Ni Mikha, India
“Umalis ka sa bahay na ito kung gusto mo pa ring ibahagi sa akin ang ebanghelyo.”
“Tama na yan! Ayokong marinig. Umalis ka dito!”
“Simula ngayon, hindi na kita anak. Umalis ka na sa bahay na ito!”
…………
Ito ang mga sinabi ng tatay ko nung ibahagi ko ang ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon sa kanya.
Minsan, hinarap ko ang nagmamatigas kong tatay, naging negatibo ako, mahina at malungkot. Gayunpaman, sa aking kahinaan, ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at hinayaan akong determinadong ibahagi ang ebanghelyo. Sa huli, ang aking ama ay nagising at tinanggap ito. Habang iniisip ko ang mga senaryo ng nakaraan, ang mga ito’y kasing tingkad sa akin ngayon kagaya noon…
Pagkatapos Tanggapin ang Ebanghelyo ng Pagbabalik ng Panginoon, Ibinahagi ko Ito sa Aking Ama.
Nagkaroon ako ng seryosong karamdaman noong ako’y bata pa, kaya ang aking ama ay umasa sa kanyang pananampalataya at nagdasal sa Diyos, at ibinalik ako ng Diyos mula sa bingit ng kamatayan. Para mabayaran ang pagmamahal ng Diyos, pumasok ako sa seminaryo, umaasa na mapaglingkuran ko ang Diyos buong buhay ko. Gayunpaman, nakakita ako ng maraming masasamang gawain sa loob ng tatlong taon ko sa seminaryo. Ang mga pastor ay nakibaka para sa katanyagan at kayamanan, at nakipaglaban at nakipag-argumento sa isa’t- isa. Ang mga sermon nila ay katulad lamang ng mga lumang bagay, at tayo bilang mananampalataya ay lubos na nawalan ng espiritwal na panustos. Hindi lang ‘yon, pati ako ay nakakagawa din lagi ng kasalanan, tulad ng pagiging makasarili at mapagmataas, at pagkakaroon ng masamang pag-iisip sa aking puso. Nagdulot ito sa akin ng maraming pagkabalisa: Bakit hindi ko kayang makawala sa gapos ng kasalanan? Habang nararamdaman ko ang kawalan at kawalang magawa, ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay dumating sa akin. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, naintindihan ko na ang Diyos ay pumarito para isagawa ang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw para hatulan at kastiguhin ang tao para maresolba ang problema natin sa paggawa ng kasalanan. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw tayo malilinis sa ating mga tiwaling disposisyon, maging mga tao na malapit sa puso ng Diyos, makamit ang tunay na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit. Pagkatapos, kusang loob kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Pagkatapos, iniwan ko ang seminaryo. Gusto kong tumayong saksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para sa aking pamilya, ngunit pag ako’y puno ng pag-asa at ibinabahagi ang magandang balita ng pagbabalik ng Panginoon sa aking ama, ang kanyang saloobin ay higit sa aking inaasahan.
Sinabi niya ng mapagmataas,” Anak kita at habang lumalaki ka ako ang nagturo sa iyong magbasa ng Bibliya. Ngayon pagkatapos mong pumasok sa seminaryo ng tatlong taon lang, gusto mo akong turuan? Sinasabi mo na dumating ang Diyos para gawin ang paghatol. Meron ba itong basehan sa Bibliya? Kung walang basehan sa Bibliya, hindi ko paniniwalaan ng ganoon lang. Bukod dun, tayong mga naniniwala sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan, at hindi na natin kinakailangan ang Panginoon para isagawa ang gawain ng paghatol. Pag bumalik ang Panginoon, tayo ay agad na madadala papunta sa kaharian ng langit.”
