27.4.19

Pagkilala sa Diyos-Ang Kahulugan ng Sipi sa Pahayag Tungkol sa Hindi Pagdaragdag ng mga Bagay


Pagkilala sa Diyos-Ang Kahulugan ng Sipi sa Pahayag Tungkol sa Hindi Pagdaragdag ng mga Bagay



Ang matinis na “beep… beep” ng busina ng isang kotse ang pumailanlang sa makipot na eskinita, hinahatak si Xu Min palayo sa kanyang iniisip. Lumilingon, nakita niyang hindi niya napansin na nakaharang na siya sa kotse sa likod niya habang lutang siya sa pag-iisip sa sinabi ng pastor nang umagang iyon. Nagmamadali siyang humingi ng paumanhin at gumilid upang makadaan ito, iniiwan ang maliit niyang pigura. Naglakad siya ng napakabagal na parang hindi siya tinatamaan ng lamig.
Hindi nagtagal ay lutang na naman siya sa kanyang iniisip. Sa nakalipas na ilang taon, lalo nang nasisira ang iglesia; unti-unting nawawala ang pananampalataya at pagmamahal ng mga kapatid, at siya man aynnararamdaman sa kanyang sarili na dumidilim ang espiritu niya at humihina. Tumangis siya at tumawag sa Panginoong Hesus nang maraming beses, ngunit hindi niya nararamdaman ang Kanyang presensiya. Napakasakit nito para sa kanya. Sinubukan na rin niyang ikutin ang iba’t ibang mga iglesia, ngunit wala iyong ibinunga. Hindi pa rin niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon. Habang nangyayari ang lahat nang ito, isang mabuting kaibigan ang nagpadala sa kanya ng isang aklat at sinabi sa kanya na nagbalik na ang Panginoon at nagbigkas ng mga bagong salita. Labis siyang nagalak at hindi na makapaghintay upang hanapin at saliksikin ito; mas marami siyang nababasa, mas lalo niyang nararamdaman na napaka-praktikal ng aklat at inaayos ang maraming pagkakamali sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Nagliwanag ang kanyang puso matapos itong mabasa at nagtamo ng matinding kasiyahan sa kanyang espiritu. Naniwala na siya na ang mga salitang iyon ay hindi maaaring basta na lamang masasabi ng isang pangkaraniwang tao, at na malamang ay galing ang mga iyon sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ngunit nang araw na iyon, matapos itong malaman, paulit-ulit na sinubukan ng pastor na pigilan siya na saliksikin iyon, at sinabing: “Nakasulat: ‘Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito’ (Pahayag 22:18–19). Sinasabi sa Aklat ng Pahayag na walang maaaring idagdag o ibawas mula sa Kasulatan. Kung may mga tao ngayon na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik at nagpahayag ng mga bagong salita, iyon ay pagdaragdag ng kung ano sa Biblia. Kaya naman, alinman sa mga pahayag na ito ay hindi dapat siyasatin—ito ay pagtataksil sa Panginoon.” Nakaramdam ng kaunting takot si Xu Min nang marinig ito. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin—napakabigat ng pakiramdam ng puso niya, at tila pinipilipit iyon.

Pagkauwi ay hindi pa rin niya iyon maintindihan, kaya tinawagan niya ang isang kaibigan at inimbitahan ito na pumunta at magbahagi sa kanya. Nang dumating sa bahay ni Xu Min ang kaibigan niya, nagkuwentuhan ang dalawa sa ganito at ganyan, at pagkatapos ay inilahad ni Xu Min ang sarili niyang problema.

Tumugon ang kanyang kaibigan: “Ang hindi matapang na pagsasaliksik sa anumang bagay na may kinalaman sa gawain at mga salita ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik dahil sinasabi ng Biblia ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito…’ ay nakakalito talaga sa atin. Iyon ay dahil wala tayong matinding pang-unawa sa sipi sa Pahayag at sa pamamagitan ng pag-unawa sa tunay nitong kahulugan ay masasagot ang kalituhan mo. Ngunit upang malinawan ang isyu na ito, dapat muna nating malaman ang nilalaman ng mga salitang ito sa Pahayag. Ang totoo, ang Aklat ng Pahayag ay isinulat 90 taon makalipas ang Panginoon. Sa Isla ng Patmos, matapos makita ni Juan ang pangitain ng mga huling araw ay itinala niya iyon; nang mga panahong iyon ay wala pa ang Bagong Tipan, lalo na ang buong Biblia, ang Luma at Bagong Tipan bilang isang aklat. Hindi nabuo ang Bagong Tipan hanggang sa 300 taon makalipas ang Panginoon. Kaya ang aklat na binanggit sa Pahayag 22:18-19 ay hindi tinutukoy ang kumpletong Biblia, ngunit tinutukoy ang propesiya na iyon sa Aklat ng Pahayag. At kung susuriin natin ito nang malapitan, ang mga taludtod na ito ay tumutukoy sa pagdadagdag ng mga tao ng kung ano sa propesiyang iyon, hindi sa Biblia. Mula sa dalawang katotohanang ito ay malalaman natin na ang pagsasabing huwag magdagdag ng kahit ano doon ay hindi nangangahulugan na walang bagong gawain o mga salita mula sa Diyos sa labas ng Biblia, ngunit sinasabi nito sa atin na hindi natin maaaring basta na lang dagdagan o burahin ang kahit ano mula sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag.”

