30.4.19

Awit ng Pagsamba-Thank You – Jesus Army

Pagkilala sa Diyos-The Devil Tempts Jesus



Pagkilala sa Diyos-The Devil Tempts Jesus



From this movie clip, we can see the Lord Jesus was tempted by the devil. At that time, the Lord Jesus’s three sentences were short but had authority and might. When the devil asked the Lord to tell stones to become bread, He answered, “It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that proceeds out of the mouth of God.” In the past, I didn’t know what’s the true meaning of this word, thinking: Why did God say that? Later, I found the answer from God’s word, “But the Lord Jesus said, ‘Man shall not live by bread alone,’ which means that, although man lives in a physical body, what gives him life, what allows his physical body to live and breathe, is not food, but all the words uttered by the mouth of God. On the one hand, man regards these words as truth. The words give him faith, make him feel that he can depend on God, that God is truth. On the other hand, is there a practical aspect to these words? (There is.) Why? Because the Lord Jesus has fasted for 40 days and nights and He is still standing there, still alive. Is this an illustration? The point here is that He has not eaten anything, any food for 40 days and nights. He is still alive. This is the powerful evidence behind His phrase.” “… truth and life reside in God’s substance. Whatever befalls Him, what He reveals is truth. This truth, this phrase—whether its content is long or short—it can let man live, give him life; it can enable man to find, within itself, truth, clarity about life’s journey, and enable him to have faith in God.

Pag-bigkas ng Diyos-JESUS Healing on Sabbath of Woman Crippled by Evil Spirit

29.4.19

Isang Pag-uusap sa Facebook: Ano ang Tunay na Paggawa ng Kalooban ng Ama?


Ni Xiaowei

Pagkatapos kumain ng almusal, binuksan ni Yeqi ang computer niya at nag-log on sa Facebook. Hinanap niya ang account ni Lina na kanyang kaibigan, at habang lumigid ang mga daliri niya sa buong keyboard, nagtanong siya, “Online ka ba? May tanong sana akong gusto kong pag-usapan natin. Ngayong umaga, sa pagbasa ko ng pangdebosyon ko, nakita ko ang bersikulong ito, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’ (Mateo 7:22-23). Iniisip ko ‘yong tungkol sa mga salita ng Diyos, at medyo nalito ako. Bakit sinasabi ng Panginoon na ang mga nanalangin, nangaral, nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kahanga-hangang gawain sa Kanyang ngalan ay hindi lamang sa walang pagsang-ayon ng Panginoon, kundi talagang tinawag pa sila ng Panginoon na mga manggagawa ng kasamaan? Ano bang nangyayari dito? Napagtanto ko ito, na sa nakaraan, gaya lang ng mga tao na ito, naglakbay na ako upang ipalaganap ang ebanghelyo sa kabila ng hangin at ulan, masigasig na gumugol para sa Panginoon, at nagbigay ng ikasampung bahagi ng kita ko bilang ikapu. Naisip kong ito ang paggawa ng kalooban ng Diyos, at sa wakas matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon. Ngunit ngayon, talagang hindi ako nakatitiyak tungkol sa mga tanong na ito, at hindi ko alam kung paano ko dapat tingnan ang isyu.”


Sa ilang sandali, isang abiso ang lumabas sa computer, at nakita ni Yeqi na nagpadala nang mensahe si Lina. Mabilis niyang binuksan ito. Sinabi nito, “Kakapasok ko lang sa online at nakita ang mensahe mo. Napakahalaga ng katanungan mo, isang tuwirang may-kaugnayan kung makakamit ang pagsang-ayon ng Panginoon at makapasok sa kaharian ng langit. Ngunit, napakalimitado ng pagkaunawa ko, kaya tungkol dito kakaunti lang ang masasabi ko ayon sa sarili kong mga pananaw, at pagkatapos tatalakayin natin ang mga ito.

Mga Patotoo sa Kaligtasan-Proteksiyon ng Diyos: Ang Mahimalang Paggaling ng Anak Matapos “Hatulan ng Kamatayan”


Mga Patotoo sa Kaligtasan-Proteksiyon ng Diyos: Ang Mahimalang Paggaling ng Anak Matapos “Hatulan ng Kamatayan”

Ni Xiaotu

Maaga iyon, kakatapos lang ng ulan, at ang manipis na hamog ay binabalot ang baryo sa paanan ng bundok. Minsan lamang makita ang baryo sa kabila ng hamog, gaya ng mundo ng mga engkantado sa lupa. Sa isang mainit, ordinaryong-tingnan na kubo, dinala ni Molian ang asada na puno ng putik sa tarangkahan, at inudyukan ang manugang niyang nasa loob ng bahay, “Bilisan mo Xiaoqing, kapag nagtanim tayo matapos ang ulan sa tagsibol, siguradong lalaking matibay ang mga binhi!”

“Papunta na!”

Naglakad ang mag-biyenan sa kayumangging lupa papunta sa palayan…

Isang lumalangitngit na bisikleta ang mabilis na tumatakbo palapit sa kanila at biglang huminto sa harap nila. “Mga kamag-anak ba kayo ni Zhihui?” nababalisang singhap ng isang binatilyong patag ang ulo habang pinapalis nito ang pawis mula sa noo nito. Bahagyang tumango si Molian, ngunit bago pa siya makasagot, natatarantang sinabi nito, “Bilis! Nasaktan ang anak mo, at nakahiga siya sa ospital!” Agad na kinabahahan si Molian: Nakahiga sa ospital? Seryso ba ang pinsala? Bago sila makapag-isip pa, mabilis na nakahanap ng taxi si Molian at ang manugang niya at nagmamadaling pumunta sa ospital sa bayan.

