3.4.19

Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan


Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Ni Zhang Hua, Cambodia
Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

Nakilala ko ang asawa ko sa pamamagitan ng kapuwa kakilala. Hindi ko siya nagustuhan dahil medyo maliit siya, ngunit nagustuhan naman siya ng ama’t ina ko. Sinabi nila sa akin: “Mayroon siyang mabuting puso at pakikitunguhan ka niya nang maayos.” Nakita ko na taos-puso kung makitungo ang asawa ko sa mga tao at tila siya ang tipo ng tao na tatratuhin nang maayos ang kanyang pamilya. Naisip ko, “Ayos lang na medyo maliit siya. Basta’t tatratuhin niya ako nang maayos, mainam na iyon.” Bilang resulta, pumayag ako sa kasal at noong 1989, nagpakasal kami. Pagkatapos naming magpakasal, napakagiliw ng naging pakikitungo sa akin ng asawa ko at inalagaan niya ako nang mabuti. Naging napakaligaya at masagana ng aking buhay may asawa. Pinakitunguhan ako nang maayos ng asawa ko, at inalala ko iyon sa aking puso. Buong sikap ko rin siyang inalagaan at iniisip siya sa lahat ng bagay. Matapos ipanganak ang aming dalawang anak na babae, at para maging palagay sa trabaho ang aking asawa, nanatili ako sa bahay at inalagaan ang pamilya. Nang panahong iyon, madalas na magkasakit ang aking maliit na anak na babae. Minsan, isang gabi, bigla siyang nilagnat. Panggabi ang trabaho ng asawa ko noon at wala siya sa bahay. Sa takot, nagpasiya akong dalhin ang aking anak na babae sa ospital nang mag-isa lang. Nang malaman ito ng aking asawa, gusto niyang umuwi ng bahay. Hindi niya gustong mahirapan ako nang husto. Napakasaya ko na may ganitong uri ng puso ang asawa ko. Pagkaraan, lumabas ng nayon ang dalawang bata upang mag-aral. Umupa ako ng isang lugar para samahan sila habang nag-aaral at para maalagaan sila. Hangga’t kaya kong gawin ang isang bagay, hindi ko inaabala ang asawa ko tungkol dito. Kahit na paminsan-minsan, mahirap ito at medyo pagod ako, ang relasyon namin bilang mag-asawa ay puno ng pag-ibig at suporta sa isa’t isa. Naramdaman kong labis na pinagpala ang buhay ko.

Noong panahong iyon, ang kinikita ng asawa ko ay sapat lang para sagutin ang pang-araw-araw naming gastusin. Kahit na medyo hirap ang buhay namin, hindi ako kailanman nagreklamo sa kanya. Naniniwala akong dapat pagsaluhan ng mag-asawa ang mga kagalakan at mga kalungkutan sa buhay. Di-naglaon, lumala ang sitwasyong pang-ekonomiya sa lugar na pinagtatrabahuhan ng asawa ko at halos hindi na siya makapag-uwi ni kalahati ng dati niyang suweldo buwan-buwan. Di-nagtagal, hindi na rin namin magawang bayaran ang matrikula ng aming mga anak. Sa pagsisikap na mabawasan ang kagipitan ng asawa ko, madalas akong manghiram ng pera sa mga kamag-anak. Naisip ko, “Pansamantala lang naman ang mga paghihirap na ito. Kalauna’y magiging maayos din ang mga bagay.” Dahil matagal-tagal din kaming nanghihiram ng pera, lumaki nang lumaki ang mga pagkakautang namin. Nadama naming mag-asawa ang lubos na kagipitan. Noong 2013, nagsimulang mag-isip ang asawa ko na mangibang-bansa para kumita ng pera. Nang marinig ko ito, kahit na may pag-aatubili ako, naisip ko, “Kung mangibang-bansa siya sa loob ng dalawa o tatlong taon para kumita ng pera, maaari na naming mabayaran ang ilan sa aming mga pagkakautang at mapabuti ang sitwasyon ng aming pamilya.” Higit pa rito, lumalaki na ang aming mga anak at gusto namin silang bigyan nang maayos na kapaligiran. Para sa kapakanan ng aming pamilya, sinang-ayunan ko ang pagpunta niya sa ibang bansa para magtrabaho.

