Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus | Kung Paano Kakatok sa Pinto ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik
Naniwala na sa Panginoon si Xiangyang ng maraming taon. Tulad ng lahat ng kapatid na lalaki at babae na mga tunay na mananampalataya, patuloy siyang maingat na naghihintay sa Kanyang pagbabalik upang madadala siya sa kaharian ng langit.
Isang araw pagkatapos ng almusal, nakaupo siya sa kanyang mesa. Maaraw sa labas, at ang maliwanag na sikat ng araw ay sumikat sa kanya sa bintana—nasa maganda siyang kalagayan. Muli na naman niyang binuksan ang aklat ng mga himno at nagsimulang umawit nang madamdamin sa pamilyar na himig: “Kumakatok sa pinto ang mabuting lalaki, basa sa hamog ang Kanyang buhok; agad tayong bumangon at buksan ang pinto, at huwag hayaan ang mabuting lalaki na tumalikod at umalis …” (“Mga Himno ng Canaan”). Kinanta niya ang buong himno, muli na namang ginugunita ang kanyang sarili bilang isang matalinong dalaga, na nagagawang pakinggan ang tinig ng Minamahal at masalubong Siya kapag dumating Siya upang kumatok sa pinto—iyon ang naging nais lang niya sa maraming taon. Sa tuwing naramdamang mahina siya, binasa niya ang banal na kasulatan at umawit ng himnong ito para sa inspirasyon. Matibay na naniwala siyang tapat ang Panginoon at ang Kanyang mga pangako ay hindi ginawa sa walang kabuluhan …. Dahil sa magandang pag-awit na umaalingawngaw sa buong silid, nakapagnilay-nilay siya, at pumasok sa isip ang propesiya sa kabanata 1, bersikulo 7 ng Pahayag: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.” Hindi ba babalik kasama ng mga ulap ang Panginoong Jesus? At pagmamasdan Siya ng lahat ng tao, kaya kung pagmamasdan Siya ng lahat, kakailanganin pa ba Niyang kumatok sa pinto? Kung gayon paano ba talaga Siya kakatok?