Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ang Misteryo ng Kaharian ng Diyos na Natatago sa Ama Namin
Maraming mga Kristiyano ang naniniwala na ang kaharian ng langit ay nasa langit, pero sinasabi sa Ama Namin, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). At sinasabi rin sa Aklat ng Pahayag, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo” (Pahayag 11:15). Kaya, ang kaharian ba ng langit ay nasa langit o sa lupa? Sa artikulong ito, ibubunyag namin namin ang sagot sa inyo.
Ang Kaharian ba ng Diyos ay Nasa Langit o Nasa Lupa?
Sa mga pulong, madalas kong marinig na sabihin ng pastor ko, “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2–3), “At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa’t pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog” (Pahayag 21:10, 21), at katulad na mga sipi mula sa Banal na Kasulatan para sabihin sa atin na naghanda ang Panginoon ng lugar para sa atin, at kapag bumalik Siya, direkta tayong lahat na dadalhin pataas sa langit para tamasahin ang mga perlas at ginto ng langit, at dapat tayong matinong maghintay at madalas na magdasal para maiwasan na maiwan pagbalik ng Panginoon …
Matapos kong marinig ang mga salita ng pastor ko, dati akong napuno ng pananabik para sa kaharian ng langit. Iniisip ko na, sa lahat ng panahon ko sa lupa, wala pa akong nakikitang ano mang ginto o mga perlas, kaya gusto ko talagang makita kung ano ang itsura ng kaharian ng langit. Minsan inilarawan ko sa isip ko nando’n ako isang araw, nakatayo sa kaharian ng langit, nakatingin sa ginto at sa ningning sa paligid ko, kumikislap sa mga mata ko ang makinang nag into, at saan man ako maglakad, nagbabanggaan ang malutong na tunog ng gintong simento at ng aking sapatos, at walang ni isang maliit na butil ng alikabok sa hangin…. ‘Yon nga ay magiging isang makalangit na buhay! Habang lalo ko ‘yong iniisip, lalo kong inaasam na magbalik ang Panginoon at madala kami paakyat sa langit, para matamasa ko ang kagandahan no’n. Doon natuon ang karamihan sa mga panalangin ko sa Panginoon.
Isang araw, binigkas ko ang Ama Namin, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Sinimulan kong pagnilayan ang mga salita ng Panginoon, at nalito ako: Ang intensyon ng Diyos ay magdasal tayo para lumitaw sa lupa ang kaharian ng Diyos, kaya bakit sinasabi ng pastor na direkta tayong dadalhin ng Panginoon paakyat sa langit pagbalik Niya? Malinaw na salungat ang mga sermon ng pastor sa mga salita ng Panginoon. Bakit?
Ang Misteryo ng Kaharian ng Diyos ay Inihayag
Isang araw, isinama ako ng isa sa mga katrabaho ko para sumali sa isang maliit na grupo, at isang kapatid doon ang napakalinaw na nagbahagi ng Biblia, na napakaliwanag para sa akin. Naisip ko, “Isa ‘tong bihirang pagkakataon, kaya bakit hindi ako maghanap ng mga kasagutan sa aking pagkalito sa kapatid na ito?” Kaya tinanong ko siya, “Araw-araw sinasabi sa amin ng pastor namin na matinong maghintay, at pagbalik ng Panginoon dadalhin niya kami paakyat sa langit. Pero sa Ama Namin, malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoon na magdasal na dumating sa lupa ang kaharian ng Diyos, na sumasalungat sa pahayag ng pastor na dapat tayong maghintay para madala paakyat sa langit pagdating ng Panginoon. Kaya, nasa langit ba ang kaharian ng Diyos o nasa lupa?
Ngumiti siya at sinabing, “Brother, napakaganda ng tanong na idinulog mo, at pwede nating siyasatin ang sagot nang magkasama. Sa Ama Namin, tunay na malinaw na sinasabi ng Panginoong Jesus na dapat tayong magdasal na dumating sa lupa ang kaharian ng Diyos, at gawin ang kalooban ng Diyos sa lupa. Hindi sinasabi saan man na ang kaharian ng Diyos ay itatatag sa langit. Sa katunayan, sinabi ng Panginoon, ‘At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga’y ang Anak ng tao, na nasa langit’ (Juan 3:13). Malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoon na bukod sa Diyos, wala pang taong nakakaakyat sa langit. Ang langit ang tahanan ng Diyos, at hinihiling ng Panginoon na magdasal tayo para dumating sa lupa ang kaharian ng Diyos. Pero gusto nating umakyat sa langit. Hindi ba labis-labis ang ganitong hangarin? Kaya sa huli, lilitaw sa lupa ang kaharian ng Diyos, hindi sa langit. Maaari nating tingnan ang ilang mga bersikulo mula sa Biblia, ‘At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man.’ (Pahayag 11:15). ‘At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na’ (Pahayag 21:2-4). Malinaw na tinutukoy ng mga bersikulong ito ang mga katotohanan na ‘Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo,’ ‘At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,’ ‘ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao.’ Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig na ang kaharian ng Diyos ay bababa sa lupa. Kung susundin natin ang ating mga imahinasyon, naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit at pagdating ng Panginoon dadalhin Niya tayo paakyat sa langit para doon mabuhay, hindi ba nangangahulugan ‘yon na hindi matutupad ang mga propesiyang ito? Alam na nating lahat ‘yon sa simula, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan mula sa putik at nilagay sila sa Hardin ng Eden para bantayan ang lahat ng mga bagay sa lupa, pati na ang sumunod, sumamba, at luwalhatiin ang Diyos sa lupa, para makita natin na ang kalooban ng Diyos ay para mabuhay sa lupa ang sangkatauhan. Pagkatapos nito, pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, at ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ay isinakatuparang lahat sa lupa. Inutusan ng Diyos si Moises na pamunuan ang mga Israelita palabas ng Ehipto, at ginawa ‘yon sa lupa. Kaya, sa lupa ang destinasyon ng sangkatauhan, hindi sa langit, at ito ay matagal nang itinalaga ng Diyos.”
