15.1.20

Minsan Kong Sinubukang Hadlangan ang Pananampalataya sa Diyos ng Aking Asawa, Subalit Ngayon Magkasama na Kaming Sumasamba sa Kanya


 Mga Espirituwal na Laban | Minsan Kong Sinubukang Hadlangan ang Pananampalataya sa Diyos ng Aking Asawa, Subalit Ngayon Magkasama na Kaming Sumasamba sa Kanya

Ang Pag-gising ng Isang Nalinlang ng mga Sabi-sabi

Ni Chenguang, Canada

Tala ng Editor: Dahil sa paniniwala sa negatibong propaganda ng CCP tungkol sa Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan, ang protagonista ng artikulo na si Chenguang ay minsan nang sinubukang pigilan ang kanyang asawa na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Bagaman sinubukan na niya ang lahat, ang kanyang asawa ay nagpatuloy parin sa kanyang pananampalataya. Pagkatapos, sa pag-iimbestiga sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang katotohanan sa likod ng insidente ng Mayo 28 at naging tiyak kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nais niyo bang malaman ang tungkol sa kanyang karanasan? Sabay natin itong basahin.

Ang mga Sabi-sabi ng CCP ay Nakaugat sa Aking Puso, at Ako ay Nagsimulang Mag-duda sa Aking Asawa

Dahil sa aming trabaho, ako at ang aking asawa ay pumunta sa Canada, at kami ay dumalo sa mga pagpupulong ng isang iglesia malapit sa aming bahay. Minsan, sinabi ng pastor sa isang sermon: “Ang CAG (Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos) ngayon ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na. Hindi ito totoo. Huwag ninyo itong paniwalaan, at lalo nang huwag magkaroon ng kahit na anong ugnayan sa kanila.” Nang marinig ito ay bigla kong naalala ang mga negatibong propaganda tungkol sa CAG mula sa news media ng Tsina. Sa partikular, mayroong isang ulat mula sa China Cental Television (CCTV) sa kaso ng Mayo 28 na Pagpatay sa isang McDonald branch sa Zhaoyuan, Shandong, na kung saan ang CCP ay nagsabi na ang mga suspek ay miyembro ng CAG. Sa oras na iyon, ako ay lubhang natakot, ngunit hindi ko din talaga ito binigyan ng gaanong pansin sa pag-iisip na hindi naman ako magkakaroon ng kaugnayan sa mga miyembro ng CAG. Ngayon na binanggit ito ng pastor kailangan kong mag-ingat.

Noong araw na iyon, ang aking asawa ay hindi nakinig sa sermon dahil kailangan niyang bantayan ang aming mga anak sa iglesia. Nang pauwi na kami, tinanong niya ako tungkol sa laman ng sermon, at sinabi ko sa kanya ang pagkondena ng pastor sa CAG. Nakakagulat, matapos marinig ang sinabi ko, sinabi niya agad: “Ang sinabi ng pastor ay hindi naayon sa kalooban ng Panginoon. Sabi ng Panginoong Jesus: ‘Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo’ (Mateo 7:1–2). Tayong mananampalataya sa Panginoon ay dapat magkaroon ng paggalang sa Diyos, kaya paanong kaswal na hinahatulan ng pastor ang ibang mga iglesia? Bukod pa, tayong lahat ay naniniwala sa Diyos. Ngunit bakit hindi natin maituring ng patas ang ibang mga denominasyon?” Nang makita na ang aking asawa ay hindi man lang natakot ngunit nagkaroon ng malaking reaksyon, ako ay tila namangha, at kaswal na tinanong siya kung siya ba ay nakipag-ugnayan sa kahit sinong miyembro ng CAG. Sabi niya hindi, at kaya huminto na ako sa pagtatanong.

Isang araw, noong pinaglalaruan ko ang aking telepono habang nasa pahinga sa trabaho, nakita ko na meron itong sistema ng GPS na hindi ko pa nagamit dati, at nais kong suriin ito. Pagkatapos ay nilagay ko ang numero ng cellphone ng aking asawa, at nakita sa resulta na siya ay nasa isang bahay malapit sa aming tahanan. Pagkatapos ay nagpadala ako ng mensahe para magtanong kung nasaan siya, at sa hindi inaasahan sumagot siya na papunta na siya sa trabaho. Tumingin ako muli sa resulta na ipinakita ng aking telepono, ako ay naguluhan: Bakit siya nagsinungaling sa akin? Ngunit ako’y nahihiyang hulihin siya, kaya nag-isip ako ng isang tamang pagkakataon upang tanungin siya.

Nang Makita ang Ebidensya ng Pananampalataya ng Aking Asawa sa Makapangyarihang Diyos, Sinubukan ko ang Lahat Upang Pigilan Siya

Nang araw na iyon, pagkatapos umuwi galing sa trabaho, noong may kinuha ako sa aparador, aksidenteng may nakita akong isang itim na bag na naglalaman ng maraming aklat. Sa aking kuryosidad, binuksan ko ang isa sa kanila, at hindi inaasahang ang mga salitang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” ang bumungad sa akin. Ako ay nagulat at nag-isip: “Paanong nagkaroon ang aking asawa ng mga aklat ng CAG? Maaari kayang siya ay nakipag-ugnayan sa mga tao sa iglesia?” Sa oras na iyon, napaisip ako sa naging reaksyon ng aking asawa noong narinig niya ang pagkondena ng pastor sa CAG, at ang kanyang pagsisinungaling sa akin ng umagang iyon, kaya ako ay mas lalong nakatitiyak na siya nga ay nakipag-ugnayan sa mga tao mula sa CAG. Ako’y nagsimulang mag-alala at isinaalang-alang kung paano siya hihikayatin kung siya nga talaga ay naniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Nang maglaon, ako ay nagmadaling nag-online upang magsiyasat ng mga impormasyon sa CAG, at pagkatapos ay nakita ko ang ulat ng gobyernong Tsina tungkol sa insidente noong Mayo 28, ako ay mas lalong nag-alala sa aking asawa.

