8.1.20

Paano Tayo Hahatulan ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom? Sa Wakas Nahanap ko na ang Kasagutan (II)



Mula Kay Witri, Indonesia

Kaya tinanong ko ang kapatid na ito, “Ang pagbabahagi mo ay may katuturan talaga. Hindi talaga dapat natin intindihin sa literal na kahulugan ng propesiya, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung paano gagawin ng Diyos ang paghuhukom sa malaking puting luklukan, gayon. Ano ang sinabi sa Bibliya? Pwede ka bang magbahagi ng ilang pakikisalamuha tungkol dito?”

“Salamat sa Diyos,” sabi niya. “Tignan natin ang ang ilang talata ng Banal na Kasulatan sa paksang ito. ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios’ (1 Pedro 4:17), ‘Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol’ (Juan 5:22), ‘At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao’ (Juan 5:27), ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:47–48). Makikita natin sa mga talata ng Bibliya na ito na kapag dumating ang Panginoong Jesus sa mga huling araw Siya ay gagamit ng mga salita upang gawin ang gawain ng paghuhukom simula sa bahay ng Diyos, at ang gawain ng paghuhukom na ito ay gagawin ng Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay nangangahulugan na Siya ay isinilang bilang isang tao na mayroong normal na pagkatao. Yan ay tanging ang Diyos na naging laman ang maaring tawaging Anak ng tao; Ang espiritu ng Diyos ay hindi pwedeng matawag na ganyan. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating ng palihim ngayon; Siya’y naging laman at nagbigkas ng milyon-milyong mga salita upang hatulan ang mga tao. Ang gawaing ito ng paghuhukom ay ang paghuhukom ng Diyos sa malaking puting luklukan, at ang lahat ng tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay ang mga tao sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon—Sila ang mga yaong tumanggap sa gawain ng paghuhukom sa malaking puting luklukan.

“Ngayon tignan natin ang ilang mga talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang maintindihan ang paghuhukom sa malaking puting luklukan. Ang sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, at hindi sinusubukan ang tao nang isa-isa; ang paggawa ng gayon ay hindi magiging gawain ng paghatol. Hindi ba ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan ay pare-pareho? Hindi ba ang diwa ng tao ay magkakapareho? Ang hinuhusgahan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang walang kapararakan at walang kabuluhang mga kamalian ng tao. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lumalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng mga tao, nguni’t hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono.’ ‘Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman.

“Maiintindihan natin sa mga salita ng Diyos na ang gawain ng Diyos na paghuhukom sa mga huling araw ay hindi gaya ng ating mga imahinasyon, na kung saan ang Diyos ay uupo sa malaking puting luklukan at ang lahat ng tao sa ibaba ay tumatanggap ng Kanyang paghuhukom isa-isa, at pagkatapos ay Kanyang pagpapasyahan kung ang bawat isa ba ay maaakyat sa langit o mahuhulog sa impiyerno batay sa kanilang indibidwal na pag-uugali sa kanilang buong buhay. Kung ang tao ay hahatulan sa ganyang pamamaraan walang ni isa sa atin ang kwalipikadong makakapasok sa kaharian ng langit. Sapagkat ang lahat ng tao ay malalim na natiwali ni Satanas at lahat tayo ay puno ng tiwaling satanikong disposisyon, kahit na matapos tayong maniwala sa Panginoon at sa hinuha ay tayo ay nagpapakabuti—naging masaya tayo sa paggawa ng maganda, hindi tayo nang-aaway o naninigaw sa mga tao, at kaya nating magsigasig na gumagawa para sa Panginoon ngunit hindi ito nangangahulugan na katugma tayo ng Panginoon, o masunurin tayo sa Kanya. Halimbawa, kung ang ibang tao ay nagsalita o gumawa na hindi naaayon sa ating kagustuhan palagi tayong nagkakaroon ng gusot sa kanila; hindi rin natin masanay na magparaya o magpasensya. Minsan tayo pa ay nagsisinungaling o nanloloko para sa ating sariling mukha at personal na interes; kung may isang bumabangga sa ating personal na interes napopoot na tayo sa kanila, o kahit na maghiganti pa. Madalas tayong namumuhay sa isang estado ng pagkakasala at pagkatapos ay pag-aamin ng ating mga kasalanan. Kung ang Diyos ay gagawa ng Kanyang paghuhukom batay sa ating pag-uugali sa ilalim ng kurso ng ating buhay, hindi ba lahat tayo ay mawawasak? Isama mo na din, ang Diyos ay hindi lamang hinahatulan ang isang bahagi ng tao o ang isang angkan ng tao, ngunit ginagawa ang gawain ng paghatol sa lahat ng tao. Kahit ito pa ay nasa Asya, Amerika, o Europa, ang bawat isa ay may parehong kakanyahan, kung saan na naging tiwali ni Satanas. Kaya naunang-pinili ng Diyos ang grupo ng mga tao para sa Kanyang paghuhukom, at matapos silang masakop ng Diyos sila ay gagamitin upang magpalawak ng Kanyang gawain sa buong mundo. Sa ganitong paraan, ang lahat na tumanggap ng gawain ng Diyos ngayong huling araw ay makakatanggap ng paghuhukom ng Diyos.

