Mga minamahal na kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,
Kamusta sa inyong lahat! Kamakailan lamang ay binigyan ako ng isang patotoo tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at binigyan din nila ako ng isang kopya ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos itong basahin ay naramdaman ko na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakasisiguro ako na ang mga salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay binigkas ng Banal na Espiritu. Gayunman, ang hindi ko lubos na nauunawaan ay kung bakit ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay higit sa Biblia.
Zhenxin
Kumusta Kapatid na Zhenxin,
Kung nais nating linawin ang isyung ito, dapat munang maunawaan natin ang pagbubuo at istruktura ng Biblia. Kasama sa Biblia ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Itinala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos na paglikha ng lupa at ang gawaing isinagawa sa Kapanahunan ng Kautusan, itinala ito ni Moises at ng mga propeta. Itinala ng Bagong Tipan ang gawaing isinagawa ng Panginoong Jesus sa Judea, isinulat ito ng mga disipulo ni Jesus na malapit na sumunod sa Kanya matapos lumisan ang Panginoong Jesus. Sa simula ang mga liham na ito ay kumalat sa iba’t ibang lupain, hanggang sa matapos ang mahigit 300 taon pagkatapos umalis ang Panginoon, sa isang pulong ng relihiyon, ang mga pinuno ng relihiyon mula sa iba’t ibang bansa ay pumili ng 27 na liham mula sa lahat ng mga ito na kumalat, at inayos nila ang mga ito upang maging Bagong Tipan ngayon. Ibig sabihin, nang dumating ang Panginoong Jesus upang isakatuparan ang Kanyang gawain, wala pang Bagong Tipan, ang Bagong Tipan ay hindi nabuo hanggang sa mahigit tatlong daang taon pagkatapos na umalis ang Panginoon. Ang Biblia ay isang talaan lamang at testimonya ng gawain na ginawa ng Diyos noong nakaraan, ito ay isang nakasulat na makasaysayang gawain ng gawain na isinagawa ng Diyos noong nakaraan.
Ang gawain ng Diyos ay may prinsipyo, ito ay hindi nililimitahan ng Biblia, sa halip, ito ay isinasagawa batay sa sariling plano ng Diyos at mga pangangailangan ng tao sa panahong iyon, ito ay lubusang lumalabas sa Biblia. Tulad ng pagdating ng Panginoong Jesus sa lupa upang maisakatuparan ang gawain, hindi Niya sinunod ang mga batas ng Lumang Tipan, kundi ang Kanyang gawain ay lubusang lumampas sa batas, ang lahat ng ginawa Niya ay isang bagong gawain na lumampas sa Lumang Tipan. Halimbawa: Hiningi ng Lumang Tipan sa tao na sambahin ang Diyos sa templo, ngunit isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa labas ng templo, hinihingi sa mga tao na gamitin ang kanilang mga puso upang tapat na sumamba sa Diyos; hiningi ng Lumang Tipan sa tao na ang tao ay hindi dapat magtrabaho sa Araw ng pamamahinga, ngunit ang Panginoong Jesus ay inaasikaso ang may sakit sa Araw ng pamamahinga; ang Lumang Tipan ay ginawang patakaran na kung ang tao ay nagkasala ay maaari lamang siyang mapatawad sa pamamagitan ng paghahandog ng sakripisyo, ngunit sinabi ng Panginoong Jesus na hangga’t ang mga tao ay naniniwala sa Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, sila ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan …. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na ang gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay hindi katulad ng gawaing isinagawa alinsunod sa Lumang Tipan, ang lahat ng ito ay bagong gawain na lumampas sa Lumang Tipan. Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman nagpapatuloy sa parehong lumang daan, Siya ay laging nagsasagawa ng bagong gawain, at ang bawat yugto ng bagong gawain na isinagawa ng Diyos ay isinasagawa upang mas makamit ang kaligtasan ng tao.
