17.4.19

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Liwanag



Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Liwanag




Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Sila ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? (Wala.) Nasubukan na ba ito ng sinuman? Nasubukan na ito ng ilan. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang hubad na mga mata ng tao ay hindi mangangahas na tumitig nang direkta sa araw. Walang ganitong kakayahan ang mga tao. Nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, ngunit minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. “Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!” Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa.

Mga Espirituwal na Laban-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)


Mga Espirituwal na Laban-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)


Tian Ying


Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkaunawa sa Buhay-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)


Pagkaunawa sa Buhay-Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)



Ni Tian Ying
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.

16.4.19

Q&A tungkol sa Ebanghelyo-Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?


Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay
Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

15.4.19

Ang Biblia at Diyos-Alam Ko na Ngayon ang Tunay na Kahulugan ng Sinabi ng Panginoong Jesus sa Krus na “Naganap Na”


Ang Linggo ng umagang iyon ay katulad lang ng iba pa habang binubuksan ko ang Biblia ko at sinimulan ang aking mga ispiritwal na debosyon, nang makita ko ang sinabi sa Mga Hebreo 9:28: “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” Habang maingat kong pinag-iisipan iyon, hindi ko mapigil na hindi makaramdam ng pagkalito. “Hindi ‘yon maaari,” naisip ko. “Hindi ba ang kahulugan ng sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na’ ay lubos nang natapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao? Pagbalik ng Panginooon, makakapasok tayo agad sa langit at magpipiging kasama ng Panginoon, kaya paanong sinasabi nito na ang Panginoong Jesus ay lilitaw uli para iligtas ang tao pagbalik Niya? Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?”

14.4.19

Mga Patotoo sa Kaligtasan-Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan


Ni Yongxin, Siyudad ng Yibin, Lalawigan ng Sichuan
Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!

Isang araw noong Marso ng taong 2006, pagkatapos ng tanghalian bandang ika-1 ng hapon, ay nagniniyebe nang malakas sa labas. Ang aking asawa, anak na babae at ako ay nasa loob, pinapainit ang aming mga sarili sa apoy at naghihimay ng mais, nang bigla namin narinig ang isang tinig mula sa labas na malakas na sumisigaw, “Ang inyong bahay ay nasusunog! Bilisan ninyo, lumabas kayo at patayin ito!” Dali-dali kaming tumakbo palabas, at nakita na ang sunog ay natupok na ang bubong ng kusina at babuyan. Tatlong di-mananampalataya ang tumulong sa amin na labanan ang apoy, at sumigaw, “Halikayo at tumulong patayin ang sunog!” Dalawang katabing baryo ang nakarinig ng aming mga sigaw, at agad tatlumpu o apatnapung katao ang dumating upang tumulong sa amin na labanan ang sunog. Sa oras na iyon, narinig ko ang isang tao na nagsabi, “Hindi ba naniniwala sa Diyos ang pamilyang ito? Paano nangyari ang sunog sa kanila? Ngayon na ang kanilang bahay ay nasunog, tingnan kung sila ay naniniwala pa rin sa Diyos.” Sa oras na iyon, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Nakita ko na ang sunog ay nagiging mas masidhi. Isang malakas na hangin ang nagdala sa nagngangalit na liyab direktang papunta sa pangunahing bahagi ng aming bahay. Ako ay lubos na nabahala sa aking puso, sapagkat nasa bahay ang mga libro ng iglesia at ang trigo ng aming pamilya. Sa sandaling ito ng kawalan ng pag-asa, ang magagawa ko lamang ay tumawag ng tuloy-tuloy sa Diyos: “O Diyos! Nawa ay patnubayan mo at protektahan ang mga libro ng iglesia at ang aming mga trigo, huwag Mo hayaan na masunog ang mga ito.” Pagkatapos ko manalangin, isang himala ang nangyari. Ang hangin ay biglang nagbago ng direksyon; noon lamang ako naging mas hindi nabalisa sa aking puso, yamang alam ko na ang mga bagay sa loob ng aming bahay ay protektado lahat. Sa pagkarinig sa mga tao na lumalaban sa sunog na pinag-uusapan kung gaano kalaking pera ang halaga ng mga bagay na nasunog, agad naming naalala na may dalawang baboy sa babuyan. Ang aking asawa ay tumakbo upang iligtas ang mga ito; hindi nagtagal nang siya ay nakapasok, biglang nalaglag ang isang nasusunog na tipak at humarang sa daanan ng pintuan. Sa pagkakita ko nito ang aking puso ay lumukso sa aking lalamunan, at desperado akong umiyak sa Diyos sa aking puso, nagmamakaawa sa Kaniya na patnubayan at protektahan ang aking asawa. Lahat ng mga hindi mananampalataya ay nag-alala na ang aking asawa ay nasa malaking panganib. Gayunman, habang ang lahat ay nakamasid, ang aking asawa sa huli ay lumabas mula sa sunog na ligtas at maayos, itinutulak ang dalawang baboy na tumitimbang ng higit sa limampung kilo bawat isa. Sa oras na ito, ang aking puso sa wakas ay naging kalmado. Ang sunog ay tumagal sa loob ng isang oras o higit pa, sa kalahatan ay sumunog sa kusina at dalawang babuyan, na nagresulta sa tinatantyang kawalan na higit sa apat na libong yuan.

13.4.19

The bible tagalog movies-Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit



The bible tagalog movies-Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit


Bakit may paghihirap sa buhay ng tao? Marami ang nakipagbuno sa tanong na ito ngunit hindi kailanman nakatagpo ng kasagutan. Nakatagpo si Wenya at ang kanyang pamilya ng isang hindi inaasahang pagbabago sa mga pangyayari, na ganap na naranasan ang malalaking pagbabago sa mga relasyon ng tao. Sa huli, natagpuan nila ang ugat ng pagdurusa sa mga buhay ng tao sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan kung paano iwawaksi ang kanilang sakit na naranasan at kung paano makakamtan ang tunay na kasiyahan. Ang kahanga-hangang maiksing palabas na, “Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit” mula sa isang Kristiyanong pelikula na Nasaan ang Aking Tahanan, ang tutulong sa inyo na malaman ang kasagutan.

12.4.19

Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

11.4.19

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan



(Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Una, hayaan ninyong magbigay Ako ng ilang mga palatandaan. Palawakin ninyo ang inyong pag-iisip at ilarawan ang Hardin ng Eden, kung saan nakatira sina Adan at Eba. Binisita sila ng Diyos ngunit nagtago sila dahil sila ay hubad. Hindi sila makita ng Diyos, at matapos Niya silang tawagin, sinabi nila, “Hindi kami mangangahas na makita Kayo dahil ang mga katawan namin ay hubad.”

10.4.19

Mga Paksa sa Debosyonal-Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak.