27.6.19

Filipino Variety Show | “Paggising” (Tagalog Dubbed)



Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Pero palagi silang naguguluhan at nalilito tungkol sa kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik, at ano ang dapat nilang gawin para salubungin Siya. Nang kumatok ang isang sister sa kanyang pinto nang ilang beses para ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, nagising rin sa wakas si Kagigising sa katotohanan sa mahabang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat. Nang marinig ang karanasan ni Kagigising, nagising din si Gigising mula sa kanyang pagkalito, at nalaman niya na matagal nang dumating nang lihim ang Panginoon, na Siya ay nagkatawang-tao para ipahayag ang Kanyang mga salita, na ginagamit Niya ang Kanyang mga salita sa pagkatok sa puso ng tao at, sa pakikinig nang mabuti sa tinig ng Diyos, nagagawang salubungin ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon at sundan ang mga yapak ng Diyos!

20.6.19

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Parabula sa Bibliya: Isang Mainit na Debate sa Parabula ng Sampung Dalaga

Ipinapakita nito ng malinaw sa atin na ang mga hindi nagtutuon ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang mga hangal na birhen at aalisin ng Diyos.

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Parabula sa Bibliya: Isang Mainit na Debate sa Parabula ng Sampung Dalaga


Masigasig na Naghahanap Upang Maging Isang Matalinong Birhen
Isang gabing malapit na ang takip-silim, umupo si Jia Nan sa tabi ng lamesa. Binubuksan ang Biblia, nag-umpisa siyang basahin, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25:1-10). Matapos makita ang mga banal na kasulatan na ito, naisip ni Jia Nan na binigyan tayo ng masidhing metapora ng Panginoong Jesus upang ipakita kung anong uri ng mga tao ang makapapasok sa kaharian ng langit. Iyong mga nagdadala ng langis ay magagawang salubungin ang kasintahang lalaki at silang mga matatalinong birhen, ngunit iyong mga walang dalang langis, sila ang mga hangal na birhen at aabandunahin ng Panginoon. Palaging determinado si Jia Nan na maging isang matalinong birhen upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at dumalo sa piging kasama Niya.

Nang sumunod na araw, sa isang pagpupulong ng mga kasamahan sa trabaho, gaya ng dati ay sinabi ni Jia Nan, “Mga kapatid, ngayon ang huling panahon ng mga huling araw kapag dumating ang Panginoon. Dahil sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip’ (Mateo 24:44). Ang kailangan nating gawin ay basahin ang Biblia ng madalas, gumawa ng mas maraming gawain para sa Panginoon, magdasal ng madalas, at madalas na mangumpisal at magsisi sa Panginoon. Ang pinakamahalagang bagay ay magmatyag at maghanda, gaya ng paghahanda ng sapat na langis ng mga matatalinong birhen. Sa ganitong paraan lang natin masasalubong ang Kanyang pagbabalik. Upang maiwasang mawala ang pagkakataon na matipon, hindi sapat na nasa oras ang pagtitipon natin, kundi kailangan din nating magsalit-salit sa pananalangin.” Matapos sabihin ito ni Jia Nan, mabilis na sinabi ni Kapatid na Zhang, “Gawain ba ng matatalinong birhen na maghanda at maghintay sa sarili nating paraan?” Nagpatuloy si Kapatid na Dong sa pagsasabi, “Kung ang ginagawa talaga natin ay paghahanda ng langis, bakit hindi pa natin nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon?” Lahat ay nahulog sa malalim na pag-iisip sa oras na matapos ni Kapatid na Dong ang kanyang sinasabi.

13.6.19

tagalog praise songs | “Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao”


tagalog praise songs | “Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao”



Para sa tubo,
aking tinalikuran ang lahat ng pamantayan ng pag-uugali,
at tahasang ginamit ang pandaraya para kumita ng ikabubuhay,
Hindi ko pinahalagahan ang konsensiya o moralidad,
wala para sa integridad o dignidad.
Nabuhay lang ako para
sawatain ang lumalala kong kahalayan at kasakiman.
May balisang puso, nagkandahirap ako sa putik ng kasalanan,
nang walang paraan para
makawala sa walang hangganang kadiliman.
Ang kayamanan ng buhay at panandaliang mga libangan
ay hindi maitago ang kawalang-laman at pait sa aking puso.
Madaling isulat ang salitang “tao”.
Ngunit ang maging matapat at mapagkakatiwalan
ay mas mahirap kaysa mahirap.
Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan?
Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan?

6.6.19

Filipino Variety Show | “Baka Nananaginip Tayo” | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?



Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, “Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?” Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

Rekomendasyon :tagalog sermonLangit

5.6.19

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Paano Mapapanatili ang Komunikasyon sa Panginoon sa Ating Abalang Buhay

Propesyon at Pinagtatrabahuhan-Sa ganitong paraan, makukuha mo ang kalayaan at kapayapaan ng loob at mga pagpapala mula sa Diyos. Pagpalain ka nawa ng Diyos!

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Paano Mapapanatili ang Komunikasyon sa Panginoon sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot:
Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Xiao Dong

Minamahal na Xiao Dong,
Kumusta ka? Matagal din akong naligalig sa katanungan mo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga kapatid sa Panginoon, at patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nag-umpisa kong malaman ang mga layunin ng Diyos. Upang mai-balanse ang trabaho at pananampalataya, at upang magkaroon ng maayos na pananaw sa trabaho, kailangan nating maitindihan ang dalawang bagay:

Kumilos ayon sa mga salita ng Panginoong Hesus at hindi tayo mawawala.

