9.4.19

Pakilala sa Tinig ng Diyos-Ano ba Talaga ang mga Hangal na Birhen?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang…. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis; … Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala

Mga Paksa sa Debosyonal-Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

8.4.19

Pag-aaral ng Biblia-Genesis 6:9 – Pagsunod sa Kalooban ng Diyos

Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios.

-Genesis 6:9
Mga Saloobin na Talata sa Linggong na ito…

Si Noe ay isang matuwid na tao sa kanyang kapanahunan, at mayroon siyang tunay na pagsunod sa Diyos. Nang mag-utos sa kanya ang Diyos na gumawa ng isang malaking barko, wala siyang atubili kundi ang gawin ito; nang ang Diyos ay magsugo sa kanya na ibahagi sa mga tao ang ebanghelyo, ginawa nga niya tulad ng kahilingan sa kanya ng Diyos. Ginawa niya ang lahat ng ipagawa sa kanya ng Diyos, wala’t ano pang katanungan kung kailan parurusahan ng Diyos ang mundo o kung kailan aapaw ang malaking baha, at wala kahit pagpaplano o paghahanda para sa kanyang sarili kung ano man ang maaring mangyari pagkatapos, siya ay sumampalataya lamang sa Diyos. Marapat na tularan natin si Noe, ibigay ang ating sarili sa Diyos at may buong pagtitiwala at pagsunod sa kakanyahan at awtoridad ng Diyos sa lahat ng mga bagay sa Kanyang kapangyarihan at kaayusan.

Magrekomenda nang higit pa : Jesus - Paano makakapagbuo ng normal na kaugnayan sa Diyos ang isang tao



7.4.19

Pag-aaral ng Biblia-Josue 6:16 – Ang Diyos ay ang Ating Dakilang Pag-asa

At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.

-Josue 6:16
Mga Saloobin na Talata sa Araw na ito…
Nang sugurin ni Josue ang Jericho, kasama niya and Diyos, kaya’t walang kahirap-hirap na napagtagumpayan niya ito. Ang talatang ito ng kasulatan ay nagbibigay ng higit na pananampalataya para sa akin, at ipinapakita na ang Diyos ay ang ating dakilang pag-asa. Sa totoong buhay, madalas na sa aking sarili lamang ako nagtitiwala, sa pag-iisip at kakanyahan sa paggawa ng mga bagay, ngunit madalas rin ito ang dahilan kung bakit madali akong mapagod. Sapagkat wala akong patnubay ng Diyos. Kaya, nais kong ibahagi sa inyo ang bersikulong ito, ”Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya’y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.” (Awit 18:2). Maliwanag na sa pamamagitan ng paghahanap sa Diyos at pagtitiwala sa Diyos ay makakamit natin ang patnubay ng Diyos.

6.4.19

Ang Katapusan at Hantungan ng Tao-Anong Gantimpala ang Ipinakakaloob sa Matatalinong Dalaga? Daranas ba ng Kalamidad ang mga Mangmang na Dalaga?


Ang Katapusan at Hantungan ng Tao-Anong Gantimpala ang Ipinakakaloob sa Matatalinong Dalaga? Daranas ba ng Kalamidad ang mga Mangmang na Dalaga?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

“Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan.

5.4.19

Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (I)

Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (I)


Ni Wen Zhong
Dati akong pangkaraniwang mananampalataya sa isang Born Again Movement. Gaya ng mga karaniwang mananampalataya sa Panginoon, hinahangad kong masalubong ang pagdating ng Panginoon habang buhay pa ako, manahin ang Kanyang mga pangako at pagpapala, at manatili sa tabi Niya habambuhay. Kung matutupad lamang ang mga hinahangad ko, napakaligayang araw niyon! Napakaraming eksena ng pagkikita namin ng Panginoon ang naisip ko, ngunit kailanman ay hindi ko naisip na tahimik nang bumalik ang Panginoon kung kailan hindi ko inaasahan, at na kapag kumatok ang Panginoon sa aking pintuan ay sasalubungin ko Siya sa ganoong paraan …

