Ni Chen miao
Masyado akong mayabang kaya ayokong manatili sa nayon buong buhay ko at mamuhay sa isang nakakabagot na buhay, na pagkain at isusuot lang ang pinaghihirapan. Mayroon akong malaking pangarap, gusto kong maging isang career woman. Gusto ko yung pakiramdam na nasa tuktok ako ng mundo at buong sigla kong kinakausap ang mga emplayado ko tungkol sa itatayo at pamamahalaan kong negosyo. Habang iniisip ito, lumipad na ang puso ko paalis sa bukid na ‘to. Ang paniniwala ko kasi kung magsisikap ako, makakagawa ako ng posisyon para sa sarili ko.
Nung magtapos ako sa junior high school, sinimulan kong gawin ang pangarap ko at bagong paglalakbay. Araw-araw akong nagpapabalik-balik sa mga kalye ng siyudad. Kung saan mas maraming pera, pupunta ako ron. Hindi ako naglalakas loob na magpahinga at kinakalimutan ko ito kahit sandali. Nung panahon na ‘yon, naglagay ako ng mga puwesto sa kalye, nagtrabaho bilang isang waitress, isang baguhan sa isang limbagan. Sa wakas kinailangan kong umuwi dahil sa SARS.
Pero hindi natapos ang pangarap ko. Hindi ako pwedeng lumayo, kaya nakahanap ako ng trabaho sa isang dry cleaner malapit sa bahay ko, nagsikap nang husto para magkapera. Ang amo ko, napansin niyang matalino at masipag ako, itinuring niya ako na para niyang anak at sinabihan ako na pamahalaan ko ang negosyo. Tuwang-tuwa ako at hindi makapaniwala, inasam ko na balang-araw ako na ang magiging amo. Magmula noon, nagtrabaho ako mula umaga hanggang gabi, pagod na pagod. Sa paglipas ng panahon, natutunan ko ang lahat ng kasanayan, pero maliit lang ang kita. Kahit gustong ibenta ng amo ko ang tindahan, hindi ko kayang bayaran ang kalahati ng halaga. Pinanghinaan ako ng loob, kinailangan kong magbitiw at umuwi sa amin.
Hindi nagtagal matapos kong makauwi sa bahay, ibinahagi sa akin ng tiya ko ang ebanghelyo. Ipinakita niya sa akin ang CD ng “Genesis” at Noah’s Ark”, na sinasabi sa akin na nilikha ng Diyos ang tao kaya ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Sinabi niya rin sa akin na sa pamamagitan lang ng pagsamba sa Diyos, tayo magkakaron ng magandang kinabukasan. Ganon pa man, hindi ko pinansin ang sinabi niya, dahil naniniwala ako na ang kapalaran ko ay nasa aking sariling mga kamay. Hangga’t nagsisikap ako, magkakaron ako ng magandang kapalaran. Dahil matanda na siya, labag sa loob ko na makinig sa kanya.
Enero ng 2006, tinanong ako ng matalik kong kaibigan kong gusto kong magtrabaho sa kanya sa isang kompanya ng bus. Alam kong mas malaking pera ang kikitain ko, nasasabik at masaya akong pumayag. Matapos magtrabaho ng ilang buwan, sa wakas, kumita rin ako ng malaking halaga sa unang pagkakataon sa buhay ko. Hawak ang pera sa mga kamay ko, tuwang-tuwa ako, naisip ko: Hangga’t magtatrabaho ako nang husto na kagaya nito, kikita ako ng sapat para makapagbukas ng sarili kong tindahan.
Puno ng kagustuhan at pagsisigasig, isang aksidente sa sasakyan ang sumira sa pangarap ko. Nabangga ako ng isang motorsiklo, nawalan ako ng ilang ngipin, napuno ng dugo ang bibig ko, at hindi ko maigalaw ang binti ko. Tumakas ang nagmamaneho matapos akong banggain. Pero sa kabutihang-palad, isang may mabuting kalooban ang nagdala sa akin sa ospital, kaya nabuhay ako. Hindi ko lang nagamit ang lahat ng pera ko, kinailangan din magbigay ng mga magulang ko ng konting pera para sa akin. Sa tuwing maiisip ko na hindi na naman natuloy ang plano, nasasaktan ako. Naramdaman kong inubos na ako ng kalungkutan at umiyak lang ang tanging magagawa ko…
Nang mga panahong ‘yon, dumating ang tiya ko para alagaan ako at sinabi sa akin na ang buong daigdig ay nasa mga kamay ng Diyos, kasama na ron tayong mga tao. Anong klaseng kapalaran ang mayroon tayo sa buhay, mayaman o mahirap? Itinakda na ‘yon ng Diyos at hindi mababago ng ating pagsisikap. Hindi sinasadyang, nasabi ng tiya ko ang ganong pangungusap: “Nako, malakas ang puso pero hindi ang buhay. Kapag ang pera hindi sa ‘yo, hindi mo ito pwedeng gastusin kahit pa pinaghirapan mo ito.” Hinipo ang puso ko ng mga salitang ito, pero ayokong harapin ang katotohanan, matindi ang paniniwala ko na makakagawa ako ng magandang kinabukasan gamit ang aking mga kamay.
