8.3.19

Pamilya-Paano Dapat Pumili Tayong mga Kristiyano ng Mapapangasawa



Mga kapatid sa Espiritwal na Tanong at Sagot:

Nasa tamang gulang na ako upang humanap ng makakatuwang sa buhay. Nababahala ang aking mga magulang sa pananaw ko sa pagpapakasal, at madalas itong itanong sa akin ng aking mga kamag-anak at kaibigan, dahilan upang maramdaman ko ang bigat na dala niyon. Pagdating sa paghahanap ng mapapangasawa, lahat ng kaibigan ko na walang pananampalataya ay nais pumili ng “matangkad, mayaman at guwapo” o “maputi, mayaman at maganda,” gayunman ay wala akong ideya kung anong uri ng tao ang dapat na piliin nating mga Kristiyano. Umaasa sa inyong kasagutan.

Lubos na nagpapasalamat,
Xiangzhi
Agosto 20, 2018

Kapatid na Xiangzhi,

Mahalagang bahagi ng buhay ang pagpapakasal, kung kaya’t mainam na pag-isipan mo iyon ng mabuti. Bilang mga Kristiyano, dapat nating hanapin ang katotohanan upang maintindihan ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, at pagkatapos ay kumilos ayon sa mga prinsipyong may kaugnayan dito. Sa paraang ito ay makakikita tayo ng karapat-dapat na asawa at matatanggap ang biyaya ng Diyos. Nais kong ibahagi ang sarili kong karanasan sa’yo.

Noon, nais ko ring makatagpo ng asawa na guwapo at may mabuting pamilya. Kaya naman, nang sa wakas ay makakilala ako ng isang binata na nakaabot sa pamantayang ito, sinagot ko siya. Pero may mga pangyayaring hindi ko inasahan. Siya, na hindi mananampalataya, ay walang pagpipigil at hindi maganda ang uri ng pamumuhay. Sa katunayan, hindi malinaw ang hangganan sa pagitan niya at ng ibang mga babae, kaya hindi ako kailanman napanatag sa kanya. Mangyari pa, kapag kailangan niya ang tulong ko sa kanyang trabaho ay palagi niya akong pinupuri, gayunman ay agad niya akong nakalimutan nang maging maayos ang kanyang posisyon sa aming kompanya. Lalo na kapag malungkot at may dinaramdam ako at kailangan ko ng suporta, hindi lamang niya ako basta isinantabi, bagkus ay nagreklamo pa na nakakaistorbo ako sa kanya. Kaya habang karelasyon ko siya, ang madalas kong nararamdaman ay ang pagwawalang-bahala niya sa’kin sa halip na pag-aaruga at pag-intindi. Kalaunan, sa kanyang Qzone, nalaman ko na may iba na siyang karelasyon, at pagkatapos ay walang-awa niya akong iniwan. Napakasakit niyon sa’kin.

Sa isang pagtitipon, sinabi ko sa isa sa aking mga kapatid ang aking karanasan. Ibinahagi niya ito sa akin, “Bilang mga Kristiyano, sa kabila ng kinakaharap natin, kasama na ang pagpapakasal, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos sa halip na umasa sa ating mga kagustuhan. Sa gayon, habang pinipili natin ang mapapangasawa natin, dapat nating ipagkatiwala ang bagay na ito sa mga kamay ng Diyos. Dapat nating tanungin ang Diyos kung nararapat ba sa atin ang napupusuan natin, dahil tanging ang Diyos lamang ang tumitingin sa kaibuturan ng puso ng bawat tao at nakikita kung ano ang mga ito, kaya naman ang taong ipinagkakaloob niya sa atin ay tiyak na karapat-dapat. Isa pang bagay na kailangan nating isaalang-alang ay kung tulad nating mag-isip ang ating kapareha. Kung walang pagkakapareho ang magkabilang panig, paano sila magiging maligaya? Gaya ng sinasabi ng Bibliya, ‘Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya’ (2 Corinto 6:14). At isang sipi sa pangaral ang nagsasabing, ‘Karaniwan lang na magpakasal sa iyong pagtanda, ngunit dapat kang pumili ng karapat-dapat na kapareha. Dapat ay isa itong tao na makabubuti sa pananampalataya at buhay ng ibang tao—napakahalaga nito. Ang pinipili ng mga tao ang nagtatakda ng kanilang landas at kanilang huling destinasyon. Ang susi ay kung magagawa ng tao na piliin ang sarili nilang landas ayon sa mga hinihingi ng Diyos.’ Malinaw na ipinakikita ng mga salitang ito ang dapat nating gawin: Habang hinahanap ang ating magiging kapareha, hindi dapat tayo bumatay lamang sa panlabas na kaanyuan o lagay ng kanilang pamilya. Ang higit na mahalaga ay piliin ang taong may pagkakapareho sa atin, mabuting tao at may maitutulong sa ating pananampalataya. Sa paraang ito, maiintindihan ng parehong panig, magtitiis at patatawarin ang isa’t-isa, at makabubuti iyon sa paghahanap natin sa katotohanan at paglago natin sa buhay. Gayunman, kung pinili ng isang babae ang kanyang asawa base sa sarili niyang kagustuhan, kahit na ito ay matangkad at matalino at maykaya ang pamilya nito, malamang na isa rin itong matakaw at tamad at babaero na hindi mabuti ang pagkatao na pababayaan lamang ang kanyang pamilya. Walang pagkakatulad ang babae sa gayong klase ng tao, at ang mamuhay kasama nito ay walang maidudulot kundi pinsala at sakit. Ang mas masama, kung pipigilan siya nito sa paniniwala sa Diyos, lalo nitong sisirain ang kanyang buhay at mawawala ang pagkakataon niyang maligtas.’ Mula sa pagbabahaging iyon, naiintindihan ko na bilang isang Kristiyano, ang pinakamahalagang bagay na dapat tingnan kapag ikaw ay naghahanap ng makakapareha, ay kung mabuti ba siyang tao at kung makakatulong siya sa aking pananampalataya. Kinakailangan ko ring tingnan kung pareho kaming mag-isip at iisa ng layunin.

