Ni Dan Chun, Malaysia
Isa akong solong ina, at isang Kristiyano. Noong Hunyo 2017, Isang kapatid ang nagbahagi sa akin tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutunan ko ang tungkol sa ugat ng katiwalian ng sangkatauhan na gawa ni Satanas at ang anim-na-libong taong pamamahala ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan, at natutunan ko rin na tanging sa pagtanggap ng gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay maari tayong makawala sa ating malasatanikong tiwaling disposisyon at makapag-kamit ng perpektong patutunguhan, kaya buong puso kong tinanggap ang gawain sa mga huling araw ng Diyos. Pagkatapos, pinanabikan ko ang mga salita ng Diyos, at sa aking araw-araw na buhay at trabaho, kapag may kinakaharap akong mga problema na hindi ko alam kung paano mareresolba, nanalangin ako sa Diyos at aking nahahanap ang landas upang isagawa ang salita ng Diyos, na nagpahintulot sa akin na mapagtanto na ang salita ng Diyos ang lampara sa aking mga paa, at liwanag sa aking daan. Ngunit lamang nang aking nabuo ang antas ng paniniwala sa Diyos, ang temtasyon ni Satanas ay dumating sa akin …
Sa Pagkakasakit ng Aking Anak, Umaasa sa Diyos at Nakikita ang Mga Gawa ng Diyos
Sa hapon ng Disyembre 7, ang aking anak ay ka-darating lamang galing paaralan, at mula sa kulay ng kanyang mukha masasabi ko na mayroong mali. Siya’y may lagnat, kaya inakala ko na ito ay dahil sa presyon mula sa kanyang kamakailan-lang na mga pagsusulit, at siya ay magiging maayos kapag naka-inom na ng gamot. Sa pagsapit ng 6:00 ng hapon, lumala ang kanyang kalagayan, at nang hinipo ko ang kanyang noo, siya ay mas lalo pang uminit kaysa nang ka-tanghalian! Nagmadali akong dalhin siya sa doktor, na nagsasabi na magiging maayos din siya pag-natapos uminom ng maraming tubig at uminom ng ilang gamot. Ngunit dalawang araw na ang lumipas, ang kalagayan ng aking anak ay mas lumala pa. Hindi siya makakain, at palagi niyang sinasabi na pagod siya at gusto niya lang na matulog. Minsan ang kanyang lagnat ay bumababa din ng isang oras, ngunit mabilis din itong bumabalik agad. Ang kanyang mukha ay namumutla, at ang kanyang katawan ay nag-papalitan ang init at lamig. May hinuha ako na ang mga sintomas na ito ay katulad ng dengue fever, at mayroong iba pang mga kaso sa paligid, na may malubhang kaso ng nagdudulot ng kamatayan, kaya ako ay masyadong kinakabahan. Nanatili ako sa tabi ng aking anak sa buong gabi at patuloy na nagdadala ng yelo upang pababain ang kanyang temperatura.
Nang sumunod na umaga, ang aking anak ay mas nanghina. Gusto ko sana siyang dalhin sa doktor, ngunit mas gusto niya na pumunta ng paaralan upang kumuha ng pagsusulit. Matapos siyang lumisan, bigla kong naalala na ang aking nakatatandang kapatid ay minsang nagkaroon ng dengue fever, kaya tinawagan ko ang aking kapatid para sabihin ang sintomas ng aking anak, at ang kapatid ko ay balisa na nagsabing kapag ang presyon ng dugo ay mas bumababa sa 30, wala nang paraan para magamot ito, at nang siya ay nagka-dengue fever, ginamot siya sa ibang bansa. Nang kahapunan, ang aking anak ay umuwi, at ang kanyang mukha ay mas lalong naging malubha. Dinala siya ng aking kapatid sa klinika para sa pagsusuri ng dugo, na kung saan siya ay nasuri na may dengue fever,at kung saan ay nadiskubre na ang kanyang presyon sa dugo ay mababa, at kailangan niyang agarang pumunta sa ospital. Kahit pa na ako’y handa sikolohikal, ako pa rin ay nahihirapang paniwalaan na ito’y talagang nangyayari.
