21.4.19

Pananampalataya at Buhay-Paano Niya Nalagpasan ang Sakit ng Pagtataksil ng Kanyang Asawa

Pananampalataya at Buhay-Paano Niya Nalagpasan ang Sakit ng Pagtataksil ng Kanyang Asawa



Matapos marinig ang mga salitang ito na hindi niya pa narinig noon, labis na napukaw si Hong’er, na para bang may mainit na along dumaloy sa puso niya at pinapainit ang katawan at puso niya. Nung mga huling taong ‘yon, walang nakaunawa sa malalim na kalungkutan sa puso niya, at wala siyang mabahaginan ng bigat ng nararamdaman niya. Lalo na, walang makaunawa o makaaliw sa kanya. Pinalipas niya ang hindi mabilang na malulungkot na gabi, tahimik at mag-isang umiyak hanggang magbukang-liwayway. Sumunod na parang anino ang sugat na hindi niya makalimutan o matanggal. Akala niya wala na siyang magagawa kundi ang magpatuloy nang gano’n, malungkot at nasasaktan, hanggang sa dulo ng buhay niya. Pero nung araw na ‘yon, kumatok ang siping ‘yon sa pinto ng puso niya. Napagtanto niyang pag nasasaktan siya, nagtitiis ng hirap, at umiiyak, alam ‘yon ng Diyos at lagi Siyang nasa tabi ni Hong’er, naghihintay na makabangon siya. Nang marinig niya ang mga salita ng Diyos, hindi napigil ni Hong’er ang pagtulo ng luha niya; ramdam niyang kasama niya ang Diyos at hindi talaga siya nag-iisa. Kahit wala pa siyang naririnig o alam tungkol sa Diyos noon, palagi lang nasa tabi niya ang Diyos. Hindi lang siya niligtas ng Diyos at sinagip ang buhay niya nang magpasya siyang mamatay, pero nang mawalan siya ng pag-asa sa buhay, hinayaan ng Diyos na marinig ni Hong’er ang Kanyang tinig sa pamamagitan ng balae niya. Ginamit ng Diyos ang mga salita Niya para pukawin at bigyang init ang puso ni Hong’er, na nagbalik ng pag-asa at pagkakataong mapabuti ang buhay niyang puno ng sakit at desperasyon. Nung sandaling ‘yon, nadama ni Hong’er ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos at naginhawahan ang sugatan niyang puso. May masasandalan na siya.

Matapos ‘yon, nagsimulang pumunta sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Hong’er, magbasa ng mga salita ng Diyos, magbahagi ng katotohanan, at umawit ng mga himno bilang pagpupuri sa Diyos kasama ang kanyang mga kapatid. Nakita niyang mababait silang lahat at tinatrato ang iba nang may sinseridad. Nagawa nilang magtapat tungkol sa kasamaang ibinunyag nila, at suriin ang kasamaan ayon sa mga salita ng Diyos at hangarin na maging tapat na tao na gusto ng Diyos. Walang nangungutya ng iba, sa halip tinutulungan nila ang isa’t isa at binibigyan ang bawat isa ng kabuhayan. Bawat mukha ay may nagniningning na ngiti. Nahawa si Hong’er sa tapat at masiyahing kapaligiran at nagkamit siya ng isang uri ng kapahingahan at kalayaan sa loob ng malaking pamilyang ‘yon na hindi niya pa nararanasan noon. Nakaramdam siya ng init na matagal niyang hindi dinanas at ang pakiramdam ng pag-uwi. Nabawasan ang pagkabalisa niya araw-araw, at unti-unting lumitaw ang ngiti sa kanyang mukha. Sa mga salita ng Diyos niya natagpuan ang mga sagot sa mga bagay na matagal na gumulo sa kanya at nalaman niya ang ugat ng sarili niyang paghihirap. Nakita niya ang sumusunod sa mga salita ng Diyos: “Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawa’t pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawa’t paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana”. “Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran”. “Lahat kayo ay pamilyar sa salitang ‘pagkakanulo’ dahil karamihan sa mga tao ay nakagawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang iba dati, tulad ng isang asawang lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang asawang babae, isang asawang babae na ipinagkakanulo ang kanyang asawang lalaki, isang anak na lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang ama, isang anak na babae na ipinagkakanulo ang kanyang ina, isang alipin na ipinagkakanulo ang kanyang amo, mga kaibigan na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga kamag-anak na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga nagbebenta na ipinagkakanulo ang mga mamimili, at iba pa. Ang lahat ng mga halimbawang ito ay naglalaman ng diwa ng pagkakanulo” . “Ang kalikasan ng tao ay ang kanilang buhay, ito ay isang prinsipyo na inaasahan nila upang makaligtas, at hindi nila maaaring baguhin ito. Katulad ng kalikasan ng pagkakanulo-kung maaari kang gumawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang isang kamag-anak o kaibigan, ito ay nagpapatunay na ito ay bahagi ng iyong buhay at ipinanganak kang may ganitong kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman”.

Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naintindihan ni Hong’er na lahat ng paghihirap ng tao ay nagmumula sa kasamaan ni Satanas, at lahat ng mga tao ay nabubuhay sa loob ng isang malaking kawa, babad sa kasamaan. Binobomba tayo ng masasamang mensahe ni Satanas gaya ng: “Panatilihing malakas ang tahanan, at saka ka magsaya”; “Maiksi ang buhay. Magpakasaya na habang pwede pa”; “Samantalahin ang araw at magpakasaya, dahil maiksi ang buhay”; “Siyam sa sampung tao ang nagloko, ang pang-sampu sa kanila ay isa lang hangal.” Nangangahulugan itong ang isang lalakeng may ibang babae at nangangalunya ay ayos lang at isa ‘yong marka ng katayuan. Bukod do’n, nagkalat na ang mga bahay-aliwan, mula sa malalaking kalsada hanggang sa mga eskinita, kaya madali na lang sa mga tao ang magpakasasa sa masasamang pita ng laman. Masasama sila at tiwali, puno ng kabuktutan kaya wala silang pagkakahawig sa tao. Pag hindi naiintindihan ng tao ang katotohanan, hindi nila nakikilala ang mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan, o ano mang kakayahang makita ang kaibahan sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay. Baluktot ang pananaw nila sa mga bagay at tinatanggap nila ang masasamang bagay bilang tama at marangal. Tinatalikuran nila ang pangako nila at pinagtataksilan ang kanilang asawa para lang sa kanilang mahalay na pagnanasa, nawawalan sila ng kabaitan, rason, moralidad, at dignidad na dapat taglayin ng mga tao. Namumuhay sila sa ilalim ng pananakop ni Satanas at nagpapakasasa sa laman, naghahanap ng kasiyahan, at pinapawi ang kanilang sariling masasamang pagnanasa. Pinag-isipan ni Hong’er ang tungkol sa masamang lipunang ito. Karaniwan na lang ang mga lalakeng nagtataksil sa asawa at mga babaeng nagtataksil sa asawa; sa ilalim ng korosyon ng masasamang uso, ang mga taong walang katotohanan ay walang panglaban sa mga ganitong bagay. Napapailalim sila sa epekto ng masamang pag-iisip na ito sa kabila ng kanilang sarili, at binabalewala nila ang mga responsibilidad, moralidad at hustisya, at ang kanilang konsensya matupad lang ang kanilang pagnanasa. Itinatabi nila ang kanilang kabiyak, nagdudulot ng matinding pinsalang emosyonal sa kanilang pamilya, maging panghabang-buhay na pagdurusa. Nakita ni Hong’er na biktima rin ang asawa niya ng masasama at satanikong kalakarang ito. Inalala ni Hong’er kung pa’no naging maalaga at mapagmahal ang asawa niya noon sa kanya, at hindi sila naghangad ng material na kayamanan—tanging pag-ibig at pagmamahal, at kaligayahan at pagkakasundo. Pero nang yumaman sila nagsimula na rin ang madalas na pag-aasikaso ng asawa niya sa mga parokyado at paglabas-masok sa mga bahay-aliwan. Hindi niya natiis ang pang-aakit ng masasamang kalakaran at nagkaro’n siya ng masamang pamumuhay. Nangalunya siya at namuhay ayon sa kanyang pagnanasa, iniisip lang ang sarili niyang kahalayan. Hindi niya inisip ang damdamin ni Hong’er, pati na ang pamilya nila. Nagdulot ‘yon ng pagkawasak ng kanilang tahanan at kanilang pagkakahiwalay. Ang pag-ibig na binahagi nila nang mahigit dalawampung taon ay naging marupok sa harap ng masasamang kalakarang ‘yon; hindi ‘yon nakatagal sa dagok. Hindi ba’t resulta ‘yong lahat ng pagpapasama ni Satanas sa tao?