Ilang buwan ang nakalipas, matapos akong lumabas sa ospital, kahit isang paa lang ang gamit ko sa paglalakad, pinilit ko pa rin at pipilay-pilay akong naghanap ng trabaho kung saan-saan, wala akong inaksayang oras. Nag-alala ang mga magulang ko sa kalusugan ko at sinubukan akong himuking magpahinga muna, pero sumagot ako, “Ang pagkakataon pumapabor lang sa nakahandang pag-iisip. Kapag nagkusa lang ako magkakaron ng magandang kinabukasan.” Kahit anong sabihin ng mga magulang ko, hindi na mababago ang isip ko, kaya hinayaan na lang nila ako. Kalaunan, isang kaibigan ang nagrekomenda sa akin sa isang beauty parlor. Hindi kalakihan ang sahod, pero hangga’t makahikayat ako ng mga kliyente na bumili sa tindahan, makakakuha ako ng komisyon. Nang mga panahon na ‘yon, nag-isip akong mabuti para mapalapit sa mga kliyente, naglangis at binilog ang ulo nila. Umaasa ako na sana mabago kaagad ang kapalaran ko. Makalipas ang isang buwan, malaking pera ang kinita ko, pero nakakapagod talaga na maging sunud-sunuran sa iba araw-araw. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko: Kailan matatapos ang mga araw na tulad nito? Kailan matutupad ang pangarap ko na maging isang amo?
Sa isang kisap-mata, nasa hustong edad na ako para mag asawa. Pagkatapos kong makasal, pinalakihan ko ang tindahan, ang asawa ko ang naggugupit at ako naman sa facial. Ang akala ko magiging maayos na ang buhay ko magmula noon, pero mali ako. Hindi nagtagal matapos kaming makasal, napariwara ang nakababata kong kapatid at nakulong. Para mapiyansahan siya, ibinigay naming mag-asawa ang lahat ng naipon naming pera sa mga magulang ko. Kasabay nito, isinilang ang anak kong babae, kaya mas malaking pera ang kinailangan. Sa unang buwan pagkatapos kong magsilang, hindi ako nakapagpahinga ng maayos at hindi na ako nakapaghintay na tawagan ang kliyente, sinabihan ko ang asawa ko na dalhin na ang mga produktong pampaganda. Para madagdagan pa ang problema, walang tigil sa kauubo ang asawa ko na may kasamang dugo at nasuri na tuberkulosis. Dahil dito, kinailangan naming isara ang tindahan at manatili sa bahay para maggamot. Dahil walang hanapbuhay, sa mga biyenan ko lang kami maaaring umasa, pero ayaw nila kaming tulungan. Pinagmamasdan ko ang sanggol kong anak, ang asawa kong may sakit, iniisip ang nagdadalamhati kong mga magulang at ang mga biyenan kong hindi marunong magpatawad, pakiramdam ko nahuhulog ako sa malalim na hukay, lumulubog sa kailaliman ang puso ko. Punong-puno ako ng kalituhan: Ano ang gagawin ko? Kapag nagpapakahirap akong magtrabaho, nagiging mas masahol ang buhay ko. Kapag mas nagpupursige ako, mas lalo akong nagdurusa. Bakit hindi ko makuha ang gusto ko? Talaga bang wala sa mga kamay ko ang kapalaran ko? Nasaan ang kinabukasan ko? Ngayon, sino ang magtuturo sa akin ng daan palabas?
Isang araw, bumalik ako sa mga magulang ko na malungkot. Nakita ng tiya ko ang kalungkutan ko at binasa sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain.” “Kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). Matapos makinig, naisip ko: Napagpasyahan na ng Diyos kung anong pamilya ang magsisilang sa atin, mahirap o mayaman, kung ano ang kapaligiran na kalalakihan natin, at kung ano ang hinaharap natin. Walang sinuman at walang maaaring malibre sa pagsasaayos ng Diyos, hindi namamalayan ng lahat ang pagpapasakop sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung walang pagpapala ng Diyos, hindi natin makukuha ang gusto natin kahit anong pagpapakahirap natin. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Maging bata ka man o matanda, nagtatrabaho o walang trabaho, may mithiin o wala, ito ay batas ng Langit at prinsipyo ng lupa para sambahin ang Diyos. Naisip ko ang sarili ko, gusto kong maipanganak sa isang mayamang pamilya, pero humantong ako sa isang karaniwang pamilya; Nagsikap ako nang husto para makagawa ng posisyon para sa sarili ko, pero sa huli wala ring nagbago. Ngayon bumalik ako sa simula. Mukhang totoo nga na ang tadhana ng tao ay walang kinalaman sa mga layunin. Nang maintindihan ko ito, nagbago ang pananaw ko, at nakahanda na akong basahin ang mga salita ng Diyos.
