11.5.19

Tagalog Worship Songs | “Kilalang-Kilala ni Pedro ang Diyos”

Tagalog Worship Songs | “Kilalang-Kilala ni Pedro ang Diyos”
I

Matagal nang tapat sa Diyos si Pedro,

pero kailanma’y di nagreklamo.

Maging si Job di n’ya kapantay,

lalong higit mga banal sa buong panahon.

Di lang niya hinangad na Diyos ay kilalanin,

pero makilala S’ya kapag nagpakana si Satanas.

Taon ng serbisyo napalugod ang Diyos;

Di s’ya makasangkapan ni Satanas.

Kilala ni Pedro ang Diyos,

kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos.

Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa iba.

II

Natutunan ni Pedro ang pananampalataya ni Job,

pero nabatid n’ya ang ilang bagay na di nabatid ni Job.

Kahit malaki ang pananampalataya ni Job,

kulang ang kaalaman n’ya sa espirituwal na kaharian.

Nagsabi siya ng maraming salita na di umayon sa katunayan.

Buong kaalaman n’ya’y mababaw pa rin,

di kaya ang pagka-perpekto.

Kilala ni Pedro ang Diyos,

kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos.

Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa iba.

III

Patuloy na sinikap ni Pedro na damahin ang espiritu.

Nakamasid siya sa mga galaw ng espirituwal na kaharian.

Di lang niya naunawaan ang kalooban ng Diyos,

kundi maging ang ilan sa mga pakana ni Satanas.

Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa sa iba.