Nagmamadali akong umuwi, hibang na nag-iimpake ng bag, at pumunta sa ospital. Ako’y nakatayo sa labas ng pintuan ng mahabang oras, hindi nangangahas na pumasok sa loob. Naaalala ko ang mga kamg-anak na mga namatay sa ospital na ito nang mga nakalipas, kaya ako ay talagang kulang ng lakas ng loob. Sa aking kawalang magawa ay bigla kong naalala ang Diyos. “Tama iyon,” naisip ko, “Ako ay mananampalataya ng Diyos, kaya dapat akong umasa at tumingin sa Diyos.” Kaya, sa aking puso, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, ang aking anak ay may sakit, at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pakiusap, Diyos ko, bigyan mo ako ng pananalig at lakas ng loob na harapin ito.” Matapos manalangin, Natanto ko ang mga salita ng Diyos, “Ang pananampalataya ay gaya ng isang tulay na may iisang troso, sila na matinding nakakapit sa buhay ay mahihirapang tumawid rito, ngunit sila na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili ay makatatawid nang walang pangamba. Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Si Satanas ay gumagawa ng bawat paraang maaari upang ipadala sa atin ang mga kaisipan nito, kailangan nating laging manalagin na ang liwanag ng Diyos ay sisikat sa atin, at kailangan nating laging umasa sa Diyos na dalisayin tayo mula sa lason ni Satanas. Lagi tayong magsasagawa sa ating mga espiritu upang mapalapit sa Diyos. Hahayaan nating ang Diyos ang magkaroon ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.” Ang mga salita ng Diyos ay nagpatanto sa akin na ang aking kinatatakutan at pangamba ay ang panggagambala ni Satanas, ngunit naniniwala ako na ang Diyos ay makapangyarihan, na ang Diyos ay nasa tabi ko at laging nandoon upang tulungan ako, kaya dapat akong magkaroon ng pananalig sa Diyos, umasa sa Diyos, at makakaranas ng mga bagay. Kapag naisip ko iyon, nagagawa kong kalmahin ang aking puso, ang takot sa aking puso ay naglaho, at nakaya kong pumasok sa loob.
Sinabi ng doktor na ang aking anak ay may dengue fever, at ang kanyang presyon ng dugo ay bumaba na sa 50. Anumang kalaunan at ang mga bagay ay maaaring mapanganib. Pagkatapos kong makumpleto ang mga pamamaraan upang suriin ang aking anak sa ospital, lumipas na ito ng 11:00 p.m. Umupo ako sa upuan sa silid ng may mga sakit na mukhang walang magawa na nakatingin sa kisame, at bago ko pa ito matanto muli kong naisip ang aking mga kamag-anak na namatay. Labis akong nag-aalala para sa aking anak, at sa parehong oras ay naguguluhan ako. Kakatanggap ko pa lamang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya bakit ang aking anak, na palaging malusog, ay biglang nagkasakit? Mas naiisip ko, mas nararamdaman ko ang higit na pagka-negatibo, hanggang sa magsimulang tumulo ang luha. Hindi ko alam kung paano haharapin ang susunod na mangyayari, kaya’t nagmensahe ako sa isa sa aking mga kapatid na babae, na nagpadala sa akin ng isang sipi ng salita ng Diyos: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawing lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawaing ginagawa ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na mataglay ng Diyos ang sinuman; nais nito ang lahat ng nais ng Diyos, ang sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang napakasamang layunin ni Satanas?”
Kanya din ipinakibahagi sa akin, “Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pangwakas na hakbang sa Kanyang plano sa pamamahala upang mailigtas ang sangkatauhan, at ito rin ang sandali na ang pakikidigmang espiritwal ay higit na matindi. Kapag tinatanggap natin ang gawain ng Diyos at bumaling sa Diyos, nangangahulugan ito na ipinagkanulo natin si Satanas at naninirahan sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Hindi nasisiyahan si Satanas na hayaan lamang tayong lumingon sa Diyos, kaya’t sinusubukan nitong abalahin at sirain ang ating relasyon sa Diyos. Alam nito na ang mga bata ay ang ating laman at dugo, kaya ginagamit nito ang sakit ng ating mga anak upang abalahin ang ating kaugnayan sa Diyos at pinagdududa tayo at ipagkanulo ang Diyos, kasunod nito mawawalan tayo ng pagkakataong makamit ang kaligtasan ng Diyos at bumalik sa pamamahala nito, kung saan ginagawa tayo nitong laruan, pinapahamak tayo, at nilululon tayo. Kaya, dapat nating malinaw na makita ang mga masasamang hangarin ni Satanas, tahimik na pumunta sa harapan ng Diyos at makipag-ugnay sa Kanya, at iwasang mabiktima ng mga pakana ni Satanas. Kasabay nito, dapat din nating paniwalaan na ang buhay ng bawat isa ay nasa kamay ng Diyos, at gaano man ka-arogante o ka-sama ni Satanas, hindi ito mangangahas na gumawa ng anumang bagay sa atin nang walang pahintulot ng Diyos, kaya kailangan nating umasa sa Diyos, tumingin sa Diyos, gamitin ang ating pananalig sa Diyos upang talunin si Satanas, at manindigan at magpatotoo para sa Diyos!”