Pagkarinig nito, nagmamadaling kinuha ni Xu Min ang kanyang Biblia at binuksan iyon sa Pahayag, at nadiskubre niya na iyon nga talaga ang kaso. Malinaw na sinasabi ng Pahayag na walang dapat na idagdag sa propesiya, ngunit wala itong sinasabi na walang maaaring idagdag sa kabuuan ng Biblia. Ang pagpapasiya na walang karagdagang mga salita mula sa Diyos sa labas ng Biblia batay sa talatang iyon ay hindi angkop. Wow! Halatang-halata ito—bakit hindi niya ito nakita noon?
Nagpatuloy ang kaibigan niya upang sabihin: “Idagdag pa na kailangan nating maging malinaw sa tamang kahulugan ng mga salitang ito sa Pahayag. Nakasulat na: ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito.…’ Makikita natin na ito ay isang babala para sa atin: Hindi maaaring basta na lamang magdagdag ng kahit ano ang mga tao sa mga propesiya. Ito ay dahil ang mga ito ay mga bagay na ang Diyos Mismo ang gagawa sa hinaharap, kaya hindi maaaring malaman ng mga tao kung paano iyon magaganap hanggang sa dumating Mismo ang Diyos upang gumawa. Kung basta na lamang ipapatong ng mga tao ang sarili nilang mga ideya sa pundasyon nito, iyon ay pagbabago sa mga salita ng Diyos at isang kasalanan sa disposisyon ng Diyos—sila ay magdurusa sa kaparusahan ng Diyos. Kailangan nating malaman na ang mga salitang ito sa Pahayag ay patungkol sa atin, sangkatauhan, hindi sa Diyos. Ang Diyos ang Lumikha at lahat ay nasa Kanyang mga kamay. Siya ay karapat-dapat na gawin ang Kanyang sariling gawain sa labas ng mga hangganan ng mga propesiya, at ito ay isang bagay na hindi maaaring hadlangan ng isang nilikha, ni pigilan ito ayon sa kanilang kagustuhan. Halimbawa, sinasabi sa Biblia sa Deuteronomio 12:32, ‘Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.’ Dito, malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na Jehova na ang mga tao ay hindi maaaring magdagdag ng anumang bagay sa Kanyang mga utos, ngunit ang mga gawain at salita ng Panginoong Hesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naitala sa mga kautusan, at ibang-iba ang mga iyon mula sa mga hinihingi ng kautusan. Gaya ng mga hinihingi sa Kapanahunan ng Kautusan ng mata sa mata at ngipin sa ngipin, ngunit nang gumagawa ang Panginoong Hesus, sinabi Niya: ‘Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila. At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal’ (Mateo 5:38–40). Idagdag pa, sinabi ng Diys na Jehova sa mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan na magalit sa kanilang mga kaaway, ngunit sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig’ (Mateo 5:44). Nang makita iyon ng mga naiwan sa Lumang tipan, marami sa mga sinabi ng Panginoong Hesus ay hindi saklaw ng kautusan at karagdagan sa kautusan, kaya naman hindi nila sinunod ang Panginoon. Partikular na ang mga Fariseo ay kumapit sa kautusan ng Lumang Tipan upang hatulan ang Panginoong Hesus, ginagawa ang napakalaking kasalanan ng paglapastangan sa Banal na Espiritu. Hindi ba’t isa iyong matinding rebelyon sa bahagi ng mga tao? Ang pagsasabi ng Diyos sa Kanyang mga salita na ang hinihingi Niya sa mga tao ay walang maaaring idagdag o ibawas—paano natin ipapataw ang mga hinihinging iyon ng mga salita ng Diyos sa Diyos Mismo? Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng bagay at ang Kanyang gawain ay ginagawa ayon sa Kanyang plano. Hindi ito napipigilan ng sinumang tao, ni ito ay limitado sa mga salita ng Biblia.”