‘Di nagtagal, ipinakilala ako ng aking tiyahin sa isang doktor, at sinabing maykaya ang pamilya nito at na parehong guro ang mga magulang. Pagkatapos ay may ipinakita siya sa aking larawan, na nagpapakita ng kaguwapuhan nito. Sa unang tingin, alam kong siya ang tipo ko. Hindi nagtagal, ipinakilala ako ni Kapatid na Zhang sa kanyang pamangkin na si Zhang Xun, na kilala ko na. Isa siyang repairman na ordinaryo lamang ang itsura, at parehong ordinaryong mga manggagawa ang kanyang mga magulang—wala sa mga iyon ang maihahalintulad sa kayang ibigay ng doktor. Ngunit isang tapat na Kristiyano si Zhang Xun. Tunay siyang naniniwala sa Diyos at pareho kami ng pananaw. Sa kabilang banda, walang pananampalataya ang doktor, at kung pinakasalan ko siya ay maaari siyang tumutol sa aking paniniwala sa Diyos. Maaaring direktang makaapekto sa aming damdamin ang kawalan ng pagkakatulad sa isa’t-isa, sa puntong maaari kaming maghiwalay, gaya ng nangyari sa akin at sa dati kong nobyo. Gayunman, kung iisipin ko ang kagustuhan ng aking laman, pipiliin ko ang doktor. Kaya naman hindi ko alam kung paano pumili.

Nang mga oras na iyon, ang tanging magagawa ko lamang ay magdasal sa Diyos. Pagkatapos magdasal, nakita ko ang siping ito ng pagbabahagi, “Sa paghahanap ng makakapareha, ilang mga tao ang umaasa sa kagustuhan ng kanilang laman sa halip na katotohanan. Pinipili lang nila ang tao na tumutugon sa kanilang mga pagnanasa. Masunurin ba sa Diyos ang mga gayong tao? Hindi, dahil inaatas sa atin ng Diyos na huwag makipamatok nang hindi patas sa mga hindi mananampalataya. Maaari mo bang piliin bilang kapareha ang isang mananampalataya? Sa pakikipagrelasyon sa isang mananampalataya, sinasabi ng ibang tao, ‘Hindi maganda ang panlabas na anyo o estado ng taong ito, kaya naman hindi siya ang tipo kong makapareha. Hindi ko sila gusto. Mas pipiliin ko pa ang isang demonyo na may magandang anyo at estado ngunit walang pananampalataya.’ Kung ganoon ang gagawin mo, magiging masunurin ka ba sa Diyos?’

Pagkatapos ng pagbabahaging ito, pinayapa ko ang puso ko upang hanapin ang intensiyon ng Diyos. Naisip ko: “May dalawang lalaki akong pinagpipilian. Kung ang panlabas na kaanyuan nila ang pagbabasehan at pamilya, ang doktor talaga ang tipo ko. Pero ang paraang iyon ay pagsunod sa paniniwala ng mga hindi mananampalataya at base lamang sa kagustuhan ng laman. Dagdag pa rito, hindi siya naniniwala sa Diyos, at hindi iyon nakabubuti sa aking paniniwala at paghahangad ng katotohanan. Si Zhang Xun naman, kahit na hindi ganoon kaganda ang pinagmulan niyang pamilya, naniniwala siya sa Diyos, hinahangad ang katotohanan, at idagdag pang mabuti ang kanyang pagkatao at pagmamahal sa kanyang pamilya at mga kapatid. Isa pa, aktibo niyang ginagawa ang kanyang tungkulin sa simbahan. Kapag siya ang pinili ko, maaaring magkatulad na landas ang aming tahakin at magkasamang paglingkuran ang Panginoon sa hinaharap, at maganda iyon. At hindi naman ganoon kaganda ang pinagmulan kong pamilya. Pinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya, parehong ordinaryong mga manggagawa ang aking mga magulang, at hindi ako nakatapos sa kolehiyo. Lahat ng iyon ay mas malala kung ikukumpara sa doktor. Kaya, kapag pinakasalan ko siya, hindi magiging magkapareho ng antas ang aming pagsasama. Manliliit ako at mamimighati, at maaari pa niya akong iwan.” Iniisip ang lahat nang iyon, sinabi ko sa Diyos ang aking mga isipin at nanalangin sa Kanya na hikayatin akong talikuran ang mga kagustuhan ng aking laman at kumilos ayon sa Kanyang mga atas. Pagkatapos kong manalangin, tumibay ako at nakaramdam ng kapayapaan.