“Ang Diyos ngayon ay ganap na inililigtas tayo sa ating mga kasalanan na naaayon sa ating kailangan upang makalaya na tayo sa kadenang ito—Siya mismo ay nagkatawang-tao at tahimik na gumagawa sa gitna natin nagsasalita ng Kanyang mga salita at gumagawa ng Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Inuuna Niyang sinasakop at ginagawang perpekto ang mga tao na nakakarinig ng Kanyang tinig, at matapos magkaroon ng isang grupo ng tao na sumasailalim sa Kanyang paghuhukom at pagkastigo gamit ang Kanyang mga salita at naging malilinis, Siya ay lantad na magpapakita sa lahat ng bansa at lahat ng tao. Ang lahat ng mga uri ng kalamidad ay magsisilabas at ang lahat ng tao ay uuriin ayon sa kanilang uri. At ang lahat nang hindi tumanggap ng gawain ng paghuhukom ng Diyos, ang mga hindi nalinis ng Diyos, ay iilalim sa Kanyang makaturiwang kaparusahan. Ito ang dalawang yugto ng gawain ng paghuhukom ng Diyos. Kapag ang matinding kalamidad ay bumaba ito ay hindi ang simula ng paghuhukom ng Diyos sa malaking puting luklukan, ngunit kapag ito ay ganap na lumalapit. Doon na, na ang lahat na tumanggap ng gawain ng Diyos sa Kanyang lihim na pagdating, ang mga sumailalim sa Kanyang paghuhukom at nalinis ang kanilang katiwalian, ay madadala ng Diyos sa Kanyang kaharian. Sila ay magsisi-sayaw at magsisi-talon dahil sa kaligayahan! Gayunpaman, Ang mga taong tumanggi at hinatulan ang Panginoon sa buong yugto ng Kanyang gawain na palihim ang sa huli ay babagsak sa maraming taon ng hindi pa nila nakikitang mga kalamidad na kung saan sila ay paparusahan ng Diyos. Ito ang paghuhukom ng Diyos sa malaking puting luklukan sa mga huling araw.”

Ang maingat na pagninilay sa pagbabahaging ito ng kapatid, Sa wakas nagkamit ako ng konting pagkaunawa. Tumango ang aking ulo, sinabi ko, “Noon palagi akong natatakot na maparusahan ng Diyos at hindi makapapasok sa langit kapag dumating na ang Panginoon, pero ngayon sa pamamagitan ng pagbabahagian na ito ay naunawaan ko na ang gawain ng paghuhukom ng Diyos ay nahahati sa dalawang mga yugto—ang Kanyang pagparito ng palihim at ang Kanyang lantad na pagdating. Ang gawain ng paghuhukom ng mga salita na ginagawa ngayon ng Makapangyarihang Diyos ay upang linisin tayong sangkatauhan sa ating mga kasalanan, upang pamunuan ang mga tao papasok sa kaharian ng Diyos. Ang mga naiisip ko noon na paghuhukom sa malaking puting luklukan ay talagang mangyayari kapag ang Kanyang gawain ng paghuhukom ay natapos na. Kung ako ay maghihintay hanggang sa panahong iyon bago tanggapin ito, huli na. Ang paggawa ng Diyos sa ganitong pamamaraan ay talagang napakatalino! Ang Diyos ay sobrang napakatuwid!”