“Tay, ang sabi ng Bibliya, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan’ (Juan 12:47). Ang mga talatang ito ay nagpopropesiya na pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay magpapahayag ng katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol para tuluyang linisin ang ating makasalanang kalikasan. Kung ang gawaing pagliligtas ng Panginoon ay nakumpleto na, kung gayon paanong matutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus? Sa kasalukuyan, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at isinasagawa ang yugto ng gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Tinutupad nito ang mga biblikal na propesiyang ito. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw tayo malilinis sa ating mga kasalanan at makakapasok sa kaharian ng langit. Kung hindi natin ito hahanapin, hindi tayo makakakuha ng kahit ano.”
Pagkatapos marinig ito, pagalit na sinabi ng aking ama, “ Binabasa ko ang Bibliya simula nung ako’y bata pa at pinaglingkuran ko ang Diyos sa loob ng maraming taon, hindi ba’t mas marami akong kaalamang biblikal kaysa sayo? Binasa mo lamang ang Bibliya sa loob ng tatlong taon at gusto mo akong turuan? Tumigil ka! Huwag ka ng magsalita pa!”
Nakita ko na hindi ganon kadaling pakalmahin ang aking ama, at pag nagpatuloy akong magbahagi sa kanya, hindi ito magkakamit ng magandang resulta, kaya ang tangi ko lamang nagawa ay bumalik sa aking kwarto. Naisip ko, “Ang tatay ko ay totoong naniniwala sa Diyos. Hindi niya kayang tanggapin agad-agad ang ebanghelyo siguro dahil hindi pa siya nakarinig ng kagaya nito dati. Kailangan kong patuloy na magbahagi ng ebanghelyo sa kanya.”
Tumanggi ang Aking Ama na Tanggapin ang Ebanghelyo ng Paulit-ulit at Pinalayas Ako ng Bahay
Pagkatapos kong sabihin sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang sitwasyon ng pagbabahagi ko ng ebanghelyo sa aking ama, nagpadala sila sa akin ng mga pelikulang ebanghelyo at sinuhestyon na ipapanuod ko ito sa aking ama. Sa ikaapat na araw, nakita ko ang saloobin ng aking ama na naging mas maayos, sinubukan ko ulit na ibahagi ang ebanghelyo sa kanya, sabi ko “Tay, gusto kong ibahagi sayo ang ilang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw para isagawa ang gawain ng paghatol—” Bago pa ako matapos, naubusan ulit ng pasensya ang aking ama, sabi nya “Kinuha na lahat ng Panginoon ang ating mga kasalanan at ang Kanyang gawain ng pagtubos ay nakumpleto na. Hindi na kinakailangang magbalik ng Diyos para isagawa ang gawain ng paghatol. Lumayas ka sa bahay na ito kung gusto mo pang ibahagi ang ebanghelyo sa akin!” Ang aking ama ay nagmistulang ibang tao. Pagkakita sa galit na galit niyang ekspresyon, nakaramdam ako ng pagkabigla gayundin ng kaunting nerbyos at takot, kaya kinailangan kong tumigil ulit.
Pagka-isip ko kung paano ulit tinanggihan ng aking ama ang pagtanggap sa ebanghelyo, nakaramdam talaga ako ng sama ng loob. Pinaglingkuran ng aking ama ang Diyos sa loob ng maraming taon at naging lubos na matapat sa Diyos; higit pa kumilos siya ng may pagka-makadiyos at naging malumanay at mapagpakumbaba sa iba. At hindi ko lubos maisip na nung ipangaral ko sa kanya ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, hindi man lamang nya ito inimbestigahan ng seryoso, kundi lalo pang nagalit. Sa puntong iyon, ako ay medyo pinanghinaan ng loob at naramdaman ko na napakatigas ng ulo ng aking ama. Naisip ko, “Maraming alam ang aking ama tungkol sa Bibliya at nagmamatigas siyang kumakapit sa kanyang mga paniniwala. Paano ako magbabahagi sa kanya?” Sa isang saglit, namuhay ako sa loob ng paghihirap. Pagkatapos malaman ang sitwasyon ko, ang mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpadala sa akin ng ilang mga salita ng Diyos para hikayatin ako.
