Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (I)
Ni Wen Zhong
Dati akong pangkaraniwang mananampalataya sa isang Born Again Movement. Gaya ng mga karaniwang mananampalataya sa Panginoon, hinahangad kong masalubong ang pagdating ng Panginoon habang buhay pa ako, manahin ang Kanyang mga pangako at pagpapala, at manatili sa tabi Niya habambuhay. Kung matutupad lamang ang mga hinahangad ko, napakaligayang araw niyon! Napakaraming eksena ng pagkikita namin ng Panginoon ang naisip ko, ngunit kailanman ay hindi ko naisip na tahimik nang bumalik ang Panginoon kung kailan hindi ko inaasahan, at na kapag kumatok ang Panginoon sa aking pintuan ay sasalubungin ko Siya sa ganoong paraan …
Naaaliw akong magbasa ng Biblia, at madalas kong basahin ang mga taludtod na ito: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Sa tuwing babasahin ko ang mga salitang ito, hindi ko mapigilang maisip ang senaryo ng pangalawang pagbabalik ng Panginoon. Umalis siya upang ipaghanda tayo ng mapaglalagyan, at matapos Niyang ihanda ang paglalagyan natin ay siguradong babalik Siya sakay ng ulap at may higit na kaluwalhatian upang tanggapin tayo. … Sa tuwing maiisip ko ito, pakiramdam ko ay napakasaya at napakapalad kong maniwala sa Panginoon. Dahil sa inaasahan kong ito, kahit ano pang paghihirap, pagsubok, at mga kapighatian pa ang harapin ko sa landas ng pananalig sa Panginoon, nagagawa kong maging patotoo sa Kanya at luwalhatiin ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagdadasal sa Kanya at hingin sa Kanya na bigyan ako ng pananampalataya at lakas.
Unti-unti, nakakita ako ng paglitaw ng maraming senyales ng pangalawang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw: Iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo ang naging pabagu-bago at hindi matatag; nag-umpisang maganap ang mga giyera sa pagitan ng mga bansa; lalo pang nagkakasakitan at pinapahirapan ng mga tao ang isa’t isa; tag-gutom, mga lindol, mga salot, mga baha, mga bagyo, atbp., ay mas madalas nang lumalabas sa lahat ng dako. Lahat ng mga ito ay tinutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Hesus: “At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito’y dapat na mangyari: datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba’t ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito’y pasimula ng kahirapan” (Marcos 13:7-8). Kaya palagi kong nararamdaman sa aking puso na malapit nang dumating ang Panginoon. Mula noon, bawat araw ay mas nagdarasal ako ng taimtim sa Panginoon, hinihingi sa Kanya na huwag akong talikdan kapag Siya ay nagbalik. Minsan kapag naglalakad ako sa labas at humihimig ng mga himno, tumitingin ako paminsan-minsan sa kalangitan, umaasang makita ang pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap. Sa madaling sabi, ang mga araw na iyon ay magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ko. At ang pastor at mga kapatid sa simbahan namin ay hindi rin magawang pigilan ang kanilang pananabik, tulad ko. Madalas naming pag-usapan kapag magkakasama kami kung paano kami isasama pabalik ng Panginoon sa Kanyang tahanan sa langit. Sa loob ng ilang taon ay mapagmatyag na inaabangan kong bumalik ang Panginoon, labis na kinakatakutan na talikdan ng Panginoon.
Habang nasasabik akong naghihintay sa pagdating ng Panginoon sakay ng ulap, isang kapatid, na siyang matalik kong kaibigan at higit sa isang taon ko nang hindi nakikita, ang pumasyal sa aking bahay. Masaya niyang sinabi sa akin: “Dumating na ang Panginoong Hesus. Nagkatawang tao siya at inihahayag ang mga katotohanan upang gawin ang yugto ng gawain ng paghatol, pagkastigo, at pagliligtas sa sangkatauhan….” Sinabi niya rin sa akin: “Ang pagdating ng Panginoon ay hindi sa pamamagitan ng pagbaba Niya sakay ng ulap upang tanggapin tayo gaya ng iniisip natin, ngunit Kanyang pagkakatawang-tao sa lupa at pagsambit ng mga salita upang iligtas tayong mga tao, at sa huli ay gawin tayong napakalinis at dalhin tayo sa isang magandang huling destinasyon….” Pagkarinig sa sinabi niyang dumating na ang Panginoon at gumawa ng yugto ng bagong gawain, mabilis ko siyang pinabulaanan: “Malinaw na itinatala ng Biblia na darating ang Panginoon kung paano Siya umalis. Umalis Siya sakay ng puting ulap, kaya tiyak na babalik Siya sakay ng puting ulap. Paano Niya magagawang magkatawang-tao muli?” Kalaunan, kahit ano pang sinabi sa akin, hindi ko iyon tinatanggap. Bago siya umalis, binigyan niya ako ng kopya ng Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero at sinabing basahin ko iyon.