Pinakawalan ko ang aking mga nosyon matapos kong marinig itong pagbabahagi ng kapatid at naging bukas na magpatuloy na maghanap at mag imbestiga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Gayunpaman, hindi parin ako lubusang nalilinawan kung paano ginamit ng Diyos ang salita upang linisin ang sangkatauhan. Pagkaraan siya ay bumasa ng isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin upang tulungan ako na mahanap ang kasagutan.

Ang sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

Ipinagpatuloy ng kapatid na ito ang pagbabahagi: “Para sa gawain ng paghuhukom ng Diyos sa mga huling araw, hindi lamang Siya nagpapahayag ng ilang mga pangungusap o ilang mga pahina, ngunit Kanyang ipinahahayag ang lahat ng uri ng mga aspeto nang katotohanan, inilalantad ang bawat uri ng satanikong kalikasan at lason sa loob natin, habang itinuturo din ang landas kung paano natin mababago ang ating mga disposisyon. Noon nakikita lang natin ang ilang mababang antas ng mga kasalanan tulad nang mga pagnanakaw, papangangalunya, pagsisinungaling at iba pa, pero nahihirapan tayong makilala ang ating malalim na satanikong kalikasan at lason. Ang ating likas na kasalanan gaya ng pagka-arogante, pagka-mahalaga sa sarili, pagka-makasarili, pagkakasuklam-suklam, pagkabaluktot at pagkamapanlinlang at may mga satanikong lason pa gaya ng ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,’ ‘Mamamatay ang tao para sa pera; mamamatay ang ibon para sa pagkain,’ ‘Hindi kami aatake maliban na lang kung inatake kami; kung inatake kami, siguradong gaganti kami ng atake,’ at ang ‘Kung walang hirap, walang sarap.’ Ang ganitong mga bagay ay ang mga ugat ng ating mga pagkakasala. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagsalita o gumawa ng isang bagay na hindi natin gusto, makakaya pa nating magparaya ng ilang beses ngunit nagsisimula na tayo makabuo ng pagka-poot at sa oras na tayo ay mapuno na tayo ay sumasabog. Nangyayari ito dahil hindi parin nalulutas ang pagka-arogante at pagka-mahalaga sa sarili na nandito parin sa loob natin. At dahil sa ating satanikong kalikasan na pagiging gahaman sa pera at katanyagan, bagaman alam nating lahat na na hindi natin dapat sundin ang mga makamundong-uso, subalit kung merong tukso sa ating paligid hindi natin ito nalalabanan kundi sumusunod din sa ganoong ruta. Sa pamamagitan ng paghuhukom ng salita ng Diyos at sa iba’t-ibang pangyayari na isinaayos ng Diyos tayo ay nasusubok, pinipino, pinupungus at pinakikitunguhan. Pagkatapos ay makakukuha tayo ng ilang pagka-unawa sa mga tiwaling disposisyon na ito na nasa loob natin pati na rin ang pagka-matuwid at dakilang disposisyon ng Diyos at maka buo ng puso na may paggalang sa Diyos. Tanging sa gayon lamang natin tunay na kamumuhian ang ating mga sarili, maging bukas upang talikuran ang laman at gawin ang pagsasanay ng katotohanan, ang pagkamit ng kakayahang mabuhay sa tunay na pagkatao na hinihingi ng Diyos sa atin. Sa pagpapatuloy na pagpapasa-ilalim sa paghuhukom at pagkastigo ng Diyos ay magiging mas malinis tayo mula sa ating tiwaling disposisyon; ang ating mga pananaw sa mga bagay-bagay at paniniwala sa buhay ay mababago din. Sa ganitong paraan tayo ay unti-unting magiging taong sumusunod at may takot sa Diyos—kung gayun makakamit natin ang tunay na pagiging katugma ng Diyos. Ang lahat na nakaranas ng praktikal na paghuhukom ng Diyos ay personal na makakapagpatunay na tanging ang paghuhukom lang ng Diyos ang makalilinis sa tao sa kanilang satanikong disposisyon—ang paghuhukom ng Diyos ay pagmamahal at kabuuang kaligtasan.”