Ang pakikisalamuha at paghihikayat ng aking kapatid ay nagpakalma sa akin. Napagtanto ko na ang sakit ng aking anak ay bahagi ng isang pakikidigmang espiritwal, na ginagamit ni Satanas ang sakit ng aking anak upang distorbohin ako at magawa akong magkaroon ng maling kaunawaan at sisihin ang Diyos. Si Satanas ay tunay na mabisyo at kasuklam-suklam. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ako nakaramdam ng pagkaduwag sa aking puso, at naniniwala ako na ang paggaling ng aking anak ay nasa kamay ng Diyos. Alam kong kailangan kong umasa sa aking pananalig sa Diyos upang malampasan ang panggugulo ni Satanas. Kaya, tahimik akong humarap sa Diyos at nanalangin upang humiling sa Diyos ng pananampalataya at patnubay habang nararanasan ko ang mga sitwasyong ito.
Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi ng doktor na ang presyon ng aking anak ay mababa pa rin, at kailangan niyang manatili sa ospital para sa paggamot. Ang aking anak na lalaki ay lubhang nabalisa nang marinig niya ito, at hindi mabago ang isip na kailangan niyang bumalik sa paaralan para sa isa pang pagsusulit. Alam kong mahalaga ang pagsusulit na ito sa aking anak, ngunit natatakot akong mapapahamak muli siya kung umalis siya sa ospital, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nang gabing iyon, ang aking kapatid na babae ay nagmensahe sa akin para magtanong kung paano nangyari ang mga bagay at tungkol sa kalagayan ng aking anak, at sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa araw, pagkatapos na ipinadala niya sa akin ang talatang ito ng salita ng Diyos, “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Anong umiiral na wala sa Aking mga kamay? Lahat ng Aking sinasabi ay nangyayari …” Ang salita ng Diyos ay nagdadala ng awtoridad at pinakalma ang aking nababalisa na puso. Kahit na hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, naniniwala ako na kung ang aking anak na lalaki ay gagaling o makadalo sa kanyang mga pagsusulit ay hindi sa kanino mang tao, ngunit nasa kamay ng Diyos. Nang naiintindihan ko na iyon, naramdaman kong isang higit na kaluwagan sa pakiramdam . Nang sumunod na hapon, maligayang inihayag ng doktor na ang presyon ng dugo ng aking anak ay umakyat, at sa wakas maaari na siyang lumabas sa ospital! Kailangan lang niyang bumalik para sa mga regular na pag-checkup. Natuwa ako nang marinig ko ang balitang ito, dahil nakita ko na kailangan ko lang manalangin, umasa sa Diyos, at magtitiwala na ang awtoridad ng Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay upang makita ang mga gawa ng Diyos. Kasabay nito, nakita ko rin ang pagpapala ng Diyos, dahil habang ginagawa ko ang mga kinakailangan sa paglabas ng aking anak, natuklasan ko na ang paggagamot sa kanya ay hindi magpapagastos sa akin kahit isang sentimos! Ilang buwan na ang nakaraan, ang aking anak na babae ay nag-apply para sa kard ng mga benepisyo ng gobyerno, at sa oras na iyon ang pondo ng benepisyo ay hindi pa naitatag, ngunit nang makalabas ang aking anak na lalaki mula sa ospital, sinabi sa akin ng doktor na ang pondo ay nasa lugar, at ang akin lamang kailangang gawin ay ang paggamit ng kard. Dito, nakita ko na ang Diyos ang namumuno at nangangasiwa sa lahat ng pangyayari at bagay, at na ang pag-ibig sa akin ng Diyos ay totoo!
