20.6.19

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Parabula sa Bibliya: Isang Mainit na Debate sa Parabula ng Sampung Dalaga

Ipinapakita nito ng malinaw sa atin na ang mga hindi nagtutuon ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang mga hangal na birhen at aalisin ng Diyos.

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Parabula sa Bibliya: Isang Mainit na Debate sa Parabula ng Sampung Dalaga


Masigasig na Naghahanap Upang Maging Isang Matalinong Birhen
Isang gabing malapit na ang takip-silim, umupo si Jia Nan sa tabi ng lamesa. Binubuksan ang Biblia, nag-umpisa siyang basahin, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25:1-10). Matapos makita ang mga banal na kasulatan na ito, naisip ni Jia Nan na binigyan tayo ng masidhing metapora ng Panginoong Jesus upang ipakita kung anong uri ng mga tao ang makapapasok sa kaharian ng langit. Iyong mga nagdadala ng langis ay magagawang salubungin ang kasintahang lalaki at silang mga matatalinong birhen, ngunit iyong mga walang dalang langis, sila ang mga hangal na birhen at aabandunahin ng Panginoon. Palaging determinado si Jia Nan na maging isang matalinong birhen upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at dumalo sa piging kasama Niya.

Nang sumunod na araw, sa isang pagpupulong ng mga kasamahan sa trabaho, gaya ng dati ay sinabi ni Jia Nan, “Mga kapatid, ngayon ang huling panahon ng mga huling araw kapag dumating ang Panginoon. Dahil sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip’ (Mateo 24:44). Ang kailangan nating gawin ay basahin ang Biblia ng madalas, gumawa ng mas maraming gawain para sa Panginoon, magdasal ng madalas, at madalas na mangumpisal at magsisi sa Panginoon. Ang pinakamahalagang bagay ay magmatyag at maghanda, gaya ng paghahanda ng sapat na langis ng mga matatalinong birhen. Sa ganitong paraan lang natin masasalubong ang Kanyang pagbabalik. Upang maiwasang mawala ang pagkakataon na matipon, hindi sapat na nasa oras ang pagtitipon natin, kundi kailangan din nating magsalit-salit sa pananalangin.” Matapos sabihin ito ni Jia Nan, mabilis na sinabi ni Kapatid na Zhang, “Gawain ba ng matatalinong birhen na maghanda at maghintay sa sarili nating paraan?” Nagpatuloy si Kapatid na Dong sa pagsasabi, “Kung ang ginagawa talaga natin ay paghahanda ng langis, bakit hindi pa natin nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon?” Lahat ay nahulog sa malalim na pag-iisip sa oras na matapos ni Kapatid na Dong ang kanyang sinasabi.


Ano ang Matatalinong Birhen? Ano ang mga Hangal na Birhen?
Sa mga oras na ito, tumayo si Kapatid na Liu at sinabi, “Tungkol sa kung ano talaga ang mga totoong hangal na birhen, mayroon akong ibang pananaw. Tungkol sa pagsalubong ng mga matatalinong birhen sa kasintahang lalaki, sa tingin ko, ang ating pagmamatyag, pagdarasal at pagpupuyat araw-araw ay paimbabaw lamang, at maaaring hindi maabot ang kalooban ng Diyos. Ang mga tunay na matatalinong birhen ay iyong kayang marinig ang tinig ng Diyos.” Nagulat ang lahat sa kanyang mga salitang “marinig ang tinig ng Diyos.” Nagtatakang tinanong ni Jia Nan, “Ang mga nakaririnig sa tinig ng Diyos ang matatalinong birhen? Unang beses pa lang naming narinig ito. Sabihin mo pa sa amin.” Ngumiti si Kapatid na Liu at sinabi, “Oo, ganun na nga. Ilang araw na ang nakalilipas, napag-usapan namin ng anak ko ang tungkol sa paksang ito. Naisip niyang ang mga kilos natin ay hindi sa mga matatalinong birhen, at pagkatapos ay binasa niya sa akin ang ilang sipi ng mga salitang nahanap niya sa isang website ng ebanghelyo. Matapos marinig ang mga salitang iyon, napagtanto ko na ang matatalinong birhen ay hindi nga katulad ng iniisip natin.” Pagkatapos ay binasa ni Kapatid na Liu ang mga salitang iyon para sa amin, “Lahat niyaong makakasunod sa totoong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi makakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay aalisin. Nais ng Diyos yaong makakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan” (“Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos”). “Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos”). “Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan”).

