15.4.19

Ang Biblia at Diyos-Alam Ko na Ngayon ang Tunay na Kahulugan ng Sinabi ng Panginoong Jesus sa Krus na “Naganap Na”


Ang Linggo ng umagang iyon ay katulad lang ng iba pa habang binubuksan ko ang Biblia ko at sinimulan ang aking mga ispiritwal na debosyon, nang makita ko ang sinabi sa Mga Hebreo 9:28: “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” Habang maingat kong pinag-iisipan iyon, hindi ko mapigil na hindi makaramdam ng pagkalito. “Hindi ‘yon maaari,” naisip ko. “Hindi ba ang kahulugan ng sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na’ ay lubos nang natapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao? Pagbalik ng Panginooon, makakapasok tayo agad sa langit at magpipiging kasama ng Panginoon, kaya paanong sinasabi nito na ang Panginoong Jesus ay lilitaw uli para iligtas ang tao pagbalik Niya? Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?”


Habang lalo ko itong iniisip, mas lalong naging duda ang puso ko … “Hindi ito maaari! Dapat akong makahanap ng isang taong makakapagbahagi rito,” naisip ko. Pagkatapos, naisip ko ang katrabaho ko mula sa iglesia, si Sister Xiao Xue. Madalas naming talakayin ang Biblia nang magkasama, at nagkataong kababalik pa lang ni Sister Xiao Xue mula sa pagdalo sa isang pagpupulong sa ibang lugar, at walang bagay na hindi niya ako matutulungang hanapin.

Pumunta ako sa bahay ni Xiao Xue, at nang makita kong parehong nasa bahay sina Sister Xiao Xue at ang asawa niyang si Brother Xu, ibinulalas ko aking katanungan: “Nalilito ako tungkol sa isang bagay na gusto kong pag-usapan natin. Alam nating lahat na sinabi ng Panginoong Jesus ang “Naganap na” nung Siya ay nasa krus. Nangangahulugan ito na tapos na ang gawain ng Diyos para iligtas ang tao, at hangga’t naniniwala tayo kay Jesus, hindi na tayo titingnan ng Panginoon bilang makasalanan, at pagbalik Niya, iaangat tayo agad sa langit. Gayon pa man sinasabi sa Mga Hebreo 9:28: “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” Sinasabi nito na lilitaw uli ang Diyos sa mga huling araw upang isagawa ang Kanyang gawain para iligtas tayo. Paano ang pagkakaunawa niyo rito?”

Ngumiti si Xiao Xue at sinabing, “Nagkataong ang tanong na itong tinatanong mo ay isa sa mga tinatalakay namin ng mga kapatid sa byahe ko, at matapos ang ilang araw ng pagbabahagi, sa wakas ay dumating kami sa isang konklusyon. Sa katunayan, nang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na,’ hindi niya ibig sabihin na ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, dahil iprinopesiya Niya dati: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:47–48). ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:29). Malinaw nang sinabi sa atin ng Panginoon na pagbalik Niya sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan sa mga iglesia, maglalahad sa atin ng maraming mga misteryo at magsasagawa rin ng gawain ng paghatol. Tapat ang Diyos, at lahat ng sinabi ng Diyos ay matutupad.”

Pinagnilayan ko ang pagbabahagi ni Xiao Xue, at naisip ko, “Oo! Tapat ang Diyos, at dahil nakikitang iprinopesiya ng Panginoong Jesus na magbibigkas Siya ng mas maraming mga salita at magsasagawa ng mas maraming gawain sa hinaharap, kung gayon tiyak na magaganap ito.”
Nagpatuloy si Brother Xu, sinabing, “Oo, hindi maaaring mauwi lang sa wala ang mga salita ng Panginoon. Bukod dito, dapat alam din natin na nang sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Naganap na,’ ibig Niyang sabihin tapos na ang gawain ng Diyos na tubusin ang sangkatauhan at hindi na papatayin ng batas ang tao. Kung aalalahanin ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, palalim nang palalim na pinasasama ni Satanas ang sangkatauhan, hindi na nila kayang sundin ang batas at palaging nasa panganib na mapatay ng batas. Para mailigtas ang tao, nagkatawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus at ipinangaral ang ebanghelyo, pinagaling ang may sakit at nagpalayas ng mga demonyo saan man Siya nagpunta. Nagsagawa siya ng maraming mga himala at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang tao mula sa kasalanan. Samakatuwid, nang sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Naganap na,’ ibig Niyang sabihin na hangga’t ikinukumpisal sa Kanya ng mga tumatanggap sa Kanyang kaligtasan ang kanilang mga kasalanan, ang mga kasalanan nila ay patatawarin, tatamasahin nila ang biyayang ipinagkakaloob Niya, at hindi na sila hahatulan at papatayin ng batas.”