Nang makauwi ang aking asawa mula sa trabaho, agad ko siyang tinanong kung nakipag-ugnayan ba siya sa mga tao sa CAG. Mukha siyang nagulat sa aking tanong, ngunit sumagot parin siya na hindi. Nang makita ito, pagalit kong nilatag sa mesa ang mga librong nakita ko, at may kataasan ng boses na tinanong siya: “Kailan ka nagsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Mayroong maraming mga negatibong ulat online tungkol sa CAG, hindi mo ba alam ito? Nagsinungaling ka pa sa akin kaninang umaga. Hindi ka papunta sa trabaho. Saan ka ba nagpunta?” Nang makita na nahanap ko na ang mga aklat, inamin ng aking asawa na siya ay naniwala sa Makapangyarihang Diyos at na siya ay dumadalo sa isang pagpupulong sa bahay ng isang kapatid na babae ng umagang iyon. Sa pag-iisip na siya ay rasonable at maingat, binabaan ko ang aking tono at nagpatuloy: “Sinabi ng gobyerno ng Tsina na hindi malinaw ang hangganan sa pagitan ng lalake at babae sa mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos at na ang kaso sa Zhaoyuan ay may kinalaman ang sa CAG. Ito ay kakila-kilabot. Pakiusap maari bang huwag ka nang makipag-ugnayan sa kanila? Mas mainam kung dumalo ka nalang sa mga pagpupulong sa iglesia, at sasamahan kita linggo-linggo. Bakit mo ba gustong makipag-ugnayan sa kanila?” Nang ako’y matapos, pinakita ko sa kanya ang mga negatibong impormansyon sa online. Pagkatapos itong mabasa, pagalit na sinabi ng aking asawa: “Ang mga taong ito kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa mga tao sa CAG. Hindi nila ito dapat sinasabi. Ang mga salitang ito ay walang-batayan at tsismis, ito’y mga sabi-sabi. Lubos na hindi mapagkakatiwalaan! Sa mga nakaraang ilang buwan, ako ay nakipag-ugnayan sa mga kapatiran ng CAG, at ang mga nakita ko ay sila’y nagdadamit ng simple at matapat sa pamamaraan, at sila’y nagsasalita at kumikilos sa marangal na paraan. Ang mga kapatid na lalake at kapatid na babae ay nirerespeto ang hangganan sa pagitan ng isat-isa, at may prinsipyo sa kanilang pakikipag-ugnayan. Hindi sila katulad sa mga pinapakalat na mga tsismis ng CCP at ng mga pastor at mga elder. Malinaw na nakasaad sa Administratibong Kautusan para sa kapanahunan ng Kaharian na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos na: ‘Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay may damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaibang kasarian na magkasama sa trabaho habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi—at walang sinumang makakalibre dito.’ Ang Diyos ay banal at matuwid, at kinamumuhian Niyang higit sa lahat kapag ang mga tao’y nasangkot sa pakikiapid. Kaya, ang Diyos ay naglabas ng mga mahigpit na administratibong kautusan para sa Kanyang mga hinirang, at sinumang lumabag dito ay tiyak na mapapatalsik mula sa iglesia. Ang mga kapatiran sa CAG ay mahigpit na sinusunod ang mga administratibong kautusan ng Diyos, at walang sinuman ang nangangahas na lumabag dito. Ito ay personal kong nakita at naranasan. Ang tsismis na pinapakalat ng CCP at ng mga pastor at mga elder na malabo ang hangganan sa pagitan ng lalake at babae ng CAG ay walang iba kundi sabi-sabi, maling bintang, at nang-hahamak na paninirang-puri! Hindi ka pa kailanman nakipag-ugnayan sa mga tao sa CAG, ngunit ikaw ay walang taros na naniniwala sa mga alingawngaw na ito, ito ba ay naaangkop? Hindi ko sinabi sa iyo noon kasi natatakot ako baka hadlangan mo ako sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at nais kong sabihin ito sayo kapag naunawaan ko na ang katotohanan.” Subalit kahit na ano pa man ang sabihin ng asawa ko, hindi ko ito pinakikinggan at iginigiit na huwag na siyang dumalo sa mga pagpupulong. Sa wakas, ay wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon, pero sinabi niya na gusto niyang patuloy na basahin ang mga salita ng Diyos sa bahay. Iniisip na wala namang panganib hangga’t hindi siya nakikipag-ugnayan sa mga tao sa CAG, sumang-ayon ako.