Sa Pagkakasakit ng Aking Anak na Babae, Ang Pagninilay sa Aking mga Sariling Maling Hangarin sa Paniniwala sa Diyos
Sa hindi inaasahan, isang gabi noong mga sumunod na dalawang linggo, ang aking anak na babae ay nagkasakit din ng dengue fever! Nang dalhin ko siya sa ospital, sinabi ng doktor na napakasama ng kalagayan ng aking anak na babae, na mahina ang kanyang puso, at mapanganib ang sitwasyon. Natakot ako ng mga salita ng doktor. Ang doktor ay nagsulat ng reseta para sa gamot upang gamutin ang mga sintomas ng aking anak, ngunit ang ospital ay walang gamot, kaya ako, ang aking kapatid, at mga kaibigan ng aking anak na babae ay nagsimulang maghanap ng lugar na mapagbibilhan ng gamot. Sa paglalakad, naisip ko ang sitwasyon noong ang aking anak na lalaki ang may sakit, at alam ko na wala akong hindi magagawa, kaya nanalangin ako nang walang tigil, “Diyos ko, ipinagkaloob mo sa akin ang aking anak na babae, at ngayon nasa panganib siya. Hindi ko alam kung mabibili namin ang gamot o kung paano haharapin kung ano ang mangayayaring sunod, kaya hinihiling ko ang Iyong gabay sa paghahanap ng isang landas upang maisabuhay!” Nagpunta ako sa maraming mga ospital, ngunit hindi pa rin nagawang makabili ng gamot, kaya muli akong nanalangin sa Diyos, ipinagkatiwala ang bagay sa Diyos, at hiniling sa Diyos na gumawa ng mga pagsasaayos. Pagkaraan nito, nang suriin ng doktor ang aking anak na babae, nakita niya na ang kanyang mga paa ay hindi malamig at tila siya ay nakakarekober na. Ang pakikinig sa mga salita ng doktor ay sobrang nagbibigay ng pag-asa sa akin.
Nang gabing iyon, pagkatapos matulog ang lahat, habang nakatayo ako sa bintana na nakatingin sa malamlam na liwanag ng mga ilawang poste, isang biglaang paghihirap ng kalooban ang lumukob sa aking puso nang napagtanto ko na matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pareho ang aking mga anak ay nagkasakit na kailangan nilang ma-ospital. Hindi ko maintindihan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari sa akin ang mga sitwasyong ito. Sa sandaling iyon, naramdaman kong lalo na napahiya at miserable, at sinimulan kong sisihin ang Diyos. Alam kong hindi tama ang estado ko, kaya nagpadala ako ng mensahe sa aking kapatid sa simbahan upang sabihin sa kanya ang aking mga iniisip.
Ang kapatid ay nagpadala sa akin ng talata ng mga salita ng Diyos: “Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gagamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at tanggalin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, ngunit hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya, lumayo sa Akin ang tao at sa halip ay naghangad ng panggagaway at pangkukulam. Nang alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang.”
Sa telepono, sinabi ng aking kapatid, “Ang Diyos ang Maylikha, tayo ay mga nilikha, at tinatamasa natin ang lahat ng bagay na sinusuplay ng Diyos, kaya dapat nating sambahin at sundin ang diyos. Kapag tayo ay kontrolado ng ating mga pagnanasa na makakuha ng mga biyaya, iniisip natin yun dahil naniniwala tayo sa Diyos, Siya ay may tungkulin na bantayan tayo at protektahan tayo at ang lahat ng mayroon tayo, upang ilayo ang ating mga kapamilya sa mga sakit at sakuna; sa sandaling ang isa sa mga miyembro ng ating pamilya ay nagkasakit, ang mga reklamo laban sa Diyos ay nabubuo sa ating mga puso, at nagsisimula pa tayong mag-alinlangan sa Diyos. Bagaman nakita mo na pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa pagpapagaling sa sakit ng iyong anak, at nakita mo ang pag-ibig ng Diyos, wala kang pananalig sa Diyos dahil nakita mo ang awtoridad at pag-ibig ng Diyos, nagpasya kang sumunod sa Diyos dahil pinagaling ng Diyos ang iyong anak. Ngayon na ang iyong anak na babae ay may sakit, ang maliit na pananampalataya meron ka ay nawala sa iyo nang walang bakas, at sinimulan mong pagdudahan ang kaligtasan ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos dahil sa iyong pagnanais na makakuha ng mga pagpapala, kaya ginamit ni Satanas ang sakit ng iyong mga anak upang makagambala sa iyo, pagdudahan ang Diyos at pagkatapos ay itanggi mo at ipagkanulo ang Diyos, at sa wakas ay maibabalik ka sa ilalim ng pamamahala nito. Ito ang masamang hangarin ni Satanas. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Pinahintulutan ng Diyos na ang mga sitwasyong ito ay mangyari sa iyo upang pahintulutan kang makita ang masasamang kalikasan ni Satanas na salakayin at saktan ang mga tao, ngunit gagamitin din ang pang-gagambala nito upang maipahayag ang iyong mga maling nosyon tungkol sa Diyos. Nasa huling yugto na tayo ng gawain ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan, at nais ng Diyos na makakuha ng isang pangkat ng mga taong may takot at sumusunod sa Diyos, kaya kung tayong mga mananampalataya sa Diyos ay nagpupursige lamang ng biyaya at pagpapala, kung gayon sa wakas ng ating paniniwala ay nasa walang kabuluhan.”
