23.4.19

Pagkilala sa Diyos-Ang Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito isang talaan ng kabuuan ng gawain ng Diyos.


Pagkilala sa Diyos-Ang Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito isang talaan ng kabuuan ng gawain ng Diyos.




Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:17).

Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito” (Pahayag 5:5) .

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”

Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng “tipan”? Ang “tipan” sa “Lumang Tipan” ay mula sa kasunduan ni Jehova sa mga tao ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Paraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga piraso ng kahoy, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan ito ay sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at gilid ng katawan ng pintuan ay mga Israelita, sila ang mga piniling tao ng Diyos, at silang lahat ay ililigtas ni Jehova (sapagkat noon ay papatayin ni Jehova ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maihahatid ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka. Kaya, sa maraming mga libro ng propesiya hinulaan na ang mga taga-Egipto ay lubhang mapaparusahan bilang resulta ng kasunduan ni Jehova. Ito ang unang antas ng kahulugan. Pinatay ni Jehova ang mga panganay na lalaki ng Ehipto at ang lahat ng mga panganay na hayop sa sakahan, at iniligtas Niya ang lahat ng mga Israelita, na ibigsabihin na ang lahat ng mga tao sa lupain ng Israel ay itinangi ni Jehova, at ang lahat ay maililigtas; ninanais Niyang magsagawa ng pang-matagalang gawain sa kanila, at itinatag ang kasunduan sa kanila gamit ang dugo ng tupa. Patuloy mula noon, hindi papatayin ni Jehova ang mga Israelita, at sinabi na sila ang Kanyang magpakainlanmang mga pinili. Kabilang sa labing-dalawang angkan ng Israel, sisimulan Niya ang Kanyang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, bubuksan Niya ang lahat ng Kanyang mga batas sa mga Israelita, at pipili sa kanila ng mga propeta at mga hukom, at sila ang magiging sentro ng Kanyang gawain. Gumawa Siya ng isang kasunduan sa kanila: Maliban kung ang kapanahunan ay magbago, Siya ay magtatrabaho lamang kasama ng mga pinili. Ang kasunduan ni Jehova ay hindi nababago, dahil ito ay nakasulat sa dugo, at itinatag sa pamamagitan ng Kanyang piniling mga tao. Higit na mahalaga, Siya ay pumili nang naaangkop na saklaw at tudlaan kung saan magsisimula ang Kanyang gawain para sa buong kapanahunan, at sa gayon nakita ng mga tao ang kasunduan na lalong mahalaga. Ito ang ikalawang antas ng kahulugan ng kasunduan. Sa pagbubukod ng Genesis, na kung saan bago pa ang pagtatatag ng kasunduan, ang lahat ng iba pang mga libro sa Lumang Tipan ay nagtatala ng gawa ng mga Israelita pagkatapos ng pagtatatag ng kasunduan. Syempre pa, may mga paminsan-minsang mga salaysay ang mga Hentil, ngunit sa pangkalahatan, ang Lumang Tipan ay nagdo-dokumento ng gawain ng Diyos sa Israel. Dahil sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita, ang mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Kautusan ay tinawag na ang “Lumang Tipan.” Ang mga ito ay ipinangalan sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita.

Ang Bagong Tipan ay ipinangalan sa pagdanak ng dugo ni Jesus sa krus at ang Kanyang kasunduan sa lahat ng mga naniniwala sa Kanya. Ang kasunduan ni Jesus ay ito: Ang mga tao ay dapat maniwala sa Kanya upang ang kanilang mga kasalanan ay mapatawad ng Kanyang dugo, at sa gayon ang mga ito ay mailigtas, at isilang muli sa pamamagitan Niya, at hindi na maging mga makasalanan; ang mga tao ay dapat maniwala sa Kanya upang matanggap ang Kanyang biyaya, at hindi maghirap sa impiyerno pagkatapos nilang mamatay. Ang lahat ng mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Biyaya ay dumating pagkatapos ng kasunduang ito, at lahat sila ay isinulat ang gawain at mga pagbibigkas na nakapaloob dito. Sila ay pupunta na hindi lalagpas sa pagliligtas ng pagpako sa krus ng Panginoong Diyos o sa kasunduan; silang lahat ay mga aklat na isinulat ng mga kapatid sa Panginoon na nagkaroon ng mga karanasan. Kaya, ang mga librong ito ay ipinangalan din matapos ang isang kasunduan: Ang mga ito ay tinawag na ang “Bagong Tipan.” Ang dalawang “tipan” na ito ay isinasama lamang ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kautusan, at walang kaugnayan sa huling kapanahunan.

mula sa “Tungkol sa Biblia (2)”

Hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? …

mula sa “Tungkol sa Biblia (4)”

Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano ang mga Israelita sumunod sa landas ni Jehova, sa gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan ninyong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng ngayon, at magsimulang gumawa ng trabaho sa araw na ito, dahil ito’y bagong gawa, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumili ng iba sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siyang gumawa ng Kanyang gawain sa mundo, nagpapatuloy mula sa gawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng araw na ito ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at landas na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi kailan pa man nagawa—ito ay pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na ito’y nawala na sa saklaw ng Israel, at lampas sa panghuhula ng mga propeta, na ito’y bago at kahanga-hangang gawa na wala sa mga propesiya, at mga bagong gawa na lampas sa Israel, at gawa na hindi maaaring maramdaman o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawa? Sino ang maaaring magtala ng bawat piraso ng gawa ngayon, nang walang makakaligtaan, na mauuna muna? Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong gawa na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawa ng araw na ito ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais ming lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat kanghumayo lampas sa mga libro ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Matapos lamang ng iyon maaari kang makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa gayon lamang kayo makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”