Nagbasa ako ng mga salita ng Diyos, “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.” “Hindi ka dapat matakot dito at doon. Kahit na gaanong karaming hirap at panganib ang iyong harapin, mananatili kang hindi natitinag sa Aking harapan; huwag kang magpapagambala sa kahit anong bagay, upang ang Aking kalooban ay maisasakatuparan. Ito ang iyong magiging tungkulin.”
Ang mga salita ng Diyos ay sobrang umaliw sa akin. Oo, ginawa tayo ng Diyos at ibinigay ang lahat ng ating pangangailangan para mabuhay, kaya natural sa atin ang ihandog ang ating puso at katawan sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ating responsibilidad at obligasyon. Kahit gaano kalaki ang paghihirap, hindi ako dapat maduwag bagkus lalo pa akong lumapit sa harap ng Diyos at umasa sa Kanya. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay tungkulin ko. Gayunpaman, ngayon pa lang ako nagsisimulang magbahagi ng ebanghelyo sa aking ama at hindi pa ako masyadong nagsisikap dito at gusto ko nang umurong pag nakakaranas ng paghihirap—hindi ako naging matapat sa Diyos. Pag sumuko ako, ako ay pumalpak sa aking tungkulin. Naisip ko kung paanong ang aking ama ay naging mananampalataya sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at naging masyadong mahigpit na nalimitahan ng relihiyosong paniniwala, kaya natural lamang na hindi niya tanggapin sa ngayon ang bagong gawain ng Panginoon. Kailangan kong umasa sa Diyos, at kahit na tanggapin o hindi ng aking ama, kailangan kong tuparin ang aking responsibilidad at magbahagi ng malinaw sa kanya tungkol sa katotohanan, para magkaroon siya ng pagkaintindi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ito lamang ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos. Matapos yun, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos ko, ngayon ang aking ama ay ayaw tanggapin ang Iyong bagong gawain, at ang aking pananalig ay maliit. Bigyan Mo ako ng pananalig at lakas, para ako ay makipagtulungan sa Iyo. Kung ang aking ama ay iyong tupa, nakikiusap ako na liwanagan Mo sya para maintindihan niya ang Iyong mga salita at bumalik sa Iyo.”
Sa ikalimang araw, patuloy akong nagbahagi sa aking ama. Sabi ko, “Tay, tinuruan tayo ng Diyos na ibigin ang ating mga kaaway, at ni hindi naman ako kaaway kundi anak mo ako. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan ng pagbabalik ng Panginoon para isagawa ang Kanyang gawain. Pero hindi ka man lamang nagsaliksik bagkus ikaw ay nagalit. Hindi mo isinabuhay ang salita ng Panginoon. Alam ko ang katotohanan na ayaw mong maubusan ng pasensya, ngunit meron tayong satanikong kalikasan, ito ang may kasalanan. Ang sabi ng Bibliya, ‘Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Gayundin, sabi ng Panginoong Jesus, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Ginagawa itong maliwanag ng mga salitang ito. Dahil ang Diyos ay banal, sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, malilinis ang mga kasalanan, at magiging mga taong ginagawa ang kalooban ng Diyos, doon tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Pero ngayon palagi pa din tayong nakakagawa ng pagkakasala; Alam nating ganap ang mga salita ng Panginoon, ngunit hindi pa rin natin maisabuhay. Gaya nito, paano tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos? Pinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik sa mga huling araw para isagawa ang gawain ng pagliligtas. Ngayon na ang Panginoon ay nagbalik at isinagawa ang bagong yugto ng gawain para hatulan at kastiguhin ang tao upang tuluyang maresolba ang ating makasalanang kalikasan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa paghatol ng Diyos at pagkastigo tayo malilinis sa ating katiwalian at doon lamang tayo magiging kwalipikado na pumasok sa kaharian ng Diyos. Tay, ang tupa ng Diyos ay makikilala ang boses ng Diyos. Naharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kailangan nating mapagpakumbabang magsaliksik at pakinggan kung ito nga o hindi ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang boses ng Panginoon, sa ganitong paraan lamang hindi natin maiwawala ang pagkakataon na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.”