Matapos kong marinig ang kanyang pagbabahagi, Naramdaman ko kung gaano kapraktikal ang gawain ng Diyos. Natanto ko na ang paghuhukom at pagkastigo ng mga salita ay upang ilantad at hatulan ang ating mga tiwaling disposiyon at ang ugat ng ating pagkakakasala. Ito ay isang bagay na hindi pa nangyayari sa akin noon. Tuwing nagkakasala ako sa nakaraan ako ay magdadasal lang at hihingi ng kapatawaran sa Panginoon, pero sa totoo lang ang lahat ng ito ay hindi nakakatulong, dahil pagkatapos niyon hindi ko pa rin mapigilan talaga, dahil matapos ito hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na magkasala muli. Nakita ko na ito’y dahil hindi ko naunawaan ang aking sariling tiwaling disposisyon at ang ugat ng aking pagkakasala. Kailangan kong maingat na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at makilala ko ang aking tiwaling diposisyon—yun lang ang tanging paraan na ako’y malilinis sa aking katiwalian.

Sa mga sumusunod na mga panahon nabasa ko ang maraming salita ng Makapangyarihang Diyos pati narin ang mga patotoo at karanasan mula sa mga kapatid. Nagkamit ako ng pagkaunawa tungkol sa mga misteryo ng tatlong yugto na gawain ng Diyos, ang panloob na kuwento sa likod ng Bibliya, ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos, kung sinong tao ang tatanggalin at kung sino ang mananatili, paano makamit ang buong kaligtasan at marami pang iba. Ang lahat ng mga misteryong ito ay ang mga bagay na tanging ang Diyos lang mismo ang makakapag-bunyag—naging tiyak ako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ito ay ang mga tinig ng Diyos. Kaya tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ngayong huling araw.

Matapos akong nagkamit ng ilang pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon dahil sa palaging pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na humahatol at inilalantad ang sangkatauhan. Nakita ko na tuwing ang aking biyenan ay may sinabing masama tungkol sa akin sa aking hipag habang ako ay nakatalikod, ang reaksyon ko dito ay tumugon ng mabuti sa likod ng aking biyenan. Napagtanto ko na ako’y lubhang may kakulangan sa aking pagpasensya at pagpaparaya. Ito ay tulad ng “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Sobrang napaka-demonyo at kakulangan sa pagkatao. Noong mapagtanto ko ito naging handa akong tunay na magsisi at hinahangad na mabuhay sa wastong pagkatao. Mula noon, kahit minsan ay nakakarinig ako na may sinasabi siyang hindi maganda tungkol sa akin—Ito’y nakagagalit at gusto kong magsalita sa kanya—ngunit nalaman ko na ito ay aking tiwaling disposisyon na nag-uumapaw, kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon upang lumapit sa harapan ng Diyos at magdasal. Unti-unti, naaalis ang mga hinanakit sa aking puso at nakakayanan ko nang makibagay sa aking biyenan ng wasto. Talagang naranasan ko na ang paraan lang upang malinis ang aking tiwaling disposisyon ay ang malantad sa mga salita ng Diyos. Ang paghuhukom sa akin ng Diyos ay talagang pagmamahal at pagliligtas. Ang pangarap ko ay mas lalo pang makaranas ng paghuhukom ng Diyos at paglalantad ng mga salita ng Diyos upang ako ay maging malinis agad at makumpleto ng Diyos!

Ang Katapusan.