumuhian ang lahat ng iba’t ibang uri ng dumi sa loob natin; ang marumi at tiwaling mga tao gaya natin ay hindi nararapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Sa ating paniniwala sa Panginoon, tanging sa pamamagitan lamang ng pagtataboy sa lahat ng mga maruming bagay na ito at pagiging dalisay natin makukuha ang papuri ng Diyos at mapapatnubayan Niya sa isang magandang patutunguhan. Samakatuwid, ang pagliligtas ay hindi nangangahulugan na nakamit na natin ang ganap na kaligtasan, at kapag ang Panginoon ay nagbalik, hindi tayo matitipon kaagad sa langit.
4. Paghahanap ng Daan Upang Makamit ang Ganap na Kaligtasan
Kaya nasaan ang landas upang magkaroon ng ganap na kaligtasan? Sa katunayan, matagal nang sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang tungkol sa landas upang magkaroon ng ganap na kaligtasan. Tingnan natin ang ilang mga talata sa Biblia, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:17). “Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay” (Pahayag 21:6). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Ipinakita sa atin ng Panginoon ang paraan upang matamo ang ganap na kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit. Iyon ay, ngayon sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay babalik para sa pangalawang pagkakataon upang ipahayag ang lahat ng mga katotohanan, at sa bawat isa at sa bawat tao na nauuhaw at naghahanap ng anyo ng Diyos, ay magbibigay Siya ng malaya sa bukal ng tubig ng buhay, dahilan upang makuha natin ang buhay na tubig ng bagong buhay mula sa Diyos at para sa ating espirituwal na buhay upang makakuha ng panustos. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagdaranas ng paghatol at parusa ng mga salita ng Diyos, malilinis ang ating masasamang disposisyon, itatakwil natin ang mga gapos ng kasalanan, aalisin natin ang lahat ng madilim na satanikong impluwensiya, at mabubuhay tayo sa mga salita ng Diyos. Kapag dumarating sa atin ang mga pagsubok ng Diyos, magagawa nating pagtibayin ang ating patotoo at magiging mga taong sumusunod sa Diyos, niluluwalhati ang Diyos at nagagawang ipakita ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa. Sa ganitong paraan, tunay na matatamo natin ang ganap na kaligtasan at magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos.
Mga kapatid, nawa ay liwanagan tayo ng Panginoon, upang malinaw nating makita ang kaibahan sa pagliligtas at pagtamo ng ganap na kaligtasan, at upang walang pasubaling hindi tayo madumihan ng ating mga maling pananaw at mga imahinasyon at dahilan upang maantala ang dakilang kaganapan ng ating pagpasok sa kaharian sa langit. Dapat tayong maging matatalinong birhen at saliksikin ang katotohanan nang may bukas na isip, dahil tanging sa ganoong paraan lamang natin magagawang salubungin ang pagpapakita ng kasintahang-lalaki sa lalong madaling panahon, dumalo sa piging ng Kordero at matubigan ng tubig ng buhay. Sa sandaling maranasan natin ang gawain ng paghuhukom at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, itakwil ang lahat ng ating mga tiwaling disposisyon at isinasabuhay natin ang katotohanan ng mga salita ng Diyos, noon natin makakamit ang ganap na kaligtasan at papasok sa kaharian sa langit.
Lahat ng kaluwalhatian sa Diyos, Amen!