Pumunta sa Cambodia ang asawa ko sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng tatlong taong ito, nanatili ako sa bahay at inalagaan ang mga bata at ang matatanda naming mga magulang. Sa simula, madalas tumawag ang asawa ko sa bahay at ipinapakita ang malasakit niya sa pamilya. Madalas din siyang magpadala ng pera sa bahay. Di-nagtagal, paunti nang paunti ang mga tawag niya at napakaliit na lang ng perang ipinadadala niya sa bahay. Nang dakong huli, naging mas malubha pa ito nang hindi na siya nagpadala ng pera sa bahay at matagal na panahon din bago siya tumawag sa bahay. Nabahala ako na may nangyari na sa kanya. Bilang resulta, isinama ko ang mga anak naming babae para makita siya. Nang makarating kami sa Cambodia at nakita ko na ligtas at maayos naman ang asawa ko, nakahinga ako nang maluwag. Dahil unang pagkakataon pa lang namin ito sa Cambodia, nakahanda akong manatili doon kasama ng mga anak naming babae sa loob ng kaunting panahon at samahan ang aking asawa bago kami umuwi. Gayon pa man, natuklasan ko na sa tuwing sinasamahan ko ang aking asawa sa labas ng bahay, kakaiba kung tingnan ako ng mga taong kakilala ng asawa ko. Dahil hindi kami nagsasalita ng parehong wika, hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila. Pagkalipas ng isang linggo, bigla na lang dinala sa akin ng asawa ko ang isang batang kilik niya hindi ko kilala. Sinabihan niya ang bata, “Bumati ka nang mabilis sa iyong tiya.” Nang oras na iyon, nakatitig lang ako nang walang nakikita dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nang tanungin ko ang aking asawa, nalaman ko na anak niya ang batang ito sa isang babaeng nakilala niya sa Cambodia. Wala akong masabi sa sobrang galit at wala ring ideya kung ano ang gagawin. Nang sinisisi ko siya, payamot siyang sumagot, “Sobrang pangkaraniwan lang ito. Maraming tao ang gumagawa nito rito!” Nang marinig kong sabihin niya ito, nanginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. Hindi ko kailanman naisip na ako at ang asawa ko na nagmahalan sa isa’t isa sa loob ng maraming taon, pero ngayon nagagawa niyang sabihin ang isang bagay nang kay-lamig at walang kaawa-awa at gawin ang isang bagay nang may kapangahasan. Sa galit, buong bangis ko siyang sinampal ng dalawang beses. Naparalisa ako ng kataksilan ng aking asawa. Ang katotohanan ng kanyang kataksilan ay tila isang kulog mula sa maaliwalas na kalangitan para sa akin. Kailanma’y wala siyang ipinakitang anumang pahiwatig noon na magagawa niyang kumilos ng kagaya nito. Hindi ko matanggap ito tungkol sa kanya. Umupo ako sa sahig at umiyak nang buong kapaitan. Tinanong ko nang ilang ulit ang sarili ko, “Bakit gagawin ng asawa ko ito sa akin? Saan napunta ang asawa na dating kilala ko?” Maaari kaya na ang pangako niyang walang-kamatayang pag-ibig, ang kanyang pagkamagiliw at ang kanyang pag-aalaga ay kunwari lang lahat? Ibinigay ko ang lahat sa pamilyang ito. Hindi ko kailanman hiniling sa asawa ko na bigyan ako ng pera o materyal na kasiyahan. Gayunpaman, ngayon … Isang napakalaking panghihiya sa akin ang pagtataksil ng asawa ko. Nadama ko na wala na akong dangal upang magpatuloy na mabuhay.

Sa sumunod na mga araw, araw-araw naligo sa mga luha ang aking mukha. Kinasuklaman ko ang babaeng iyon at kinasuklaman ko rin ang batang iyon. Sinabi ko sa asawa ko na gusto kong makipagdiborsiyo at nakahanda akong dalhin pauwi ang mga anak naming babae at iwanan ang kung tawagi’y pamilyang ito. Hindi ko naisip na hindi lamang hindi sasang-ayon ang asawa ko na diborsiyuhin ako nguni’t hindi rin siya papayag na iwanan ang babaeng iyon. Pagkatapos, nalaman kong batid na ng ilan sa mga kapamilya ko na nakatagpo ng ibang babae ang asawa ko at nagkaroon siya ng anak sa kanya. Sinadya nilang hindi na lang ito ipaalam sa akin. Lalo kong naramdamang nabubuhay ako nang walang anumang dangal. Buong-tiyaga akong nagsakripisyo para sa pamilyang ito. Hindi ko kailanman naisip na kataksilan at panlilinlang ang isusukli sa akin. Nawasak ang puso ko… Ang kataksilang ito ay talaga namang napakasakit. At lalong napakahirap para sa aking tanggapin ang kakaibang tingin sa akin ng mga taong nakakakilala sa asawa ko at sa babaeng iyon at nagawa pa nilang punain ako. Sa simula’t simula pa lang, ang asawa ko ang nagtaksil sa akin at ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya ko. Gayunpaman, ngayon, sa mga mata ng ibang tao, ako ang ikatlong partido. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama ko ng mga panahong iyon. Gumagapang lang ang oras habang miserable ang isang tao. Ilang sandali lamang, nabawasan ako nang higit sa 10kg na timbang.