Idagdag pa, ang Panginoong Jesus ay nagtrabaho para sa 3-at-kalahating taon, sa panahong ito, sinong nakakaalam kung gaano karaming mga salita ang Kanyang sinambit at kung gaano karaming mga sermon ang ipinangaral Niya. Ang Apat na mga Ebanghelyo sa Bagong Tipan ay itinatala lamang ang isang limitadong bahagi ng mga salitang sinambit ng Panginoong Jesus, tulad ng sinabi ni Juan: “At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Pinatutunayan nito na ang salita at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi ganap na naitala sa loob ng Bagong Tipan, kaya ang sabihin na “ang salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, hindi kailanman maaaring gumawa ang Diyos ng higit sa Biblia” ay hindi alinsunod sa mga katotohanan.
Hinuhulaan ng Biblia, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16: 12-13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Tingnan ang Pahayag 2-3). Ang Diyos sa mga huling araw ay dapat pa ring magtrabaho at magsambit ng mga salita, dapat Niyang ipahayag ang higit pang mga katotohanan upang magbigay sa mga tao, at imposible para sa mga katotohanang ito na awtomatikong mapunta sa Biblia bago pa sila mangyari. Sa mga huling araw ay bumalik ang Diyos upang iligtas ang tao sa pamamagitan ng mga salita ng paghatol na ipinahahayag Niya, at yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya ay lilinisin at pagkatapos ay dadalhin sila ng Diyos sa isang kahanga-hangang patutunguhan. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag kung saan sinasabi nito: “At narito, ako’y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito” (Pahayag 22:7). Kung sa pagbabalik ng Diyos ay hindi Niya mahigitan ang Biblia ayon sa ating pinaniniwalaan, kung gayon ay paano matutupad ang mga propesiya na tinutukoy ng Diyos at mangyayari tulad ng sa hula?
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan ninyong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawa, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. … Ang gawain sa kasalukuyan ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi pa kailanpaman nagawa—ito ang pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa panghuhula ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawa ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawa na lampas sa Israel, at gawa na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawa? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawa ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna?” Mula sa salita ng Diyos ay maaari nating maunawaan na ang gawain ng Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at hindi ito nauulit. Sa bawat panahon ay gagawin ng Diyos ang isang bagong yugto ng gawain, at ang bagong gawain na ito ay natural na hindi maitatala sa Biblia, kaya hindi natin maaaring gamitin ang Biblia upang limitahan at suriin ang gawain ng Diyos. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, upang isagawa ang gawain ng pagpapahayag ng mga salita ng paghatol upang linisin ang tao. Tinutupad ng salita at gawain ng Diyos ang mga propesiya sa Pahayag. Tayo na naniniwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos ay hindi dapat ikulong ang Diyos sa Biblia, sapagkat ang Diyos ay totoo at buhay na Diyos, at ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay upang iligtas at linisin ang tao. Kung magagawa nating makilala ang layunin sa gawain ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at naunawaan na ang gawain at salita ng Diyos ay upang maitapon natin ang ating masasamang disposisyon, at upang makawala sa mga gapos at paglilimita ng ating mga kasalanan, kung gayon ay nararapat na tanggapin natin ang mga katotohanan na nagmula sa Diyos, nararapat na tanggapin natin ang gawain ng paghatol mula sa Diyos sa mga huling araw. Kung hindi natin susundin ang bagong gawain ng Diyos, kung tayo’y bulag na kakapit sa Biblia, kung tayo ay nalilimitahan at nakagapos sa pamamagitan ng Biblia, nang hindi hinahanap ang tunay na intensyon ng Diyos, hindi ba’t ito ay patungo sa landas ng pagkabigo na maniwala sa Diyos?
Ang maaari nating tanggapin at maintindihan ay may mga limitasyon din. Umaasa ako na ang pagbabahagi sa itaas ay makatutulong sa’yo sa iyong pag-aaral ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kung mayroon kang anumang hindi nauunawaan, mangyaring sumulat kang muli!