Matapos basahin ang salita ng Diyos at pakinggan ang pagbabahagi ng aking kapatid, sinisi ko ang aking sarili, dahil ang Diyos ay nasa tabi ko sa aking buong paglalakbay, ginamit ang Kanyang mga salita upang gabayan ako, paulit-ulit na binuksan ng Diyos ang mga landas para sa akin, at ang pag-ibig ng Diyos ay napaka-taimtim, ngunit ang inaalala ko lamang ay ang tungkol sa aking sariling pamilya at interes, at ang aking mga dalangin ay puno ng paghahanap at mga hinihingi. Kapag hindi pinasiyahan ng Diyos ang aking mga kahilingan, namumuhay ako sa negatibo at nilalayuan ang Diyos. Kung ang mga pangyayaring ito ay hindi dumating sa akin, hindi ko kailanman makikita ang aking mga maling pananaw sa paniniwala sa Diyos, maisasakatuparan ko ang aking hangarin upang makakuha ng mga pagpapala sa hinaharap, at sa huli ay matatanggal na ako. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, ang aking puso ay napuno ng pasasalamat sa Diyos, dahil ang pag-ibig sa akin ng Diyos ay talagang dakila.
Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos, Pagsunod sa Mga Orkestasyon at Pagsasaayos ng Diyos
Pagkatapos nun, ang aking kapatid ay nagpatugtog ng himno para sa akin na tinatawag na Sumailalim sa Lahat ng Pagsasaayos ng Diyos. Matapos marinig ito, ako ay lubhang naantig, at di ko mapigilang mapadasal sa Diyos, “Diyos ko, pinagkalooban Mo ako ng lahat ng bagay, dinala Mo ako sa iyong harapan, at ngayon isinaayos Mo ang mga pangyayaring ito upang dalisayin at baguhin ako. Ang pag-ibig mo sa akin ay talagang dakila. handa akong ipagkatiwala ang aking anak sa Iyo at magpasailalim sa Iyong mga orkestasyon at pagsasaayos!”
Sa mga sumusunod na mga araw, ang presyon ng dugo ng aking anak na babae ay nanatiling mababa, at kahit na ako’y nababagabag, ako ay nanalangin sa Diyos sa aking puso, handang magpasailalim sa orkestasyon at pagsasaayos ng Diyos, at kahit ano man hindi sisisihin ang Diyos. Isang tanghali, tinawag ako ng doktor sa kanyang opisina. Nang makita ko siya, masayang sinabi niya sa akin na, “Ang resulta ng test ay napakaganda. Ang puso ng iyong anak ay matatag at ang kanyang paa ay hindi na nagpapakita ng mga sintomas ng panlalamig. Ako’y nagulat na ang presyon ng kanyang dugo ay bumalik sa normal na level ng agaran. Maaari na niyang iwan ang ospital!” Ang mga salita ng doktor ay nagdala ng mga luha ng kasiyahan na dumadaloy mula sa aking mga mata, at hindi ko mapigilang magpasalamat sa Diyos sa loob ng aking puso.
Matapos maranasan ang mga bagay na ito, bagaman dumanas ako ng ilang masasakit na pagpipino, Nararamdaman ko na ang aking relasyon sa Diyos ay mas naging malapit kaysa noon, at nagkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Diyos. Ang temtasyon at pangagambala ni Satanas ay nagpakita sa akin ng kakanyahan nito na pinsalain at pasakitan ang mga tao, at sa pagharap sa mga temtasyon at pangagambala ni satanas, ako ay natutong umasa at tumingin sa Diyos, makita kung paano ako ginabayan ng mga salita ng Diyos ng bawat hakbang, at hinintulutan ako na matagumpay na makatakas sa pagkubkob ni Satanas. Nakita ko ang awtoridad at sinseridad ng Diyos, na ang Diyos ay tunay na maaasahan, at sa parehong pagkakataon ay dumating ako sa pag-unawa sa aking sariling maling nosyon tungkol sa paniniwala sa Diyos. Ako ay tunay na nagkamit ng higit na dakila!
Sa hinaharap, kapag ang mga bagay na nagyayari sa akin ay hindi naaayon sa aking kalooban, aking natutunan na lumingon sa Diyos, ipagkatiwala ang mga bagay sa Kanya, at tumingin sa kanya, saliksikin ang aral na dapat kong matutunan, at mamasamain o sisisihin ang Diyos, sapagkat naniniwala ako na ang mga intensyon ng Diyos ay palaging mabuti. Salamat sa Diyos!