Nung mga araw na nakatira ako sa mga magulang ko, binasa ng tiya ko ang mga salita ng Diyos at kinanta sa akin ang himno araw-araw. Isang pahayag ng salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng malalim na impresyon, “Ang kapalaran ng tao ay nasa pagpigil ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at pag-aabala para sa kanyang sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling mga pagkakataon, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa rin bang isang nilikha? … Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?” (“Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”). Sa pakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi ko mapigilang maisip ang nakaraan ko: Dahil sa maling pananaw sa “paglikha ng magandang kinabuksan gamit ang aking mga kamay,” akala ko hangga’t nagtatrabaho ako nang husto, makukuha ko ang susi sa isang magandang buhay. Sa ngayon, pinagbabayaran ko ito. Pumasok ako sa lipunan sa murang edad, walang tigil sa pagtatrabaho para kumita ng pera. Kahit katatapos lang maaksidente, itinuloy ko lang ang pagpupursigi kahit hindi pa lubusang magaling. Pagkatapos ng kasal, patuloy pa rin akong nag-isip kung pa’no mas magkakapera. Nito lang mga taon na ‘to, palagi akong nakakaramdam ng pag-aalala. Madalas akong madama ang sobrang kagipitan, at hindi ko manlang naranasan ang maganda at masasayang sandali na dapat mayroon ang kabataan. Gayon man, hindi nagbago ang buhay ko matapos ang mga pagsisikap ko, ni hindi nabago ang kapalaran ko. Sa halip, nasa pinakamalalang sitwasyon ako ng buhay ko. Pagod na pagod ako at miserable at nawala na ang motibasyon ko para mabuhay. Ngayon, sa ilalim ng pangunguna ng salita ng Diyos, nalaman ko na ang pakikipagbuno sa loob ng maraming taon laban sa tadhana ay sanhi ng mga lason ni Satanas. Hindi ko itinuring ang pananaw na ‘to bilang isang positibong bagay. Kaya, hindi ko tinanggap ang kapalaran ko at hindi nakuntento sa mga bagay na meron na, nagmamatigas na nilalabanan ang Diyos at nabubuhay sa matinding paghihirap. Ang totoo, ang kapalaran natin ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang halaga ng kayamanan ko sa buhay ay itinakda ng Diyos at hindi ito mababago kahit konti sa kabila ng sarili kong pagsisikap. Isa pa, ang pagsasaayos ng Diyos para sa tao ang pinakamainam sa lahat. Nang maunawaan ko ang mga ito, naliwanagan ako na para bang may nagbukas na liwanag, at handa akong maranasan ‘yon na may masunuring puso.
Nagulat ako, nang nagkaron ako ng tamang pag-iisip, nakahanap ang asawa ko ng trabaho para suportahan ang pamilya. Sa susunod na buwan, itataas na ng amo ang sahod niya nang tumawag ang kamag-anak niya para sabihing naghahanap ang kompanya nito ng isang drayber. Kahit hindi kalakihan ang sahod, isa itong korporasyon ng estado. Sa madaling salita, matatag ang trabahong ito. Humingi siya ng payo sa akin. Isa rin itong dilema para sa akin: Pag ipinagpatuloy niya ang trabahong paghahatid, makakatanggap siya ng mataas na bayad at mas marami siyang kikitain, habang ang trabaho sa korporasyon ng estado ay mas matatag. Mahirap para sa akin ang pumili. Habang naguguluhan, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos. “Aktibong makipagtulungan sa Diyos; ang pagpapaubaya sa Kanya na Siyang mangasiwa ay paglakad kasama Niya. Lahat ng ating mga sari-sariling kuru-kuro, mga paniwala at mga palagay, lahat ng ating mga sekular na pagkakasalabid, ay nawawalang parang bula gaya ng usok. Hinahayaan nating maghari ang Diyos sa ating mga espiritu, lumalakad kasama Niya at nagtatamo ng pangingibabaw, nananagumpay sa mundo, at malayang lumilipad ang ating mga espiritu at naaabot ang pagpapalaya; ang mga ito ang mga kalalabasan ng pagiging Hari ng Makapangyarihang Diyos” (“Ang Ikalawang Pagbigkas”). Maliwanag at malinaw ang aking puso: Inayos ng