Napagtanto ni Hong’er na malalim ang pagkakapinsala sa kanya ni Satanas, lagi siyang naghahanap ng pag-ibig at pagkakaisa ng mag-asawa, pagtanda nang magkasama, at “pagsasama hanggang kamatayan.” Akala niya ang pagkakaro’n ng gano’ng buhay may-asawa ang tanging kaligayahan sa buhay. Matapos lumayo ang asawa niya, sinubukan niya ang lahat para masagip ang pagmamahalan nilang nasira, at nang hindi matupad ang gusto niya, namuhay siya sa kalungkutan at hindi niya ro’n maiahon ang sarili, naisip niya ring magpakamatay. Hindi ba ang lahat ng ‘yon ay mga maling kaisipan at pananaw kung saan ibinabad ni Satanas ang sangkatauhan para mapaglaruan at mapinsala si Hong’er? Tanging sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos lang naintindihan ni Hong’er na makasarili ang lahat ng tao at ginagawa nila ang lahat para sa sarili nilang kapakinabangan at ayon sa sarili nilang prinsipyo. Walang tunay na pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao; hindi umiiral ang romantikong pag-ibig. Pero ginagamit ni Satanas ang lahat ng hindi totoong konsepto para pasamain at akitin ang mga tao para igalang nila ang kasamaan at hangarin ang romantikong pag-ibig higit sa lahat, lubos na namumuhay sa ilusyon nito. Mas lalong silang nagiging masama at malala, at mas lalong napapalayo sa Diyos. Doon tunay na naranasan ni Hong’er na pag wala ang katotohanan, hindi makikilala ng tao ang mabuti at masama, kagandahan at kapangitan, at hindi makikilala ang mga positibong bagay. Paglalaruan at ipapahamak lang sila ni Satanas, at lulunukin nito nang buo. Salamat sa pagliligtas ng Diyos, nakita ni Hong’er ang katotohanan sa pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan at nadiskubre niya ang ugat ng paghihirap. Pinagliwanag ng mga salita ng Diyos ang puso niya; mas nakadama siya ng ginhawa.

Binasa ni Hong’er ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari kang makalakad sa maliwanag, tamang daan sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos lamang maaari mong malaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maisasabuhay mo ang tunay na buhay, taglayin ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos makakamit mo ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo lamang ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at pag-kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang maaaring makapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay napagpasiyahan na ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging Diyos ang huling responsable para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na di-maaaring matamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagmamay-ari ng isang kakanyahan ng Diyos na tulad nito, walang tao o bagay ang may kakayanan na iligtas at gabayan ka. Ito ang kahalagahan ng kakanyahan ng Diyos sa tao”.

