2.5.19

Pananampalataya at Buhay-Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon




Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.

Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy! Bilis; umikot at bumalik ka na! Hindi ka makakadaan; malalim ang tubig at napakabilis ng agos. Kapag natangay ka nito, hindi kita kayang sagipin!” Nang panahong iyon, hindi na ako makasulong o umurong man sapagkat ang tubig ay umabot na sa aking dibdib. Hindi ko na tinangkang magpatuloy kaya ang aking nagawa ay manalangin sa Diyos at mamanhik na gumawa Siya ng daan palabas dito: “Diyos! Ipinahintulot po Ninyong sapitin ko ito, at nasa Inyong mga kamay kung ako’y mabubuhay o mamamatay. Kung ang tubig ay bumaba nang may kahit kalahating piye, kakayanin kong magpatuloy sa pagsulong. Diyos, gawin mo ang Iyong kalooban; handa akong ipagkatiwala ang aking buhay sa Iyo!” Matapos kong masambit ang panalanging ito, ako ay napanatag at nanahimik. Nagunita ko ang isa sa mga winika ng Diyos: “Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig at kasama Ako anumang bagay ay kayang maisakatuparan” (Mga Wika at Patotoo ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas ng loob. Sapagkat ang kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ay nasa kamay ng Diyos, batid kong gaano man kalupit ng delubyong ito, di ito makalalampas sa kakayahan ng Diyos. Wala ni isa man ang maaaring asahan; ang aking anak na lalaki, anak na babae… wala ni isa man ang may kakayanang ingatan ang isa’t-isa. Nanalig ako na hangga’t ako’y nananahan sa Diyos, walang anumang pagsubok ang di ko malalampasan. Nang sandaling iyon, isang himala ang naganap. Ang agos ay humina nang humina hanggang sa ito’y hindi na kasing-tindi ng agos ilang sandali lang ang nakaraan, at ang mga haliging semento na nakahilera sa daan ay unti-unting lumitaw. Tunay nga, ang tubig ay bumaba nang may kalahating piye mula sa aking dibdib. At sa gayon, lumakad ako doon, paunti-unti, sa pamamatnubay ng Diyos. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob at pag-iingat ng Diyos, hindi ko alam kung saan na ako tinangay ng baha. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ipinahahayag ko ang aking pasasalamat at pagpupuri, na nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay ng Diyos sa akin ng ikalawang pagkakataon sa buhay.

Nang huli, narinig ko ang paglalarawan ng aking anak na lalaki sa ulan: Nang araw na iyon, pagkatapos umuwi galing sa pagtupad ng kanyang tungkulin, nagtungo muna siya sa palikuran. Kalalabas pa lang niya ng palikuran at pabalik sa kanyang silid ay narinig niya ang malakas na paglagpak sa labas. Nang lumabas siya upang tingnan, nakita niya na ang buong gusali ng palikuran ay lubos na naguho sa ilalim ng tubig. Kung hindi dahil sa pag-iingat ng Diyos, namatay na siya. Ito mismo ang sinabi ng Diyos sa isa sa Kanyang mga pagbigkas: “Anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang matinding kasiyahang nadarama ko sa aking puso ay hindi maipahayag ng mga salita.

Sa pamamagitan ng dalawang pangyayaring ito, ang pananampalataya ko ay lalong naging matatag. Nang araw na iyon, hinayaan ng Diyos na maligtas ako sa kalamidad upang hayaan ako mismong magpatotoo sa Kanya. Kapag binabalik-tanaw ko kung gaano ka-makasarili, masama, at mapagmapuri ako dati sa pagtupad ng tungkulin, naunawaan kong hindi ko talagang nadama ang pagkaapurahan ng Diyos o ibahagi ang kaisipan ng Diyos. Mula ngayon, ibig kong magsisi at magbago. Gagamitin ko ang aking sariling personal na karanasan upang magdala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos, at gawin ang aking bahagi sa gawaing pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Magrekomenda nang higit pa : Kaharian ng Diyos