Matapos basahin ang mga salitang ito, nagpatuloy sa pagsasalita si Kapatid na Liu, “Sa pamamagitan ng mga salitang ito, alam ko na ang matatalinong birhen ay dumating upang hanapin ang tinig ng Banal na Espiritu nang may naghahangad at naghahanap na puso, at sila ang mga taong nagbibigay pansin at nakikinig sa tinig ng Diyos. Kaya niyang iwan ang kanilang mga paniniwala upang may kababaang-loob na hanapin ang tinig ng Diyos kapag dumating sa kanila ang bagong gawain ng Diyos, at kaya nilang tanggapin ang katotohanan at magpasakop sa Kanyang bagong gawain kapag nakilala nila ang tinig ng Diyos. Samantalang ang mga hangal na birhen ay matigas ang ulo na kumakapit sa kanilang pagkaunawa at mga imahinasyon at hindi sila nagtutuon ng pansin at nakikinig sa tinig ng Diyos. Hindi nila magawang makilala ang tinig ng Diyos kahit pa marinig nila iyon. Dahil hindi sila naniniwala kay Kristo o tanggapin Siya, at tumatangging tanggapin ang gawain ng Diyos at Kanyang pagpapakita, sa huli ay mawawala sa kanila ang pagliligtas ng Diyos. Gayunman, ang ginagawa natin ngayon, paghihintay, pagdarasal at pagpupuyat, ay hindi mga pagkilos ng matatalinong birhen kundi ating mga pagkaunawa at imahinasyon!”

Naririnig ng Matatalinong Birhen ang Tinig ng Diyos
Sa mga sandaling ito ay sinabi din ni Kapatid na Yan, “Naku, tama si Kapatid na Liu. Matapos marinig ang pagbabahagi niya, naalala ko ang dalawang bersikulo ng mga banal na kasulatan, ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin’ (Juan 10:27). ‘Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata’ (Pahayag 7:17). Kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, ang pangunahing punto ay dapat magtuon ng pansin at makinig sa tinig ng Diyos. Tanging ang mga nakaririnig lamang sa tinig ng Diyos ang matatalinong birhen! Gaya ni Pedro, nang makita niyang kayang payapain ng Panginoong Jesus ang hangin at mga alon sa isang salita, pakainin ang limang libong tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda, buhayin ang patay, at iba pa. Sa pamamagitan ng salita at gawa ng Panginoon, nakumpirma ni Pedro na mayroong kakanyahan ng Diyos ang Panginoong Jesus, at Siya ang Kristo. O iba pang halimbawa, ang Samaritanong babae. Noong kausap niya ang Panginoong Jesus, at sinabi ng Panginoon ang kanyang natatagong sikreto, noon niya napagtanto na tanging ang Diyos lamang mismo ang magagawang ihantad ang mga natatagong bagay na ito, at na ang mga salitang ito ay hindi maaaring sabihin kailanman ng tao, kaya nakumpirma niyang ang Panginoong Jesus ang parating na Mesiyas, ang Kristo. Parehong nakilala ni Pedro at ng Samaritanong babae na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, kaya nagtamo sila ng kaligtasan ng Diyos. Matalino talaga sila.” Tumango ang lahat at sinabing totoo nga iyon.

