21.4.19

Pelikulang Kristiano-Bible Verses Tagalog | na Talata sa Biblia na Kailangang Basahin Kapag Natatakot Ka"




“Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?” (Mga Hebreo 13:6).
“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man” (Juan 14:27).
“Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya” (Deuteronomio 31:6).
“Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios” (Deuteronomio 3:22).
“Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan” (Isaias 12:2).
“Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan” (Awit 46:1).