26.9.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan

Kung saan ipinanganak ang isang tao, sa anong pamilya siya naipanganak, ang kanyang kasarian, anyo, at oras ng kapanganakan: ang mga ito ay mga detalye ng unang sugpungan sa buhay ng isang tao.

Walang pagpipilian ang sinuman hinggil sa mga bahaging ito sa sugpungang ito; ang lahat ng ito ay matagal nang itinadhana ng Lumikha. Hindi naiimpluwensiyahan ang mga ito ng panlabas na kapaligiran sa anumang paraan, at walang mga kadahilanang ginawa ng tao ang maaaring makapagpabago sa mga katotohanang itinakda ng Lumikha. Kapag ipinanganak ang isang tao, nangangahulugan ito na natupad na ng Lumikha ang unang hakbang ng kapalaran na Kanyang isinaayos para sa taong iyon.

24.9.19

Salita ng Diyos | Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Hindi Maihihiwalay Mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha

Lahat kayo ay nasa hustong gulang na. Ang ilan sa inyo ay may edad na ; ang ilan ay nakapasok na sa katandaan. Mula sa isang di-mananampalataya tungo sa isang mananampalataya, at mula sa simula ng paniniwala sa Diyos tungo sa pagtanggap sa salita ng Diyos at pagdanas sa gawain ng Diyos, gaano karaming kaalaman na ang nakamtan ninyo tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Anong mga pananaw ang natamo ninyo tungkol sa kapalaran ng tao? Maaari bang makamit ng isang tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan na ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan?

19.9.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Paano Malalaman at Ituturing ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Kapalaran ng Tao

Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao
… Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos aktibo o di-aktibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa katapusan siya ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha, ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, mababaw man o taimtim;

13.9.19

Salita ng Diyos | Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan

Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ay ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan

Ang mga katotohanan tungkol sa awtoridad ng Diyos ay mga katotohanan na dapat seryosong isaalang-alang ng bawat tao, dapat maranasan at maunawaan sa kanilang puso; pagkat ang mga katotohanang ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao, sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap ng bawat tao, sa mahalagang sugpungan na dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, sa kaalaman ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa saloobin na dapat niyang taglay sa pagharap sa awtoridad ng Diyos, at siyempre, sa huling hantungan ng bawat tao.

11.9.19

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”

10.9.19

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" | Ang Diyos ang Kaligtasan Ko


Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" | Ang Diyos ang Kaligtasan Ko
Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

2.9.19

Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)


Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?