Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!
Isang araw noong Marso ng taong 2006, pagkatapos ng tanghalian bandang ika-1 ng hapon, ay nagniniyebe nang malakas sa labas. Ang aking asawa, anak na babae at ako ay nasa loob, pinapainit ang aming mga sarili sa apoy at naghihimay ng mais, nang bigla namin narinig ang isang tinig mula sa labas na malakas na sumisigaw, “Ang inyong bahay ay nasusunog! Bilisan ninyo, lumabas kayo at patayin ito!” Dali-dali kaming tumakbo palabas, at nakita na ang sunog ay natupok na ang bubong ng kusina at babuyan. Tatlong di-mananampalataya ang tumulong sa amin na labanan ang apoy, at sumigaw, “Halikayo at tumulong patayin ang sunog!” Dalawang katabing baryo ang nakarinig ng aming mga sigaw, at agad tatlumpu o apatnapung katao ang dumating upang tumulong sa amin na labanan ang sunog. Sa oras na iyon, narinig ko ang isang tao na nagsabi, “Hindi ba naniniwala sa Diyos ang pamilyang ito? Paano nangyari ang sunog sa kanila? Ngayon na ang kanilang bahay ay nasunog, tingnan kung sila ay naniniwala pa rin sa Diyos.” Sa oras na iyon, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Nakita ko na ang sunog ay nagiging mas masidhi. Isang malakas na hangin ang nagdala sa nagngangalit na liyab direktang papunta sa pangunahing bahagi ng aming bahay. Ako ay lubos na nabahala sa aking puso, sapagkat nasa bahay ang mga libro ng iglesia at ang trigo ng aming pamilya. Sa sandaling ito ng kawalan ng pag-asa, ang magagawa ko lamang ay tumawag ng tuloy-tuloy sa Diyos: “O Diyos! Nawa ay patnubayan mo at protektahan ang mga libro ng iglesia at ang aming mga trigo, huwag Mo hayaan na masunog ang mga ito.” Pagkatapos ko manalangin, isang himala ang nangyari. Ang hangin ay biglang nagbago ng direksyon; noon lamang ako naging mas hindi nabalisa sa aking puso, yamang alam ko na ang mga bagay sa loob ng aming bahay ay protektado lahat. Sa pagkarinig sa mga tao na lumalaban sa sunog na pinag-uusapan kung gaano kalaking pera ang halaga ng mga bagay na nasunog, agad naming naalala na may dalawang baboy sa babuyan. Ang aking asawa ay tumakbo upang iligtas ang mga ito; hindi nagtagal nang siya ay nakapasok, biglang nalaglag ang isang nasusunog na tipak at humarang sa daanan ng pintuan. Sa pagkakita ko nito ang aking puso ay lumukso sa aking lalamunan, at desperado akong umiyak sa Diyos sa aking puso, nagmamakaawa sa Kaniya na patnubayan at protektahan ang aking asawa. Lahat ng mga hindi mananampalataya ay nag-alala na ang aking asawa ay nasa malaking panganib. Gayunman, habang ang lahat ay nakamasid, ang aking asawa sa huli ay lumabas mula sa sunog na ligtas at maayos, itinutulak ang dalawang baboy na tumitimbang ng higit sa limampung kilo bawat isa. Sa oras na ito, ang aking puso sa wakas ay naging kalmado. Ang sunog ay tumagal sa loob ng isang oras o higit pa, sa kalahatan ay sumunog sa kusina at dalawang babuyan, na nagresulta sa tinatantyang kawalan na higit sa apat na libong yuan.
