Kahulugan ng Buhay-Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag
Ni Qiuhe, Japan
Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.
Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo. Minsan, sobrang pagod na kami kaya napapaidlip kami sa panahon ng serbisyo sa Linggo. Wala na kaming normal na gawain sa aming buhay. Sa panahong iyon, ang ilan sa amin ay parehong nagtatrabaho at nag-aaral. Hindi lamang namin kailangang kumita ng pera upang may ibayad para sa aming pag-aaral, ngunit kailangan din namin ng pera para sa aming pang-araw-araw na gastusin. Halos mahirap na ang aming mga buhay, ngunit gusto pa rin nila na ibigay namin sa kanila ang aming pera at aming lakas. Sumailalim kami sa maraming kahirapan at pasakit. Unti-unti, natuklasan ko na ang mga pastor at tagapangaral ay hindi mga tunay na tao na naglilingkod sa Panginoon. Karaniwan, dahil sila ang nagpapatnubay sa iglesia, dapat na tinutulungan nila kaming lumago sa aming espirituwal na buhay. Gayunman, wala silang pakialam sa aming buhay. Hindi nila kailanman inisip ang tungkol sa aming mga praktikal na problema. Sa halip, gusto lang nila ang aming pera at lakas. Ang lahat ng ginawa nila ay tumulong na palawakin ang kanilang iglesia at patatagin ang kanilang katayuan at kanilang impluwensiya. Sa oras na ito, naramdaman namin na naloko kami. Dahil dito, nilisan ko at ng ilang kapatid ang iglesia.
Pagkatapos na umalis sa iglesia, natagpuan ko ang isang simbahang Katoliko na matatagpuan sa tuktok ng isang bundok. Ang mga tao sa simbahan ay mga Hapones. Dumalo ako sa Misa nang ilang beses ngunit naramdaman ko na hindi ako nakinabang nang espirituwal dito. Bukod pa rito, mahirap dumalo sa pagbabahagi, kaya umalis din ako sa simbahan. Sa ganitong paraan, napunta ako sa isang lito at hungkag na buhay na walang direksiyon at diwa ng layunin. … Nangyari ito hanggang Oktubre 2016. Si Sister Liang, na nakilala ko noon sa iglesia ng Protestante, ay biglang nakipag-ugnayan sa akin, kinamusta ako at inimbitahan akong makipagkita sa kanya. Naisip ko kung gaano naging hindi kasiya-siya ang aking karanasan sa iglesia ng Protestante sa isang taon na iyon at bilang resulta, tinanggihan ko ang imbitasyon ni Sister Liang. Gayunman, paulit-ulit akong inimbitahan ni Sister Liang at bilang paggalang sa kanyang mga damdamin, nagpasya akong makipagkita sa kanya.
Sa pamamagitan ni Sister Liang, nakilala ko sina Sister Ma at Sister Fang. Isang araw, nagsalita sila sa akin tungkol sa maraming propesiya ng Biblia. Sinabi nila sa akin ang tungkol sa gawain ng Diyos na Jehova at ng Panginoong Jesus. Napakasariwa ng kanilang pag-unawa at nagsalita sila tungkol sa mga bagay na hindi ko pa kailanman dating narinig. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa madilim na sitwasyon na aking nasaksihan sa iglesia at kung paano ako naging masyadong bigo sa aking kawalan ng kakayahan na makakuha ng espirituwal na pagkain mula sa iglesia na hindi ko na gustong dumalo sa mga pulong. Sinabi ni Sister Fang: Naranasan din namin kung ano ang iyong naranasan. Sa kasalukuyan, ang buong relihiyosong mundo ay nasa isang madilim at mapanglaw na sitwasyon. Sa loob nito, naroon ang layunin at katotohanan ng Diyos upang hanapin. Sa kasalukuyan, tayo ay nasa mga huling panahon ng mundo. Hinulaan ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mat 24:12). Ang katampalasanan ay mas higit pang lumalaganap sa relihiyosong mundo sa panahong ito. Hindi sinusunod ng mga pastor at mga elder ang mga turo ng Panginoon at hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos. Nangangaral lamang sila at nagtatrabaho para sa kanilang katayuan. Palagi nilang pinupuri ang kanilang mga sarili at sumasaksi sa kanilang sarili upang igalang sila ng ibang tao at sambahin sila. Pinaghahandog nila ang ibang tao at pinagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa pangalan lamang, sinasabi nila na ang kanilang layunin ay upang iligtas ang mga kaluluwa ng mga tao, ngunit sa katotohanan, hindi nila inaakay ang mga tao upang maranasan ang mga salita ng Panginoon ni hindi nila tinutulungan ang mga tao upang isabuhay ang mga salita ng Panginoon. Nais lamang nilang sundin sila ng ibang tao. Hindi sila mapakali na ituring sila ng ibang tao bilang Diyos. Noon nagsimula silang tahakin ang landas ng anticristo na laban sa Diyos. Nawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at pinabayaan sila ng Diyos. Alalahanin ang huling panahon sa Kapanahunan ng Kautusan nang ang templo ay naging mapanglaw at naging kuta ng mga magnanakaw. Gumawa ang mga saserdote ng mga mababang handog habang ang mga karaniwang tao ay nagpapalit ng pera at nagbebenta ng mga baka, tupa at kalapati sa loob ng templo. Ngunit hindi ipinataw sa kanila ang disiplina at kaparusahan ng Diyos. Bakit ganoon? Ang mga punong saserdote, eskriba at Fariseo na naglingkod sa Diyos ay hindi sumunod sa kautusan, ay mga mapagkunwari at nilinlang ang mga tao, at inakay ang mga piniling tao ng Diyos papunta sa landas ng paglaban sa Diyos. Humantong ito sa pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos sa kanila at pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu sa templo at naging isang kuta ng mga magnanakaw. Upang mailigtas ang mga tao mula sa hatol na kamatayan ayon sa batas, nagkatawang-tao ang Diyos sa unang pagkakataon, ginawa ang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalan ni Jesus, sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ng Banal na Espiritu kapagdaka ay lumipat sa mga taong tumanggap sa Panginoong Jesus. Ang templo ay wala nang gawain ng Banal na Espiritu. Sa kasalukuyang panahon, bumalik na ang Panginoong Jesus ayon sa hula. Bumalik na Siya sa katawang-tao. Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw at nagsimulang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol na sinimulan sa pamilya ng Diyos. Lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga taong tumanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Dahil ang relihiyosong mundo ay hindi nakipagsabayan sa gawain ng Diyos at maraming pastor at elder ang humatol at lumaban sa bagong gawain ng Diyos, humantong ito sa pagkapoot at pagsumpa sa kanila ng Diyos. Ito ang pinagmulan ng kadiliman at kapanglawan ng relihiyosong mundo.
Pagkatapos nito, binasa ng mga babaeng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos upang magkaroon ako ng malinaw na pagkaunawa. Dahil tiyak na muling nakagawa ang Diyos ng bagong gawain, lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng sekta na walang gawain ng Banal na Espiritu ay naging mas lalong madilim at mapanglaw. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos?” (“Dumating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kapag naalala ko ang sitwasyong nakita ko sa Protestanismo at Katolisismo, higit pang nakumpirma sa aking puso na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagsalita tungkol sa aktuwal na sitwasyon. Ang kanyang mga salita ay napakamakatotohanan at totoo. Tunay na lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung ito man ay sa Protestanismo o Katolisismo, ang naramdaman ko ay panlabas na simbuyo ng damdamin lamang ng mga tao. Ang natutunan ko lamang ay ang kaalaman sa banal na kasulatan at mga teorya na teolohiko. Karaniwang walang bagong liwanag ni hindi ko naramdaman ang anumang espirituwal na pagbibigay ng buhay. Sa mga taong tunay na sumusunod sa Diyos, sino ang hindi nagnais na makakuha ng espirituwal na pagkain? Nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kakayahang sirain ang aking mga kadena at buksan ang mga misteryo ng Biblia. Pinaliwanag ng Kanyang mga salita ang aking puso. Hindi na naguguluhan ang aking puso. Tunay na nagtamo ako ng maraming benepisyo!