Sa ikalawang palapag ng ospital, higit sa isang dosenang mga tao ang nakatayo paikot sa higaan sa makipot na silid ng ospital. Nagmamadaling pumasok si Molian sa silid at hinawi ang mga tao kasunod si Xiaoqing. Agad na napunta ang paningin ni Molian sa matingkad na pulang bakas ng dugo sa sahig. Nakahiga sa isang stretcher na babad sa dugo ang hindi gumagalaw na si Zhihui, napapaligiran ng mga doktor na binebendahan ang mga sugat nito para mapigilan ang pagdurugo. Nasindak si Molian sa nakita niya. Nanginig ang kanyang mga kamay, ang puso niya ay tila tatalon palabas ng dibdib niya, at blangko ang kanyang isip. Habang dahan-dahang bumabalik ang pakiramdam ni Molian, tinanong niya sa nanginginig na tinig, “Anong nangyari sa anak ko?” “Doktor, pakiusap, sabihin mo sa’min, anong nangyari sa kanya?” tanong ni Xiaoqing sa tabi niya habang pinipigilan nitong mapaluha. Isa sa mga lalaki sa malapit ang mabilis na sumagot, “Nakaupo kaming naghihintay na tatlo sa mga upuan sa gilid ng kalsada, nang biglang humaharurot na sumulpot ang isang malaking pulang trak ng mga kargamento at nagpalipad ng 5kg na mga batong sumalpok sa isang malapit na poste ng kuryente. Tumalbog iyon mula sa poste at lumipad diretso sa ulo ng anak mo, at bumagsak siya sa lupa. Mayroong malaking sugat malapit sa kanyang kanang mata, at umaagos ang dugo, kaya sinubukan naming pahintuin ang pagdurugo gamit ang mga damit namin, at pagkatapos ay dinala siya sa ospital.” Nang matapos sa pagsasalita ang lalaki, bumuntong-hining ang doktor at nagpatuloy, “Masyadong mahina ang pulso ng anak mo, at nahihirapan lang siyang huminga. Wala kaming kahit anong paraan upang mailigtas siya. Dalhin niyo siya sa ospital sa lungsod sa lalong madaling panahon!” Nanghina ang mga binti ni Molian, at muntik na siyang bumagsak sa sahig. Namumutla ang kanyang mukha, at bakas ang hikbi sa kanyang tinig, sinabi niya, “Sa ospital sa lungsod? Dalawang oras mahigit mula sa ospital sa bayan papunta doon, at mahina na ang pulso niya. Makakaabot pa ba siya sa ospital sa lungsod? Mamamatay ba siya habang papunta doon? Kapag namatay ang anak ko, anong gagawin namin?” Ngunit ang mga kagamitan at kakayahan ng mga doktor sa ospital sa bayan ay talagang hindi kakayaning iligtas ang kanyang anak, kaya walang pagpipilian si Molian kundi ang ilipat ito.

28.4.19

Mga Patotoo sa Kaligtasan-Pagbalik sa Buhay: Ang Patotoo ng isang Anim-na-Taong Gulang na Batang Babae na Nabuhay Muli


Mga Patotoo sa Kaligtasan-Pagbalik sa Buhay: Ang Patotoo ng isang Anim-na-Taong Gulang na Batang Babae na Nabuhay Muli



Ang anim-na-taong gulang na apo ng may-akda ay biglang dinapuan ng encephalitis. Matapos ipasok sa ospital at mabigyan ng lunas sa loob ng 13 araw, nagbigay ng abiso ang doctor na mamamatay ang bata, at sinabing: “Wala na kaming magagawa pa para sa kanya.” Nang malapit nang mamatay ang apong babae ng may-akda, umasa siya sa kanyang pananampalataya sa Diyos at sa kanyang pagkamasunurin sa Diyos, at pagkatapos ay nasaksihan niya ang mga gawa ng Diyos, at ang batang babae ay nagbalik mula sa bingit ng kamatayan! Nais mo bang maintindihan ang mga gawa ng Diyos? Nais mo bang malaman kung paano maranasan ang mga paghihirap kapag nakaharap mo ang mga ito? Kung ganoon ay basahin mo ang karanasan ng may-akda.

        Tumaas ang lagnat ng apo ko—tungkol saan lahat ng ito?
Isang araw sa Hunyo ng 2009, ay balisang umuwi ang apo kong babae na si Goguo mula sa eskuwelahan at pagkatapos ay nanghihinang humiga sa kama. Naisip kong napaka-kakatwa nito, dahil madalas ay punung-puno siya ng buhay, tumatalon at tumatakbo kung saan-saan. Nasip ko: “Bakit bigla siyang humiga sa kanyang higaan pagkauwi niya palang? Maaari kayang may sakit siya?” Isinugod ko siya sa isang klinika upang magpakonsulta sa doktor. Sinabi ng dokor doon na may sinat ang apo ko, nagreseta ito ng ilang mga antipyretics para dito, at pagkatapos ay iniuwi ko siya. Gayunman, matapos inumin ang gamot nang lampas sa isang araw, hindi bumuti si Guoguo. Kaya dinala ko siya sa klinika upang tumanggap ng intravenous therapy. Habang naka-drip siya, bumaba ang lagnat niya, ngunit makalipas ang isa o dalawang oras ng gamutan ay nag-umpisa siyang magkalagnat muli. Pakatapos, hindi na siya makakain, at kahit na kumain man siya, isinusuka rin niya iyon. Sa bawat paglipas ng araw ay lumalala siya, at sa wakas ay ni wala na siyang lakas upang magsalita. Noon namin mabilis tinawagan ng asawa ko ang aming anak at manugang at, nang malaman nila ang tungkol kay Guoguo, dali-dali silang bumalik.

Nang sumunod na araw, dinala ng anak at manugang ko si Guoguo sa ospital ng probinsiya. Hindi nagtagal matapos silang makarating doon, tumawag sa’kin ang anak ko at sinabing: “Pa, isa lang ang nasabi ni Guoguo pagdating namin dito, at pagkatapos ay nag-umpisa nang manigas ang bibig niya, at ngayon ay hindi na siya makapagsalita. Pinayuhan ako ng doktor na dalhin si Guoguo sa ibang ospital sa lalong madaling panahon.” Nang marinig ko ang sinabi ng anak ko, tila may ingay sa loob ng isip ko at biglang nanlambot at nanghina ang buong katawan ko na tila isang bolang goma na inalisan ng hangin. Naisip ko sa sarili ko: “Paanong naging mabilis ang paglala ng sakit ng apo ko? Ngayon ay nasa punto na ito na hindi siya makapagsalita. Kapag may nangyari sa kanya….” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng sakit at nalungkot na tila pinipilipit ng kutsilyo ang puso ko, at hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagdaloy. Sa loob ng ilang mga araw na iyon, ni hindi kami makakain o makatulog ng maayos ng asawa ko. Habang inaalala namin ang tungkol sa sakit ni Guoguo, tumawag muli ang anak namin at sinabing, “Pa, matapos ang eksaminasyon, sinabi ng doktor na dinapuan si Guoguo ng encephalitis, at sa kasalukuyan, naninigas pa rin ang bibig ni Guoguo, hindi siya makaramdam ng kahit ano sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan, at paralisado ang kalahati ng katawan niya. Lubhang seryoso ang kanyang kondisyon. Bibigyan lang siya ng dalawang gamutan ng mga doktor. Kapag gumaling siya, ipagpapatuloy nila ang gamutan; kung hindi, ihihinto nila iyon. At sinabi rin nila na kahit na magamot ang sakit niya, maaaring maging imbalido siya.” Nang marinig ko ang mga salita ng anak ko, malayang dumaloy ang mga luha ko na tila beads mula sa isang sirang pisi, at nakaramdam ako ng matinding sakit na tila ba mabibiyak ang puso ko. Naisip ko: “Anim na taon palang siya. Kung magkataon na hindi naging maganda ang gamutan niya at maging paralisado siya, paano siya mabubuhay?” Hindi ko sinubukang patuloy na isipin iyon, at humarap ako sa Diyos at lumuluhang nanalangin sa Kanya: “O Diyos, lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay; kung mabubuhay kami o mamamatay ay nasa Iyong mga kamay. Kung gagaling o hindi ang apo ko ay hindi nakasalalay sa doktor. Ikaw ang nagsasaayos at namumuno sa lahat ng bagay. Handa akong ipagkatiwala sa Iyo ang apo ko. Nakikiusap ako sa Iyo na iligtas siya.” Matapos magdasal, ang nasasaktan, nag-aalalang puso ko ay kumalma nang kaunti.