Sa panahon na lubos akong nawalan ng pag-asa, natagpuan ko ang kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Nang malaman ng kapitbahay kong si Lin Ting ang insidenteng ito, dumalaw siya at ipinangaral ang ebanghelyo sa akin. Sinabi niya, “Manampalataya ka sa Diyos. Matutulungan ka ng Diyos.” Gayunpaman, dahil naimpluwensiyahan ng ateismo, paano ko magagawa nang ganoon kadali ang manampalataya sa Diyos! Hindi ako nagbigay ng anumang kasagutan. Pagkaraan, kinausap muli ako ni Lin Ting, “Basahin mo ang mga salita ng Diyos. Magagawa kang iligtas ng Diyos at matutulungan kang makalaya sa iyong sakit.” Buong-katapatan niyang sinabi ang mga bagay na ito kaya naman nadala ako ng damdamin. Nahiya akong tanggihan siya at bilang resulta, tinanggap ko ang isang kopya ng aklat. Binuksan ko ang aklat at binasa ang sumusunod na sipi: “Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. … Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).


Nang mabasa ko ang taos-pusong mga salita ng Diyos, napuno ako ng luha at naramdaman ko na tunay ngang nauunawaan ng Diyos na ito ang sangkatauhan. Noong nahaharap ako sa kataksilan ng asawa ko, nais ko nang mamatay nguni’t wala akong tapang na gawin ito at ni hindi handang mamatay sa ganoong paraan. Nawalan ng direksyon at layunin ang buhay ko at ginusto ko ring umayaw na. Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, nagawa kong makita ang pag-asa ng buhay at natagpuan ng puso ko ang kapayapaan. Kahit na pinagtaksilan ako ng asawa ko, maaari akong magtiwala sa Diyos. Hindi ako nag-iisa. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras.” Nakahanda akong magtiwala sa Diyos dahil isa akong taong nasaktan at walang sinumang nagmamalasakit sa akin. Kinailangan ko ang yakap ng Diyos. Naramdaman kong naging napakasakit at nakapapagod ang bawat araw. Hindi ko nais na magpatuloy nang ganito. Yaman din lamang at nauunawaan ng Diyos ang sangkatauhan, tiyak na kaya Niyang dalhin ako palayo sa sakit na ito. Bilang resulta, sinimulan kong basahin ang mga salita ng Diyos kasama ni Lin Ting. Ibinahagi namin ang mga layunin ng Diyos at natutong kumanta ng mga himno ng pagsamba sa Diyos. Sinabi sa akin ni Lin Ting, “Kapag dumaranas ka ng mahihirap na sitwasyon, manalangin sa Diyos at basahin ang mga salita ng Diyos. Maaaliw ng Diyos ang nasaktan nating puso.” Ginawa ko ang sinabi niya sa akin. Nang makita ko ang mga MV at mga video ng himno na kinunan ng mga kapatid ng iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagsimula kong maramdaman ang higit na kaligayahan sa aking puso. Nadama ko na ang pamilya ng Diyos lamang ang may tunay na pagmamahal at ang tunay na kagalakan ay matatagpuan lamang sa aking mga kapatid. Ganito rin ang siyang nangyari nang makita ko ang video,

Napalukso ang puso ko kasama ng aking umaawit at sumasayaw na mga kapatid. Ang nagdurusa at nalulungkot kong puso ay agad nabuhayan ng loob at sa huli nagsimulang sumilay ang isang ngiti sa aking mukha. Kaagad, nadama ko na ito ang pamilya na tunay na ninanais ko. Bilang resulta, nasiyahan ako sa buhay-iglesia kasama ng aking mga kapatid.