Matapos makinig sa kanyang pagbabahagi, bigla kong nakita ang liwanag, at sinabing, “Brother Xu, ang pagbabahagi mo ang nagpaunawa sa akin. Ang pagsasabi ng Panginoon ng ‘Naganap na’ ay nangangahulugan talaga na tapos na ang gawain ng pagtubos ng Diyos, at hangga’t nagtiwala tayo sa Panginoon at nangumpisal at nagsisi, kung gayon maaaring mapatawad ang ating mga kasalanan, at hindi tayo papatayin ng batas.”
Sinabi ni Sister Xue, “Salamat sa Panginoon, napakaganda na narating mo ang pag-unawang ito. Gumanap ang Panginoong Jesus bilang isang alay sa kasalanan ng tao at tinubos Niya ang tao mula sa kasalanan at pinatawad ang tao sa kanyang mga pagkakasala. Ito ang biyaya ng Diyos, ngunit hindi ito nangangahulugan na malaya na tayo sa kasalanan, dahil malalim pa rin na nakaugat sa loob natin ang ating makasalanang kalikasan, at may kakayahan pa rin tayong madalas na mapailalim sa mga gapos ng ating makasalanang kalikasan at paggawa ng kasalanan at paglaban sa Diyos. Matapos tayong maniwala sa Panginoon, halimbawa, kahit hindi na tayo gumagawa ng mga kasalanan at maaaring lumilitaw na kumikilos tayo nang maayos sa labas, madalas pa rin tayong nagsisinungaling at nangdadaya ng iba sa buhay para protektahan ang ating sarili at ang ating personal na mga interes; kapag nahaharap tayo sa mga problema, maaari pa ring lumitaw ang kasakiman at masasamang pag-iisip sa mga puso natin; sa ating pakikisalamuha sa ibang tao, maaari pa rin natin silang maliitin at ibukod, hanggang sa puntong nilalagay natin sila sa kanilang lugar at pinamamahalaan natin sila. Lalo na, pag nahaharap ang ating mga pamilya sa natural o mga sakunang gawa ng tao, maaari pa rin tayong magreklamo, hanggang sa nagiging negatibo tayo at mahina, at iniiwasan at pinagkakanulo natin ang Diyos. At pagkatapos merong ilan na, matapos silang magsimulang maniwala sa Panginoon, patuloy pa ring sumusunod sa mga kalakaran ng mundo, naghahanap ng kayamanan at katanyagan at swerte. Ang mga katotohanang gaya nito ang nagpapatunay na hindi pa lubusang nalilipol ang ating makasalanang kalikasan, at ang mga taong madalas na nagkakasala sa ganitong paraan ay hindi pa rin makakapasok sa kaharian ng langit. Samakatuwid, sinasabi sa Mga Hebreo 9:28: ‘Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.’ Samakatuwid malinaw na muling lilitaw ang Diyos sa mga huling araw upang iligtas tayo.”

Matapos makinig kina Xiao Xue at Xiao Xu, napuno ako ng emosyon, at sinabing, “Ipinaalala sa ‘kin ng inyong mga pagbabahagi ang mga salita ng Diyos na: ‘Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man’ (Juan 8:34–35). ‘Kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal’ (Leviticus 11:44). Banal ang Diyos, at tiyak na hindi Niya papayagan ang maruruming tao na pumasok sa Kanyang kaharian. Kahit pinatawad na ngayon ang ating mga kasalanan, namumuhay pa rin tayo kung saan nagkakasala tayo at pagkatapos ay nagsisisi araw-araw at mga lingkod pa rin tayo ng kasalanan. Tiyak na hindi tayo angkop na makapasok sa langit, kaya kailangan pa rin natin ang pagliligtas ng Diyos!”
Ngumiti si Xiao Xue at sinabing, “Oo nga. Namumuhay pa rin tayo sa paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal, at hindi pa rin tayo makapasok sa kaharian ng Diyos. Samakatuwid, pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, kailangan Niya pa ring bigkasin ang Kanyang mga salita, ipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay sa tao. Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus: ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Sinasabi sa Pahayag 3:20, ‘Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.’ Ang lahat ng mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na lahat, at tiyak na ngayon ang pinakamahalagang panahon kung kailan natin sasalubungin ang Panginoon. Tanging sa pagiging gaya ng mga matalinong dalaga at pakikinig nang mabuti sa tinig ng Panginoon natin masasalubong ang Panginoon at makukuha ang kaligtasan ng Diyos na nagpapakita sa mga huling araw.

Matapos makinig sa pagbabahagi ni Xiao Xue, naramdaman kong napakaimportante sa akin ng impormasyong ito! Kapag may isang taong nangangaral na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ipinahahayag Niya ang katotohanan at nagsasagawa ng bagong gawain, kung gayon dapat tayong magkusa na hanapin at pag-aralan ang daang ito at alamin kung paano maririnig ang tinig ng Diyos gaya ng mga matalinong dalaga, at pagkatapos ay tiyak na masasalubong natin ang Panginoon.