Nagtanim ako ng galit sa puso ko nang hindi gumaling ang apo ko.
Pagkatapos noon, inasahan namin ng asawa ko na gagaling si Guoguo. Gayunman, hindi kagaya ng iniisip ko ang katotohanan. Hindi gumanda ang kondisyon ni Guoguo. Hindi ko namalayan, bumangon sa puso ko ang kagustuhan na sisihin ang Diyos, at naisip ko: “Ginagawa naming mag-asawa ang tungkulin namin at sinusunod din namin ang mga pagsasaayos ng iglesia. Paano nangyari sa amin ang ganitong klase ng bagay? Bakit hindi siya prinotektahan ng Diyos at pagalingin siya agad?” Mas napapadalas ang pag-iisip ko noon, mas lalong sumasama ang nararamdaman ko; naging labis na negatibo at mahina ang buong pagkatao ko, at dumilim nang dumilim ang espiritu ko.

Nang panahong nasasaktan ako at walang mapuntahan, isang kapatid ang pumunta sa bahay ko at binasa ang sipi ng mga salita ng Diyos patungkol sa sitwasyon ko: “Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao” (“Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?”).

Pagkatapos ay ibinahagi ng kapatid: “Inihantad ng salita ng Diyos ang ating mga intensiyon, layunin, at lahat ng uri ng di-wasto, maluho na pangangailangan sa paniniwala sa Kanya. Ginawa ng Diyos ang sangkatauhan at ibinigay lahat ng mga bagay na kinakailangan para sa ating kaligtasan sa buhay. Kaya naman, kautusan ng langit at lupa na tayong mga tao ay dapat maniwala at sambahin ang Diyos. Ngunit matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, ang ating likas na katangian ay naging labis na makasarili at napakasama. Hindi na tayo naniniwala sa Diyos para sa kapakanan nang pagmamahal at pagpapasaya sa Diyos, ngunit sa halip ay naniniwala tayo na upang makatanggap nang mga biyaya o magkaroon ng masayang pamilya; ito ay pakikipagkasundo sa Diyos. Tuluyang namantsahan ang ating pananampalataya—kapag dumarating sa atin ang mga biyaya ng Diyos, napupuno ng kagalakan ang ating mga puso, ngunit sa mga sitwasyon na isinaayos ng Diyos na hindi tumutugon sa ating mga kagustuhan, nawawalan tayo ng pananampalataya sa Kanya, at nag-uumpisa tayong maging negatibo, hindi maintindihan at sinisisi Siya, at kahit pa iwasan at ipagkanulo Siya. Ito ay sanhi ng maling pananaw sa paniniwala natin sa Diyos.

“Dumarating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang tao sa mga huling araw. Iyon ay, gumagamit siya ng iba’t ibang uri ng mga kapus-palad na sitwasyon upang ilantad ang ating panloob na katiwalian at karumihan, dahilan upang pumunta tayo sa Kanyang harapan at suriin ang ating mga sarili sa Kanyang mga salita, kilalanin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagninilay at makita kung gaano tayo pinasama ni Satanas, at kung gaano tayo makasarili at napakasama. Pagkatapos niyon ay maaari na tayong magdasal sa Diyos at manindigan sa ating mga sarili na itakwil ang kasamaan, at maaari nating maranasan ang gawain ng Diyos nang paunti-unti. Pagkatapos niyon ay hindi na natin kailangan pang makipagkasundo sa Diyos, at magiging isa ang kaisipan natin sa Diyos, at magiging mga taong tunay na sumusunod at sumasamba sa Diyos. Kapatid, hindi ba’t ipinapakita ng pagkakasakit ng bata ang maling pananaw na ang paniniwala sa Diyos ay upang makatanggap ng biyaya? Kung ganoon, ano ang kalooban ng Dios? Umaasa ang Diyos na magninilay ka at maiintindihan at aayusin ang iyong mga maling pananaw tungkol sa kung anong dapat na sundan sa pananampalataya, upang ang iyong masamang disposisyon ay malinis at mabago. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay ang paglapit sa iyo ng pagmamahal ng Diyos, at ito ay pagdadalisay at pagliligtas sa iyo ng Diyos. Kung hindi tayo malalantad sa pamamagitan ng pagdanas ng ganitong uri ng sitwasyon, iisipin pa rin natin na ang ating tapat na mga puso ay puro, at magpapatuloy tayo sa paniniwala sa Diyos na taglay ang ating mga maling pananaw. Kapag nagpatuloy tayong ganoon, maniniwala tayo sa Diyos hanggang sa huli at hindi matatamo ang Kanyang papuri!”

Iniisip ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid, dumating ako sa ilang pag-unawa, at sinabi sa kanya: “Talagang tama ang inihantad ng mga salita ng Diyos. Mula nang magkasakit ang apo ko, madalas akong tumawag sa Diyos para lamang hingin sa Kanya na pagalingin ang sakit niya. Kapag nagdarasal ako, hinihingi ko sa Diyos ng hindi tuwiran na pagalingin ang apo ko, at kapag nakita kong hindi gumanda ang kondisyon niya, sa halip ay lalo pang lumala, nahantad nang tuluyan ang pagiging mapaghimagsik ko. Nag-simula akong magreklamo sa Diyos, iniisip na, dahil naniniwala kaming mag-asawa sa Diyos at ginagawa ang aming tungkulin, dapat ay bantayan ng Diyos at gawing ligtas ang aming buong pamilya. Ngayon ko lamang nakita na napaka-makasarili at kasuklam-suklam ako. Ang pananampalataya ko sa Diyos ay para lamang sa mga biyaya, at humihingi sa Diyos at nakikipagkasundo sa Kanya. Paanong ang aking pananaw sa paniniwala sa Diyos ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Hindi ako tunay na mananampalataya sa Diyos!”

Nagpatuloy ang kapatid upang sabihin: “Salamat sa Diyos! Ngayong araw na ito, nagawa mong makilala ang iyong mga maling pananaw patungkol sa pananampalataya sa Diyos. Epekto ito ng mga salita ng Diyos sa iyo. Ngayon, isa itong pagsubok at pagpipino para sa’yo at sa iyong asawa na dinapuan nang ganoon katinding karamdaman ang apo mo. Habang nakikilala natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagninilay, dapat din nating maintindihan ang kalooban ng Diyos at hanapin ang daan upang magsagawa sa ilalim ng mga salita ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan lamang tayo hindi mamumuhay nang negatibo at mali ang pagkakaunawa sa Diyos, ngunit sa halip ay magagawa nating tunay na sundin at bigyang kasiyahan ang Diyos. Tingnan natin ang sinasabi ng Diyos.”

Naiintindihan ang kalooban ng Diyos, binitawan ko ang matinding mga hinihingi at sinunod ang kapangyarihan ng Diyos.
Kaya, kinuha ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at binasa: “Kapag hinaharap mo ang mga pagdurusa, dapat mong makaya na hindi isaalang-alang ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo, dapat magkaroon ng pananampalataya na sumunod sa Kanya, mapanatili ang iyong dating pag-ibig nang hindi hinahayaang maging marúpók o maglaho ito. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, dapat magpasakop ka sa Kanyang dibuho, at higit na nakahandang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag ikaw ay nakaharap sa mga pagsubok dapat mong mapalugod ang Diyos sa kabila ng anumang pagbabantulot na mawalay sa isang bagay na iyong iniibig, o mapait na pagtangis. Ito lamang ang matatawag na tunay na pag-ibig at pananampalataya. … Kung tulad ka ni Job, na sinumpa ang kanyang laman at hindi nagreklamo laban sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, at nagawang kamuhian ang kanyang sariling laman nang walang pagrereklamo o pagkakasala sa kanyang mga salita, yaon ang pagtayong saksi. Kapag ikaw ay sumasailalim sa mga pagpipino hanggang sa isang tiyak na antas at nagagawa pa ring maging tulad ni Job, lubos na masunurin sa harap ng Diyos at walang ibang mga kinakailangan sa Kanya o iyong sariling mga paniwala, sa gayon magpapakita sa iyo ang Diyos” (“Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino”). “Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa panahon ng pagkakasakit, patuloy kang maghanap at huwag kailanman susuko, at pasisikatin ng Diyos ang Kanyang liwanag sa iyo. Gaano ba katapat si Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos” (“Kabanata 6” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula).

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naintindihan ko: Ang pagdurusa pala ay nangangahulugan nang pagsubok at pagpipino para sa mga nananampalataya sa Diyos, at ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok at pagpipino upang gawin perpekto ang ating pananampalataya sa Kanya. Kung tatalikuran natin ang ating mga likas na interes sa mga sitwasyon na magiging dahilan upang magdusa tayo at panghawakan ang ating pananampalataya sa Diyos, kung hindi tayo magdududa sa Diyos kahit na ano pa ang gawin Niya, o sisihin Siya o pagtaksilan Siya, at nakikita ng Diyos na nais nating bigyang-kasiyahan at sundin Siya, kung ganoon ay lilitaw sa harapan natin ang mga gawain ng Diyos. Habang pinagninilayan ko ito, naintindihan ko na ang pagkakasakit ng apo ko ay isang bagay na hinayaan ng Diyos na mangyari. Sa isang banda, ang maling pananaw ko sa paniniwala sa Diyos ay naihantad; sa kabilang banda, pinapanood ng Diyos ang saloobin ko upang makita kung magagawa kong umasa sa aking pananampalataya, sundin ang Kanyang kapangyarihan at pagsasaayos, at magpatotoo sa Kanya sa pagsubok na ito. Gaya na lang nang mawala kay Job ang napakaraming tupa at mga baka, ang kanyang kayamanan, at ang kanyang sampung mga anak na lalaki at babae, at siya mismo ay nagkaroon ng kakila-kilabot na mga bulutong sa kanyang buong katawan, ngunit hindi siya nagreklamo sa Diyos, sa halip ay umasa sa kanyang pananampalataya at pagkamasunurin at nagpatotoo sa Diyos at, sa huli, nakamit niya ang papuri at biyaya ng Diyos at nakita ang anyo ng Diyos. “Nais kong maging gaya ni Job,” naisip ko. “Kahit ano pang mga pangyayari ang harapin ko sa hinaharap, susundin ko ang mga pagsasaayos ng Diyos at mga plano nang walang reklamo.” Habang nasa isip ito, sinabi ko sa kapatid: “Salamat sa Diyos! Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng sitwasyon na ito, inaalis ng Diyos ang panloob na intensiyon ko upang magkamit ng mga biyaya para maging perpekto ang pananampalataya ko sa Kanya at pagkamasunurin ko sa Kanya. Hindi ako maaaring maging negatibo at hindi ako maaaring manumbalik sa kasamaan, at hindi na maaaring maging mali ang pagkaintindi ko sa Diyos. Ang tanging hiling ko lang ay ang maranasan ang gawain ng Diyos.”

Masayang sinabi ng kapatid: “Kapatid, maganda na mayroon kang ganitong klase ng pang-unawa. Sa likod ng mga pagsubok at pagpipino ay ang mga magandang intensiyon ng Diyos. Dapat tayong maniwala na makapangyarihan ang Diyos at nasa Kanya ang huling salita kung mabubuhay o mamamatay ang tao. Kailangan lang nating umasa sa ating pananampalataya sa Diyos upang maranasan iyon, na ipaubaya ang sakit ng apo mo sa Diyos at sundin ang Kanyang mga pagsasaayos. Ito ang diwa na dapat nating taglayin.”

Matapos makinig sa mga salita ng kapatid, tumango ako. Pagkatapos ay pumunta ako sa harapan ng Diyos at nagbigay ng nagsisisi, masunuring panalangin sa Kanya: “O Diyos, mali ako. Hindi dapat ako gumawa ng mga hindi makatwirang hinihingi sa Iyo, lalo na ang hindi ka maintindihan at sisihin Ka dahil sa sakit ng aking apo. O Diyos! Naniniwala ako na ang mabuting kalooban mo ang nasa likod ng lahat nang iyon. Handa akong lubusang magpasakop sa Iyo. Handa akong ipaubaya ang buhay at kamatayan ng aking apo sa Iyong mga kamay, at magpasakop sa Iyong kapangyarihan at pagsasaayos. Kahit na talagang mamatay siya, hindi ako magsasabi ni isang reklamo.” Matapos ang panalangin na ito, ang mabigat at nasasaktan kong puso ay lumuwag nang husto.

Tumawag ang anak ko upang sabihin sa’kin na wala nang magagawa pa ang mga doktor para kay Guoguo.
Sa ika-labintatlong gabi, tinawagan akong muli ng aking anak at nanghihinang sinabi sa’kin: “Pa, wala nang magagawa pa ang mga doktor para kay Guoguo, at pinayuhan nila ako na ilabas na siya.” Naririnig ang mga salita niya, pinigilan namin ng asawa ko na mapahikbi. Nang maisip ko na iiwan na kami ng apo ko habambuhay, nakaramdam ako nang matinding sakit sa puso at hindi ko mapigilang manghina nang kaunti. Ngunit napagtanto ko na ang sitwasyon ko ay hindi tama, at kaya naman paulit-ulit kaming nanalangin ng asawa ko sa Diyos, hinihingi sa Kanya na pigilan ang aming mga puso na sisihin Siya. Matapos kaming manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos. “Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko: kinokontrol at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Kung sila ay nabubuhay o namatay, nagbabago iyon ayon sa iniisip ng Diyos. Tunay ngang nasa kamay ng Diyos pareho ang buhay at kamatayan ng apo ko. Kapag nakaligtas siya, awtoridad iyon ng Diyos at kapangyarihan; kapag namatay siya, pinahintulutan iyon ng Diyos. Kahit na hindi ko maintindihan iyon nang buo, taglay niyon ang mabuting kalooban ng Diyos at hindi na ako maaaring magreklamo pa tungkol sa Diyos at sisihin Siya at maging katatawanan kay Satanas. Dapat kong tuluyang ibigay ang apo ko sa Diyos at magpaubaya sa Kanyang mga pagsasaayos. Taglay ang Diyos bilang aking suporta, nagkaroon ako ng tapang na harapin at tanggapin ang susunod na mangyayari, at hindi na nakaramdam ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa bagay na ito.