Pagkaraan, binasa ko pa ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang usapin na sinasamantala ni Satanas ang panlipunang uso upang pasamain ang tao ay nangangailangan din ng tiyak na paliwanag. Ang mga panlipunang usong ito ay isinasama ang maraming mga bagay. Sinasabi ng ilan na: ‘Sila ba ay tungkol sa mga damit na ating sinusuot? Sila ba ay tungkol sa pinakabagong mga moda, mga pagpapaganda, pag-aayos ng buhok, at pagkaing gourmet?’ Sila ba’y tungkol sa mga bagay na ito? Ang mga ito ay isang bahagi ng mga uso, subalit hindi natin nais pag-usapan ang mga ito dito. Nais lamang nating pag-usapan ang tungkol sa mga ideya na dinadala ng panlipunang uso para sa mga tao, ang paraan na kanilang dinudulot sa mga tao sa pangangasiwa ng kanilang mga sarili sa mundo, ang mga layunin sa buhay at pagtingin na kanilang dinudulot sa mga tao. Ang mga ito ay napakahalaga; maaari nilang kontrolin at impluwensyahan ang pag-iisip ng tao. Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran. … Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalang-kamalayan, ay patuloy na nahahawahan, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng uso, hanggang sa silang lahat ay walang kaalam-alam at hindi-kinukusang tumanggap nito, at lahat ay nakalubog at kontrolado nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman alam kung ano ang katotohanan, na hindi maaaring makapagsabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, ang mga ganitong uri ng uso isa-isa ay ginagawa silang lahat na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga usong ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pilosopiya sa buhay at mga kahalagahan na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at ang paraang mabuhay na ‘iginawad’ sa kanila ni Satanas. Wala silang lakas, ni wala silang kakayanan, lalo na ang kamalayang tumutol” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nang mabasa ko ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos, naisip ko ang sinabi sa akin ng aking asawa: “Pangkaraniwan lang ito. Maraming tao ang gumagawa nito rito!” Hindi ba’t ang mga saloobin ng asawa ko ang naglalarawan sa katotohanan na siyang ipinahayag ng mga salita ng Diyos kung paano na ang masasamang uso ng lipunan na dala ni Satanas ay nagpapasama at lumalagom sa mga tao? Bago umalis ng bansa ang aking asawa, nagagawa niyang alagaan ang kanyang pamilya at alagaan ako at ang aming mga anak. Subali’t, sa loob ng tatlong maikling taon mula nang umalis siya para magtrabaho, tuluyan niyang sinunod ang masasamang uso ng lipunan at magtalusira sa kanyang sariling pamilya. Pagkatapos ay naisip ko: Sa kasalukuyang lipunan, ang pagiging isang kerida ay hindi kahiya-hiyang bagay. Sa katunayan, madalas nang nangyayari ang bagay na ito. Maraming kalalakihan na ang napahamak nang dahil sa nakalalasong pag-iisip na gaya ng mga sumusunod: “Hindi nabubuwal ang pulang bandila sa bahay, ang makukulay na bandila sa labas a wumawagayway sa hangin.” Buong-kapangahasan silang nakikipag-relasyon kahit sila’y kasal na. Dahil hindi sila pinanghihinaan ng loob sa kahihiyan, nauudyukan sila ng kaluwalhatian. Ayaw ng asawa kong diborsiyuhin ako, nguni’t ayaw rin niyang iwanan ang babaeng iyon. Hindi ba’t naging kontrolado na rin siya nang ganitong uri ng pag-iisip at pananaw? Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nagawa kong unawain ito: Sa katunayan, ang bawat isa ay biktima. Nalinlang ang lahat ng masasamang saloobin ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit tayo naging tiwali hanggang sa puntong wala na tayong kabutihang-asal at kahihiyan. Ano nga ba ang nakakamit ng mga tao kung natutupad nila ang kanilang makasariling mga pagnanasa? Nagkamit nga ba talaga sila ang kaligayahan? Tungkol sa asawa ko at sa babaeng iyon, hindi ko maisip na mas maligaya sila kaysa sa akin. Bukod dito, ang aming mga anak ay mga inosenteng biktima. Hindi ba’t ang paghihirap na dinanas ng aking pamilya ay resulta rin ng kasamaan at kapinsalaan ni Satanas? Kapag iniisip ko ang aking sarili, kung hindi ko natagpuan ang kaligtasan ng Diyos, malamang na sinira rin ako ng masasamang uso ng lipunan. Naisip ko na dahil nakakita ang asawa ko ng ibang babae ay magagawa ko ring maghanap ng ibang mga lalaki. Hindi naman ako hindi kanais-nais na babae maging saanman tingnan. Nagpapasalamat ako na nailigtas ako ng Diyos nang panahong malapit na akong lamunin ni Satanas. Pinahintulutan Niya akong pumunta sa Kanyang harapan at tanggapin ang Kanyang proteksyon. Kung hindi, baka nawasak na ako sa pagsunod sa agos ng kasamaan ng lipunan.