Pagkatapos ay pinapanood ko sa aking ama ang skit na Ang Aking Ama, Ang Pastor, pero hindi sya makapag pokus dito at kumapit pa din sa kanyang sariling mga paniniwala. Nakita ko na kahit ang aking ama ay maraming alam sa Bibliya at nakikita sa panlabas na siya ay masyadong matapat at mapagpakumbaba, nung dumating sa kanya ang bagong gawain ng Diyos, matigas pa din ang kanyang ulong humawak sa kanyang mga sariling paniniwala at hindi naghanap o nag-imbestiga. Hindi ko mapigilang isipin ang mga Fariseo na matigas ang ulong kumapit sa kanilang mga sariling paniniwala at imahinasyon. Masyado akong nag-aalala na ang aking ama ay lumaban sa Diyos katulad ng mga Fariseo at sa gayon ay mawala ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, kaya pinaalalahanan ko siya, “Ang mga Fariseo ay maraming alam sa Bibliya at mukhang magalang sa panlabas, pero wala silang pagkaunawa sa Panginoon. Nang ang gawain ng Panginoong Jesus ay hindi umayon sa kanilang mga paniniwala, sila ay tuluyang nawalan ng pagpapakumbaba o ng saloobin na magsaliksik, at kanilang agad na tinuligsa at kinondena ang Panginoong Jesus base sa kanilang paniniwala at imahinasyon. Ang mga Fariseo ay naniniwala sa Diyos pero hindi nila Siya kilala, at sa huli naging sila ang mga taong kumalaban sa Diyos—”
Agad na itong pinutol ng aking ama at nagsabi ng pagalit, “Sa ganitong paraan ka ba makipag-usap sa iyong ama? Sinasabi mo ba na ang iyong ama ay isang Fariseo?”
“Tay, hindi ganon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang paalalahanan ka na huwag tahakin ang landas ng pagsisilbi sa Diyos pero nilalabanan Siya gaya ng ginawa ng mga Fariseo. Sumusunod ka sa Diyos sa loob ng maraming taon at nanabik sa Kanyang pagbabalik. Pero nung marinig mo ang balitang bumalik na ang Panginoon, wala kang pusong mapagpakumbaba at mapaghanap, ni hindi mo ito inimbestigahan, bagkus ikaw ay kumapit sa iyong sariling paniniwala, nakaramdam ng pagsalungat at tinanggihang tanggapin ito. Kung tatratuhin mo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ng ganitong saloobin, ikaw ay magiging katulad ng mga Fariseo dati at maiwawala ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tay, ang anim na libong taong planong pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao ay malapit ng matapos. Kahit gaano karami ang iyong binasa sa Bibliya, kahit gaano karaming taon ka naglingkod sa Diyos, kung hindi mo tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin maaring makamit ang pagdadalisay at hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos—”
“Tama na yan. Huwag ka ng magsalita. Umalis ka dito!” Dahil doon, pagalit na tumayo ang aking ama at nagsabing, “Simula sa araw na ito, hindi na kita anak. Umalis ka ngayon din sa bahay na ito!”
