19.11.19

Kung Paano Naisasakatuparan ang Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoong Jesus

gawa ng Diyos, mga propesiya ng mga huling panahon, Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon


Kung Paano Naisasakatuparan ang Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoong Jesus


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito.  Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na sa ngayon, at nakita at narinig na nating lahat ang madalas na pagdating ng lahat ng uri ng sakuna sa lahat ng bansa sa mundo. Higit pa, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa kasaysayan, at mayroong mga sakuna sa lahat ng dako, gaya ng mga pagbaha, tagtuyot, lindol, epidemya, at digmaan. Nasa matinding kaguluhan rin ang mundo, at madalas na mayroong mga giyera at pag-atake ng terorismo. Dagdag pa, ang mga sermon ng mga pastor at pinuno sa simbahan ay pawang mga lumang kasabihang hindi nagtataglay ng bagong liwanag. Maraming mananampalataya ang nakakarinig ng mga sermon na ito at hindi nakakaramdam ng pagkaaliw, at napapalitan ng desolasyon ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Hindi ba’t ito ang tiyak na sitwasyon kung kailan maisasakatuparan ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga” (Marcos 13:28–29). Alam nating lahat na ang sipi ng kasulatan na ito ay tumutukoy sa muling paglitaw ng Israel. Muling lumitaw ang Israel ilang dekada na ang nakakalipas, ang puno ng igos ay nagsupling ng maliliit na dahon, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na. Mga kapatid, dahil ang mga propesiyang ito ay halos naisakatuparan na, bakit hindi pa natin nakikita ang Panginoong Jesus na bumababang nasa puting alapaap? Nakalimutan kaya Niya ang Kanyang pangako dalawang libong taon na ang nakakaraan? Tiyak na hindi, dahil tapat ang Diyos at ang Kanyang mga salita ay tapat at mapagkakatiwalaan; kapag nagsambit Siya ng salita, kinakailangan itong maisakatuparan nang naaayon sa Kanyang mga plano at sa pangakong Kanyang binitawan sa tao. Tulad ng nakatala sa Bibliya: “Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat” (Mga Hebreo 10:37). Sa katunayan, ang Panginoong Jesus, mahabang panahon na ang nakakalipas, ay nagkatawang-tao at lihim na nakipamuhay sa atin nang naaayon sa Kanyang pangako, at sa ngayon ay nagsasagawa Siya ng bagong gawain. Ngunit naniniwala ang ilang kapatid na malinaw itong nakatala sa Bibliya: “Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Naniniwala sila na, dahil ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay at umakyat sa langit nang nasa puting alapaap, sa kanyang pagbabalik, tiyak na bababa rin Siyang nasa puting alapaap sa himpapawid at makikita Siya ng lahat. At kaya naman, tinatanong nila kung paano nasabing nagkatawang-tao at lihim na bumaba na sa lupa ang Panginoon? At kung ganito nga, tinatanong nila kung gayon, kung paano maisasakatuparan ang propesiyang bababa sa lupa ang Panginoon nang nasa puting alapaap? Atin na ngayong ang usaping ito.

Sa katunayan, nangako ang Panginoon na Siya ay bababang nasa alapaap, at tiyak na mangyayari ito. Ngunit maraming sipi sa Bibliya ang nagsasaad ng propesiya ng pagbabalik ng Patatalakayin nginoon. Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral ng Bibliya, madaling makitang mayroong dalawang pangunahing bahagi ang mga propesiyang hinggil sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Ang isang bahagi ay naglalaman ng mga propesiyang nauugnay sa lihim na pagbaba ng Panginoon, at ang isa namang bahagi ay naglalaman ng mga propesiyang nauugnay sa pagbaba ng Panginoon nang nasa alapaap at hayag na pagsisiwalat ng Kanyang sarili. Tingnan muna natin ang mga propesiyang hinggil sa lihim na pagdating ng Panginoon. Mangyaring pumunta sa kapitulo 16, talata 15 ng Aklat ng Pahayag: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Ngayon, tingnan natin ang kapitulo 3, talata 3: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.” At naroon din ang Ebanghelyo ng Mateo, kapitulo 24, talata 44 na nagsasabing: “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Ilang halimbawa lamang ang mga ito. Mga kapatid, ang mga salitang “gaya ng magnanakaw” at “sa oras na hindi ninyo iniisip” na nakasulat sa mga siping ito ay katunayang nagsasabi na, kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay lihim na bababa, at tahimik na darating. Tiyak na tumutukoy ang “Anak ng tao” sa isang isinilang na tao at laman na nagtataglay ng normal na pagkatao. Tiyak na hindi maaaring tawaging Anak ng tao ang Espiritu; tanging ang laman lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tawaging Anak ng tao na, tulad ng Panginoong Jesus, ay isinilang sa laman ng tao, kapwa nahahawakan at nakikita. Mula sa mga propesiyang ito, magagawa nating matiyak sagayon, na bumalik ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lihim na pagbaba tulad ng pagkatawang-tao ng Anak ng tao, upang isagawa ang Kanyang mga gawain at magpakita sa sangkatauhan.

