Ni Mikha, India
Nang Patuloy Kong Ipinalaganap ang Ebanghelyo, Nakita Ko ang Mga Gawa ng Diyos
Pagkatapos kong umalis ng bahay, nanatili ako sa isang maliit na hotel at nakakita ng trabaho sa malapit. Habang nagtatrabaho ako para tustusan ang sarili ko, nagpatuloy akong ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko kung paanong, ang aking ama ay nasa pinakamataas na posisyon sa aming pamilya, at pag hindi niya tinanggap ang ebanghelyo, ang buong pamilya namin ay malamang na hindi rin ito tanggapin. Pero meron siyang maraming kaalamang biblikal, kaya hindi ko alam kung paano ko ibabahagi ang ebanghelyo sa kanya. Kaya lumuhod ako at nagdasal sa Diyos, “O Diyos ko, ikaw ang Lumikha. Naiintindihan mo ang bawat tao. Kung ang aking ama at iba pang miyembro ng pamilya ay mga tupa Mo, kumilos Ka sa kanilang mga puso at hayaan Mo silang makilala ang Iyong tinig at tanggapin ang Iyong pagliligtas sa huling mga araw. O Diyos ko, pakiusap pangunahan Mo po ako sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Tanggapin man ito o hindi ng aking ama, hindi ako titigil sa pagsasagawa ng aking tungkulin. Gusto kong maging katulad ni Pedro at tumayong saksi para sa Iyo.” Sa mga sumunod pang araw, nagdasal ako sa Diyos ng ganito araw-araw.
Isang araw, pagkalipas ng mga dalawang Linggo, ang ama ko ay biglang tumawag sa akin at kinumusta ako. Sabi nya, “Pagkatapos kong mawalan ng pasensya sa iyo nung huli, talagang nagsisi ako. Palagi kong sinasabi sa iba na magpakumbaba pero nagalit ako sayo. Hindi ko talaga sinunod ang utos ng Diyos. Patawarin mo ako.”
Pagkarinig ko sa sinabi ng aking ama ay namangha ako, mabilis kong sinabi sa kanya, “Hindi na yon mahalaga. Pag hindi natin naiintindihan ang katotohanan, kumakapit tayo sa ating sariling paniniwala. Kung gusto mong higit pang maintindihan ang gawain ng Diyos sa huling mga araw, ibig kong magbahagi ng mas marami pa sa iyo.” Sabi ng aking ama, “Oo, pakiusap bumalik ka na.” Pagkatapos kong marinig ‘yon ako ay nasabik. Ang aking ama ay nilabanan ang gawain ng Diyos sa huling mga araw dati, pero sa pagkakataong ito gusto niya talagang magsaliksik. Bukod sa Diyos, walang makakapag-alis ng buhol sa kanyang puso. Hindi ko mapigilang magpasalamat at magpuri sa Diyos.
Pagkatapos kong bumalik sa bahay, sabi ng aking ama, “pagka-alis mo, lagi akong hindi makatulog, pinagbulayan ko din ang iyong mga sinabi at naramdaman kong tama ito. Kahit marami akong alam sa Bibliya, pinaglingkuran ang Diyos sa loob ng maraming taon, at palaging nangangaral ng sermon para mahalin ng tao ang iba katulad ng sarili nila, ako mismo ay nagagalit sa aking pamilya. Hindi ba’t nabubuhay pa nga ako sa kasalanan at nabigo akong makamit ang pagdadalisay? Minsang nagpropesiya ang Panginoon na Siya ay babalik sa huling mga araw upang isagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ito ay maliwanag na nakatala sa Bibliya. Pero nung marinig ko ang balitang nagbalik na ang Panginoon, bakit ayaw kong magsaliksik? Kahit na ang iyong ipinangaral ay hindi ko pa narinig dati, ito ay naaayon sa mga propesiyang biblikal. Gayunman, inisip ko na sinunod ko ang Diyos sa loob ng maraming taon at mayroong mayamang kaalaman sa Bibliya, kaya hindi ako mapagpakumbabang naghanap bagkus ako ay nagalit sayo at binantaan kita, sobra na pinalayas pa kita sa bahay natin. Hindi ba iyon ugali ng mga Fariseo? Napagtanto ko iyon nang naharap sa mga napaka-importanteng bagay sa pagbabalik ng Panginoon, ang ginawa ko ay mali. Ngayon ay nais kong sumunod sa turo ng Panginoon at mapagpakumbabang hanapin ang katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos sa huling mga araw.
Sinabi ko ng may pananabik, “Salamat sa Diyos! Tay, napakaganda na nagawa mong makilala ito. Habang may puso tayong naghahanap na may bukas na kaisipan, aakayin tayo ng Diyos para maintindihan ang katotohanan. Tay, panoorin nating dalawa ang movie clip, at magkakaroon ka ng mas maliwanag na pagkaintindi sa katotohanan tungkol sa gawaing paghatol ng Panginoon sa huling mga araw.”
Pinapanuod ko sa aking ama ang clip na Bakit Bumalik ang Panginoon para Gawin ang Gawain ng Paghatol sa Huling mga Araw mula sa pelikulang Awit ng Tagumpay. Ang bida sa pelikula ay isang matanda sa iglesia na naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Lagi syang naniniwala na ang mga naniniwala sa Panginoon ay mga napatawad na sa kanilang mga kasalanan, kapag bumalik ang Panginoon, sila ay diretsong dadalhin sa kaharian ng langit. Hindi nya maintindihan kung bakit kailangang bumalik ng Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol sa huling mga araw. Tungkol sa isyung ito, ang mga kapatid na babae sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagbasa ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag.” “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. … Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi.”