Isang gabi, nakita ko ang cellphone ng asawa ko sa mesa, at gustong matingnan ito para makita kung kanino siya kasalukuyang nakikipag-ugnayan. Nang matuklasan ko na patuloy parin siyang nakikipag-uyanan sa kanyang mga kapatid na babae sa CAG, pagalit kong sinabi sa kanya: “Hindi ba sinabi mo na hindi ka na makikipag-ugnayan sa kanila? bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin sa kanila?” Pagkatapos makinig, hindi nagsalita ang aking asawa. Pagkaraan ng ilang araw, ginamit ko ang GPS para hanapin ang lokasyon niya habang nasa break sa trabaho at nadiskubre ko na pumunta na naman siya ulit sa pagpupulong. Pagdating ko sa bahay, naubos ang pasensya ko sa kanya, sinabi ko ulit sa kanya ang mga negatibong impormasyon online at ang Mayo 28 na Kaso sa Zhaoyuan, at nagpadala rin ng mga negatibong videos sa kanya. Ngunit ayaw magbago ng isipan ang aking asawa at patuloy pa rin na nakikipagtagpo sa kanyang mga kapatid na lalake at babae sa CAG. Dahil dito, madalas akong nakikipag-away sa kanya at nasa isang malamig na digmaan sa kanya sa loob ng mga panahong iyon. Hindi ko lubos na maisip kung bakit patuloy pa rin siyang pumupunta sa mga pagpupulong kahit na hinadlangan ko siya ng ganoon at nagsasalita ng masasakit sa kanya. Ang bagay na ito ay nakakainis para sa akin.

Kalaunan, upang mahadlangan ang aking asawa sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, pasikreto kong binura ang mga aklat, himno at mga pangangaral at mga pagbabahagian mula sa CAG sa kanyang cellphone, ngunit nang malaman niya ito ay muli niya itong dinownload; tinago ko rin ang kanyang mga libro ng mga salita ng Diyos na nasa bahay ngunit nakita niya naman makalipas ang ilang mga araw. Ako ay lubos na natalo at hindi malaman kung bakit lahat ng ginagawa ko ay hindi gumana. Kalaunan, naisip ko: “Ngayon na ang lahat ng ito ay hindi siya kayang pigilan, paano kaya kung gawin ko ang ideolohikal na paraan sa kanya? Pero hindi naman ako kasing husay niya sa pagpapaliwanag sa mga kasulatan. Ano ang dapat kong gawin? Paano kaya kung sabihan ko ang mga pastor at elder para hikayatin siya? Ngunit kapag nalaman nila na naniniwala siya sa Makapangyarihang Diyos, maaari nilang sabihan ang mga kapatiran na layuan siya, at masisira nito ang reputasyon niya. Kung gayon, paano kaya kung hilingin ko sa kanyang mga magulang sa Tsina na hikayatin siya? Pero sila ay mga may edad na; kapag nalaman nila na siya ay naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, baka magalit sila ng husto at sila’y magkakasakit?” Matapos pag-isipan ito ng paulit-ulit, pakiramdam ko ito’y mga hindi epektibong paraan, at sa wakas ako ay nakapagdesisyon na gawin ang ideolohikal na gawain para sa aking asawa nang mag-isa. Simula noon, pinag-aralan ko ng mabuti ang Bibliya, at ipinaliwanag sa aking asawa ang aking narinig mula sa pastor, ang mga nakita ko online at ang mga doktrina na naunawaan ko. Gayunpaman, sa lahat ng pagkakataon, ako ay napapabulaanan at naiwang hindi makapagsalita, na nagdulot sakin na mapahiya at walang magawa. Sa panahon ito, hiniling ng asawa ko na siyasatin ang CAG, ngunit hindi ako nag-lakas loob dahil sa mga sabi-sabi.

Ang Pagbabago sa Aking Asawa ay Nagdulot sa Akin ng Pagninilay

Nang maglaon, gayunman, ang mga katunayan sa harap ng aking mga mata ay pumilit sa aking na magnilay. Simula nang maniwala ang asawa ko sa Makapangyarihang Diyos, siya ay nagkaroon ng maraming pagbabago. Kapag nawawalan ako ng pasensya sa kanya, natitiis niya ito: kahit na tinago ko ang kanyang mga aklat at binura ang ilang mga nilalaman mula sa kanya cellphone, hindi siya nakipag-away sa akin mula sa init ng ulo, ni hindi rin siya sumabog sa galit. Hindi ganun kumilos dati ang asawa ko. Nang makita ang kanyang pagbabago, ako’y talagang natuwa. Hindi ko mapigilang mag-isip: “Pagkatapos maniwala sa Makapangyarihang Diyos, ang aking asawa ay nagbago sa mas mabuti. Bukod pa, siya ay matalino at maingat. Sa harap ng napakaraming negatibong impormasyon online at ang aking pagpagharang, nagpatuloy pa rin siya sa kanyang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Maari nga bang ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng tunay na Diyos? Nagbalik na nga ba ang Panginoong Jesus?” Ngunit may isang bagay din akong naisip: “Kung ito nga talaga ay totoo, kung gayon bakit mayroong maraming negatibong kumento online? Paano ba maipapaliwanag ang Mayo 28 na kaso sa Zhaoyuan?”

Dahil sa mga pagbabago sa aking asawa, sa mga sumusunod na araw, hindi ko siya hiadlangan ng gaano at hindi na siya pinigilan mula sa paglabas upang dumalo sa mga pagpupulong, pero nagpapadala ako ng mga negatibong videos paminsan-minsan.