Naaaliw akong magbasa ng Biblia, at madalas kong basahin ang mga taludtod na ito: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Sa tuwing babasahin ko ang mga salitang ito, hindi ko mapigilang maisip ang senaryo ng pangalawang pagbabalik ng Panginoon. Umalis siya upang ipaghanda tayo ng mapaglalagyan, at matapos Niyang ihanda ang paglalagyan natin ay siguradong babalik Siya sakay ng ulap at may higit na kaluwalhatian upang tanggapin tayo. … Sa tuwing maiisip ko ito, pakiramdam ko ay napakasaya at napakapalad kong maniwala sa Panginoon. Dahil sa inaasahan kong ito, kahit ano pang paghihirap, pagsubok, at mga kapighatian pa ang harapin ko sa landas ng pananalig sa Panginoon, nagagawa kong maging patotoo sa Kanya at luwalhatiin ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagdadasal sa Kanya at hingin sa Kanya na bigyan ako ng pananampalataya at lakas.

4.4.19

Pagbalik sa Diyos-Alam Ko Kung Paano Magaganap ang Paghatol sa Malaking Puting Trono

Pagbalik sa Diyos-Alam Ko Kung Paano Magaganap ang Paghatol sa Malaking Puting Trono


Ni Nick Yang, Estados Unidos

“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat” (Pahayag 20:11-12).

Sa tuwing babasahin ko ang dalawang taludtod na ito, nailalarawan ko sa isip ang isang magandang eksena ng paghatol ng nagbalik na Panginoon sa sangkatauhan sa mga huling araw. Naisip ko nang panahong iyon na ang Panginoon Hesus ay uupo sa malaking puting trono sa langit tangan ang mga talaan ng bawat tao sa Kanyang mga kamay, at maringal na huhusgahan silang lahat. Nagpatuloy ako sa paniniwalang ito hanggang sa marinig ko ang magandang balita ng Diyos.

3.4.19

Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan


Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Ni Zhang Hua, Cambodia
Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

2.4.19

Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag


Ni Qiuhe, Japan
Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.

Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo. Minsan, sobrang pagod na kami kaya napapaidlip kami sa panahon ng serbisyo sa Linggo. Wala na kaming normal na gawain sa aming buhay. Sa panahong iyon, ang ilan sa amin ay parehong nagtatrabaho at nag-aaral. Hindi lamang namin kailangang kumita ng pera upang may ibayad para sa aming pag-aaral, ngunit kailangan din namin ng pera para sa aming pang-araw-araw na gastusin. Halos mahirap na ang aming mga buhay, ngunit gusto pa rin nila na ibigay namin sa kanila ang aming pera at aming lakas. Sumailalim kami sa maraming kahirapan at pasakit. Unti-unti, natuklasan ko na ang mga pastor at tagapangaral ay hindi mga tunay na tao na naglilingkod sa Panginoon. Karaniwan, dahil sila ang nagpapatnubay sa iglesia, dapat na tinutulungan nila kaming lumago sa aming espirituwal na buhay. Gayunman, wala silang pakialam sa aming buhay. Hindi nila kailanman inisip ang tungkol sa aming mga praktikal na problema. Sa halip, gusto lang nila ang aming pera at lakas. Ang lahat ng ginawa nila ay tumulong na palawakin ang kanilang iglesia at patatagin ang kanilang katayuan at kanilang impluwensiya. Sa oras na ito, naramdaman namin na naloko kami. Dahil dito, nilisan ko at ng ilang kapatid ang iglesia.

1.4.19

Mga Debosyonal-Mateo 5:14 – Kayo ang Ilaw ng Sanglibutan

Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
- Mateo 5:14

Mga Saloobin na Talata sa Linggong na ito…

Hinihiling sa atin ng Panginoong Jesus na maging ilaw ng mundong ito, kung saan, dapat tayo mamuhay ng may kagandahang-asal. Sa pamamagitan nito maaari tayong magpatotoo sa Diyos at luwalhatiin ang Diyos. Mula rin dito, kung makikita ng ibang tao dito sa mundo ang ating mabuting gawa, makikita nila ang kaluwalhatian ng Diyos mula sa atin. Pagkatapos nilang masaksihan ang kabutihan ng Diyos, maaari silang lumapit at humarap sa Diyos upang maghanap ng katotohanan, sambahin ang tunay na Diyos, at sila ay pangangalagaan at pagpapalain ng Panginoon. Kaya, makakamit natin ang magandang resulta.