Pagkatapos lamang nito namin nalaman na ang lagablab ay nagsimula sa isang bata na naglalaro ng apoy. Sa oras na ito, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.… Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya. … Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid na lalaki at babae, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na iyong sinasabi at ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon ikaw ay nagpatotoo” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ngayon nang humarap ang aking pamilya sa pagkasunog ng aming bahay, sa panlabas ito ay sinimulan ng isang bata na naglalaro ng apoy, ngunit sa nasasakupan ng espiritwal sa katunayan ito ay si Satanas at ang Diyos na may pustahan. Nais ni Satanas na gamitin ito upang sisihin ko ang Diyos, pagtaksilan ang Diyos at itanggi ang Diyos. Nang sabihin ng mga hindi mananampalataya, “Ang bahay ng pamilyang ito ay nasusunog, tingnan kung sila ay maniniwala pa sa Diyos,” ito ay ang tukso ni Satanas na kaharap ko. Kung sinunod ko ang mga di-mananampalataya sa paninisi sa Diyos at paghatol sa Diyos, mawawala ang aking patotoo. Sa sandaling naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Ang nakaharap ko ngayon ay ang Iyong pagsubok, at tukso din ni Satanas. Nawa ay bigyan Mo ako ng pananampalataya at lakas, at ilayo ako sa pagdaing sa bagay na ito nang sa gayon ay makakatayo ako sa patotoo para sa Iyo sa harap ni Satanas. Naniniwala ako na lahat ng mga kadahilanan at mga bagay ay nasa Iyong mga kamay. Ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at susundin ko ang Iyong paghahari at mga pagsasaayos.”
Nang gabing iyon, ang aming pamilya ay nagtipon gaya ng karaniwan upang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at tinanong ko ang aking asawa, “Ang iyong mga kahoy ay nasunog, sinisisi mo ba ang Diyos?” Sinabi niya, “Ano ba ang meron na dapat idaing? Nang pumunta ako sa babuyan upang palayain ang mga baboy, lahat kayo ay nag-alala sa aking buhay, at natakot na baka may mangyari sa akin, ngunit sa aking puso wala ako kahit katiting na takot, at sa huli nakalabas ako nang ligtas at maayos. Hindi ba ito proteksyon ng Diyos? Kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, ang ating buong bahay ay nasunog, at tungkol sa aking buhay ay mahirap sabihin. Mayroon tayo kung ano ang mayroon tayo ngayon, at kailangan nating pasalamatan ang Diyos para sa Kaniyang pag-aalaga at proteksyon, at pasalamatan Siya sa pagmamahal Niya sa atin.” Totoo nga, sa panahon ng karanasan na ito, tunay kong nakita na nag-alaga at nagprotekta ang Diyos sa amin. Pagkatapos masunog ng aming bahay, kung hindi dahil sa Diyos na nagpakilos ng maraming dosenang mga tao upang magpunta at patayin ang apoy, ang umasa sa lakas ng aming pamilya lamang noon ay hindi mapapatay ang sunog. Nang ang hangin ay pinananagasa ang apoy sa pangunahing bahagi ng bahay, kung hindi dahil sa Diyos na ginamit ang Kaniyang dakilang kapangyarihan upang baguhin ang direksyon ng hangin, ang mga libro ng iglesia, ang aming trigo at ang aming bahay ay tuluyang natupok ng apoy. Nang sinugod ng aking asawa ang apoy upang iligtas ang mga baboy, kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, sa ilalim ng tindi ng gayong kalaking sunog ang aking asawa ay posibleng namatay sa sunog, hindi siya lalabas lamang na walang nasaktang buhok sa kaniyang ulo. Habang mas lalo kaming nakipagniig, mas lalo namin nakita ang dakilang kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos. Hindi lamang kami hindi dumaing, ngunit ang aming mga puso ay puno ng walang hanggang pasasalamat sa Diyos.
Mula sa karanasang ito, nakita ko sa aking sariling mga mata ang pagka-makapangyarihan ng Diyos at ang Kaniyang mahimalang mga gawa, at naramdaman din ang Kaniyang kagandahang-loob at Kaniyang kariktan. Bagaman pagkatapos ng sunog, ang sitwasyon ng aming pamilya ay mas malala ng kaunti kaysa nuon, hindi nito nabago ang lahat sa aking puso na sumusunod sa Diyos. Hindi alintana kung ano ang sabihin ng iba, matatag akong naniniwala na paano man kumilos ang Diyos, ito ay upang palaging iligtas ang mga tao, at gawin silang perpekto. Alam ko na ayon sa aking sariling katayuan ito ay imposible na manindigan sa patotoo. Sa panahon ng pagsubok na ito, nagawa ko na manindigan sa patotoo at ipahiya si Satanas, at lahat ng ito ay resulta ng gawa ng Diyos. Mula ngayon, magbabasa pa ako ng mga salita ng Diyos, maglalaan sa aking sarili ng marami pang katotohanan at sa panahon ng lahat ng uri ng pagsubok ay manindigan sa patotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng sarili kong katayuan. Nawa ang lahat ng papuri ay maibigay sa Makapangyarihang Diyos!