Pagkatapos, matatag ang aking desisyon na huwag makipagtagpo sa doktor at nag-umpisang makipagrelasyon kay Zhang Xun. Sa madalas naming pag-uusap, nalaman ko na ang pananaw niya sa mga bagay ay malaki ang kaibahan sa mga hindi mananampalataya at hindi niya hinahangad ang mga kasiyahan sa buhay. Sa pananaw niya, walang halaga ang paghahangad sa mga bagay na iyon; iniisip niya na ang dapat hangarin ng mga mananampalataya ay ang katotohanan at magsumikap na intindihin ang kalooban ng Diyos at paluguran ang Diyos. Sa tuwing magkikita kami, inaakay niya akong basahin ang mga salita ng Diyos at magkasamang umawit ng mga himno bilang pagsamba sa Diyos. Lalo niyang binigyang diin na ang damdamin namin para sa isa’t isa ay dapat na itatag sa pundasyon ng mga salita ng Diyos. Dapat naming mahalin ang isa’t isa ayon sa mga salita ng Diyos. Hangga’t tama ang sinabi ng isa sa’min at naaayon sa katotohanan, dapat na sumunod ang isa pa at tanggapin iyon, sa gayon ay ang katotohanan ang mamumuno sa amin. Higit pa, kapag nagpakita ako ng kaarogantehan at kayabangan, magbabahagi siya kasama ko at pinapakiusapan akong tularan ang kababaang loob at kagandahan ni Cristo; noong ako’y sumuko at nanghina, ginagamit niya ang mga salita ng Diyos upang payapain at hikayatin ako. Matapos ko siyang makasama nang matagal, nalaman ko na malaki ang naitulong niya sa akin. Noon, hindi ko pinagtutuunan ang paghahangad sa mga salita ng Diyos. Gayunman, kapag nahaharap sa mga problema ngayon, itinutuon ko ang aking atensiyon sa paghahangad ng kalooban ng Diyos at pagkauhaw sa mga salita ng Diyos, kaya naman nagiging mas matindi ang aking pananalig na hangarin ang katotohanan. Kalaunan, naging malapit ang loob naming dalawa. Kapag may nangyayari sa amin, hinahanap namin ang katotohanan para maayos ang mga iyon. Talagang naramdaman ko ang katotohanan na tanging sa paghahanap sa kapareha na naaayon sa atas ng Diyos mo lamang makakamit ang tunay na kaligayahan.

Pagkaraan, sinabi ng tiyahin ko sa akin nang minsang dumalaw siya sa bahay, “Masuwerte na hindi mo pinili iyong doktor. Pinalayaw siya ng kanyang mga magulang. Ngayon, ginugugol niya ang buong araw sa pag-inom, pambababae at pagsusugal, at iniwan pa ang kanyang trabaho, dahilan upang magalit nang husto ang kanyang mga magulang.” Matapos marinig ang lahat ng iyon, pinasalamatan ko ang Diyos sa puso ko. Sa paksa ng paghahanap ng makakapareha, kung bumigay ako sa banidad sa halip na kumilos nang naaayon sa mga atas ng Diyos, nagdurusa sana ako ngayon. Pagkatapos ng mga karanasang ito, tunay na napagtanto ko na sa paghahanap ng makakapareha, hindi natin dapat pagtuunan nang pansin ang panlabas na anyo o ang pamilya. Ang pinakamahalaga ay pumili ng tao na maiintindihan ka at kapareho natin ng layunin. Sa ganitong paraan lamang magiging masaya ang ating buhay may asawa.

Kapatid na Xiangzhi, lahat ng nasa itaas ay sarili kong karanasan at kaalaman. Sana ay makatulong iyon sa iyo. Hangga’t kumikilos tayo ayon sa kagustuhan ng Diyos, makakamit natin ang proteksiyon at pagpapala ng Diyos. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos!

Lubos na sumasaiyo,
Pingfan ng Espirituwal na Tanong at Sagot