Sa Paghahanap at Pakikipagbahagian, Nalaman Ko ang Katotohanan sa Likod ng Insidente ng Mayo 28

Isang araw, ang aking asawa ay nagbahagi muli sa akin at hinimok ako na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sinabi niya: “Noong ang Panginoong Jesus ay dumating para gumawa, dahil ang Kanyang gawain ay hindi tumugma sa mga palagay ng mga tao Siya ay siniraang-puri ng gobyerno ng Roma. Ngunit ito ba ay nangangahulugan na ang gawain ng Panginoong Jesus ay hindi gawain ng Diyos? Ngayon ay ang mga huling araw, at ang panahon ng pagbabalik ng Panginoon. dahil narinig natin na ang CAG ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, dapat tayong maging matatalinong birhen, matutong makinig sa tinig ng Diyos, at personal na imbestigahan at unawain ang iglesia. Ito lang ang tanging paraan upang masalubong ang Panginoon. Kapag hindi ka naghanap at nag-imbestiga, hindi nagtataglay ng tunay na ka-unawaan sa katotohanan, ngunit nag-aalala lang at pikit-matang iangat ang gwardiya, wala itong maidudulot na mabuti. Kapag nalampasan mo ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, ang iyong pagsisisi ay magiging nahuhuli na.” Nadama ko na may katuturan ang sinabi ng asawa ko—tanging sa personal na pag-imbestiga maari kong malaman kung ang daan ba ay tama o hindi. Kapag ito ay mali, direkta ko silang ihahayag, at maari din nitong mailigtas aking asawa.

Kaya, noong Hulyo 2018, ang aking asawa at ako ay nagpunta sa CAG, kung saan ang dalawang kapatid na babae ang mainit na tumanggap sa amin. Sa paglingap ko sa kanila, naisip ko: “Ang batang babae at ginang na ito ay tila marangal at disente, at hindi mukhang masamang tao. Hindi makakabuti kung magsasalita ako ng hindi kasiya-siya. Mas mabuting pakinggan ko muna sila.” Pagkatapos naming mag-palitan ng mga pagbati, ang dalawang mga kapatid na ito ay nagsimulang ipakilala sa amin ang pinanggalingan ng CAG, at ipinakita sa amin ang video, Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko itong sinabi sa video na: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga tagasunod: “At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:3). Kanya ring iprinopesiya: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng pangako at naipropesiya Niya, Ang Diyos ay muling naging laman at bumaba sa Silanganan ng mundo—Tsina—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, pananakop, at kaligtasan gamit ang salita, sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Mula dito, ang propesiya sa Bibliya na ang ‘Paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos’ at ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga Iglesia,’ ay mga natupad na. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya at inakay ang Kapanahunan ng Kaharian.” Matapos panoorin ang video na ito, nakapagkamit ako ng ilang mga pagkaunawa. Lumilitaw ito na ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay batay sa mga propesiya sa Bibliya at hindi katulad ng inilarawan sa online na tsismis. Pagkatapos ang dalawang mga kapatid na babae ay ipinanuod pa sa akin ang maraming mga video at maikling dula, kung saan ang maikling dula na Ang Panginoon ay Kumakatok ay nagbigay sa akin ng isang malalim na kaunawaan. Sa maikling dula, ang pagsisikap ni Kapatid Zhen na magpatuloy at walang tigil na pagpalaganap ng ebanghelyo ang nagpaantig sa akin. Nakita ko na, upang patotoohan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa mga pastor, si Kapatid Zhen ay walang pagod na tumungo upang ipangaral ang ebanghelyo, sa bawat oras, ano man ang pakikitungo sa kanya ng iba. Hindi ba’t ang gayong pananampalataya at pag-ibig ay nagmula sa Diyos? Kung hindi, sino pa ang maaaring magkaroon ng ganitong uri ng pag-ibig? Sa pag-iisip nito, unti-unting kong hinayaan na bumaba ang aking pananggalang at naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:3, 6). Pagkatapos ay nanalangin ako sa Panginoon na hindi na ako magmamatigas, at nais kong ibahagi ang aking pagkalito at saliksikin at suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

At sa gayon, ay sinabi ko sa kanila: “Mga kapatid, nais kong itanong: Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, kung gayon bakit ang maraming propaganda sa telebisyon at sa internet sa Tsina ay nagsabi na ang kaso noong Mayo 28 sa Shandong Zhaoyuan ay ginawa ng mga tao mula sa CAG? Ano ang katotohanan sa likod nito? Maaari mo bang ipaliwanag iyon sa akin?”