Nang sumunod na araw, pumunta kami sa ospital ng asawa ko para makita si Guoguo. Nang pumasok kami sa silid ay nakita namin siyang nakahiga sa kama ng ospital. Naninilaw ang kanyang mukha, at napakalaki nang ipinayat niya na nagbago na ang itsura niya. Nakikita ang walang-malay kong apo, hindi ko maipakita ang matinding kalungkutan ko, pinapalabo ng mga luha ang aking paningin. Nang labis na ang sama ng loob ko, inisip ko si Job. Labis din siyang nasaktan nang sapitin niya ang ganoon katitinding mga pagsubok, gayunman ay mayroon siyang pusong may takot sa Diyos, at pinili niyang sisihin ang sarili niyang laman sa halip na magkasala at sisihin ang Diyos o husghan ang Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Diyos ay naging dahilan upang pahalagahan at mahalin siya ng Diyos, at dahilan ito upang lalo pa siyang pahalagahan. Pagkatapos ay naisip ko: “Sa pagsunod sa Diyos hanggang ngayon, napakarami ko nang nabasa na mga salita ng Diyos at naintindihan ko ang kalooban ng Diyos. Kung hindi ko magagawang magpatotoo sa Diyos at ikahiya si Satanas, hindi ako karapat-dapat na maniwala sa Diyos. Dapat kong sundin ang halimbawa ni Job nang pagpapatotoo sa Diyos. Kahit na anong mangyari sa apo ko, hindi ako magrereklamo sa Diyos.” Pagkatapos nito, nanalangin ako sa Diyos upang payapain ang puso ko: “O Makapangyarihang Diyos, nasasaktan akong makita ang apo kong mamamatay. Gayunman, ayokong magkamali ng pag-unawa o sisihin Ka. Handa akong sumunod. Nagmamakaawa lang ako sa Iyo na protektahan ang aking puso upang magawa kong magpatotoo sa Iyo sa pagsubok na ito.”

Nagpapatotoo, nakita ko ang magagandang gawain ng Diyos.
Pagkatapos, umupo kami ng asawa ko sa paanan ng kama ng apo ko sa ospital, tahimik siyang tinitingnan. Makalipas ang isang oras ay nangyari ang hindi inaasahan: dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Guoguo, at natutok ang tingin niya sa inumin sa kamay ng anak ko, at inilagay ng anak ko ang straw sa kanyang bibig. Sa pagkabigla namin, dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at napaka-natural na sumimsim ng kaunti. Nasasaksihan ang eksenang ito, nagulat kami, at paulit-ulit kong pinasalamatan ang Diyos sa puso ko: “O Diyos! Nakita ko ang iyong awtoridad at kapangyarihan. Ikaw ang nagligtas sa buhay ni Guoguo, at ang awtoridad mo ang dahilan kaya nangyari ang himalang ito!” Higit sa isang oras ang lumipas, at pinakain namin si Guoguo ng pakwan at saging, at mabagal niya iyong kinain. Ang mas nakakamangha, pagdating ng hatinggabi ay bigla siyang nagsalita, sinasabi sa mahinang tinig: “Lola, lolo!” Nagagawa na rin niyang igalaw ang dalawa niyang mga braso, at ang bahagi ng katawan niya na wala nang pakiramdam ay nakakakilos na rin. Halos hindi kami makapaniwala sa nakita namin. Ang apo ko, na sinukuan nang gamutin ng mga doktor, ay tunay na bumubuti na ang lagay. Talaga ngang magandang gawain iyon ng Diyos! Nang mga sandaling iyon, higit pa sa mga salita ang nararamdaman naming kagalakan ng asawa ko at ang tanging nagawa lang namin ay patuloy na magpasalamat at sambahin ang Diyos! Ang Diyos ang nagbigay ng pangalawang buhay sa apo ko at binuhay siyang muli.

Nang sumunod na araw, bumangon sa higaan si Guoguo at nagtatakbo. Namamanghang sinabi sa’kin ng doktor: “Isang himala! Parang hindi na siya maililigtas. Ni hindi ko naisip na, matapos ang isang araw at gabi, gagaling siya sa sakit. Sa buong panahon nang pagiging doktor ko, kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng ganitong sitwasyon. Kahapon ay may batang babae na dinapuan ng encephalitis, ngunit hindi kasing-lala ng sa apo mo ang kondisyon niya. Matapos ang gamutan, nabulag siya, samantalang si Guoguo, na sinukuan na naming gamutin, ay milagrong gumaling! Higit pa ito sa pang-unawa ko. Nakakamangha!” Naririnig na sinasabi ito ng doktor, punung-puno ako ng pasasalamat sa Diyos at alam ko na dahil iyon sa dakilang kapangyarihan ng Diyos kaya nagawang mabuhay muli ng apo ko. Tunay ngang nasa mga kamay ng Diyos ang tadhana ng mga tao, at gayundin ang buhay at kamatayan ng mga tao. Gaya ng sinabi ng mga salita ng Diyos: “Nang walang alinlangan, hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Manlilikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, subalit isang kinahinatnan ng kapangyarihan ng awtoridad ng Manlilikha” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”).

Sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang karanasan na ito, nagkaroon ako ng ilang pag-unawa sa aking mga walang kabuluhang pagtingin sa paniniwala sa Diyos, at napagtanto ko: Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi dapat tayo maghanap lamang ng biyaya o tamasahin ang grasya ng Diyos, ngunit dapat din tayong magtuon ng atensiyon na maranasan ang Kanyang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino, nilulunasan ang ating mga maling pananaw sa pananampalataya, at inaalis ang ating satanikong disposisyon. Kahit na ano pang kapaligiran ang masalubong natin na taliwas sa ating mga paniniwala, maaari tayong umasa sa ating pananampalataya at pagka-masunurin sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya nang hindi sinisisi o hindi Siya maunawaan. Kasabay niyon, nagtamo ako ng tunay na kaalaman at pagpapahalaga sa kapangyarihan at soberanya ng Diyos; nakita ko na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at na ang buhay at kamatayan ng lahat ay pinapamunuan ng Diyos. Ngayon, lumago ang pananampalataya ko sa Diyos. Kahit gaano pa katindi ang mga pagsubok na harapin ko, naniniwala ako na ang Diyos ang matatag na suporta ko at, higit pa, Siya lamang ang tanging kaligtasan ko. Salamat sa Diyos! Sa mga susunod na araw, nais kong masigasig na hanapin ang katotohanan at tuparin ang tungkulin nang isang nilikha upang mabayaran ang pag-ibig ng Diyos!