Ang mga Salita ng Diyos ay Pinangunahan Ako para Maintindihan ang Kanyang Kalooban
Pagkarinig sa mga salita ng aking ama, nakaramdam ako ng sama ng loob. Ako at ang aking ama ay talagang malapit sa isa’t-isa dati, hindi ko lubos maisip na kapag ibinahagi ko sa kanya ang ebanghelyo, siya ay sasalungat at palalayasin ako. Ang distansya sa pagitan naming dalawa ay biglang naging napakalayo. Nakaramdam ako ng kalungkutan at wala akong magawa. Samakatwid, nagpadala ako ng mensahe sa mga kapatid para makipag-ugnayan sa aking kalagayan. Pinadalhan ako ng kapatid na babae ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos na makakatulong sa akin. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, “Sa inyong kalagitnaan, wala ni isang tao ang nakakatanggap ng pag-iingat ng batas; sa halip, kayo ay pinarurusahan ng batas, at ang mas mahirap ay walang taong nakakaunawa sa inyo, maging ito man ay inyong mga kamag-anak, inyong mga magulang, inyong mga kaibigan, o inyong mga kasamahan. Walang nakakaunawa sa inyo. Kapag kayo ay tinatanggihan ng Diyos, walang paraan para kayo ay magpatuloy na mabuhay sa lupa. Gayunpaman, kahit ganoon, hindi kayang iwan ng mga tao ang Diyos; ito ang kahalagahan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at ito ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang inyong namana sa araw na ito ay nakakahigit sa kung ano ang mayroon ang mga dating apostol at propeta at higit pa sa kung ano ang namana nina Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi matatanggap sa loob ng isa o dalawang araw; ang mga iyon ay kailangang makamit sa pamamagitan ng matinding pagpapakasakit. Iyon ay, kinakailangan ninyong magkaroon ng dalisay na pag-ibig, malaking pananampalataya, at maraming katotohanan na hinihingi ng Diyos na inyong matamo; at saka, kinakailangang magawa ninyong humarap sa katarungan, at hindi kailanman maduwag o magpasakop, at kinakailangan ninyong magkaroon ng tuluy-tuloy at walang humpay na pag-ibig sa Diyos. Ang pagpapasya ay hinihingi mula sa inyo, gayundin ang pagbabago sa disposisyon ng inyong buhay, ang inyong katiwalian ay nararapat malunasan, at nararapat ninyong tanggapin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos nang walang daing, at maging masunurin pa hanggang sa kamatayan. Ito ang kailangan ninyong makamit. Ito ang pangwakas na layunin ng gawain ng Diyos, at ang mga kinakailangan na hinihingi ng Diyos sa kalipunang ito ng mga tao. Habang Siya ay nagkakaloob sa inyo, gayundin naman kailangan Niyang humingi sa inyo ng kapalit at hingan kayo ng angkop na mga kinakailangan. Samakatwid, ang lahat ng gawain ng Diyos ay may dahilan, at mula rito ay makikita kung bakit ang Diyos ay muli’t muling gumagawa ng gawaing mayroong mataas na mga pamantayan at mahigpit na mga kinakailangan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ninyong mapuno ng pananampalataya sa Diyos. Sa madaling salita, ang lahat ng gawain ng Diyos ay ginagawa para sa inyong kapakanan, nang sa gayon kayo ay maging karapat-dapat na tumanggap ng Kanyang pamana. Hindi naman ito para sa kapakanan ng sariling kaluwalhatian ng Diyos kundi para sa kapakanan ng inyong kaligtasan at para sa pagpeperpekto sa grupong ito ng mga tao na matinding napahirapan sa maruming lupain. Dapat ninyong maintindihan ang kalooban ng Diyos.”
