7.1.20

Paano Tayo Hahatulan ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom? Sa Wakas Nahanap ko na ang Kasagutan (I)



Paano Tayo Hahatulan ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom? Sa Wakas Nahanap ko na ang Kasagutan (I)


Mula Kay Witri, Indonesia

Tala ng Editor: Nang ang propesiya ng malaking puting luklukan ng paghuhukom sa Aklat ng Pahayag ay lumabas, marami sa mga kapatid natin ang may haka-haka na ang Panginoon ay paparito ngayong mga huling araw na nakaupo sa isang malaking puting luklukan at pagkatapos ay tutukuyin kung ang tao ba ay pupunta sa langit o impiyerno batay sa kanilang mga ginawa. Ngunit sa ganito ba matutupad ang propesiya sa reyalidad? Si Witri ay nagkamit ng bagong kaalaman tungkol sa paghuhukom sa dakilang puting trono sa pamamagitan ng mga panahon ng pag-iimbestiga.

Ako po ay isang Kristiyano galing sa Indonesia; Ako po ay katoliko kagaya ng aking mga magulang simula pagkabata. Matapos akong makasal sinundan ko ang aking asawa papasok sa kristiyanismo at doon na ako nag-umpisang matuto kung paano mag dasal at magbasa ng Bibliya, at inilagay ko ang aking sarili sa pag-uugali ayon sa mga salita ng Panginoon. Nanood din ako ng maraming mga video tungkol sa paghuhukom ng Panginoon sa dakilang puting luklukan ngayong mga huling araw kung saan nakabatay din sa propesiyang ito sa Bibliya: “At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Pahayag 20:11-12). Sinabi nito na ang Diyos daw ay uupo sa malaking luklukang puti at hahatulun ang mga tao ayon sa kanilang gawa; kung sino man ang may pagkakasala ay babagsak sa matinding kalamidad upang parusahan, habang ang mga walang kasalanan naman ay maliligtas at madadala sa kaharian ng langit. Matapos kong mapanood ang mga ito ay talagang matibay na nakumbinsi ako na tama talaga ang kanilang paglalarawan tungkol sa paghuhukom ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Tinapik ko din ang aking sarili sa likod dahil sa pagtanggap ko sa ebanghelyo ng Panginoon at nalutas na manatili akong totoo sa Kanyang mga salita, kaya kapag bumalik Siya upang gawin ang Kanyang paghuhukom, ako ay madadala Niya sa kaharian ng kalangitan.

May malaking tsunami na nangyari sa Indonesia noong 2015—at maraming tao din ang namatay dahil dito. Tuwing nakakarinig ako tungkol sa mga kalamidad ako ay may kamalayan na ito ay dahil sa galit ng Diyos at na ito ay babala na din sa atin mula sa Kanya na ang araw ng paghuhukom ay nasasa-atin. Ngunit matapos ay naisip ko kung gaano karaming taon na ba ako na mananampalataya, at kahit na pinipilit kong isagawa ang mga salita ng Diyos sa pagsasanay, gustuhing maging asin sa lupa at maging liwanag ng mundo, sa tuwing nakakaharap ako ng mga bagay sa aking aktwal na pamumuhay hindi ko ito ganap na nagagawa. Nabigo din ako sa pagsasagawa na mahalin ang iba gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili. Halimbawa, madali akong magalit sa tuwing ang aking asawa at ina ay may nagawa na hindi ko nagugustuhan. Isama mo na din sa tuwing naririnig ko na ang aking biyenan ay nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin sa harap ng aking hipag, nakararamdam ako ng matinding galit at nagsasabi ng mga masasamang salita tungkol sa aking biyenan sa harap ng aking hipag, hinuhusgahan ko siya sa kanyang likuran. Isa akong sakim at walang kabuluhan, at sumusunod ko sa mga makamundong uso. Nabasa ko ang taludtod sa Bibliya at alam kong tama ito: “Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t Ako’y banal” (1 Pedro 1:16). Ang Diyos ay Banal, at kung sino man na hindi banal ay hindi makakakita sa Kanyang mukha. Ngunit patuloy parin ako na namumuhay sa pagkakasala. Paano ako makakuha ng pagsang-ayon ng Diyos? Kaya nagpunta ako sa ibat-ibang simbahan upang tanungin ang mga pastor, “Paano malulutas ang isyu ng patuloy na pagkakasala?” At lahat sila ay tumugon nang “Kapag tayo ay nagkakasala tayo ay maaaring lumapit sa Diyos upang umamin, magdasal at magsisi. At magkagayon ang Panginoon ay patatawarin tayo sa ating mga kasalanan.” Gayunpaman, ang kanilang mga tugon ay hindi nasosolusyunan ang isyu talaga–ako ay nananatili na namumuhay sa siklo ng pagkakasala at pagkatapos ay nagsisisi. Isama mo na din sa tuwing nakakagawa ako ng pagkakasala ako ay natatakot kasi naiisip ko kung paano ang Panginoon ay nakaupo sa Kanyang malaking luklukang puti ngayong mga huling araw, gaya ng isang manghuhukom, at tapos tayo ay huhukumin Niya tayo ayon sa ating mga gawa. Palagi akong nagkakasala, kaya ako ba ay hahatulan at kokondenahin ng Panginoon? Kaya paano ako posibleng makakapasok sa kaharian ng langit? Ako ay lubhang nababahala.