Si kapatid Yang sa pelikula ay nagbigay ng pagbabahagi, nagsasabing, “Wala ng mas lilinaw pa sa salita ng Makapangyarihang Diyos! Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay ginawa lamang ang Kanyang gawain ng pagtubos. Ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay pinatawad dahil sa kanilang paniniwala, pero ang kanilang makasalanang kalikasan ay hindi pa rin naresolba. Ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan ay kalikasan ni Satanas. Ito ay nakaugat na ng malalim sa loob ng puso ng mga tao at naging buhay nila. Kaya hindi pa rin maiiwasan ng tao na magkasala at subukang labanan ang Diyos. Ang kasalanan ng sangkatauhan ay pwedeng patawarin, pero kaya rin bang patawarin ng Diyos ang kanyang satanikong kalikasan? Ang ating satanikong kalikasan ay direktang kumakalaban sa Diyos at direktang napopoot sa katotohanan. Hindi ito mapapatawad ng Diyos. Samakatuwid, para lubos na mailigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pagkakagapos sa kanilang satanikong kalikasan, kailangan Niyang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nakaumang sa satanikong kalikasan at diposisyon ng tao. Sila ay nasa malalim na kaibuturan ng puso ng sangkatauhan. Ngayon alam kong maaari kayong mag-isip: Ang satanikong kalikasan ba na ito ay maaari lamang maalis sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin kayang resolbahin ng tayo lang sa pamamagitan ng pagdurusa na pasukuin ang katawan at pagpipigil sa ating mga sarili ay magreresolba sa mga satanikong kalikasan na ito? Siguradong hindi. Tingnan mo ang maraming mga santo sa kasaysayan na nagbayad ng presyo sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipigil, silang lahat ay gustong takasan ang pagkakaalipin nila sa kasalanan at pinangibabawan ang kanilang mga laman. Ilan sa kanila ang kayang talunin si Satanas at maging tunay na masunurin sa Diyos? Halos wala. At kung nagawa man nila, sila ay mga taong espesyal na naperpekto ng Diyos. Pero ilang mga tao lang ang nakagawa nito? Ito ay dahil walang paghatol mula sa Diyos, kaya ang satanikong kalikasan na iyon ay hindi nagawang malinis. Kaya ang disposisyon ng tao ay hindi talagang nagbago. Ang isang katotohanang ito ay sapat na nagpapatunay na ang paggamit sa pamamaraan ng tao ay hindi makakatulong para maresolba ang ating satanikong kalikasan. Ang tao sa huli ay kailangang dumaan sa paghatol ng Diyos, pagkastigo, pagsubok, at ilang pagpipino bago niya makamit ang katotohanan at tuluyang makamit ang daan ng buhay na walang hanggan. Ito lang ang tanging paraan para maresolba ang satanikong kalikasan ng tao. Kaya base sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan, ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasagawa ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para palayain ang tao sa pagkakahawak at kontrol ng kanilang satanikong kalikasan para sila ay malinis at makatanggap ng pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Mula dito maiintindihan natin na ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang kayang lubusang luminis sa sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan. Alam natin na ito ang katotohanan.”
Pagkatapos mapanood ang video, hindi masyadong nagsalita ang aking ama, pero kalaunan nagsalita siya ng may katapatan, “Naintindihan ko na kung bakit bumalik ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol. Gusto kong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw.” Pagkatapos ng yugto ng pag iimbestiga, nasiguro ng aking ama na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa huling mga araw.
Hindi nagtagal, nung ang mga pastor mula sa aming orihinal na iglesia ay dumating para bisitahin ang aking ama, siya ay nagpatotoo sa kanila ng bagong gawain ng Panginoon. Sabi nya, “Mga kapatid, alam ninyo na pinaglingkuran ko ang Diyos ng maraming taon at marami akong kaalaman sa Bibliya at sa panlabas ay lumilitaw na matapat. Pero ng marinig ko ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, hindi ko hinanap ang katotohanan o mapagpakumbabang saliksikin ito. Pinabayaan ko ang mga maraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol sa huling mga araw, at pinalayas ko pa ang aking anak, na nangaral sa akin, palabas ng bahay. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ngayon lubusan ko ng naiintindihan na ang Panginoong Jesus ay tinubos tayo at pinatawad ang ating mga kasalanan pero, hindi pa rin natin natatanggal ang ating makasalanang kalikasan, at ang tiwaling kalikasan at satanikong lasong ito ay nananatiling malalim na nakaugat sa loob natin. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos ay para resolbahin ang problema ng ating makasalanang kalikasan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap nito tayo maaaring malinis sa ating mga kasalanan….”
Iniisip ko kung paanong sa nakaraan ay kinalaban ng aking ama ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, pagkatapos ay nakikita ko siyang nagbabahagi sa mga pastor ng ganito, naaantig na napaluha ako.
Ang Bunga ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo
Habang pinapangaral ko ang ebanghelyo sa aking ama, naramdaman ko na ang Banal na Espiritu ay kasama ko, at mula sa kaibuturan ng aking puso, mas lalo akong naging sigurado na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at may taglay na awtoridad. Naisip ko kung paanong ang aking ama ay nagtataglay ng maraming kaalamang biblikal, at walang makatalo sa kanya sa mga diskusyon sa Bibliya, pero nung ibinahagi ko sa kanya ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, hindi siya makapag-tanong. Tunay kong nakita na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan at kayang sakupin ang puso ng tao. Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, ang aking pamilya na binubuo ng siyam ay tumanggap lahat sa gawain ng Diyos sa huling mga araw. Salamat sa Diyos! Ang mga tupa ng Diyos ay dumirinig sa tinig ng Diyos. Ang mga taong determinadong iligtas ng Diyos sa huli ay paniguradong babalik sa Kanyang harapan.
Ang Wakas.