Pagkilala sa Diyos-Alam Mo ba ang Kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos?


Pagkilala sa Diyos-Alam Mo ba ang Kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos?


Mga mahal na kaibigan,
Papuri sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng oportunidad upang magkakasamang pag-aralan ang Torah.

Nakasisiguro ako na ang Sampung Utos ay isang pamilyar na paksa sa ating lahat. Nakatala sa Bibliya na matapos pangunahan ni Moses ang mga Israelita palabas ng Ehipto, ginamit ng Diyos si Moses upang ipahayag ang Sampung Utos upang turuan ang mga Israelita kung paano mamuhay. Ngunit alam mo ba ang kahulugan sa likod ng pagpapahayag ng Diyos ng Sampung Utos? Habang magkakasama nating pinag-aaralan ang Torah ngayong araw, sana ay matulungan ko kayong lahat.

1. Ang Sampung Utos ay may ginaganapang mahalagang papel sa pag-unlad ng tao, sibilisasyon, at kaligtasan ng buhay.
Sa isang aklat, sinabi na, “Ang mga alituntunin at mga patakaran ay sumasakop sa napaka-lawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan, sila ay kailangang tanggapin at parangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Kapanahunan ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.” “Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay kailangang simulan ang pagtuturo sa kanila mula sa pinaka-mababaw at mga pangunahing mga prinsipyo para patuloy na mabuhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang paunti-unti, at binibigyan ang tao ng unti-unting pag-unawa sa Diyos, isang unti-unting pagpapahalaga at pag-unawa sa pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan nitong mga alituntunin, at sa pamamagitan nitong mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos makamit ang epektong ito, saka lamang nakapagsimula ang Diyos, unti-unti, na gawin ang gawaing gagawin Niya sa bandang huli, at kaya ang mga alituntuning ito at gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang saligan ng Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng plano sa pamamahala ng Diyos” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).

Ang Kalooban ng Diyos-Isang Sermon sa mga Pagsubok: Isa pang Uri ng Pagpapala Mula sa Diyos


Ang Kalooban ng Diyos-Isang Sermon sa mga Pagsubok: Isa pang Uri ng Pagpapala Mula sa Diyos



Ni Jiangjing

Bilang mga Kristiyano, wala sa atin ang hindi nakakakilala sa mga pagsubok. Sinasabi sa Biblia, “At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Jehova ay aking Dios” (Zacarias 13:9). Sinasabi rin sa Biblia, “Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y mangahulog sa sarisaring tukso” (Santiago 1:2). Mula rito, makikita nating nais ng Diyos na magbigay ng kadalisayan at mga pagsubok sa Kanyang mga taong hinirang, at sa pamamagitan nito, upang maging perpekto ang ating pananampalataya at ating pag-ibig sa Diyos, malutas ang ating mga tiwaling disposisyon o mga dungis sa ating paniniwala, malunasan ang ating mga maling pananaw at magawa nating maging malinis. Mahaharap natin kung gayon ang lahat ng uri ng kapaligirang salungat sa ating sariling mga pagkaunawa. Ang halimbawa ng mga kapaligirang ito ay maaaring kabilang ang minsang pagharap sa kadalisayan ng karamdaman, at kung minsan maaaring harapin ng ating pamilya ang kasawian, gaya ng pagdurusa ng isang kamag-anak o manakawan ang ating tahanan; kung minsan maaari nating harapin ang mga kahirapan sa ating trabaho o mga bagay sa ating buhay na hindi ayon sa gusto natin; isa pang halimbawa ay kung ano ang gusto nating gawin kapag ang mga interes ng ating laman ay sumasalungat sa mga interes ng iglesia. Ang lahat ng mga halimbawang ito, nang walang pag-aalinlangan, ay mga pagsubok sa atin. Kaya’t anong pamamaraan ang dapat nating gawin sa mga pagsubok na itinatalaga ng Diyos para sa atin? At kapag nangyari ang mga pagsubok sa atin, ano ba ang kalooban ng Diyos?

27.4.19

Pagkilala sa Diyos-Ang Kahulugan ng Sipi sa Pahayag Tungkol sa Hindi Pagdaragdag ng mga Bagay


Pagkilala sa Diyos-Ang Kahulugan ng Sipi sa Pahayag Tungkol sa Hindi Pagdaragdag ng mga Bagay



Ang matinis na “beep… beep” ng busina ng isang kotse ang pumailanlang sa makipot na eskinita, hinahatak si Xu Min palayo sa kanyang iniisip. Lumilingon, nakita niyang hindi niya napansin na nakaharang na siya sa kotse sa likod niya habang lutang siya sa pag-iisip sa sinabi ng pastor nang umagang iyon. Nagmamadali siyang humingi ng paumanhin at gumilid upang makadaan ito, iniiwan ang maliit niyang pigura. Naglakad siya ng napakabagal na parang hindi siya tinatamaan ng lamig.
Hindi nagtagal ay lutang na naman siya sa kanyang iniisip. Sa nakalipas na ilang taon, lalo nang nasisira ang iglesia; unti-unting nawawala ang pananampalataya at pagmamahal ng mga kapatid, at siya man aynnararamdaman sa kanyang sarili na dumidilim ang espiritu niya at humihina. Tumangis siya at tumawag sa Panginoong Hesus nang maraming beses, ngunit hindi niya nararamdaman ang Kanyang presensiya. Napakasakit nito para sa kanya. Sinubukan na rin niyang ikutin ang iba’t ibang mga iglesia, ngunit wala iyong ibinunga. Hindi pa rin niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon. Habang nangyayari ang lahat nang ito, isang mabuting kaibigan ang nagpadala sa kanya ng isang aklat at sinabi sa kanya na nagbalik na ang Panginoon at nagbigkas ng mga bagong salita. Labis siyang nagalak at hindi na makapaghintay upang hanapin at saliksikin ito; mas marami siyang nababasa, mas lalo niyang nararamdaman na napaka-praktikal ng aklat at inaayos ang maraming pagkakamali sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Nagliwanag ang kanyang puso matapos itong mabasa at nagtamo ng matinding kasiyahan sa kanyang espiritu. Naniwala na siya na ang mga salitang iyon ay hindi maaaring basta na lamang masasabi ng isang pangkaraniwang tao, at na malamang ay galing ang mga iyon sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ngunit nang araw na iyon, matapos itong malaman, paulit-ulit na sinubukan ng pastor na pigilan siya na saliksikin iyon, at sinabing: “Nakasulat: ‘Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito’ (Pahayag 22:18–19). Sinasabi sa Aklat ng Pahayag na walang maaaring idagdag o ibawas mula sa Kasulatan. Kung may mga tao ngayon na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik at nagpahayag ng mga bagong salita, iyon ay pagdaragdag ng kung ano sa Biblia. Kaya naman, alinman sa mga pahayag na ito ay hindi dapat siyasatin—ito ay pagtataksil sa Panginoon.” Nakaramdam ng kaunting takot si Xu Min nang marinig ito. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin—napakabigat ng pakiramdam ng puso niya, at tila pinipilipit iyon.