Tingnan naman natin ngayon ang mga propesiyang hinggil sa pagbabang nasa alapaap at hayag na pagpapakita ng Panginoon. Mga kapatid, mangyaring pumunta sa kapitulo 1, talata 7 sa Pahayag: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.” At sa Mateo kapitulo 24, talata 30, isinasaad: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” Mula sa dalawang siping ito ng kasulatan, makikita nating kapag nakita ng lahat ang Panginoon na dumarating kasama ng alapaap, hindi sila magsasaya at magagalak, sa halip ay luluha ang lahat ng kaanib. Mga kapatid, lahat tayo ay nag-aasam sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit bakit luluha ang mga tao kapag nakabalik na Siya? Dahil naipangaral na ang bagay na ito, may tiwala akong mauunawaan nating lahat ito. Sapagkat natapos na ng Diyos na nagkatawang-tao ang lihim na pagligtas sa tao, makikita ng lahat ng tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos habang lihim na gumagawa ang Kanyang pagkakatawang-tao, at ng lahat ng humusga at lumaban sa Kanya, na ang kanilang tinuligsa at nilabanan ay siya ngang Panginoong Jesus na bumalik, at samakatuwid ay papaluin nila ang kanilang mga dibdib at lalatiguhin ang kanilang mga likod, at sila’y luluha at ngangalutin nila ang kanilang ngipin, at doon maipapamalas sa daigdig ang pangitain ng pagluha ng lahat ng kaanib. Samakatuwid, ang panahon kung kailan makikita natin ang Panginoon na hayag na magpapakita nang nasa alapaap ay ang panahon kung kailan gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at paparusahan ang balakyot.