Pinakinggan ako ni kapatid Lin at pagkatapos ay matiyagang sinabi: “Kapatid, ang kasong ito ay walang kinalaman sa CAG. Nilikha ito ng CCP upang mai-frame at masisi ang Iglesia. Sa totoo lang, alam ng mga tao na nakakaunawa ang tungkol sa kasong ito, tatlong araw pagkatapos ng pagpatay, bago dininig ang kaso sa korte, tatlo sa mga nangungunang programa ng CCTV, Evening News, Focus Report, at Oriental Horizon, ay walang tiyaga upang ipakita ang mga espesyal na ulat tungkol dito, na kinikilala ang mga nagkasala, Zhang Lidong, Zhang Fan at iba pa, bilang mga miyembro ng CAG. Sa parehong araw, ang Ministry of Public Security ng Tsina ay hayag na nagpahayag ng pang-aaresto sa CAG. Pagkaraan nito, sa pagdinig ng publiko, gayunpaman, malinaw na sinabi ng mga nagkasala na hindi sila nakikipag-ugnayan sa CAG, at hindi rin sila miyembro ng CAG. Ngunit hindi pinansin ng hukom ng CCP ang mga patotoo ng mga suspek at mahigpit na tinukoy na sila ay kaakibat ng CAG. Hindi ba’t ang CCP ay sinasadyang i-frame at dungisan ang CAG? Ano ang mga hangarin at motibo ng CCP? Bakit nagsabi sila ng isang nakahandusay na kasinungalingan? Sa katunayan, ang mga may nakakakilatis na mata ay maaaring makapagsabi kaagad. Ang pag frame at pagsisi ng CCP sa CAG para sa Kasong Pagpatay sa McDonald ay upang ganap na lumikha ng alingawngaw sa publiko upang ganap na sugpuin ito at puksain ito. Ito ang karaniwang panlilinlang ng CCP upang usigin ang mga relihiyosong paniniwala, ang mga kumakalaban at ang mga aktibista ng mga karapatang pantao. Tulad ng kilusan mag-aaral noong ka-4 ng Hunyo na alam ng lahat na: Ang mga kolehiyong estudyante na kasangkot ay mga makabayan, at nang makita na ang illegal na gawain at korupsyon ng mga opisyal ay malubha na, sila ay naglunsad ng makabayang kampanya laban sa korupsyon. Upang sugpuin sila, gayunman, Ang CCP ay espesyal na nagsaayos ng ilang di-kilalang tao upang pasukin ang ranggo ng mga estudyante, at nang saktan sila, bugbugin, pag-nakawan, sunugin at higit pa ang tauban ng mga sasakyan ng militar. Matapos ay kanilang inilagak ang sisi sa mga inosenteng estudyante at ginamit ito na palusot upang i-massacre ang libo-libong mga estudyante gamit ang tangke at machine guns. Mayroon ding insidente ng pag-atake sa Kunming noong 2014, Insidente sa Xinjiang, Insidente sa Tibet, at marami pang iba, na kung saan lahat ay sadyang gawa-gawa ng CCP upang atakihin ang mga sumsalungat at mapanatili ang rehimeng awtoridad nito.”

At ibinahagi ni Kapatid Liu sa akin: “Oo. Tulad ng pagkakaalam ng lahat, Ang CCP ay autokratiko at ateyistang rebolusyonaryong partido. Ang misyon nito ay ang mag-alis ng lahat ng relihiyosong paniniwala at itaguyod ang Tsina bilang kahariang walang Diyos. Kinamumuhian ng CCP ang katotohanan at ang Diyos. Gumagamit sila ng iba’t-ibang paraan upang masugpo ang Kristiyanismo at katolisismo, at ito ay nagdudulot ng pag-aresto sa mga mananampalataya, pagka-kulong o paghihirap na makauwi sa kanilang mga tahanan, kaya’t kanilang nararamdaman na mahirap ang maniwala sa Diyos sa Tsina. Matapos ang Nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay nagpakita upang gumawa at magbigkas ng Kanyang tinig sa Tsina, ang mga tao sa iba’t- ibang denominasyon at ang mga lumalakad sa buhay na may pagmamahal sa katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos, ay nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay napatunayan na ito nga ang tinig ng Diyos at ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at kaya isa-isang tinanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at bumalik sa harapan ng trono ng Diyos. Sa loob ng wala pang dalawampung taon, mga halos apat na milyong mga tao ang nagbalik sa Makapangyarihang Diyos sa mainland ng Tsina, at ngayon ang ebanghelyo ng kaharian ay lumaganap sa maraming mga bansa at mga rehiyon sa ibang bansa. Ang mabilis na paglago ng CAG ay nag-angat ng panik sa loob ng CCP—kinatatakutan nito na matapos maniwala sa Makapangyarihang Diyos, mauunawaan ng mga tao ang katotohanan, makikita ng malinaw ang kasamaang kakanyahan, at itanggi ito. Sa ganitong paraan, ang kaparangan na ambisyon nitong kontrolin at hawakan ang mga mamamayang Tsino at mangibabaw sa buong mundo ay ganap na mapapawi. Kaya upang mapanatili ang pamamahala ng diktadura nito, ang CCP ay hindi tumitigil sa pagpigil at pag-uusig sa CAG at sa mga nakaraang taon ang pang-uusig ay lumala ng lumala, at ang bilang ng mga Kristiyano na brutal na pinahirapan hanggang sa kamatayan ay tumataas nang matindi. Ito ang lahat ng mga katunayan at ang katotohanan sa likod ng katotohanan na sinadya at gawa-gawa ng CCP ang May 28 na kaso ng Pagpatay sa Zhaoyuan upang dungisan ang CAG. Ngunit ang CCP ay nagpapahayag sa ibang mga bansa na ang Tsina ay may kalayaan sa paniniwala sa relihiyon, at palaging ipinagmamalaki na sila ay mahusay, maluwalhati, at tama, gamit ang mga ilusyon upang linlangin ang mga tao sa ibang mga bansa. Ang katotohanan, gayunpaman, ay lalabas. Sapagkat ang CCP ay nakagawa ng labis na kasamaan, ang ilang mga dayuhan na iskolar ng karapatang pantao at mga eksperto ay nakakita ng tunay na mukha nito. Halimbawa, si Prof. Massimo Introvigne, isang sosyolohista sa Italya at taga-pagtatag at tagapamahalang direktor ng Center for Studies on New Religions ay, pagkatapos mag-imbestiga sa kaso ng Zhaoyuan, nilinaw ang mga katotohanan, sinabi na wala itong kinalaman sa CAG, at napatunayan na ito ay ang batayan ng mga pampublikong opinyon na ginawa-gawa ng CCP para sa pagsugpo sa CAG. Sinuri din niya ang pamahalaan ng CCP dahil sa panlilinlang nito sa mga tao ng ibang mga bansa.”

