3.5.19

Pagkilala sa Diyos-Apat na Bagay na Dapat Gawin ng mga Kristiyano


Pagkilala sa Diyos-Apat na Bagay na Dapat Gawin ng mga Kristiyano



Apat na Pangunahing Mga Bagay na Dapat Nating Panghawakan Kapag Naniniwala sa Diyos

Narito ang apat na pangunahing mga bagay na dapat gawin nating mga Kristiyano sa pagsunod sa Panginoon. Sila ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagdarasal sa Diyos, pagsasagawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Kasama sa ating espirituwal na buhay ang apat na aspetong ito. Kung magagawa natin silang isagawa sa pang-araw-araw nating pamumuhay, maaabot natin ang mga kondisyon para sa pagiging tunay na mga Kristiyano.

Una, dapat nating basahin ang mga salita ng Diyos. Mula nang manampalataya sa Panginoon, malamang na binabasa natin ang mga banal na kasulatan sa loob ng ilang dekada, nang walang pagkaantala. Kung gayon, paano natin babasahin ang mga salita ng Diyos upang makakuha ng magagandang resulta? Upang makamit ito, kailangan nating maunawaan ang katotohanan at hanapin ang kalooban ng Diyos mula sa bawat isa sa mga salita ng Diyos, manalangin-magbasa at pag-isipang mabuti ang mga ito sa halip na magbasa tulad ng pagtingin sa mga bulaklak mula sa likod ng kabayo o para lamang sa pagmemorya ng mga banal na kasulatan. Dapat nating taimtim na basahin ang mga salita ng Diyos at hanapin nang may katapatan upang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ay maaari nating maunawaan ang katotohanan pati na rin ang kalooban ng Panginoon.

Ikalawa, dapat tayong manalangin sa Diyos. Sa Juan 4:23-24 ay sinasabing, “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” Ang totoo, ang proseso ng pagdarasal ay ang proseso rin ng pagsamba sa Diyos. Ngunit mayroong kondisyon: Dapat nating sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan. Kung umaasa tayo na ang ating mga panalangin ay maaaring maaprubahan ng Panginoon, dapat nating patahimikin ang ating puso bago manalangin at pag-isipan kung ano ang gusto nating ipanalangin at kung ano ang kalooban ng Panginoon sa mga sitwasyon na nakakatagpo natin araw-araw. Pagkatapos nito, dapat tayong manalangin ayon sa kalooban ng Panginoon sa halip na humingi lamang sa Kanya ng mga bagay. Sa halip na magsalita nang paulit-ulit ng mga bagay nang walang layunin, o ulitin lamang ang iisang panalangin, dapat nating tumpak na malaman ang ating sariling mga paghihirap at pagkatapos ay hilingin ang kalooban ng Diyos nang taimtim. Dapat nating tapat na sabihin ang nasa ating puso sa Diyos. Hindi tayo dapat magmalaki o magsabi ng walang kahulugang mga bagay, o gumawa ng mga pangako na walang laman sa harapan ng Diyos nang hindi tinutupad ang mga ito. Higit pa rito, dapat nating panatilihin ang lugar ng Diyos sa ating puso at itaas Siya sa lahat ng oras, hanapin ang kalooban ng Diyos at hanapin Siya sa lahat ng bagay, hanapin ang Kanyang patnubay at kaliwanagan, at gawin ang mga panalangin ng pagpapaubaya. Sa pamamagitan lamang ng pagsasanay sa ganitong paraan, maaaring matamo ng ating panalangin ang epekto ng pagsamba sa Diyos.


Ikatlo, dapat nating isagawa ang ating mga tungkulin. Itinatala ng Marcos 10:29-30, “Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio, Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.” Idagdag pa, sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22-23). Bawat Kristiyano ay may tungkulin na dapat nilang gampanan. Ang ilang mga Kristiyano ay isinusuko ang kanilang sarili sa Diyos at ilang dekadang ipinapakalat ang ebanghelyo sa buong paligid; ang ilan ay nagbibigay ng limos sa mga kapatid na tunay na naniniwala sa Panginoon at hinahanap ang katotohanan; ang ilan ay sumusuporta sa mga kapatid na negatibo at mahina; ang ilan ay kinakanlong ang mga nagmula sa malayo upang ipalaganap ang ebanghelyo, at iba pa. Ang mga bagay na ito ay ginagawa natin palagi sa ating buhay, ngunit ang tunay na pagtupad sa ating mga tungkulin ay ang gumawa para sa Diyos. Dapat mong gawin ito para lamang paluguran ang Panginoon, nang walang pagputol. Hindi ito pakikipagpalitan sa Panginoon upang magkaroon ng mga pagpapala o korona, ni hindi para sa pagkamit ng papuri ng iba. Tanging sa pagtupad lamang natin ng ating mga tungkulin sa ganitong kaisipan natin mapaluluguran ang Panginoon. Kung hindi, ang ating mga pagtupad sa ating mga tungkulin at paggastos ay para lamang sa ating personal na mga plano, mga hangarin at pangangailangan, na hindi sumusunod sa mga salita ng Diyos o sumusunod sa Kanyang kalooban, at hahatulan tayo ng Panginoong Jesus sa pagsasabing, “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan!

Ikaapat, dapat nating isagawa ang katotohanan. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay ang pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon. Maraming itinuro ang Panginoong Jesus. Halimbawa, sinabi Niya, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Ang pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon ay paggawa ng kalooban ng Diyos. Upang makamit iyon, dapat nating ibigin ang Panginoon nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip natin. Gayunpaman namumuhay tayo sa ating mga tungkulin, dapat natin itong gawan ng kusa nang walang personal na mga intensyon o ambisyon. Kahit anumang pagsubok o pagpipino ang maranasan natin, hindi dapat tayo magreklamo sa Diyos o magrebelde sa Kanya, o kahit pa magtaksil sa Kanya. Sa halip, dapat tayong magpasakop sa Diyos at mahalin ang Diyos, maging tapat sa Kanya hanggang kamatayan at magpatotoo para sa Kanya. Kapag isinasagawa ang mga salita ng Panginoon, hindi tayo dapat humawak sa literal na kahulugan ng Kanyang mga salita ngunit dapat hanapin ang nakatagong kalooban ng Panginoon sa kanila pati na rin ang diwa at tunay na kahulugan ng katotohanan. Noon lamang natin tunay na maisasagawa ang katotohanan.

Ito ang apat na bagay na dapat nating panatilihin sa ating paniniwala sa Diyos. Tanging kapag natugunan natin ang apat na pangunahing mga bagay na ito natin mapaluluguran natin ang Panginoon. Kung hindi, wala tayong direksyon o layunin sa ating paniniwala, ni hindi tayo makapagpapatuloy sa kabila ng maraming mga taon ng pagsunod sa Diyos. Kaya, upang magtagumpay sa ating pananampalataya, kailangan nating mapanghawakan ang mga pangunahing bagay na ito.

Rekomendasyon:mga kwento ng bibliya