Sa patuloy kong nagbabasa, sinabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag ginagawang masama ni Satanas ang tao o gumagamit nang walang-pigil na pamiminsala, ang Diyos ay hindi magsasawalang-kibo, ni hindi rin Niya ipinagwawalang-bahala o magbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga napili. … Nais na makita ng Diyos na ang puso ng tao ay maaaring muling buhayin. Sa ibang salita, ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay ang patuloy na pukawin ang puso ng tao, pukawin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagbibigay sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Maylalang, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan na dapat nilang tahakin, at sa anong paraan dapat makarating ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting panumbalikin ang puso ng tao, upang nakikilala ng tao ang puso ng Diyos, nauunawaan ang puso ng Diyos, at naiintindihan ang malaking pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag pinanumbalik ang puso ng tao, hindi na nila nanaising mamuhay ng buhay ng isang masamang tao, masama ang disposisyon, subalit sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kasiyahan ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay napukaw, sa gayon maaari na silang lubusan at tuluyang umalis kay Satanas, hindi na muling mapinsala pa ni Santanas, hindi na muling kontrolado at malilinlang nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyan-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at sa pag-iwas sa kasamaan. Ito ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kahit na ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng mga usong panlipunan upang gawing tiwali ang tao, sa lahat ng panahon, ginawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman sinukuan ang ating kaligtasan dahil matindi na ang ating naging kasamaan. Sa huling mga araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao at ipinahayag ang Kanyang mga salita, upang pukawin ang espiritu ng tao at pahintulutan ang tao na makita nang lubusan ang kasamaan ni Satanas, at kanyang pagiging kakutya-kutya. Ginising Niya rin tayo para hanapin natin ang katotohanan at makalaya sa ating tiwali at mala-Satanas na disposisyon at lubusang talikuran si Satanas at bumalik sa Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko rin na ang Diyos lamang ang may dalisay at banal na kakanyahan, na kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan at kasamaan at inaasahan ng Diyos na lahat tayo ay pupunta sa Kanyang harapan, tanggapin ang patnubay ng Kanyang mga salita at kamtin ng tanglaw ng liwanag. Ang masasamang saloobin ni Satanas ang nagpatiwali sa puso ng tao, naging sanhi upang mawalan ng kapangyarihan ang tao na makalaya mula rito at upang gawing tiwali at lamunin nang paunti-unti. Ang Diyos lamang ang may kakayahang magligtas sa atin. Ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos lamang ang magpapahintulot sa atin na makita nang lubusan ang masasamang pakana at mga panlilinlang ni Satanas para gawing tiwali ang tao at para magkaroon ng kapangyarihang makalaya mula sa kapinsalaan at magkamit ng tunay na buhay ng tao. Salamat sa Makapangyarihang Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa akin mula sa kailaliman ng sakit! Nakahanda akong basahin ang mga salita ng Diyos, tugisin ang katotohanan at sa huli, kamtin ang Kanyang kaligtasan.

Sa kasalukuyan, habang patuloy kong binabasa ang mga salita ng Diyos, nauunawaan ko ang kahit kaunting katotohanan at nakikita ko nang lubusan ang maraming sitwasyon. Hindi na ako napopoot sa aking asawa o sa babaeng iyon. Malaya silang pumili kung anong uri ng buhay ang nais nilang isabuhay. Pagdating naman sa mga kamag-anak at mga kaibigan, napapakitunguhan ko naman sila nang mahinahon. Hindi ko na sinisisi ang mga kamag-anak ko dahil lahat naman tayo ay ginawang tiwali ni Satanas at lahat tayo ay mga biktima nito. Ngayon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon kasama ng aking mga kapatid. Binabasa namin ang mga salita ng Diyos at nag-uusap-usap kami at ibinabahagi ang aming mga indibiduwal na karanasan. Nakikinabang kami araw-araw mula sa mga salita ng Diyos. Sa loob ng aming mga puso, mayroon kaming kapayapaan at kagalakan at puno ng pag-asa ang aming mga buhay. Salamat Makapangyarihang Diyos dahil sa ginagabayan mo ako sa tamang landas ng buhay at para sa pagbibigay sa akin ng tunay na pamilya. Dito, natagpuan ko ang tunay na kaligayahan! Nakahanda akong sundin ang Diyos magpakailanman!