Dahil sa pagbabahagi ng dalawang mga kapatid na babae naramdaman ko na nagising ako mula sa isang panaginip. Ang kinalabasan, ang Mayo 28 na Kasong Pagpatay sa Mc Donald’s sa Zhaoyuan ay walang kaugnayan sa CAG, at ito ay maingat na dinisensyo ng CCP para sugpuin at bawalan ang CAG na may binabalak na mamuno sa Tsina magpakailanman. Ang CCP ay hindi lang inuusig ang CAG, kung hindi inuusig din ang Kristiyanismo, Katolisismo at Budismo at iba pang denominasyon, at hindi rin nila pinalampas kahit na ang Uighurs at Tibetans. Talagang kinakalog nila ang kanilang mga utak at inuubos ang lahat ng kanilang mga pamamaraan upang kontrolin at alipinin ang mga tao. Napakasama nila at nakakamuhi! Naisip ko na kung paanong, simula nang ipinanganak ako, ako ay nalinlang at inalipin ng Tsina, isang estado ng awtoridad. Kaya, noong marinig ang negatibong propaganda ng CCP laban sa CAG, ako ay natakot, hindi nag-lakas loob na maniwala sa Makapangyarihang Diyos, at hinadlangan pa ang aking asawa ng paulit-ulit. Gaano ako kahangal at bulag! Kung hindi sa pagbabahagi ng mga kapatid na babae nang araw na iyon, hindi ko makikita ang kasuklam-suklam na mga layunin ng CCP, at mananatili sa kadiliman, may maling pagka-unawa sa CAG, at hinaharangan ang aking asawa mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos—muntik na akong sumunod sa CCP sa paggawa ng kasamaan. Ngayon sa wakas ay nalaman ko na ang katotohanan.

Ang Pinaka-susi Para sa Pagsusuri sa Gawain ng Diyos Ay Pakikinig sa Tinig ng Diyos

