5.1.20

Sa relihiyosong mundo, hawak ba ng katotohanan at ng Diyos ang kapangyarihan, o ng mga anticristo at ni Satanas?

Pagbalik sa Diyos


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13).

“At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12–13).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Masdan mo lang ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at mapagmalinis, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y walang kakayahang mangaral ng anuman, susunod ba sa kanila ang mga taong iyon? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman, at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam kung paano makaakit ng iba at paano gumamit ng ilang pagkukunwari. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, nguni’t sa realidad sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng sinumang nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Ang kanilang pananampalataya ay dapat dumaan sa isang tao; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?

—mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Naipangaral na namin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa maraming namumuno ng mga relihiyosong grupo, subali’t hindi alintana kung paano namin ibinabahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila matanggap ito. Bakit ganito? Dahil ang kanilang pagmamataas ay naging kalikasan na nila at wala na ang Diyos sa kanilang mga puso! Masasabi ng ilang tao: “Ang mga taong nasa ilalim ng pamumuno ng ilang pastor sa relihiyosong mundo ay talagang masigasig. Mukhang ang Diyos ay nasa kanilang kalagitnaan!” Gaano man katayog ang mga sermon ng ganoong mga pastor, kilala ba nila ang Diyos? Kung talagang iginalang nila ang Diyos sa kanilang puso, magagawa ba nilang pasunurin sa kanila at dakilain sila ng mga tao? Kokontrolin ba nila ang iba? Mangangahas ba silang magbawal sa ibang naghahanap ng katotohanan at nagsusuri sa totoong daan? Kung naniniwala silang talagang kanila ang mga tupa ng Diyos at dapat makinig sa kanila ang lahat ng Kanyang mga tupa, hindi ba’t kumikilos silang parang Diyos? Ang ganyang uri ng tao ay masahol pa sa mga Fariseo—hindi ba sila mga anticristo? Samakatuwid, nakokontrol sila ng kanilang mapagmataas na kalikasan para gawin ang mga bagay na nagkakanulo sa Diyos.

—mula sa “Likas na Kayabangan ng Tao ang Ugat ng Kanyang Pagkontra sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?

—mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming tao ang nagtitiwala na ang pagdurusa at pagbabayad, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pangangalaga sa simbahan ng Panginoon - lahat ng mga bagay na ito ay nangangahulugang ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay madadala sa kaharian ng langit, ngunit ang katotohanan ba ang nangyari?