Noong Pebrero 2018 ang aking asawa ay nagsimulang sumali sa online na mga pagtitipon. Lahat sila ay nagsasalita ng Ingles kaya hindi ko talaga gaanong naiintindihan, pero nakita ko na tuwang-tuwa siya araw-araw at mas nakatuon sa kanyang pananampalataya kaysa noon. Ito ang nagpainteres sa aking kuryusidad. Isang araw sinabi niya sa akin na bumalik na ang Panginoong Jesus at nagsimula ng Kanyang gawain ng paghuhukom. Talagang nasurpresa ako noong marinig ko na sinasabi niya ito at naisip ko na hindi ko pa nakikita ang kahit anong pangitain tungkol sa paghuhukom gaya ng inilarawan sa mga video, kaya paanong ito’y nagsimula na? Ang tugon ko dito ay, “Kung ang Panginoong Jesus ay bumalik na, Siya ay nakaupo sa malaking puting luklukan upang gawin ang kanyang paghuhukom sa atin. at ang mga mananampalataya ay madadala sa langit habang ang mga hindi mananampalataya ay wawasakin sa malaking kalamidad. Pero wala pa dito ang nangyari, kaya paano maging posible na nagsimula na Siyang gawin ang Kanyang gawain ng paghuhukom?” “Ang pagbabalik ng Panginoon upang gawin ang gawain ng paghuhukom,” sabi niya, “hindi ito tulad ng ating mga imahinasyon dito. Siya ngayon ay naging laman upang ipahayag ang mga katotohanan, at hinahatulan Niya tayo gamit ang Kanyang mga salita.” Kaya mas nakaramdam ako ng mas matinding kalituhan, sabi ko, “Paano tayo hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasalita ng mga salita? Hindi ko pa naririnig ang mga pastor at mga nakatatanda na nagsasabi ng katulad nito.” Simula noong tinanggap ng aking asawa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ngayong mga huling araw sa maikling panahon siya ay hindi pa rin gaanong malinaw dito, kaya hindi siya nag-alok ng higit pa na paliwanag. Pagkatapos inimbitahan niya ako na mag online at sumali sa pagtitipon kasama nila, kung saan ay ayokong gawin, pero nakita ko kung paano siya ka masigasig. Pinayuhan niya ako ng paulit-ulit na seryosong pakinggan muna bago ko pinal na buuin ang aking isipan . Kilala ko siya na binibigyan ng mga saloobin ang mga bagay at talagang seryoso sa anumang bagay na may kinalaman sa kanyang pananampalataya, kaya talagang mayroong rason para sa kanya upang maniwala siya na ang Diyos ay bumalik na. Kaya gusto kong makakuha ng kalinawan kung talaga bang ang Diyos ay bumalik na at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghuhukom, kaya sumang-ayon ako na makinig dito. Kanila ding isinaayos ako upang sumali sa pagtitipon kasama ang ilan sa mga lokal na mga kapatid dito sa Indonesia.