Pagkatapos noon, inilabas ni Sister Ma ang isang kopya ng aklat na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at binasa ang ilang sipi: “Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang gawain sa kasalukuyan ay tinulak pasulong ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; iyon ay, sumulong ang gawain sa buong anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala. Kahit na natapos ang Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay tuluyang itinataguyod. Bakit ko paulit-ulit na sinasabi na ang yugtong ito ng gawa ay binubuo sa Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay nangangahulugang ang gawa sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng gawa na tinupad sa Kapanahunan ng Biyaya at pagpapaunlad ng mga ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay malapit na magkakaugnay at magkarugtong sa isa’t isa. … Tanging ang kombinasyon ng tatlong yugto ang maituturing na anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala” (“Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos niyang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sinabi niya, “Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na dahil ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang paggawa ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ihiniwalay ang gawaing ito sa tatlong yugto: Ang gawain ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Sa Kapanahunan ng Kautusan, naglabas ang Diyos na Jehova ng mga kautusan upang maging may kamalayan ang tao sa kanyang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin ang tao. Ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw, ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus upang malutas ang ating makasalanang kalikasan, alisin ang ating mga kasalanan at lubusang linisin at iligtas tayo. Kinukumpirma ng katunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos na Jehova na nagbigay ng mga kautusan at pumatnubay sa buhay ng tao. Siya ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus na tumubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Sa loob ng tatlong yugtong ito ng paggawa, gaano man nagbago ang pangalan at gawain ng Diyos, ang layunin ng gawain ng Diyos, na siyang layon upang iligtas ang sangkatauhan, ay hindi kailanman nagbago. Hindi kailanman magbabago ang pinakadiwa ng Diyos. Ang bawat isa sa tatlong yugtong ito ng paggawa ay binuo sa ibabaw ng pagkakatatag ng naunang yugto. Mas malalim ang bawat yugto at mas mataas kaysa sa huli. Ginawa ang gawain ng Diyos alinsunod sa pag-unlad ng mga kapanahunan. Ginawa ito batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan upang mas mahusay Niyang mailigtas at makamit tayo. Sa ibang salita, ang gawaing kautusan ng Diyos na Jehova, ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus at ang gawaing paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay iba’t ibang uri ng gawaing isinagawa sa iba’t ibang kapanahunan ng iisang Diyos. Ayon sa Kanyang sariling mga plano at ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, inililigtas tayo ng Diyos sa bawat yugto.”