Matapos umalis ng kaibigan ko, inisip ko kung paanong ang sinabi niya ay hindi nahahambing sa Biblia, kaya naging puno ng pagtanggi ang puso ko at hindi ko binasa ang librong Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Hanggang isang araw, noong libre ako, tiningnan ko ang librong iyon at labis na nausisa. Naisip ko sa sarili ko: “Sinabi niyang nagbalik na ang Panginoon sa katawang tao at nag-umpisa na ng bagong gawain. Paano niya nalaman ang mga bagay na iyon? Ngunit kung iisipin, isa siyang mapagkakatiwalaang tao, isang masugid na mananampalataya ng Diyos, at may sariling pag-iisip sa lahat ng bagay. Siya ang nagdala sa akin ng ebanghelyo ng Panginoon, kaya hindi siya basta maniniwala kung walang basehan ng katotohanan. Isa pa, dumating man o hindi ang Panginoon, walang masama kung babasahin ko lang ang librong ito tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Maaari kong malaman kung ano talagang nilalaman nito, o may madiskubreng makakatulong para sa akin na maniwala sa Panginoon. Kaya binuksan ko ang libro at inilipat sa Paunang salita: “Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Fariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isipan kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawa’t isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ng mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!” Labis akong nabigla sa kaibuturan ng aking puso nang mabasa ko ang siping ito: Paanong ang mga salitang ito ay eksaktong tumutukoy sa iniisip at inaasam ko? Anong ibig sabihin ng mga salitang ito “Hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni,” “Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap”? Hindi ba bababa ang Panginoon sakay ng ulap upang makasama natin sa mga huling araw? Ang lahat ng relihiyon ay naghihintay na bumalik ang Panginoon sakay ng ulap—maaari bang mali kaming lahat? Pagkatapos ay naisip ko: “Bakit nabigo ang mga Fariseo ng mga panahong iyon? Hindi ba dahil pinilit nilang panindigan ang sarili nilang mga pananaw at imahinasyon na kung sino man ang hindi ipinanganak ng isang birhen at hindi tinatawag na Mesiyas ay hindi ang Tagapagligtas? At sa huli, ipinako nila ang Panginoong Hesus sa krus.” Naisip ko noong una akong nanalig sa Panginoon, madalas kong tinatanong sa sarili ko ang mga ito: Kung ipinanganak ako sa panahon kung saan isinasagawa ng Panginoong Hesus ang Kanyang gawain, hahatulan at lalabanan ko rin kaya Siya tulad ng mga Fariseo? O magagawa ko bang makilala na ang Panginoong Hesus ang parating na Mesiyas sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, tulad nila Pedro at Natanael? Anong klaseng tao kaya ako noon? Sa pagkagulat ko, nahaharap pa rin ako sa mga katanungang ito nang araw na iyon. Sa mga nakalipas na taong hinangad ko na bumaba ang Panginoon sakay ng ulap upang tanggapin ako—talaga bang mali ako? Narinig ko mula sa mga kapatid na maaaring ang mga pastor at mga matatanda sa simbahan namin ay nabasa na rin ang librong ito, ngunit hindi nila sinabing nagbalik na ang Panginoon. Ilang taon pa lamang akong naniniwala sa Panginoon; paanong mas may kaalaman pa ako kaysa sa mga pastor at mga nakatatanda? Anu’t-ano man, may isa pa akong naisip: “Mali. Sa pagsasabi ng talinghaga ng sampung mga birhen, hindi ba tayo tinuturuan ng Panginoon na maging mga matatalinong birhen na mayroong pusong hinahanap ang katotohanan, at huwag maging mga hangal na birhen na umalis? Kung totoo ngang bumalik ang Panginoon, at tinanggihan ko Siya dahil sa hindi paghahanap, hindi ba’t nangangahulugang magtatapos na ngayon ang buhay ko ng paniniwala sa Diyos? Hindi, sa Diyos ako naniniwala. Hindi dapat ako makinig lamang sa mga pastor at matatanda. Kahit anong mangyari, malaking bagay ang pagdating ng Panginoon at dapat na mag-ingat ako sa bagay na iyon. Dapat akong maghanap at mag-imbestiga muna. Hindi dapat ako basta na lamang pumuna o gumawa ng konklusyon—hindi iyon makatwiran. Kung talagang tinanggihan ko ang Panginoon at ipako Siyang muli sa krus, ano ang gagawin ko?” Sa mga sandaling iyon, napagdesisyunan kong maingat na hanapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na gagabayan ako ng Panginoon upang malaman ang Kanyang kalooban. Dahil minsang sinabi ng Panginoon: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mat 7:7).
Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng libro na may intensiyong maghanap at mag-obserba: “Kapag nakikita ninyo ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa iyo, subali’t dapat mong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagka’t nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan.” Pagkatapos mabasa ang mga salitang ito, naramdaman kong mayroon silang awtoridad at kapangyarihan, at tila sila tinig ng Diyos. Ipinaramdam nila sa akin ang katapatan, kamahalan ng Diyos at ang disposisyon niyang hindi tumatanggap ng pagkakasala. Ngunit nang mga sandaling iyon, puno pa rin ako ng pagdududa at pagkalito. Hinulaan ng Biblia na darating ang Panginoon kung paano Siya umalis, iyon ay, dahil umalis ang Panginoon sakay ng puting ulap, tiyak na darating Siya sakay ng puting ulap. Ngunit bakit sinasabi ng libro “Subali’t dapat mong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama”? Naisip ko: “Hindi ba darating ang Panginoon upang dalhin kami sa kaharian sa langit? Sa oras ba na ang Diyos, na siyang araw at gabi kong hinahangad, ay bumaba sakay ng ulap ang oras na itatapon ako pababa sa impiyerno upang parusahan? Hindi ba Siya ang Panginoon na nagligtas sa sangkatauhan? Iiwan ba Niya ako kapag dumating Siya? At bakit?” nang mga sandaling iyon, napaluhod ako sa harap ng Panginoon at nagdasal nang may pagtataka: “Panginoon, hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nito na sa oras na makita Kitang bumababa sakay ng ulap ay iyon ang panahon kung kailan itatapon ako pababa sa impiyerno upang parusahan at siyang pagtatapos ng gawain ng Diyos. Oh Panginoon, gabayan Mo ako. Kung ito talaga ang Iyong gawain, handa akong tanggapin at sunduin iyon.” Pagkatapos magdasal, naisip ko: “Sa susunod na bumalik ang kapatid, kailangan kong maghanap upang maintindihan ito.”