Sa pagtitipon, Ang isang kapatid ay nagbahagi ng pakikipagsalamuha sa akin tungkol sa aking katanungan. Ang sabi ng isa, “Kapag ang paghuhukom ng Diyos ngayong mga huling araw ay lumalabas naiisip natin ang mga talatang ito sa Pahayag: ‘At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa’ (Pahayag 20:11-12). Batay sa mga taludtod na ito, naniniwala tayo na kapag ang Diyos ay bumalik Siya ay nakaupo sa malaking puting luklukan at hinahatulan tayo isa-isa na naka-ayon kung ano ang ating ginawa habang nabubuhay pa tayo. Ito ang naiisip natin kung paano Niya tutukuyin kung tayo ba ay maitataas sa langit o mahuhulog sa impiyerno. Ngunit naisip ba natin kung ang ganitong pag-unawa ay naaayon din sa kalooban ng Diyos? Ang Panginoon ba ay gagawa ng Kanyang gawain batay sa ating sariling pag-iisip? Sa katunayan, kung maingat nating pinag-iisipan ito, madali nating makikita na ang malaking puting luklukan sa Aklat ng Pahayag ay wala nang higit pa sa pangitain ni Juan na nakita sa Isla ng Patmos at hindi ito ang katotohanan ng gawain ng Diyos. Hindi natin pwedeng bigyang kahulugan ang propesiyang ito batay sa ating mga nosyon at imahinasyon dahil sinabi sa Bibliya na, ‘Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo’ (2 Pedro 1:20–21). Ang propesiya ay nanggagaling sa Diyos at kailangan natin mapanatili ang isang puso na may paggalang sa Diyos sa ating pag-intindi ng Kanyang mga propesiya, huwag itong bigyan interpretasyon batay sa kanyang literal na mga kahulugan. Alalahin mo noong Kapanahunan ng Kautusan sa lumang tipan, ang mga Pariseo noong oras na iyon ay nagbase sa literal na kahulugan ng isang Banal na Kasulatan, na ang Mesiyas ay isisilang sa palasyo na may hawak na kapanyarihang opisyal. Ngunit ang eksaktong kabaligtaran nito ang totoo; ang Panginoong Jesus ay hindi isinilang sa palasyo kundi sa sabsaban. Siya ay isang anak ng mahirap na karpintero at tiyak na wala din Siyang hawak na kahit anong kapangyarihang opisyal. Dahil sa agwat sa pagitan ng katotohanan ng pagbabalik ng Panginoon at kung ano ang imahinasyon ng mga tao, ang mga Pariseo ay matigas na nangunyapit sa kanilang mga nosyon at hindi nila kinilala na ang Panginoong Jesus ay ang dumating na Mesiyas. Itinakwil nila ang katotohanan na Kanyang ipinahayag at ipinako Siya sa krus, nakagawa ng isang mabigat na kasalanan. Kaya dapat matutuhan natin ang leksyon na ito mula sa kasaysayan at wag umasa sa ating sariling paniwala at imahinasyon para sa pag-unawa ng mga propesiya.”

Alam kong totoo ito. Ang mga propesiya ay nanggaling sa Diyos at hindi ito pwede guluhin nating mga tao. Ang pagbabahagi ng kapatid na ito ay talagang makatwiran at nahahanay talaga sa Bibliya. Naalala ko ang mga video na napanood ko noon na naglalarawan ng senaryo ng paghuhukom sa malaking puting luklukan na talagang naglarawan sa aking pagka-unawa sa Bibliya, kaya sumang-ayon ako sa kanila. Ngunit sa pag-iisip tungkol dito matapos marinig ang pagbabahaging ito, Nakita ko na lahat tayo na mga tao ay natiwali ni Satanas, kaya paano natin makikita ang gawain ng Diyos? Ang pag-iisip at karunungan ng Diyos ay higit na mas mataas kaysa sa tao at ang mga propesiya ay nanggaling mismo sa Diyos, kaya ang Diyos lang mismo ang nakakaalam kung kailan ito eksaktong matutupad. Hindi natin sila pwedeng limitahan batay lamang sa ating imahinasyon.

Ipagpapatuloy …