Bakit Aalisin ng Diyos ang mga Hangal na Birhen?
Sinabi ni Kapatid na Dong, “Oo, naririnig ng tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Lahat ng nakakikilala sa tinig ng Diyos ay ang matatalinong birhen, kung hindi, sila ang mga hangal. Isipin ninyo iyong panahon na dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain: Walang naghahangad at naghahanap na puso ang mga Fariseo, at hindi nila siniyasat ang katotohanang sinambit ni Kristo upang makilala kung iyon ba ang tinig ng Diyos, ngunit sa halip, tinukoy nila ang gawain ng Diyos gamit ang kanilang mga imahinasyon; nakita nila na gumawa ng mga senyales at mga kababalaghan ang Panginoon, halimbawa, binuhay ng salita ng Panginoon ang patay, pinapagaling ang bulag; ngunit hindi nila makilala ang tinig ng Diyos, hindi lang nila trinato ang Panginoong Jesus bilang ordinaryong tao, ngunit tinukoy din ang mga pagbigkas ng Diyos bilang mga salita ng tao, at hinusgahan at nilapastangan pa Siya; sa huli, ipinako ng mga Fariseo sa krus ang Panginoon, at naging sila ang mga taong naniniwala sa Diyos ngunit lumalaban sa Kanya, kaya nahulog sila sa ilalim ng matinding poot at pagpaparusa ng Diyos. Ipinapakita nito ng malinaw sa atin na ang mga hindi nagtutuon ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang mga hangal na birhen at aalisin ng Diyos.”

Hinahanap ng Matatalinong Birhen ang Mga Pagbigkas Diyos sa mga Huling Araw
Mabilis na sinabi ni Kapatid na Zhang, “Matapos marinig ang iyong mga salita, ngayon ko lamang napagtanto na ang pagtutuon ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos ay napaka-importante, lalo na sa mahalagang bahaging ito ng pagsalubong natin sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12-13). ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:7). Mula sa mga banal na kasulatan na ito ay makikita natin na kapag nagbalik ang Panginoong Jesus, magsasalita Siyang muli. Kaya direktang malalaman natin kung masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon sa kung magagawa nating makilala ang tinig ng Diyos. Ngayon ay kailangang magmadali upang mahanap ang tinig ng Banal na Espiritu, pagkatapos niyon ay makikita natin ang pagpapakita ng Diyos. Ngunit saan natin iyon mahahanap?”

Sinabi ni Kapatid na Zhang, “Naku, matalino ka sa buong buhay mo, ngunit nasira sa isang sandali ng kahangalan. Ang mga salitang binasa ni Kapatid na Liu ang hindi pa natin narinig kailanman. Nagtataglay iyon ng mga misteryo na hindi maaaring sambitin ng mga normal na tao, tila galing ang mga iyon sa Banal na Espiritu.”

Nakangiting sinabi ni Jia Nan, “Tama iyan, galing nga sa Banal na Espiritu ang mga salitang ito at hindi mula sa sangkatauhan. Naniniwala ako noon na hangga’t naghihintay tayo, nagdarasal at nagpupuyat, tayo ang matatalinong birhen. Ngunit sa pamamagitan ng pagbabahagi ngayong araw, napagtanto ko na mga paniniwala at imahinasyo ko iyon, gaya ng pagkilos ng mga hangal na birhen, at na hindi ko magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kung kakapit ako doon! Salamat sa Panginoon sa Kanyang paggabay. Pinaalam sa’kin ng mga salitang binasa ni Kapatid na Liu para sa atin kung ano ang matatalinong birhen. Pangunahing punto na nagagawang marinig ng matatalinong birhen ang tinig ng Diyos, at mayroong naghahanap at naghahangad na puso. Tulad iyon ng sinabi ng Panginoon, ‘Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan’ (Lucas 11:10). Sa tingin ko ay hindi na natin kailangang hanapin pa sa ibang lugar ang mga salita ng Banal na Espiritu. Hindi ba’t kasasabi lang ni Kapatid na Liu na nahanap ng kanyang anak ang mga salitang ito sa isang website ng ebanghelyo? Maaari tayong humingi ng tulong sa kanyang anak upang siyasatin ito sa Internet.”

Sinabi ni Kapatid na Liu, “Salamat sa Panginoon! Maaari kayong pumunta sa bahay ko ngayong gabi.”

Sinabi ni Jia Nan, “OK, pupunta kami.”