Sa puntong ito, tiyak na mayroong ilang kapatid na magtatanong: “Ibig bang sabihin, ang mga propesiyang hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay kapwa tumutukoy sa pagkakatawan ng Diyos bilang Anak ng tao at lihim na pagdating, at sa Kanyang hayag na pagbabang nasa alapaap—ay hindi isang kontradiskyon? Paano maisasakatuparan ang mga propesiyang ito?” Totoong tila may pagsasalungatan ang mga propesiyang ito, ngunit hindi ganito ang sitwasyon, dahil umiiral dito ang karunungan ng Diyos. Mula sa dalawang uring ito ng propesiya, makikita nating mayroong mga plano at yugto sa gawain ng Diyos; nagkakatawang-tao muna ang Diyos at lihim na gumagawa upang iligtas ang sangkatauhan at, kapag tapos na ang gawain, saka hayag na isisiwalat ng Diyos ang Kanyang sarili sa lahat ng tao at lahat ng bansa, at doon Niya gagantimpalaan ang mabuti at paparusahan ang balakyot. Upang higit na maunawaan ito ng lahat, basahin natin ang sipi ng Bibliya. Mangyaring pumunta sa Lukas kapitulo 17, talata 26 hanggang 30. Aking babasahin: “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nagsisibili, sila’y nangagbibili, sila’y nangagtatanim, sila’y nangagtatayo ng bahay. Datapuwa’t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.” Mga kapatid, ang paglalarawan ng sipi na ito ng kalagayan ng sangkatauhan sa araw ng pagpapakita ng Anak ng tao ay eksaktong katulad ng kalagayan ng sangkatauhan noong nabubuhay pa sina Noah (Noe) at Lot. Tulad ng alam nating lahat, bago dumating ang pagbaha, lihim na sinabi ng Diyos kay Noah ang tungkol sa pagbahang wawasak sa mundo, at nagpagawa Siya kay Noah ng arko. Habang binubuo ni Noah ang arko, ipinakalat niya sa iba ang tungkol sa pagbahang wawasak sa mundo. Ngunit dahil hindi mismong nasaksihan ng mga tao noong panahong ito ang katotohanang ito, hindi nila pinaniwalaan si Noah, at tinuligsa at tinuya pa nila ito, at sinabing siya ay nababaliw. Ngunit noong nakita nilang dumarating ang pagbaha, na siyang araw ng pagpaparusa ng Diyos sa tao, sila ay nagulantang at kinamuhian nila ang kanilang mga sarili sa hindi paniniwala sa ebanghelyong ipinangaral ni Noah. Ngunit sa oras na ito, huli na ang lahat. Ang panahon kung kailan namuhay si Lot ay pareho din lamang. Bago mahulog mula sa langit ang apoy at asupre, lihim na sinabihan ng Diyos si Lot, sa pamamagitan ng dalawang anghel, tungkol sa napipintong pagkawasak ng Sodom at Gomorrah at, matapos mapagtanto ito ni Lot ay sinabi niya ang balita sa kanyang mga manugang na lalaki. Ngunit dahil hindi nila mismong nakita ang katotohanang ito, hindi nila pinaniwalaan si Lot. At noong nahulog ang apoy at asupre mula sa langit, pinagsisihan nila ang kanilang mga kilos at kinamuhian nila ang kanilang mga sarili sa hindi paniniwala sa sinabi sa kanila ni Lot. Mga kapatid, makikita natin mula sa mga araw nina Noah at Lot na kapag lihim na kumilos ang Diyos, gingawa Niya ito upang iligtas ang sangkatauhan, at kapag nangyari ang kanyang mga babala, saka ipapataw sa sangkatauhan ang kaparusahan ng Diyos. Sa katulad na paraan, ganito rin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng tao. Sa huling mga araw, muling dadamitan ng Diyos ang Kanyang sarili ng laman at lihim Siyang darating, tangan ang likas na disposisyon at lahat ng katangian Niya, nagkatawang-tao Siya bilang Anak ng tao, at ipinahahayag Niya ang Kanyang mga salita upang pangibabawan, gawing perpekto, at makamit ang isang grupo ng tao, habang ginagamit ang grupong ito ng tao upang ipangaral ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Sa yugtong ito, hindi natin makikita ang eksena ng hayag na pagpapakita ng Panginoon nang nasa alapaap. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang grupo ng mga nagtagumpay, at kapag natapos na ang gawain ng lihim na pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao, agarang darating ang matitinding sakuna at hayag na magpapakita ang Diyos upang parusahan ang balakyot at gantimpalaan ang mabuti, at ihihiwalay Niya ang bawat tao ayon sa kanilang uri. Kung sasabihin sa ibang paraan, ang lihim na yugto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang iligtas at gawing perpekto iyong mga tinatanggap ang katotohanan, at kapag Siya ay hayag na nagpakita, paparusahan Niya iyong mga hindi tinatanggap ang katotohan. Ang lahat ng mapagkumbabang naghahanap ng katotohanan at kayang tanggapin ang katotohanan ay tatanggap ng gawain ng pagliligtas ng mga huling araw ng Diyos sa panahon ng lihim na gawain ng Diyos, babalik sila sa trono ng Diyos, at gagawin silang mga nagtagumpay ng Diyos. Iyong mga hindi tinatanggap ang katotohanan, sa kabilang banda, at iyong, sa yugto ng lihim na gawain ng Diyos, ay nakakiling sa kanilang sariling hambog at mapagmataas na ugali at bulag na tumutuligsa at lumalaban sa gawain ng Diyos, sa punto ng pag-atake at blaspemya laban sa Diyos, ihahanay sila ng Diyos kasama ang mga balakyot, at ang karampatang kaparusahan ng Diyos ang sa kanila’y naghihintay.

Mga kapatid, nakita na nating ang mga propesiya sa Bibliya hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay halos naisakatuparan na. Ang Makapangyarihang Diyos ay si Jesus na nagbalik; Siya ang Korderong nagbukas ng pergamino gaya ng nasa propesiya ng Pahayag, at Siya ang tunay na Kaisa-isang inaasam natin nang napakatagal. Matagal na Niyang binuksan ang pitong selyo, at isiniwalat Niya sa tao ang lahat ng misteryong walang sinuman sa lahat ng panahon ang nakaunawa. Malapit nang matapos ang gawain ng lihim na pagdating ng Makapangyarihang Diyos, at hayag na Siyang magpapakita sa lalong madaling panahon—malapit nang marating ng gawain ng Diyos ang maluwalhati nitong konklusyon. Kung magagawa nating hanapin, aralin, at tanggapin ang gawain ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos sa paraang positibo at aktibo, at makasabay sa mga hakbang ng Kordero, mayroon pang pagkakataong tayo ay maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi natin magagawang tanggapin ang gawain ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, kapag nakita natin ang Panginoon na bumababang nasa puting alapaap, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi. Basahin natin ngayon ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakinggan ang Kanyang mga babala! Ang Makapangyarihang Diyos ay nagwika, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa”).

Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.