Matapos sabihin ang lahat ng ito, inilabas niya ang kanyang tablet at mabilis na nagbukas ng isang webpage. Nagpatuloy siya: “Mula ito sa isang gospel site: ‘Ang gawain na ginawa ng Jesus sa panahon ng Bagong Tipan ay nagbukas ng bagong gawa: Hindi Siya gumawa ayon sa gawain ng Lumang Tipan, ni hindi rin Niya ginamit ang mga salita na sinabi ni Jehova ng Lumang Tipan. Ginawa Niya ang Kanyang sariling gawain, at gumawa Siya ng mas bagong gawain, at gawain na mas mataas kaysa sa kautusan. Kaya, sinabi Niya: “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.” Kaya, alinsunod sa kung ano ang naisakatuparan Niya, maraming mga doktrina ang nasira. Dinala Niya ang mga alagad sa mga palayan upang manguha at kumain ng mga ulo ng butil, hindi Niya sinunod ang Araw ng Pamamahinga, at sinabing “ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.” Sa oras na iyon, ayon sa mga tuntunin ng mga Israelita, kung sinuman ang hindi mangilin sa Araw ng Pamamahinga ay babatuhin hanggang kamatayan. Si Jesus, gayunpaman, ay hindi pumasok sa templo o nangilin sa Araw ng Pamamahinga, at ang Kanyang gawa ay hindi nagawa ni Jehova sa oras ng Lumang Tipan. Kaya, ang gawain na ginawa ni Jesus ay nahigitan ang kautusan ng Lumang Tipan, ito ay mas mataas kaysa dito, at ito ay hindi naaayon ditto.’ Malinaw na hindi saklaw ng mga kautusang ito ang Diyos. Sa bawa’t kapanahunan, gumagawa ng bagong gawain ang Diyos at nagbibigkas ng mga bagong salita—hindi Siya pinipigilan ng mga kautusan at ordinansiya ng nakalipas na panahon. Kumikilos ang Diyos ayon sa mga hinihingi ng Kanyang gawain gayundin sa kung anong kinakailangan ng mga tao. Siya ay patuloy na nagsasalita ng mga bagong salita; ito lamang ang tanging paraan upang maitaas sa mas mataas na antas ang sangkatauhan upang lubos tayong makatakas mula sa mga puwersa ni Satanas at sa huli ay makamit ang kaligtasan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin dapat isipin na ang gawain ng Diyos at mga salita ay nalilimitahan lamang sa nilalaman ng Biblia, at partikular na hindi tayo dapat humingi sa Diyos base sa Kanyang hinihingi sa mga tao na huwag magdagdag o mag-alis ng kahit ano, o matukoy na sa labas ng Biblia, hindi maaaring magkaroon ng mga bagong salita mula sa Diyos. Hindi ba?”

Tumango si Xu Min—ang marinig ang lahat ng ito mula sa kanyang kaibigan ay naghatid sa kanya ng hindi masukat na kalinawan. Ang sinabi sa Aklat ng Pahayag tungkol sa hindi pagdadagdag o pagbabawas ng kahit ano ay tumutukoy sa katotohanan na hindi maaaring basta magbura o magdagdag sa mga salita ng Diyos, ngunit hindi iyon nangangahulugan na hindi maaaring magbanggit ng karagdagang mga salita pagkatapos noon ang Diyos Mismo. Kung walang tunay na pang-unawa ang mga tao sa sipi ng kasulatan, panghahawakan nila ang kanilang walang katotohanang mga paniniwala, at pagkatapos sa pamamagitan niyon ay lilimitahan ang gawain ng Diyos, hindi ba’t malamang na magkasala sila sa disposisyon ng Diyos? Napagtanto iyon, biglang pinagpawisan ng malamig si Xu Min—napagpasyahan ng mga Fariseo na niloko ng Panginoong Hesus ang mga tao dahil kumapit sila sa lumang kautusan at inisip na ang Kanyang mga salita ay idinadagdag sa kautusan, at siya mismo ay muntik nang gawin ang kaparehong pagkakamali na ginawa ng mga Fariseo.

Nagpatuloy sa pagsasabi ang kaibigan niya ng: “Naaalala mo ba kung anong sinasabi sa Juan 16:12-13?”

Walang pag-aalangang sinabi ni Xu Min: “Naaalala ko. Hindi ba’t iyon ang sipi na madalas nating bigkasin? Sinabi ng Panginoong Hesus, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13).”