Naintindihan ni Hong’er mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos lang ang makakaligtas sa tao mula sa kasamaan ni Satanas, at magkakamit lang ng pang-unawa ang mga tao sa mga taktika at paraan ni Satanas sa pagpapasama sa sangkatuahan sa pamamagitan ng pag-intindi sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. ‘Yon lang ang paraan para magkamit ng kaalaman sa panlilinlang ni Satanas, makatakas sa kapahamakan no’n, at mamuhay nang malaya. Bumuntong-hininga siya, idinaing na sa loob ng maraming taon, pinagharian siya ng mga maling ideya at ang paghahangad ng kaligayahan sa pamamagitan ng pag-aasawa ay isa lang ilusyon. Naisip niya ang katotohanang ang asawa niya ay isa ring taong pinasama ni Satanas, at lahat ng hinangad niya at negatibo, masasamang bagay. Kaya paghihirap at pinsala lang ang naibigay niya kay Hong’er; hindi siya makakapagbigay ng kahit anong kaligayahan. Ang pag-ibig lang ng Diyos para sa tao ang hindi maramot, at ang Diyos lang ang buong pusong naghahangad na maligtas ang mga tao sa paghahari ni Satanas. Pinahayag ng Diyos ang lahat ng uri ng katotohanan at inaayos Niya ang lahat ng uri ng kapaligiran para madalisay at mabago ang sangkatauhan, at para ‘yon magabayan ang tao sa pagtakas sa kasamaan ni Satanas at mabigyan sila ng masayang buhay. Pero para sa masamang sangkatauhan, sa sandaling magalaw ng isang bagay ang personal nilang interes, magtataksil sila; ang Diyos lang ang nasa tabi ng tao sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, at makakatulong para malagpasan nila ang bawat kagipitan. Ang Diyos lang ang tunay na maaasahan, at ang tahanan ng Diyos lang ang tunay na kanlungan ng kaluluwa ng isang tao. Noon, walang pagkaunawa si Hong’er sa masasamang kalakaran na galing kay Satanas at namuhay lang siya sa galit para sa kanyang asawa, walang ano mang kaligayahan at kagalakan. Araw-araw siyang miserable, iginapos at sinaktan ni Satanas—hindi maipaliwanag ang sakit. Ngayong alam niya na ang ugat ng paghihirap niya, hindi niya na kinamumuhian ang kanyang asawa. Parang malaking pasanin ang nawala sa balikat niya, at nakaramdam siya ng kapayapaan, kaluwagan, at kalayaan sa kanyang kaluluwa na hindi niya pa naranasan noon! Tunay ngang nagkamit siya ng talino sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at mga bagay sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan at malaya na siya sa wakas sa pagpapahirap ng pagdurusa at sa pananakit ni Satanas.

Ngayong meron na siyang kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi na malungkot si Hong’er gaya ng dati. Tuluyan niya nang pinakalawan at tinanggap ang pagtataksil ng asawa niya. Nagpaalam na siya sa wakas sa mga araw ng kalungkutan at lahat ng nakakakilala sa kanya ay nagsabing nagbago na siya, na naging mas masaya na siya at mas malinaw na ang isip niya. Puno siya ng pasasalamat sa Diyos dahil nakamit niya ang lahat ng pagbabagong ‘yon sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos.

Maraming taon ang lumipas. Laging nagbabasa si Hong’er ng mga salita ng Diyos, namumuhay para sa iglesia, nakikipagbahaginan ng mga salita ng Diyos sa kanyang mga kapatid, at binibigay ang lahat para matupad ang tungkulin niya bilang isa sa mga nilikha. Puno ng katuparan ang mga araw niya. Naintindihan niya na ang ilang mga katotohanan at malinaw niya nang nakikita na ang buhay ng tao sa mundo ay hindi lang para sa kanyang asawa o mga anak, kundi para tuparin ang tamang tungkulin ng isang nilikha, at sa gano’ng pamumuhay lang makakapagbigay ang tao ng kagalakan sa Diyos. Nahanap niya na sa wakas ang tamang landas sa buhay, at ‘yon ay ang sumunod sa Diyos, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, dumanas ng gawain ng Diyos, at maghangad ng pag-unawa at magkamit ng katotohanan. ‘Yon ay ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at maging isang taong sumusunod at sumasamba sa Diyos. Ang lahat ng ito lang ang pinakamakahulugan at masayang uri ng buhay. Hangarin ni Hong’er na tahakin ang ganitong uri ng landas sa buhay sa ilalim ng paggabay at pamumuno ng Diyos, para magkamit ng katotohanan at buhay, para lubos na palayain ang kanyang sarili sa pananakit ni Satanas, at mamuhay nang may kahulugan—para ipamuhay ang reyalidad ng katotohanan at magbigay kaluwalhatian sa Diyos!