Sinabi ni Hesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?” (Mateo 6:25-26). “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito” (Mateo 6:31-32).

4.6.19

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Maraming Di-Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job

Ang paghihirap na naranasan ni Job ay hindi gawain ng mga mensaherong ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito dahil sa kamay ng Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Maraming Di-Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job



Ang paghihirap na naranasan ni Job ay hindi gawain ng mga mensaherong ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito dahil sa kamay ng Diyos. Sa halip, ito ay dulot mismo ni Satanas, ang kaaway ng Diyos. Bilang resulta, malalim ang antas ng paghihirap na naranasan ni Job. Ngunit sa sandaling ito ipinakita ni Job, nang walang pagpipigil, ang kanyang araw-araw na kaalaman sa Diyos sa kanyang puso, ang mga prinsipyo ng kanyang araw-araw na mga gawain, at ang kanyang mga saloobin sa Diyos—at ito ang katotohanan. Kung si Job ay hindi natukso, kung ang Diyos ay hindi nagdala ng pagsubok kay Job, noong sinabi ni Job, “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” sasabihin mo na ipokrito si Job; binigyan siya ng Diyos ng maraming ari-arian, kaya siyempre binasbasan niya ang pangalan na Jehova. Kung, bago sumailalim sa mga pagsubok, sinabi ni Job na, “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” sasabihin mo na nagmamalaki si Job, at na hindi niya itatakwil ang pangalan ng Diyos dahil madalas siyang pinagpapala ng kamay ng Diyos. Kung nagdala ang Diyos ng sakuna sa kanya, siguradong itatakwil niya ang pangalan ng Diyos. Ngunit noong natagpuan ni Job ang sarili niya sa mga kalagayang walang nagnanais, o nagnanais na makakita, o nagnanais na makaranas, na kinatatakutan ng mga taong sapitin nila, mga kalagayan na hindi kayang pagmasdan kahit ng Diyos, nagawa pa rin ni Job na panghawakan ang kanyang katapatan: “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Nahaharap sa asal ni Job sa oras na ito, natatahimik ang mga nagsasabi ng matatayog na salita, at ang mga nagsasalita ng mga banal na sulat at ng mga aral. Ang mga pumupuri sa pangalan ng Diyos sa salita lang, ngunit hindi pa kailanman tinanggap ang mga pagsubok ng Diyos, ay hinatulan ng katapatan na pinanghawakan ni Job, at ang mga hindi kailanman naniwalang kayang manindigan ng tao sa daan ng Diyos ay hinatulan ng testimonya ni Job. Nahaharap sa pag-uugali ni Job sa panahon ng mga pagsubok at mga salita na kanyang winika, may mga malilito, may mga maiinggit, at may magdududa, at may iba na magmumukhang hindi interesado, hindi maniniwala sa testimonya ni Job dahil hindi lang nila nakikita ang paghihirap na naranasan ni Job sa panahon ng kanyang pagsubok, at nababasa ang mga salitang winika ni Job, nakikita rin nila ang “kahinaan” na ipinamalas ni Job nang dumating ang mga pagsubok sa kanya. Naniniwala sila na ang “kahinaan” na ito ay isang kasiraan sa pagiging perpekto ni Job, isang dungis sa isang tao na perpekto sa paningin ng Diyos. Ibig sabihin, pinaniniwalaang ang mga perpekto ay walang kamalian, walang dungis o mantsa, wala silang kahinaan o karanasan sa sakit, hindi sila kailanman nakakaramdam ng lungkot o lumbay, at wala silang galit o malubhang asal; bunga nito, maraming hindi naniniwalang tunay na perpekto si Job. Hindi sumasang-ayon ang mga tao sa kanyang asal sa panahon ng kanyang pagsubok. Halimbawa, noong mawala kay Job ang kanyang mga ari-arian at mga anak, hindi siya umiyak, gaya ng inaasahan ng mga tao. Dahil sa kanyang “paglabag sa kagandahang-asal” inisip ng mga tao na malamig ang kanyang puso, dahil hindi siya umiyak, o nagpakita ng pagmamahal para sa kanyang pamilya. Ito ang masamang impresyon na unang nakikita ng tao kay Job. Mas nakakagulo sa isip nila ang asal niya matapos nito: “Hinapak ang kanyang balabal” ay ipinaliwanag ng mga tao bilang kawalan niya ng galang sa Diyos, at ang “inahitan ang kaniyang ulo” ay pinaniniwalaang paglapastangan at pagsalungat niya sa Diyos. Bukod sa mga salita ni Job na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova,” hindi nakikita ng mga tao ang pagkamatuwid ni Job na pinupuri ng Diyos, at sa gayon ang pagsusuri ng marami sa kanila kay Job ay puro walang pang-unawa, walang pagkaka-intindi, may pag-aalinlangan, paghahatol, at pagsang-ayon sa teorya lamang. Wala sa kanila ang tunay na nakakaintindi at nakakapagpahalaga sa mga salita ng Diyos na Jehova na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama.

3.6.19

Tagalog Christian Songs “Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala”




Tagalog Christian Songs  “Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala”

I

Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong ‘di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.
Nais ng Diyos ang mga yaong
ma’aring tumanggap ng bagong liwanag,
at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.