Pagkauwi ay hindi pa rin niya iyon maintindihan, kaya tinawagan niya ang isang kaibigan at inimbitahan ito na pumunta at magbahagi sa kanya. Nang dumating sa bahay ni Xu Min ang kaibigan niya, nagkuwentuhan ang dalawa sa ganito at ganyan, at pagkatapos ay inilahad ni Xu Min ang sarili niyang problema.

Tumugon ang kanyang kaibigan: “Ang hindi matapang na pagsasaliksik sa anumang bagay na may kinalaman sa gawain at mga salita ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik dahil sinasabi ng Biblia ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito…’ ay nakakalito talaga sa atin. Iyon ay dahil wala tayong matinding pang-unawa sa sipi sa Pahayag at sa pamamagitan ng pag-unawa sa tunay nitong kahulugan ay masasagot ang kalituhan mo. Ngunit upang malinawan ang isyu na ito, dapat muna nating malaman ang nilalaman ng mga salitang ito sa Pahayag. Ang totoo, ang Aklat ng Pahayag ay isinulat 90 taon makalipas ang Panginoon. Sa Isla ng Patmos, matapos makita ni Juan ang pangitain ng mga huling araw ay itinala niya iyon; nang mga panahong iyon ay wala pa ang Bagong Tipan, lalo na ang buong Biblia, ang Luma at Bagong Tipan bilang isang aklat. Hindi nabuo ang Bagong Tipan hanggang sa 300 taon makalipas ang Panginoon. Kaya ang aklat na binanggit sa Pahayag 22:18-19 ay hindi tinutukoy ang kumpletong Biblia, ngunit tinutukoy ang propesiya na iyon sa Aklat ng Pahayag. At kung susuriin natin ito nang malapitan, ang mga taludtod na ito ay tumutukoy sa pagdadagdag ng mga tao ng kung ano sa propesiyang iyon, hindi sa Biblia. Mula sa dalawang katotohanang ito ay malalaman natin na ang pagsasabing huwag magdagdag ng kahit ano doon ay hindi nangangahulugan na walang bagong gawain o mga salita mula sa Diyos sa labas ng Biblia, ngunit sinasabi nito sa atin na hindi natin maaaring basta na lang dagdagan o burahin ang kahit ano mula sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag.”

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Panalangin sa Diyos—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Panalangin sa Diyos—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa


Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman malilimutan. Ang karanasang nag-iwan na sa akin ng pinakamalalim na tatak ay ang panahong nasangkot ang asawa ko sa isang aksidente sa kotse, na walang nakaalam kung malalampasan niya ito o hindi, at sa mga araw na sumunod, ang panahon kung kailan ay naramdaman ko ang ganap na kawalan at nasa hangganan na ng aking pagtitiis. Ngunit ang naiiba sa akin ay dahil sumasaakin ang Diyos at nasa akin ang Kanyang patnubay, kaya mayroon akong suporta, at sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, nasaksihan ko ang himala sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa. Sa panahong iyon ng pagdurusa, ang aking higit na natamo ay ang pag-unawa sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at tunay na pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos …

Pagkilala kay Cristo-Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay

Pagkilala kay Cristo-Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay



(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

(Lu 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.

Pagkilala sa Diyos-Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli


Pagkilala sa Diyos-Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli



(Jn 20:26-29) At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma’y nagsisampalataya.

(Jn 21:16-17) Sinabi niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

26.4.19

Ang Napapaloob na Kuwento ng Biblia-Alam Mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos?

Ang pangalan ng Diyos ay Jehovah, gaya ng nakatala sa Lumang Tipan, “Ako, sa makatuwid baga’y ako, Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). Gayunman, nakatala sa Bagong Tipan, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Mula sa mga bersikulo na ito, makikita na parehong mga pangalan ng Diyos ang Jehovah at Jesus. Tinawag na Jehovah ang Diyos sa Lumang Tipan, ngunit tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Ano ang kahulugan ng Kanyang mga pangalan? Talakayin natin ang aspetong ito ng katotohanan nang magkakasama.


Minsan kong nabasa ang isang sipi sa isang aklat, na nagbigay sa akin ng kaunawaan tungkol sa kahulugan ng pangalang Jehovah. Sinasabi ng sipi, “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may-angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng mga tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”).

Pagkilala kay Jesus-Isang Bagong Natuklasan sa Pahayag: Magbabago ang Pangalan ng Panginoong Jesus Kapag Bumalik Siya sa mga Huling Araw


Pagkilala kay Jesus-Isang Bagong Natuklasan sa Pahayag: Magbabago ang Pangalan ng Panginoong Jesus Kapag Bumalik Siya sa mga Huling Araw



Ang relos na may-pang-alarma sa aking mesa ay nasa alas 11:05 ng gabi. May ugali ako kung saan, sa bawat gabi bago matulog, magbabasa ako ng isang bersikulo sa Banal na Kasulatan. Sa karaniwan, nakabasa na ako ng isang bersikulo at makakatulog sa oras na iyon, ngunit sa gabing ito, nilito na ako ng bersikulo sa Banal na Kasulatan.

Sinasabi sa Pahayag 3:12: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.” Dati ko ng nabasa nang maraming beses ang bersikulong ito, ngunit sa gabing ito, napako ang aking mga mata sa mga salitang “aking sariling bagong pangalan,” at ito ang nagpalito na sa akin. Pinag-isipan ko: Ang “aking sariling bagong pangalan” ba ay nangangahulugang magkakaroon ng isang bagong pangalan ang Panginoong Jesus kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Sinasabi sa Aklat ng Hebreo, gayunman: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago. Kaya nga ano ang ibig sabihin ng mga salitang “aking sariling bagong pangalan” sa Pahayag? Maaari bang ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago kapag bumalik Siya sa mga huling araw?

Pagkilala sa Diyos-Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao?


Pagkilala sa Diyos-Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao?



Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

25.4.19

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.

Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos.

Salita ng Diyos-Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Salita ng Diyos-Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga TaoAng lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan,


ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Yamang ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ito makita ng mundo, kung gayon paano ito naging isang bagay na dakila? Anong uri ng bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, nguni’t bakit Ko sinasabi na ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay gayon nga? Kapag Aking sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay kinapapalooban ng maraming hiwaga na hindi pa nauunawaan ng tao. Ating salitain ngayon ang tungkol sa mga yaon.