Pagkatapos, si Kapatid na Lin ay nagtanong: “Kapatid, nakatulong ba ang pagbabahagi na ito na maintindihan mo?” Sumagot ako: “Oo. Sa pamamagitan ng inyong pagbabahagi, naunawaan ko ang panloob na pangyayari sa Mayo 28 na Insidente. Wala itong kahit na anong kinalaman sa CAG, at ito ay mag-isang pinlano ng CCP upang ipagbawal ang iglesia. Ang ganoong kasuklam-suklam na mga pamamaraan ay palaging ginagamit ng CCP upang atakihin at diskriminahin ang mga kumakalaban sa kanila.” Sabi ng kapatid na babae: “Salamat sa Diyos! Totoo yan. Ngayon hayaan mong magbahagi ako ng isang sipi sa iyo, ‘Kung nagsasaliksik ka ng totoong daan, dapat mong hanapin kung ang mga salita na sinasabi ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang tinig ng Diyos, maging sila ang katotohanan at kung ang mga ito ay gawain ng Diyos. Ito ang dapat mong imbestigahan. Kung ang mga salitang ito ay katotohanan, kung ang mga ito ay tinig ng Diyos, at ang mga ito ay gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon sa kabila ng sasabihin sa atin ni Satanas, dapat tayong maniwala dito sapagkat ang Diyos ang katotohanan, at ang bibig ni Satanas ay napuno ng kasinungalingan. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang Kanyang mga salita ay Kanyang gawain, at ang Diyos ay matuwid at banal. Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman, maaaring maging mali. Ang sinumang tao ay maaaring maging mali, ngunit ang Diyos ay hindi maaaring maging mali. Ang sinumang tao ay maaaring magsinungaling, maaari silang mandaya at manlinlang ng iba, ngunit ang Diyos ay hindi nagsisinungaling; Ang Diyos ay banal at matuwid at Siya ang katotohanan. Ang ilang mga tao ay hindi sinisiyasat ang mga salita ng Diyos ngunit tinitingnan lamang ang mga kritika ng pamayanang pang-relihiyon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at pinuno ng Iglesia. Ngunit ang mga salita ba ng mga nasa relihiyosong mundo ay kumakatawan sa mga salita ng Diyos? Kung hindi ka naniniwala sa taong ito, ayos, ngunit palagi kang dapat maniwala sa Diyos, hindi ba? Kung hindi mo binabasa ang mga salita ng Diyos ngunit laging tinatanggap si Satanas at ang kanyang salita, hindi ba si Satanas ang iyong pinagkakatiwalaan? Naniniwala ka ba talaga na ang mga salita ni Satanas ay katotohanan? Kung gayon, may mga problema sa iyong pananampalataya; aktibong naniniwala ka sa mga salita ni Satanas. Mayroon ding ilan na, kapag tinitingnan ang totoong daan, partikular na tumingin sa mga pahayag sa mga kilalang website mula sa sekular na mundo. Sinabi nila, “Ano ang sinasabi nila sa mga website na iyon ay dapat maging tama!” Ngunit, talaga, ano ang mga website na iyon? Hindi ba ito rin ay sa mundong ito? Hindi ba ang mga salitang sinulat rin ng mga tiwaling tao? Hindi ba sila bahagi ng masamang kapangyarihan ni Satanas? Naglalaman ba sila ng katotohanan? Hindi sila naglilingkod sa Diyos, tiyak na hindi nila sinasamba ang Diyos at hindi sila mga pangkat na binibigyan ng patotoo ng Diyos. Bakit mo naman sila paniniwalaan? Nagsinungaling sila sa kanilang mga ngipin at nagkakalat ng mga kasinungalingan. Ipinapamahagi nila ang anumang mga tsismis o kasinungalingan na sabihin ng satanikong gobyerno. Hindi ba’t ginagawa sila nitong organisasyon na nagkakalat ng mga kasinungalingan? Ipinapasa nila ang anumang mga tsismis na nilikha ng pamahalaan ng Komunista ng Tsina, anuman ang mga pagtatangka nilang gawin upang siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya, hindi ba ito mga kasangkapan para kay Satanas upang maikalat ang mga kasinungalingan nito? Hindi ba ito mga kasangkapan para kay Satanas upang linlangin ang tao? Bakit naniniwala ang mga tao sa mga bagay ni Satanas kapag nagsasaliksik ng totoong daan? May sakit ba sila sa ulo? Naniniwala ba sila na ang mundo ay matuwid at patas? Kung ang pamahalaan o pamayanang pangrelihiyon ay nagbibigay ng mga komento at pag-aangkin kung alin ang tunay na daan at kung saan ang tunay na Diyos, naniniwala lamang sila dito. Kung sasabihin ng pamahalaan o pamayanang pangrelihiyon na ang isang bagay ay hindi ang tunay na daan, o sinabi na ang ilang Diyos ay hindi totoo, hindi nila ito paniniwalaan. Sino ang pinaniniwalaan ng mga taong ito? Naniniwala sila sa pamahalaan, naniniwala sila sa mga salita ng pamayanang relihiyon, at mga salita ng mga relihiyosong pastor at matatanda. Ang ganyan tao ba tunay na mananampalataya? Hindi sila naniniwala sa Diyos, hindi sila nagtitiwala sa Diyos, hindi sila naniniwala na ang Diyos ay totoo, at hindi nila inamin na ang Diyos ang katotohanan. Lalo silang hindi nakakaalam ng katotohanan. Samakatuwid, kapag ang isang tulad noon na tumitingin sa tunay na daan, sila ay na paralisa sa sandaling naririnig nila ang mga kasinungalingan at alingawngaw ni Satanas. Ito ba ay isang matalinong tao? Naguguluhan sila! Mayroon lamang isang alituntunin para sa aking paniniwala sa Diyos: Kung ang isang tao ay Diyos, kung maaari Niyang ipahiwatig ang katotohanan at mailigtas ang sangkatauhan, sa gayon ay maniniwala ako sa Kanya at ang aking pananampalataya ay hindi mababago. At hindi ba tayo naniniwala sa Diyos upang matanggap ang katotohanan? Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng katotohanan ay makakamit mo ang Diyos. Kung hindi ka nakakakuha ng katotohanan kung gayon ang iyong pananampalataya ay isang pagkabigo, walang kabuluhan, at hindi mo makakamit ang Diyos’ (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay, Tomo 138).”

Ang sister ay nagpatuloy sa kanyang pagbabahagi, nagsasabing: “Itong sipi ng pagbabahagi ay ginawa itong malinaw. Ang negatibong propaganda online ay mga alingawngaw na ginawa ng CCP upang dungisan ang CAG. Ang layunin nito ay linlangin yaong mga kulang ang pagkaunawa sa mga katunayan at hayaan silang matakot sa CAG, upang hindi sila maglakas-loob na mag-imbestiga at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at susundan pa ito sa pagkalaban at pagkondena sa Makapangyarihang Diyos, at sa huli ay mawawalan ng kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Sa katunayan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus at mayroong biblikal na batayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Tulad lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:47–48). Mula dito, makikita natin na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, ay bibigkas Siya ng mas maraming mga salita, gagamitin ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay, at gagabayan tayo sa lahat ng katotohanan. Kaya, kung gusto talaga nating hanapin at imbestigahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin maaring paniwalaan ang mga sabi-sabi at kasinungalingan ng CCP, at sa halip kailangan nating personal na makinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ito ba ay tinig ng Diyos. Ito ang paraan kung paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Diyos. Tulad ng mga disipulo ni Panginoong Jesus na sina Pedro at Juan—sa panahong iyon hindi sila nakinig sa mga salita ng gobyerno ng Roma at mga Fariseo sa paglaban at pagkondena sa Panginoon Jesus, ngunit sa halip ay nakatuon sa pakikinig kung ang mga salita ng Panginoon ay katotohanan at tinig nga ng Diyos, at kaya sa huli ay nakasunod sa gawain ng Diyos at nakamit ang pagpapala ng Diyos.”