Sa puntong ito, naramdaman ko na ang gawain ng Diyos ay napakaganda, napakamakapangyarihan at napakatalino. Naramdaman ko rin ang pangangalaga at pagtingin na inilagay ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas at ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa atin! Nagbigay ng liwanag ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga katotohanan at misteryong ito na hindi ko pa narinig kailanman. Tunay na lumawak ang aking mga abot-tanaw at marami akong nakamit. Nagpasya akong suriing mabuti ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
Dahil medyo gabi na nang mga oras na iyon, nagpasya kaming ipagpatuloy ang pagbabahagi sa susunod naming pagkikita. Bago sila umalis, binigyan ako ni Sister Ma ng kopya ng Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian upang masuri kong mabuti ang gawain ng Diyos ng mga huling araw kapag umuwi na ako sa bahay. Nang makauwi ako, dahil sa pagkamausisa, hinanap ko ang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” sa internet. Hindi ko kailanman inakala na makakakita ako ng napakaraming negatibong propaganda mula sa pamahalaan ng CCP at sa relihiyosong mundo na nilalabanan at hinahatulan ang Makapangyarihang Diyos at ang Kanyang Iglesia. Nang makita ko ang nilalaman na ito, mas tiyak pa ako na ang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” ay ang iglesia na tunay na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Ito ay dahil, mula noong sinaunang panahon, ang tunay na daan ay palaging pinipigilan! Kapag pumunta ako sa mga pagtitipon kasama ang aking mga lolo at lola sa China, dumanas din ako ng pag-uusig mula sa pamahalaan ng CCP. Kailangan naming maging malihim kapag dumadalo kami sa mga pagtitipon na ito. Tunay na masama ang pamahalaan ng CCP! Sila ay isang rehimeng walang kinikilalang Diyos. Pinakanapopoot sila sa katotohanan at sa Diyos. Kaya, marahil kung ano ang kanilang nilalabanan at sinusugpo ay ang tunay na daan at ang tunay na iglesia. Sa ibang pagkakataon sa isang pagtitipon, sinabi ko ito kay Sister Fang at sa iba pa. Pinapanood niya ako ng ang isang kahanga-hangang episode na, Nagising mula sa Panlilinlang, sa video ng ebanghelyo na may pamagat na Umalpas sa Patibong. Ang pangunahing tauhan ay naghahanap. “… Ngunit hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit matindi itong tinututulan ng pamahalaan ng CCP? Bakit marahas na hinahatulan din ito ng mga relihiyosong pinuno?”
“Sa video, tumugon ang isa sa mga kapatid na, “Sinasabi ng Biblia, ‘ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama’ (1 Juan 5:19). Sinabi rin ng Panginoong Jesus: ‘Ang lahing ito’y isang masamang lahi’ (Luk 11: 29). Kung gayon, gaano kalawak ang kadiliman at kasamaan ng mundo? Sa Kapanahunan ng Biyaya, upang matubos ang sangkatauhan, ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus ng relihiyosong mundo at ng mga pinuno ng panahong iyon. Ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na dumating upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang sangkatauhan ay nahaharap din sa paghatol at paglaban ng relihiyosong mundo at ng pulitikang rehimen ng malaking pulang dragon at tinanggihan ng kapanahunang ito. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito’ (Luk 17:24-25). Sa wakas ay natupad na ang hulang ito ng Panginoong Jesus. Dapat makita nang malinaw ng bawat isang tao na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos na ang Panginoon ay dumating na nang matagal nang panahon at nasa proseso ng paggawa ng gawain ng paghatol ng mga huling araw. Natupad na ang hula ng Panginoong Jesus. Maaaring bang hindi natin nakikita nang malinaw ang katotohanan?”
Nagpatuloy na magsalita ang isa pang saksi: “Mga kapatid, itong rehimeng pulitikal na walang kinikilalang Diyos at ang karamihan sa mga pinuno ng relihiyosong mundo ay mga napakasamang puwersa na napopoot sa Diyos at sa katotohanan. Nakumpirma na ito ng katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus. Iyan ang dahilan kung bakit ang tamang daan ay palaging haharap sa pagtanggi at paghatol ng rehimeng pulitikal na walang kinikilalang Diyos at ng relihiyosong mundo. Dagdag pa rito, lahat yaong nagpapakalat ng tamang daan at isinasagawa ang katotohanan ay ipi-frame at pipilitin din ng mga ito. Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kung kayo’y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo. Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni’t sapagka’t kayo’y hindi taga sanglibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan’ (Juan 15:18-19). Para sa mismong kadahilanang ito na sa lahat ng mga henerasyon, yaong mga maaaring tumanggap sa tunay na daan at sumunod sa tunay na Diyos ay isang napakaliit na minorya lamang na nagmamahal sa katotohanan at nagsisikap na matamo ang katotohanan. Gayunman, karamihan ng tao ay hindi naglalakas-loob na suriin ang tunay na daan at bilang resulta, nawawalan ng pagkakataon na maligtas ng Diyos dahil sinusunod nila ang puwersa ni Satanas o natatakot na mausig. Iyan ang dahilan kung bakit dati nang nagbabala ang Panginoong Jesus: ‘Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon’ (Mat 7:13-14).” Nang makita ko ang mga bagay na ito sa video, naramdaman kong mas lalong tiyak na kung ano ang pinag-uusig at hinahatulan ng pamahalaan ng CCP ay ang katunayang siyang tunay na daan. Sigurado ito.