Diyos ang lahat, at ang desisyon ko ay hindi pwedeng magkaron ng mahalagang papel. Dahil hindi ko nakikita sa pamamagitan ng mabuti at masama, ang tanging magagawa ko lang ay tigilan ang mga plano at pagsasaayos sa isip ko pero hanapin ang layunin ng Diyos at sundin ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Dali-dali akong lumuhod at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, hindi ko alam ang gagawin pagdating sa trabaho ng aking asawa. Kung nangyari ito sa nakaraan, tiyak na magbibigay ako ng suhestiyon at hihilingin sa kanya na sundin ang payo ko. Pero ngayon alam ko na ang kapalaran ng tao ay nasa Iyong mga kamay, at anumang trabaho ang kukunin niya ito ay naisaayos Niyo na rin. Ngayon handa akong isantabi ang sarili kong saloobin at ipaubaya ang bagay na ‘to sa Inyong mga kamay. Kung saan Niyo isaayos ang trabaho para sa asawa ko, magiging masunurin ako at hindi Kita sisisihin kapag may nangyari sa kanyang trabaho kalaunan. Pagkatapos ng mga panalangin ko, matatag ang aking puso at diretsang sinabi sa aking asawa, “Huwag kang masyadong magpakahirap, at pakingan mo lang ang puso mo. Kahit anong trabaho ang piliin mo, susuportahan kita.” Nang nakahanda akong sumunod, higit pa sa inaasahan ko ang naging resulta. Pagkalipas ng tatlong araw, sinabi sa asawa ko ng direktor ng korporasyon, “kung may trabaho ka sa labas, gawin mo lang. Tatawagan kita kapag kailangan ka. Hindi mo kailangang tumambay dito buong araw.” Tuwang-tuwa ang asawa ko nang marinig ‘yon at sinabi sa amo siya sa paghahatid ang tungkol dito. Sinabi ng amo, pwede mong ituloy ang pagtatrabaho rito, may suweldo at komisyon. Kung mas marami kang maihahatid, mas marami kang kikitain. Kung kailangan ka ng kompanya mo, pwede mong puntahan at tapusin mo muna ‘yon. Kung libre ka, pumunta ka rito at maghatid. Masayang sinabi sa akin ng asawa ko na nakakuha siya ng hindi inaasahang tulong. Pero malinaw sa puso ko na ito ang gawa ng Diyos. Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos. Ipinapakita nito ang karunungan at walang hanggang kapangyarihan ng Diyos. Nangibabaw ang Diyos sa lahat ng tao, mga bagay, at mga bagay-bagay at tanging Siya lang ang maaasahan natin. ‘Yon ang unang pagkakataon na sinunod ko ang lumikha sa aking buhay, at naramdaman kong ligtas ako at protektado. Siyempre, ang pagsunod ko sa dakilang kapangyarihan ng Diyos ang naghatid sa akin ng higit pa sa mga biyayang ito. Sinabi sa amin ng doktor na kailangan uminom ng gamot ang asawa ko sa loob ng dalawang taon. Pero nung panahong ‘yon, dumaranas kami ng hirap sa pananalapi, at wala ring sapat na pera para sa pagkain at damit, mas lalo na sa gamot. Ganon pa man, anim na buwan lang ang lumipas, himalang gumaling ang asawa ko sa karamdaman. Ipinakita nito sa akin nang mas malinaw na ang “isang magandang hinaharap” ay hindi nilikha ng aking sariling mga kamay, kundi sa mga kamay ng Diyos. Tanging pagsamba sa Diyos at pasakop sa kanyang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos, magkakaron tayo ng magandang kinabukasan.
Bago ang katotohanan, nakita ko kung gaano kawalang alam at katawa-tawa ang dati kong kaisipan at mga pagpupursigi. Palagi kong nilalabanan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, pasuray-suray at paurong-sulong para gumawa ng isang malaking paglihis. Ngayon naintindihan ko na rin na ang tao ay isang nilalang, at ang kapalaran ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung wala ang mga biyaya ng Diyos, gaano man kahusay ang ating mga pamantayan at layunin, at gaano man kalakas ang kalooban natin, mauuwi rin tayo sa kabiguan. Ang biyaya ng Diyos ang tumapos sa aking napakahirap na buhay. Nakahanda akong tanggapin ang Diyos bilang aking Panginoon, at ipagkatiwala ang lahat sa Kanyang mga kamay.
Salamat sa Diyos! Ang Lahat ng Kaluwalhatian ay sa Diyos!