Ang mga salita ng Diyos ay umaliw sa aking puso at naintindihan ko na kung gusto nating madalisay at maperpekto, hindi lang natin kailangang magdusa sa paghihirap ng paghatol at pagkastigo, maging sa mga pagsubok at pagpipino, kundi pati sa pagdurusa sa mga di pagkaintindi at pag-uusig ng ating pamilya. Ang mga pagdurusang ito ay biyaya sa atin ng Diyos, dahil kung itatawid natin ang ating pananalig sa komportableng kapaligiran, ang ating pananalig at pag-ibig sa Diyos ay magiging masyadong maliit, at hindi tayo lalapit sa harapan ng Diyos para totoong umasa sa Kanya, at lalong hindi lalago ang ating buhay. Sa kabilang banda, kapag dumanas tayo ng paghihirap, tayo ay magdarasal sa Diyos at hahanapin ang katotohananng madalas, at mas madaming paghihirap na ating nararanasan mas madadagdagan ang ating pananalig sa Diyos. Kagaya ng naranasan ko sa pagtanggi ng aking ama, ito ay pagpapatibay sa akin ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng ganitong paghihirap ang aking tayog at mga kakulangan ay mabubunyag, para makita ko ang aking kahinaan. Kung wala ang ganitong kapaligiran, hindi ko makikilala ang aking mga pagkukulang at hindi madadagdagan ang aking pananalig. Sa oras na iyon, naisip ko kung paanong para mahanap kung paano mahalin ang Diyos, binalewala ni Pedro ang pagsalungat ng kanyang mga magulang at umalis sa kanilang bahay para mangaral kahit saan, at sa huli ay naperpekto ng Diyos. Kailangan kong sundin ang halimbawa ni Pedro, at kahit gaano ako magdusa, kahit hindi ako maintindihan ng aking pamilya, kailangan kong isagawang mabuti ang aking tungkulin. Kapag itinigil ko ang pangangaral ng ebanghelyo dahil sa pang-uusig ng aking pamilya at mabigo akong makumpleto ang aking komisyon na binigay ng Diyos, kung gayon ay hindi ako karapat-dapat na makakamit ng kaligtasan mula sa Diyos. Pagkatapos maintindihan ang kalooban ng Diyos, nagkaroon ako ng pananalig na tumayong saksi para sa Diyos.
Kinaumagahan, pagkatapos kong mag empake at handa ng umalis, sinubukan akong hikayatin ng aking ama, “Anak, pwede kang manatili kung gusto mong mamuhay kasama ko, pero kailangan mong tumigil sa pangangaral.”
Matatag kong sinabi, “Tay, alam mong matagal ko ng gustong maging tapat sa Diyos. Para makabayad sa pag-ibig ng Diyos, nag-aral ako ng teolohiya sa loob ng tatlong taon at maraming beses na binasa ang Bibliya, pero hindi ko naintindihan ang katotohanan at naramdaman kong sobrang tuyot ang aking espiritu. Higit pa, lagi akong nauubusan ng pasensya; minsan napaka-makasarili ko at mapagmataas, at nagkaroon ako ng masamang pag-iisip sa aking puso. Nag-isip ako ng maraming paraan para matanggal ang mga pag-iisip na ito, pero bigo ako kahit anong gawin ko. Noon lamang natanggap ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos at basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos nalaman ko na ang Panginoong Jesus ay ginawa ang gawain ng pagtubos, at hindi ang gawain sa mga huling araw na pag-alis ng ating kasalanan. Samakatuwid, hindi pa rin natin natatakasan ang ating satanikong kalikasan at nabubuhay pa rin sa estado ng pagkakasala at pag-amin. Sa huling mga araw, ang Panginoon ay dumating bilang ang Makapangyarihang Diyos at ginagawa ang yugto ng gawain ng paghatol, pagkastigo at pagdadalisay sa tao. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo makakaalis tayo sa pagkakaalipin sa kasalanan. Ngayon alam ko na ang magandang balita ng pagbabalik ng Panginoon. Kung hindi ko ipapalaganap ang ebanghelyo, hindi ako magiging karapat-dapat sa komisyon ng Diyos. Tay, aalis ako at patuloy na ipapangaral ang ebanghelyo.”
Pagkatapos marinig kung gaano ako katatag, ang ama ko ay kalmado hindi katulad dati. Sabi niya, “Pwede ka ng umalis. Ipagdarasal kita. Kung ang Makapangyarihang Diyos talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus, paniniwalaan ko Siya kasama mo. Kung hindi man, kailangan mong bumalik ng bahay at tumigil sa pangangaral.”