Salita ng Diyos-Ano si Cristo at Ano ang Diwa ni Cristo?
Naniniwala akong pamilyar tayong lahat sa salitang “Cristo.” Sa Biblia, ito ay naitala, “Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa’t, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:15–17). Maraming tao ang nakakakita sa mga bersikulong ito at sinasabi nang hindi nag-iisip, “Si Cristo ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus” o “Si Crsto ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos”, at sinasabi ng iba, “Si Cristo ang Anak ng tao” “Ibig sabihin ng Cristo ang isang hinirang.” Pero nang maharap sa mga pahayag na ito, ilang tao ang nalito: Ang mga propeta, mga hari, at mga saserdote ng Lumang Tipan, hinirang silang lahat, kaya mga Cristo rin ba sila? Ano nga ba talaga si Cristo?