24.4.19

Mga Patotoo sa Kaligtasan-Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Agosto 11, 2012    Ni Wenzhong, Beijing
Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!” Ang kabiyak ng aking sapatos ay naanod na ng baha kaya minabuti kong magtungo sa pangunahing kalsada. Subalit nanghina ako sa aking nakita; ang kabilang kalsada ay nakabakod at hindi ako makaliban. Nahulog muli ako sa tubig at ang kabilang sapatos ko ay inanod na rin. Tumaas na ang baha sa aking hita at wala akong magawa kundi subukang makaliban sa ikatlong pagkakataon habang tahimik na nananalangin. Sa pagkakataong iyon, tatlong mag-anak ang lumitaw mula sa isa sa ilang kulungan ng baboy at nabuhayan ako ng loob sa pasasalamat sa Diyos. Sumabay ako sa kanila at nagsimulang tunguhin ang pangunahing kalsada nang biglang dumating ang aking asawa. Gumamit siya ng drill upang makagawa ng butas sa kawad na bakod at ako ang unang nakaliban sa pangunahing lansangan nang nakayapak. Sa timog ay may kurba ng ilog na dumadaloy pahilaga, at sa hilaga ang pangunahing daan ay lubog sa tubig na dumadaloy patimog, kaya kami ay naipit sa gitna at wala kaming magagawa kundi baybayin ang patungong pangunahing kalsada.

23.4.19

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Paano Ko Napagtagumpayan ang Kasamaan ng Karamdaman Matapos Pahirapan ng Nakamamatay na Uremia

Nang dapuan ang Kristiyanong si Zhang Lei ng malalang uremia, ang mga pagpipilian niya ay kidney transplant o dialysis, pero wala siyang sapat na pera para sa kahit alin do’n. Paano niya napagtagumpayan ang kasamaan ng karamdaman habang nakakulong sa desperadong mga kalagayan?


Pagtuklas ng Aking Nakamamatay na Karamdaman, Pagbagsak sa Kawalang Pag-asa
Noong Oktubre ng 2016, nagsimula akong magdusa sa uremia, at matapos ang eksaminasyon sa ilang kilalang mga ospital sa Beijing, nasuri ako na may malalang karamdaman sa bato. Meron lang dalawang lunas para manatili akong buhay: Ang isa ay kidney transplant, at ang isa ay dialysis. Ang resultang ito ay parang isang sentensya ng kamatayan para sa akin. Ang kidney transplant ay lagpas sa kaya kong bayaran bilang isang karaniwang manggagawa, kaya hindi na ‘ko nangangahas pang isipin ang tungkol do’n. Ang dialysis, sa kabilang banda, ay magkakahalaga ng mahigit sa 600 yuan sa bawat gamutan, at mangangailangan ako ng dialysis tatlong beses sa isang linggo, na nangangahulugang ginagasta ko linggu-linggo ang halos buong sahod ng asawa ko sa isang buwan, at sa katagalan, hindi na kakayanin ng ipon namin ang gano’n kalaking gastusin. Hindi ko kayang bayaran ang presyo ng dalawang gamot na ito. Wala akong ibang mapagpipilian, maaari lang akong umasa sa Chinese medicine para maibsan ang sakit.

Mga Aklat ng Ebanghelyo-Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon


Mga Aklat ng Ebanghelyo-Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon    


       1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito


(Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

2. Ang Pag-ibig ng Panginoon

(Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

Salita ng Diyos-Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa



Salita ng Diyos-Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa



(Mateo 18:12-14) Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

Ito ay isang talinghaga—anong uri ng pakiramdam ang nakukuha ng mga tao mula sa talatang ito? Ang paraan ng pagkakapahayag ng talinghagang ito ay gumagamit ng isang tayutay sa wika ng tao; ito ay isang bagay na nakapaloob sa saklaw ng kaalamang pantao. Kung ang Diyos ay nagsalita ng kaparehong bagay sa Kapanahunan ng Kautusan, maaaring madama ng mga tao na hindi ito talaga katugon ng kung sino ang Diyos, ngunit nang ipahayag ng Anak ng tao ang talatang ito sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ay nakaaaliw, malugod, at malapit sa mga tao. Nang ang Diyos ay maging tao, nang Siya ay nagpakita sa anyo ng isang tao, gumamit Siya ng isang angkop na angkop na talinghaga upang ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan. Ang tinig na ito ay kumakatawan sa sariling tinig ng Diyos at ang gawain na gusto Niyang gawin sa kapanahunang iyon. Kinakatawan din nito ang isang saloobin na mayroon ang Diyos tungo sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung titingin mula sa pananaw ng saloobin ng Diyos tungo sa mga tao, inihambing Niya ang bawat isang tao sa isang tupa. Kung ang isang tupa ay mawala, gagawin Niya ang lahat nang makakaya upang mahanap ito. Kinakatawan nito ang isang panuntunan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng sangkatauhan sa panahong ito. Ginamit ng Diyos ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang Kanyang kapasyahan at saloobin sa gawaing iyon. Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o “isinalin” sa tao ang Kanyang malalim, pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso. Ano ang nakikita mo dito? Na walang pagbabawal sa mga salita at mga pagkilos ng Diyos? Sa paraang nakikita ng mga tao, walang paraan na magagamit ng Diyos ang pantaong kaalaman, wika, o mga paraan ng pananalita upang pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang gustong sabihin ng Diyos Mismo, ang gawain na gusto Niyang gawin, o upang ipahayag ang Kanyang sariling kalooban; ito ay maling pag-iisip. Ginagamit ng Diyos ang ganitong uri ng talinghaga nang upang maramdaman ng mga tao ang pagiging totoo at ang sinseridad ng Diyos, at makita ang Kanyang saloobin sa yugto ng panahong iyon. Ginising ng talinghagang ito ang mga tao mula sa isang panaginip na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa napakahabang panahon, at kinumbinsi din nito ang maraming salinlahi ng mga tao na nabubuhay sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagbabasa sa talatang ito ng talinghaga, malalaman ng tao ang sinseridad ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan at maintindihan ang bigat ng sangkatauhan sa Kanyang puso.

Pagkilala sa Diyos-Ang Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito isang talaan ng kabuuan ng gawain ng Diyos.


Pagkilala sa Diyos-Ang Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito isang talaan ng kabuuan ng gawain ng Diyos.




Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:17).

Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito” (Pahayag 5:5) .

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea.

22.4.19

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Ang Sermon sa Bundok Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus Ang mga Utos

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Ang Sermon sa Bundok Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus Ang mga Utos



1. Ang Sermon sa Bundok

1) Ang Mga Kapahayagan (Mat 5:3-12)

2) Asin at ang Ilaw (Mat 5:13-16)

3) Kautusan (Mat 5:17-20)

4) Galit (Mat 5:21-26)

Tagalog Worship Songs | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"


I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos, kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya. 
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?

Pagkilala sa Diyos-Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.


Pagkilala sa Diyos-Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.




Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.