4.5.19

Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos-Si Jesus ay Nagsasagawa ng mga Himala


Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos-Si Jesus ay Nagsasagawa ng mga Himala



1) Pinakain ni Jesus ang Limang libo

(Jn 6:8-13) Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro, May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa’t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan? Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang. Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila. At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.

3.5.19

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus


Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus



1. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

(Mc 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

Tungkol sa bibliya-Mateo 5:7

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
- Mateo 5:7


Mga Saloobin na Talata sa Linggong ito…

Dito tinuturo sa atin ng Panginoong Jesus na maunawaan at ang pagpapatawad sa iba. Kung gagawin natin ito, ang ating mga pagkakamali ay madali nating mauunawaan at mapapatawad din tayo ng iba kapag gumagawa tayo ng mali. Tulad ng tayo ay sobrang tiwali sa harap ng Panginoon, ngunit iniligtas pa rin tayo ng Panginoon ng dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig para sa atin.

Pagkilala sa Diyos-Apat na Bagay na Dapat Gawin ng mga Kristiyano


Pagkilala sa Diyos-Apat na Bagay na Dapat Gawin ng mga Kristiyano



Apat na Pangunahing Mga Bagay na Dapat Nating Panghawakan Kapag Naniniwala sa Diyos

Narito ang apat na pangunahing mga bagay na dapat gawin nating mga Kristiyano sa pagsunod sa Panginoon. Sila ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagdarasal sa Diyos, pagsasagawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Kasama sa ating espirituwal na buhay ang apat na aspetong ito. Kung magagawa natin silang isagawa sa pang-araw-araw nating pamumuhay, maaabot natin ang mga kondisyon para sa pagiging tunay na mga Kristiyano.

Una, dapat nating basahin ang mga salita ng Diyos. Mula nang manampalataya sa Panginoon, malamang na binabasa natin ang mga banal na kasulatan sa loob ng ilang dekada, nang walang pagkaantala. Kung gayon, paano natin babasahin ang mga salita ng Diyos upang makakuha ng magagandang resulta? Upang makamit ito, kailangan nating maunawaan ang katotohanan at hanapin ang kalooban ng Diyos mula sa bawat isa sa mga salita ng Diyos, manalangin-magbasa at pag-isipang mabuti ang mga ito sa halip na magbasa tulad ng pagtingin sa mga bulaklak mula sa likod ng kabayo o para lamang sa pagmemorya ng mga banal na kasulatan. Dapat nating taimtim na basahin ang mga salita ng Diyos at hanapin nang may katapatan upang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ay maaari nating maunawaan ang katotohanan pati na rin ang kalooban ng Panginoon.

2.5.19

Pananampalataya at Buhay-Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon




Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.

Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy! Bilis; umikot at bumalik ka na! Hindi ka makakadaan; malalim ang tubig at napakabilis ng agos. Kapag natangay ka nito, hindi kita kayang sagipin!” Nang panahong iyon, hindi na ako makasulong o umurong man sapagkat ang tubig ay umabot na sa aking dibdib. Hindi ko na tinangkang magpatuloy kaya ang aking nagawa ay manalangin sa Diyos at mamanhik na gumawa Siya ng daan palabas dito: “Diyos! Ipinahintulot po Ninyong sapitin ko ito, at nasa Inyong mga kamay kung ako’y mabubuhay o mamamatay.

Ang Napapaloob na Kuwento ng Biblia-Ang Lahat ba ng mga Salita sa Biblia ay Hango sa Diyos?


 Ang Napapaloob na Kuwento ng Biblia-Ang Lahat ba ng mga Salita sa Biblia ay Hango sa Diyos?



Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot:

Kamakailan lamang ay nalilito ako tungkol sa isang bagay, at nais kong hingin ang inyong tulong. Ilang dekada na akong naniniwala sa Diyos, at palagi kong iniisip na ang Biblia ay hango sa Diyos. Ngunit kamakailan lamang, habang nagbabasa ako ng mga kasulatan, nagulat ako nang madiskubre na ang mga nakatala sa Biblia ay hindi magkakapareho. Halimbawa: Sa mga nakatala sa Biblia patungkol sa tatlong beses na pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, sinasabi ng Mateo 26:34, “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.” Ngunit sinasabi ng Marcos 14:30, “At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.” Kahit na ang dalawang sipi na ito ay patungkol sa pagtatwa ni Pedro, ang isa’y nagsasabi itatatwa ni Pedro ang Panginoon nang tatlong ulit bago tumilaok ang manok, at ang isa naman ay bago tumilaok ang manok ng makalawa, kaya may malinaw na hindi magkapareho ang oras. Isa pa, itinatala sa Lumang Tipan ang pagbilang ni David sa Israel. Isinasaad sa 2 Samuel 24:1, “At ang galit ni Jehova ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.” Ngunit, isinasaad ng 1 Paralipomeno 21:1, “At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.” Ang parehong sipi ay may kinalaman sa pagbibilang ni David sa Israel, ngunit ang isa ay nagsasabing pinakilos ni Jehovah si David upang bilangin ang mga ito, at ang isa ay nagsasabing pinakilos ni Satanas si David upang bilangin ang mga ito. Magkaibang-magkaiba ang kahulugan nila. Nagulat ako nang madiskubre ko ito. Bakit magtataglay ang Biblia ng magkasalungat na talaan ng iisang pangyari, na umabot pa sa antas ng direktang pagsalungat sa isa’t isa? Kung lahat ng mga salita sa Biblia ay hango sa Diyos, dapat ay wala ni katiting na pagkakamali! Nais kong malaman ang inyong pananaw sa tanong na ito? Sana ay matulungan ako ng mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot na malutas ang aking kalituhan!

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos



Agosto 7, 2012    Ni Li Jing, Beijing
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …

Nang sumunod na araw, bumisita ako sa isang kapatid na babae. Ang kaniyang bahay ay nasa dalampasigan ng ilog, na may malaking kalsada sa harapan at ilog sa likuran. Ang bahay niya ay nasa gitna mismo ng nagsangang bahagi ng tubig-baha. Nang dumating ang baha, ang kapatid na ito’y nanalangin sa Diyos, at nagtiwala sa Kanya. Tinangay ng tubig ang mga kahanay niyang bahay at tanging bahay lamang niya at ng isa pa ang natira habang siya’y mahimbing na natutulog. Talagang nakita ko na kapag ang isang tao ay may pag-iingat ng Diyos, siya’y di mangangamba sa kanyang puso.

1.5.19

Tagalog Worship Songs-Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil


Tagalog Worship Songs-Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil



I
Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao;
layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao.
Bagama’t gawain ng Diyos ay sa pamamahala N’ya,
lahat ay mabuti para sa tao.
Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita,
upang gawin silang tunay na mga tao,
kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel.
Pamamahala ito ng Diyos.
Gawain N’ya sa lupaing Gentil.
II
Gawa ng Diyos dapat paglago’y batid n’yo,
malayo’t malawak kayo’y kakalat.
Tatamaan kayo ng Diyos, tatamaan kayo ng Diyos,
gaya nang ginawa ni Jehovah sa Israel,
para ebanghelyo’y kumalat sa mundo,
gawain ng Diyos sa mga lupang Gentil.
Sa bata’t matanda ngalan ng Diyos lalawak,
sa bibig ng lahat ngalan ng Diyos pupurihin.
III
Sa huling kapanahunan,
mga bansang Gentil dadakilain ngalan ng Diyos.
Mga kilos ng Diyos tanaw ng mga Gentil,
tatawagin S’yang Makapangyarihan,
mga salita Niya’y magkakatotoo.
Sa tao’y ipapabatid ng Diyos
na S’ya’y di lang Diyos ng Israel,
S’ya’y Diyos din ng lahat ng Gentil,
at nang sinumpa N’ya.
Ipapakita N’ya sa tao na Siya’y Diyos ng sangnilikha.
Ito’y pinakalubos na gawain ng Diyos,
ang layon ng gawain N’ya sa huling mga araw,
at tanging gagawin N’ya sa huling mga araw.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

mga awit ng papuri-Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos



mga awit ng papuri-Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos



I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

Tagalog praise and worship Songs-Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan


Tagalog praise and worship Songs-Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan 



I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.