10.8.19

Pagkilala kay Jesus | Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao?

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila,
Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na may dalawang kahulugan sa likod ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao sa loob ng 40 araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang isa ay dumating Siya upang sabihin sa tao na isinasara na ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan, at na inumpisahan na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at magdadala sa sangkatauhan patungo sa bagong panahon. Ang iba pang kahulugan ay ginawa ito ng Diyos upang pakilusin ang mga tao na magpatunay na ang Panginoong Hesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon ay tumitibay ang kanilang pananampalataya sa Diyos.

1. Nabuhay Muli ang Panginoong Hesus at Nagpakita sa Tao upang Pamunuan Sila Tungo sa Bagong Panahon at upang Matatag Silang Itayo sa Kapanahunan ng Biyaya
Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag niya ang paraan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at nagsagawa ng maraming himala gaya ng pagpapagaling ang mga may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapalakad sa pilay at makakita ang bulag, at iba pa, upang matamasa ng mga tao ang napakaraming biyaya na nagmula sa Diyos. Ngunit ang mga tao noong panahong iyon ay hindi alam ang gawain ng Diyos, at wala silang tunay na pang-unawa na si Hesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, hindi alam ng mga tao na ipinapahayag nito na ang Diyos ay natapos na sa gawain ng pagtubos, at kaya naman sa halip ay nahulog sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Ang mga tao ay nagsimulang magduda sa pagkakakilanlan ng Panginoong Hesus, at ang ilan ay bumalik sa templo at nagsimulang obserbahan ang batas ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay nasa panganib pa rin na mamatay sa batas dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Hesus upang tubusin ang sangkatauhan ay nananatiling hindi tapos. Sinuri ng Panginoong Hesus ang kaloob-loobang puso ng tao at lubos Niyang naintindihan ang kanilang mga pangangailangan at ang kanilang mga pagkukulang. Kaya naman, matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya at unang kinausap ang Kanyang mga disipulo, tunay na nakikipag-ugnayan sa kanila at hinahayaan silang makita na tunay nga Siyang nagbalik mula sa kamatayan, at na natapos na Niya ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan at nag-umpisa na ng panibagong kapanahunan. Pagkatapos noon, iniwan ng sangkatauhan ang kautusan at pumasok sa bagong panahon—ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa ilalim ng patnubay ng gawa at mga salita ng Panginoong Hesus, ang mga tao ay nagsimulang magsanay alinsunod sa Kanyang mga turo, pinasan nila ang krus at sumunod sa Panginoon at sinunod nila ang Kanyang pagtuturo ng “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Kaya, sinimulan nilang ipalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at nagpatotoo sila sa ngalan ng Panginoong Hesus upang ang lahat ng tao ay tanggapin ito at matamo ang Kanyang kaligtasan. Sa ngayon, ang ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay pinalawak sa buong mundo at ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ni Hesus sa tao pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa mga kamatayan. Mula dito, makikita natin kung gaano kahalaga ang Kanyang pagpapakita sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay!

2. Ang Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay ay Hinayaan Sila na Makumpirma na Siya Mismo ang Nagkatawang-taong Diyos, Sa Gayon ay Pinalalakas ang Kanilang Pananampalataya sa Kanya
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang isa pang kahulugan sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang Panginoong Hesus ay nagkatawang-tao sa gitna ng tao at ginanap ang Kanyang gawain sa loob ng tatlo at kalahating taon, at marami ang tumanggap ng Kanyang kaligtasan at sumunod sa Panginoon. Gayunman, karamihan sa mga tao ay hindi ganap na maintindihan na ang Panginoong Hesus ay si Kristo at na Siya Mismo ang Diyos. Samakatuwid, nang malapit nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, pinanood nila ang mga pangyayari at nagsimula silang mag-alinlangan sa kanilang mga puso, at tinanong nila ang kanilang sarili: Tunay bang Diyos ang Panginoong Hesus? Kung Siya si Kristo at Siya mismo ang Diyos, kung gayon ay paano Siya nahuli ng mga awtoridad ng Roma, binugbog at kinutya ng mga sundalo at pagkatapos ay ipinako sa krus? Lalo na, nang ipinapako sa krus ang Panginoong Hesus, nakaramdam sila ng labis na panghihinayang sa Kanya at itinatwa nila na Siya Mismo ang nagkatawang taong Diyos at tinatwa ang mga salitang Kanyang ipinahayag, sa halip ay naniniwala na mamamatay si Hesus gaya ng isang ordinaryong tao at siguradong hindi Siya makaliligtas. Alam ng Panginoong Hesus na ganoon kaunti ang pananampalataya ng mga tao, na hindi nila kilala ang Panginoon, at na lalong mas marami pang tao ang magiging mahina at malungkot dahil ipinako Siya. Kaya naman, matapos magbalik ng Panginoong Hesus mula sa kamatayan, nagpakita Siya sa Kanyang mga disipulo at kinausap sila, ipinaliwanag Niya ang mga kasulatan at nanalangin ng taimtim kasama nila, kumain Siya kasabay ng mga ito, at hinayaan Niya si Tomas na hawakan ang Kanyang mga kamay at Kanyang tagiliran, at iba pa. Mula sa mga salita na sinabi ng Panginoong Hesus at ang mga gawa na ginawa Niya pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, pinatotohanan ng Kanyang mga disipulo na si Hesus ay tunay na muling nabuhay, at alam nila na Siya ay iisang Panginoon na kumain, sumunod at nagbahagi ng buhay sa kanila noon, na Siya ay ang parehong Panginoon na nangaral sa kanila, naglaan at namatnubay sa kanila, na nagmahal sa kanila gaya ng ginawa Niya noon, na inalagaan Niya sila at hindi iniwan, at Siya ay naroroon kasama nila. Ang Panginoong Hesus ang nagkatawang-taong Diyos Mismo, ang walang hanggang buhay, ang habambuhay na suporta ng tao, ang matatag na tore ng tao at kanlungan. Kahit na ipinako sa krus ang Panginoong Hesus, Siya ang may hawak ng mga susi sa kabilang buhay at mayroon Siyang kapangyarihan na mabuhay muli, dahil Siya Mismo ang natatanging Diyos … Pagkatapos noon, hindi na nakaramdam ang tao ng pagkawala o pagkalito at hindi na sila nag-alinlangan sa Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay naniwala at umasa kay Hesus mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad at pakikipag-usap sa kanila pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa kamatayan.