Matapos kong marinig ang kanyang pagbabahagi, naramdaman kong napakapraktikal no’n. Akma sa Biblia at sa mga salita ng Panginoon ang pag-unawa niya. Noon, naisip kong magkasalungat ang mga salita ng pastor ko at ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero hindi ko naunawaan ang katotohanan sa loob ng mga ‘yon. Ang pagbabahaging ito ang nagpaunawa sa ‘kin no’n, dahil sa simula nilikha ng Diyos ang sangkatauhan sa lupa, lahat ng mga gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay ginawa sa lupa, at hinihiling ng Panginoon sa atin na ipanalangin na dumating sa lupa ang kaharian ng Diyos, kalooban ng Diyos na mabuhay tayo sa lupa, hindi ang umakyat tayo sa langit.
Matapos ‘yon, binasa sa akin ng aking kapatid ang mga salitang ito, “Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”).
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagbabahagi, sinasabing, “Mula sa siping ito, makikita natin na matapos tayong ganap na sagipin ng Diyos mula sa mga kamay ni Satanas, patuloy Niyang pamumunuan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa, at hindi tayo dadalhin paakyat sa langit. Kahit na mabubuhay pa rin tayo sa lupa, sa oras na ‘yon lahat ng mga pwersa ni Satanas na lumalaban sa Diyos ay ganap na pupuksain, hindi na magagambala at masasaktan ni Satanas ang lupa, hindi na magkakaro’n ng pagpaplano ng masama, pakikipagtalo at panlilinlang sa pagitan ng mga tao, at hindi na magdurusa ang mga tao at mag-aalala o magkakasakit at mamamatay. Mamumuhay ang sangkatauhan gaya nina Adan at Eba sa Hardin ng Eden, sasambahin at susundin ang Diyos, at mamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos. Sa panahong ‘yon, parehong papasok sa pagpapahinga ang Diyos at ang sangkatauhan, pamumunuan ng Diyos ang sangkatauhan mula sa langit at ipagkakaloob ang mga biyaya ng langit sa mundo ng tao, at tatamasahin ng sangkatauhan sa lupa ang gabay ng Diyos, mamumuhay ng isang makalangit na buhay, at masayang mamumuhay nang magkasama ang Diyos at ang sangkatauhan. Ito ang magandang destinasyon na hinanda ng Diyos para sa atin. Ito ang lubos na tumutupad sa propesiya sa Pahayag, ‘At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na’ (Pahayag 21:4).”
Matapos kong marinig ang pagbabahagi ng aking kapatid sa siping ito, nadama kong nagliwanag ang puso ko. Lumilitaw, na ito, ay kung paano ang mga propesiya sa Pahayag ay matutupad. Ngayon naunawaan ko na ang magandang destinasyon na hinanda ng Diyos para sa sangkatauhan ay nasa lupa, pero pagdating no’n, mabubuhay ang sangkatauhan nang walang mga paggambala ni Satanas at mabubuhay nang mapayapa kasama ang isa’t isa, na siyang magiging pinagpalang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. Naisip ko, noon, inakala kong ang magandang destinasyon na hinanda ng Diyos para sa sangkatauhan at nasa langit, at ang paraan ng pagpapantasya ko tungkol sa buhay sa lupa, napagtanto ko ngayon na katawa-tawang magpalagay sa gano’ng paraan. Mga katauhan tayong pang-lupa, kaya paano tayo posibleng makakairal sa langit? Salamat sa Diyos sa Kanyang paggabay, na nagpahintulot sa aking maunawaan ang misteryo ng kaharian ng Diyos.
Hindi ko napansin, na dumidilim na ang langit, at bago ko maramdaman na sapat na ang narinig ko, natapos na ang pulong. Pero, totoong marami akong nakuha sa pagtitipon na ito, at umaasa akong mauunawaan ko pa ang mas maraming katotohanan sa susunod…