Matapos ang panahon ng pagtitipon at pag-iimbestiga, nagkaroon ako ng mas malalim na pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi at pakikipag-usap ng kapatiran. Nakamit ko rin ang pagkaunawa sa katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao, kaligtasan at buong kaligtasan, ang layunin ng Diyos na pamahalaan ang sangkatauhan, katapusan at hantungan ng sangkatauhan at ang mga orihinal ng daan ng buhay na walang hanggan. Napakarami ang mga katotohanan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking puso, matatag akong naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang talagang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
Araw-araw akong nagtiyaga sa pagdarasal at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Paminsan-minsan, nakinig din ako sa mga sermon at pagbabahagi sa pagpasok sa buhay at sa mga awit ng salita ng Diyos at nanood ako ng mga video ng ebanghelyo. Bawat linggo, nakipagtipon ako sa aking mga kapatid at maagap na nagpalaganap ng ebanghelyo at sumaksi sa Diyos na kasama nila. Pakiramdam ko na ang buhay ko ngayon ay napakayaman at ang aking espirituwal na buhay ay pinalusog at kasiya-siya. Sa wakas, nakabalik ako sa tunay na iglesia at natagpuan ko ang tunay kong “pamilya.” Noong nakaraan, ang mga iglesia na dati kong pinupuntahan ay may mga pastor at saserdote na kailangang batiin. Gayunman, sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang aking mga kapatid, at ako ay lahat pinaparangalan ang Diyos bilang dakila. Ang aming kaugnayan sa isa’t isa ay hindi nakikita ang pagkakaiba ayon sa katayuan. Ang bawat isa ay pantay-pantay. Wala ring mga regulasyon o relihiyosong ritwal sa mga pagtitipong ito. Maaari kang dumalo ayon sa iyong sariling mga pangangailangan at oras. Walang sino man ang magbabawal sa iyo o pipilit sa iyo. Ang pinag-uusapan ng lahat ay kung paano pagsikapang maging isang taong matapat, kung paano pagsikapan ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao upang makamit ang paglilinis at kaligtasan, kung paano tuparin ang sariling tungkulin upang gantihan ang pag-ibig ng Diyos at upang mapalugod ang Diyos, atbp. Nang hindi namamalayan, sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nagsimula rin akong magsikap ng pagbabago sa aking disposisyon at tingnan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos; nagkaroon din ako ng ilang pagkaunawa at nalaman kung paano makilala ang masamang diwa ng takbo ng lipunan at ang mga pamamaraan at landas ni Satanas na nakakapagpatiwali sa tao. Mula noon, hindi na ako naglalaro ng mga laro sa video ni hindi ako nag-aaksaya ng oras sa pagpunta sa KTV. Kapag may oras ako, nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos o nakikipagtipon ako sa aking mga kapatid para sa pagbabahagi kung saan magsisiawit kami at pupurihin namin ang Diyos. Ang bawat araw ay masagana. Hindi ko na nadama ang pagiging hungkag at mahina. Bukod dito, malinaw sa akin ang mga layunin ko sa buhay. Alam ko na ang kahulugang iyon ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagtupad sa sariling mga tungkulin sa harap ng Diyos at pamumuhay para sa Diyos bilang isa sa Kanyang mga nilikha. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa paggabay sa akin upang maglakad sa tamang landas ng buhay. Handa akong ilagay ang lahat ng kapangyarihan, kaluwalhatian at kapurihan sa paanan ng nag-iisang tunay na Diyos, mula ngayon hanggang sa magpakailanman. Amen!