Mula sa dalawang kahulugang ito na may kinalaman sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang kanyang muling pagkabuhay, nakita ko sa wakas na binuhay Niya ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita Niya sa kanila at hinayaan din Niya tayo na maranasan ang pag-aalaga at pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang ganitong uri ng pag-aalaga at pagmamahal ay hindi lamang isang alamat—totoo ang mga ito. Mula rito ay mararamdaman din natin na ang turing sa atin ng Diyos ay Kanyang pamilya; Siya ay palagi nang kasama ng tao at hindi tayo kailanman iniwan, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao upang matamo tayo, at inaasahan Niya na maririnig natin ang Kanyang mga salita, susunod sa Kanya at sumamba sa Kanya ng ganap, at maging isa ang isip natin sa Kanya. Samakatuwid, kung ang Panginoong Hesus ay ginagawa ng Kanyang mga gawain at nagsasalita ng Kanyang mga salita sa katawang-tao o kung Siya ay nagpapakita sa tao sa Espiritu pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, palagi Niyang inaalagaan ang sangkatauhan, at Siya ay lalong nag-aalala sa mga sumunod sa Kanya. Ito ay dahil walang kakayahan ang tao na malagpasan ang kasalanan, at kung wala ang paggabay ng Diyos at wala ang pagkakaloob ng katotohanan, walang paraan ang tao upang itaboy ang kanilang kasamaan at matamo ang tunay na kaligtasan ng Diyos. Sa ating maling paniniwala, naniniwala tayo na iniwan tayo ng Diyos matapos Niyang magawa ang gawain ng pagtubos at na hindi na tayo binigyan ng atensiyon ng Diyos matapos noon. Ngunit ang katotohanan ay hindi gaya ng iniisip natin. Natapos ng Panginoong Hesus ang kanyang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan, ngunit hindi Niya iniwan ang tao. Kasama pa rin Niya ang tao, gaya kung paano Siya noon, inaalagaan tayo, nagbibigay sa atin at ginagabayan tayo; ang Panginoon ang ating tulong at suporta tuwing kinakailangan, at kahit sa paanong paraan pa man Siya magpakita sa atin, palagi natin Siyang kasama! Ito ay gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Ang totoo, bawa’t isa sa atin na naniniwala sa Panginoong Hesus ay makikita na, sa daan ng paniniwala sa Diyos, kapag nakakatagpo tayo ng mga tukso tulad ng pera, katanyagan o kapalaran, pinoprotektahan tayo ng Panginoon at nagbibigay-daan sa atin na lumayo at madaig ang mga ito; tuwing makakatagpo tayo ng mga dagok at kabiguan, pinapatnubayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, binibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, na nagpapalakas sa atin; sa tuwing makakatagpo tayo ng paghihirap sa ating buhay, ang Panginoon ang palaging tumutulong sa atin kapag kinakailangan, nagbubukas ng mga daan para sa atin; kapag nagkakaroon tayo ng mga pagsubok at nakakaranas tayo ng paghihirap, ang mga salita ng Panginoon ay nagpapaliwanag at nagbibigay gabay sa atin, na nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang kalooban ng Diyos at para sa atin na makadama ng kapayapaan at kagalakan sa ating espiritu … Tunay na mararamdaman natin na nasa tabi natin ang Diyos, gumagabay at sinasamahan tayo sa bawa’t araw, dahilan upang maintindihan natin ang katotohanan at maintindihan ang Kanyang kalooban …

Labis akong nagalak sa pag-ibig ng Panginoon, at mas lalo ko nang naiintindihan ngayon kung bakit nagpakita sa tao ang Panginoong Hesus sa loob ng 40 araw matapos Niyang mabuhay muli, kumakain kasama ng Kanyang mga disipulo, ipinaliliwanag ang mga kasulatan at nananalangin ng taimtim kasama nila, maraming hinihingi sa kanila, at iba pa. Bawa’t isang bagay na sinabi o ginawa ng Panginoong Hesus ay napupuno ng labis na pangangalaga at pagpapahalaga, at lahat ng Kanyang mga gawa at mga salita ay labis na makahulugan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas malalim na ang pang-unawa ko sa pagpapakita ni Hesus sa tao matapos Niyang mabuhay muli. Papuri sa Diyos!

Rekomendasyon:sino si Jesus