Nagpapatuloy, sinabi ng kaibigan niya: “Ang siping ito ng kasulatan ay malinaw na sinasabi na kapag nagbalik ang Diyos sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mas maraming mga salita upang tubigan at bigyan tayo ng sustansiya upang maintindihan at makapasok tayo sa lahat ng katotohanan. Mayroon ding mga propesiya sa Aklat ng Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap’ (Pahayag 2:17). ‘At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito’ (Pahayag 5:1–5). ‘Makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ at ‘ng manang natatago’ ay nabanggit dito, ang aklat na may pitong tatak na bubuksan, at marami pang iba, lahat ay pinapatunayan na kapag nagbalik ang Diyos sa mga huling araw ay marami pa Siyang mga salitang bibigkasin at mas maraming gawaing gagawin; ihahantad Niya ang lahat ng mga misteryong hindi pa natin kailanman naintindihan noon. Kaya, maaari nating isipin na ang anumang bagay sa labas ng Biblia ay hindi maaaring maging salita ng Diyos dahil sa mga salitang ‘Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito…”? Nakasulat din na: ‘At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.’ (Juan 21:25). Ang taludtod na ito ay sinasabi din sa atin na maraming bagay na sinabi ang Panginoong Hesus at gumawa ng maraming gawain habang Siya ay gumagawa, at ang nakatala sa Biblia ay limitado. Hindi lahat ng mga salita ay gawain ng Panginoong Hesus ay hindi nakatala. Kahit na ang kabuuan pa ng gawain at mga salita ng Panginoong Hesus ay hindi nakatala sa Biblia, kaya hindi ba’t pagtanggi sa sariling mga salita at gawain ng Panginoon ang pagsasabi na anumang nasa labas ng Biblia ay hindi maaaring mga salita ng Diyos?

Naririnig ang mga ito, labis na nasabik si Xu Min na napatayo siya at sinabing: “Oh, araw-araw akong nagbabasa ng Biblia. Paanong hindi ko nadiskubre ang misteryong ito? Lalo na akong nalilinawan sa pamamagitan ng iyong pagbabahagi, at ngayon ay ganap ko nang naiintindihan na ang gawain ng Diyos na nakatala sa Biblia ay limitado, na hindi iyon kumpletong talaan ng mga gawain at salita ng Diyos. Ni hindi iyon kumpletong talaan ng mga gawain at salita ng Panginoong Hesus. Kung isasaalang-alang ang katotohanan na gumawa ang Panginoong Hesus ng higit sa tatlong taon, kung ano ang sinabi Niya sa anumang partikular na araw ay higit pa kaysa sa naitala ngayon sa Biblia. Kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, gumagawa siya ng bagong gawain at nagbibigkas ng mga bagong salita—isa itong katotohanan na hindi maitatanggi at napakalinaw itong nakatala sa mga propesiya. Alam ko na ngayon na kailanman ay hindi maaaring limitahan ng mga tao ang gawain ng Diyos, at lalo na hindi natin maaaring tukuyin ang Diyos sa loob ng saklaw ng Biblia. Partikular kapag sinisiyasat ang totoong paraan, talagang dapat nating sundin ang pamumuno at patnubay ng Banal na Espiritu, at hanapin at siyasatin ito nang may bukas na puso upang tanggapin ang Panginoon. Kung hindi, magiging tulad tayo ng mga Fariseo na nilabanan ang Diyos at sa huli ay nawasak dahil sila ay nakasalalay sa literal na mga salita ng kasulatan. Sa ganoong panahon, huli na ang lahat para magsisi!”

Ngumiti ang kaibigan ko at tumango: “Tama. Kung nais natin makasunod sa mga yapak ng Kordero, dapat nating mapanatili ang isang puso na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, at isang puso na naghahanap ng katotohanan. Hindi tayo dapat mapigilan ng kahit ano sa ating mga paniniwala o kathang-isip—iyon ang tanging paraan upang salubungin ang pagpapakita ng Panginoon sa mga huling araw, maging matatalinong birhen, at madala sa harapan ng trono ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Hesus, ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin. … Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios’ (Mateo 5:3, 6, 8).”

Sunud-sunod na tumango si Xu Min: “Oo! Amen!” Tunay nang nawala ang kalituhan niya at nakaramdam siya ng labis na kasiyahan. Habang nagpapatuloy sila sa pagbabahagi, pumapailanlang sa labas ang kanilang masaya, walang-inaalalang mga tawa …