Ang pagbabahagi ng kapatid na babae ay nagpahintulot sa akin na maunawaan na, sa pag-iimbestiga sa tunay na daan, dapat akong mag-pokus sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos sa halip na makinig sa mga salita ng CCP. Ang CCP ay kalaban ng Diyos at ito ay palaging kumakalaban sa Diyos. Naniniwala ako sa Diyos ngunit nakinig sa mga salita ni Satanas—hindi ba ako isang hangal? Bukod pa, tanging Diyos lang ang makapagpapahayag ng katotohanan, magbigay sa atin ng buhay, at mag-dalisay at bumago sa atin. Kaya, hindi ako maliligaw hangga’t hinanap ko ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Naisip ko kung paano pagkatapos naniwala ang aking asawa sa Makapangyarihang Diyos at binasa ang kanyang mga salita sa isang panahon, tunay siyang nagbago. Bilang halimbawa, dati ay mabilis siyang magalit at palagi kaming nag-aaway, pero pagkatapos maniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi na siya nakipag-alitan sa akin kahit na paulit-ulit ko siyang pinagalitan at hinadlangan, at sa halip ay mahinahon siyang nagbabahagi sa akin. Hindi ba’t lahat ng ito ay kanyang pagbabago? Marahil sa pag-iimbestiga sa tunay na daan, kailangan kong pagtuunan ng atensyon ang pakikinig sa salita ng Diyos at huwag tukuyin ang gawain ng Diyos base sa mga sabi-sabi ng CCP: kung hindi, mawawala sa akin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw!

Pagkatapos, linggu-linggo kapag may oras ako, dumadalo ako sa mga pagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos kasama ang aking mga kapatid na lalake at kapatid na babae. Unti-unti kong naunawaan ang maraming katotohanan at mga misteryo, gaya ng Tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao, ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain sa Kapanahunan ng Kaharian, ang mga paraan ng paggawa ng Diyos, ang Kanyang disposisyon at anong mga resulta ang matatamo Niya sa wakas ng bawat yugto ng gawain, at napag-alaman ko na ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay ipinapatupad ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan at ayon sa antas ng ating katiwalian mula kay Satanas, at na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa sangkatauhan. Naintindihan ko din ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang misteryo ng pangalan ng Diyos, ang katapusan at huling hantungan para sa sangkatauhan, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ay ang hindi ko kailanman nalaman at hindi malalaman sa relihiyon. Ang Makapangyarihang Diyos ay binuksan ang lahat ng mga misteryo ng langit sa ating lahat at inihayag ang gawain ng Diyos ng malinaw. Sino pa ba ang makakagawa nito bukod sa Diyos? Ang Makapangyarihang Diyos ay tunay na nagbalik na Panginoong Jesus. Kaya malugod kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Sa pagkakaroon ng mas maraming ugnayan sa mga kapatiran, nakita ko na sila ay simple at tapat, ginagamit nila ang mga salita ng Diyos bilang prinsipyo sa kanilang mga salita, kilos, at sa kanilang interaksyon sa iba, at silang lahat ay pinupursige ang katotohanan at isinasagawa ang pagiging matapat na tao. Hindi sila katulad sa sinasabi sa mga alingawngaw. Sa aking pakikisama sa kanila, hindi ko kailangan itaas ang aking gwardya at nakadama ako lalo ng seguridad sa aking puso. Ako ay talagang nagsasaya kapag napapaligiran nila. Ngayon, ang aking relasyon sa aking asawa ay mas lalong nakakaaliw. Kapag may pagsasalungatan o hindi-pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa, bukas loob kaming nakikipagbahagian sa isa’t-isa, kinikilala ang umiiral na problema sa amin, at natututo mula sa isa’t-isa. Kapag ang asawa ko ay lalabas upang dumalo sa pagtitipon o gampanan ang kanyang tungkulin, aktibo kong hinahatid siya sa kanyang mga pupuntahan. Bukod pa, isinasagawa ko din ang tungkulin ng isang nilalang—pakikipaggbahagian kasama ang mga kapatiran na ka-tatanggap palang sa gawain ng Diyos sa mga pagpupulong at tinutulungan sila na maresolba ang mga problema at mga kahirapan sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa salita ng Diyos. Sa pagsasagawa ng pagtupad sa aking tungkulin, naintindihan ko lalo ang salita ng Diyos, at natututo ako ng bagong bagay at nagkakamit ng bagong kaalaman sa bawat pagpupulong. Kahit ano pang problema at kahirapan ang naganap, nakakahanap ako ng daan sa pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos.

Aking Pasasalamat sa Diyos

Iniisip ang landas na aking sinundan, sa simula dahil kulang ako sa katotohanan at pagkilala, ako ay naniwala sa mga sabi-sabi ng CCP, sinubukang pigilan at hadlangan ang aking asawa sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, at ginamit ang lahat ng pamamaraan upang pilitin siya na bumitaw sa kanyang paniniwala sa Kanya, ginampanan ang tungkulin ni Satanas sa paglaban sa Diyos. Ngunit ang Diyos ay hindi ako itinuring ayon sa aking paglabag. Sa pagbabahagi ng kapatid na mga babae, hinayaan ako ng Diyos na maunawaan ang katotohanan ng katunayan, upang masunod ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, gampanan ang aking tungkulin, at maghanda ng mabubuting gawa. Hinding hindi ko mababayaran ang Makapangyarihang Diyos sa kanyang awa, at hinahangad ko lang na taimtim na pursigihin ang katotohanan at tuparin ang aking tungkulin ng mabuti para masuklian ang Kanyang pagmamahal. Salamat sa Diyos!