Ni Joey, ng Estados Unidos
Tala ng Editor: Maraming tao ang nakakakita sa Bibliya kung paano tinutukoy ng Diyos sa langit ang Panginoong Jesus bilang Kanyang minamahal na Anak at kung paano ipinagdarasal ng Panginoong Jesus sa Diyos sa langit na tinawag Siya na Ama.
Dahil dito, naniniwala sila na ang kasarian ng Diyos ay lalaki at na kapag bumalik ang Panginoon, dapat niyang gawin ito bilang isang lalaki. Gayunpaman, naaayon ba sa katotohanan ang ideyang ito? Ang Panginoon ba ay lilitaw at gagawa ng trabaho ayon sa mga ideya ng mga tao? Ngayon, hahanapin natin ng sama-sama ang sagot sa mga karanasan ni Joey.
Ang Isang Panlabas na Pelikula ay Nagbigay ng Isang Espirituwal na Paggising
Isang gabi noong Hunyo ng 2018 habang pinangangasiwaan ang aking anak na lalaki habang siya’y naglalaro sa liwasang-bayan, napansin ko na ang ilang mga tao ay nagpapalabas ng isang pelikula sa malapit, kaya, dahil hindi karaniwan, lumakad ako papunta upang makita kung ano ang pelikulang pinalalabas. Iyon pala’y ipinalalabas nila ang dokumentaryong Kristiyano, Siya Na May Kapangyarihan sa Lahat. Ang pelikula ay nagtatampok ng mga maringal at magagandang tanawin at ang musika ay kasing tono ng pag-awit ng mga anghel. Agad akong nakipaghalobilo at kinuha ang aking telepono upang i-record ang pelikula habang pinapanood ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa paghanga. Sa loob lamang ng siyam-napung maikling minuto, nilukob ng pelikula kung paano iniutos at pinasiyahan ng Diyos ang kapalaran ng tao mula pa noong paglikha hanggang sa kasalukuyan. Napaka-gandang pelikula!
Nakita ko sa wakas ang mga kapurihan na ang pelikula ay ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at naisip ko sa sarili ko na ito ay dapat na isang napakabuti na simbahan upang makapagtatag ng dakilang testamento sa Diyos. Ito’y nagpa-isip sa akin sa aking sariling simbahan sa paghahambing: Ang mga sermon ng mga pastor ay walang diwa at pinag-uusapan lamang nila ang paggawa ng mga donasyon sa simbahan at pag-iingat sa ibang mga denominasyon. Nakaka-inip ang mga sermon kaya maraming mga parokyano ang sa huli’y nakaka-tulog habang nakikinig. Ang mga pastor ay talaga ring nagmumukhang pera—hindi nila binibigyan ng pansin ang mahihirap ng mga parokyano, ngunit ginagawa ang lahat para sa mga masalaping mga parokyano, sinasalubong sila sa kanilang pagdating at inihahatid matapos ang mga pagserbisyo. Kinapopootan ko kung paano sumasalungat ang mga pastor sa mga turo ng Diyos at hindi nagawang pakitunguhan ng pantay-pantay ang mga tao. Matapos ito, nagpunta ako sa iba’t-ibang simbahan upang magsiyasat, ngunit ang sitwasyon ay higit pa o kulang rin na natutulad. Sa pag-iisip ng lahat ng ito, naging labis akong malungkot—para bang ang iglesya ay wala nang presensiya ng Diyos. Naisip ko kung paano madalas sabihin ng mga pastor na ito na ang mga oras ng katapusang panahon, natutupad na ang mga hula ng pagdating ng Panginoon at malapit na siyang magbalik. Ngunit, ang nag-iisang simbahan sa mundo na nagpapatotoo sa balita ng pagbabalik ng Panginoon ay ang Kidlat ng Silanganan at sinabi nila na Siya ay bumalik na bilang isang babae upang lumitaw at gumawa ng gawain. Ito ay imposible! Malinaw na sinasabi ng Bibliya na ang ugnayan sa pagitan ni Jehova na Diyos at ng Panginoong Jesus ay “Ama at Anak”—nagpapatunay ito na lalaki ang Diyos at kapag Siya ay bumalik, tiyak na lalaki din Siya. Paano Siya maaaring maging isang babae?
Nakaramdam ng Kasalungatan Matapos ang Isang Pakiki-pagharap Sa Kidlat ng Silanganan
Matapos ang kalahating taon, dumalo ako sa isang pagdiriwang ng kaarawan para sa aking kaibigan. Sa pagdiriwang, nakilala ko ang isang mangangaral na nagngangalang Kapatid Liu at marami pang ibang mga kapatid na hindi ko nakikilala. Dahil ang mga pastor ay palaging binabalaan kami na mag-ingat sa mga taong hindi kilala na nangangaral ng paraan ng Kidlat ng Silanganan, ako ay, sa oras na iyon, maingat na naglalagay ng malabrasong distansya. Sa kabila nito, ang lahat ay nagsasalita ng may kalayaan at walang pagpipigil na pag-uugali tungkol sa kanilang mga karanasan sa kanilang paniniwala sa Diyos pati na rin ang katakut-takot na kalagayan ng simbahan. Nang oras na upang kumain, ang mangangaral na si Kapatid Liu ay nagsabi ng grasya at pinangunahan ang panalangin, na nagsasabing, “Mahal na Maykapal! Naramdaman naming lahat na wari bagama’t ang simbahan ay nasa isang mapanglaw at naiiwanan na estado at nakararanas ng lahat ng uri ng mga paghihirap. Lahat kami ay nababalisang naghihintay sa Iyong pagpapakita at pinananabikang mahanap ang isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Oh Maykapal! Handa kaming ibigay ang problemang ito sa Iyo at hinihiling na gabayan Mo kami! Naniniwala kami na ang aming pagpupulong dito ngayon ay may kasama ng Iyong mahabagin na hangarin at hinihiling na patnubayan mo kami ng mga kapatid sa aming pagbabahagian.” Sa kaibahan ng mataas na retorika na ginamit ko sa pakikinig sa mga pagdarasal ng mga pastor, sa pagdarasal ng kapatid ay madarama ang tunay na kagandahang loob at kataimtiman—bawat salita ay tila nagsasabi ng aking kaibuturan sa aking isipan. Lamang ang maikling panalangin na ito ay naging mas nagpalapit sa akin sa mga kapatid at nagpahintulot upang maging bukas ako matapos maunang sobrang sarado. Para bang ang mga kapatid na ito na ngayon ko lamang nakilala ay naging malalapit na mga kaibigan.
Habang kumakain kami, ipinagkatiwala ko sa mga kapatid kung paano ako nalilito sa paglamig at kapanglawan sa simbahan. Sinabi ni Kapatid Liu na ang dahilan ng paglamig at pagpanglaw sa simbahan ay dahil ang karamihan sa mga pinuno ng relihiyon ay nabigo na igalang at sundin ang salita ng Panginoon, hindi nakakgagabay sa mga mananampalataya sa pagsasagawa ng salita ng Panginoon, hindi sineseryoso ang mga kawalang-katarungan na mga gawa sa simbahan, tanging ipinaliwanag lamang ang kaalaman sa bibliya upang ipagmalaki ang kanilang mga sarili, hindi nagpatotoo o pumupuri sa Diyos sa kinababaan, at ganap na humiwalay mula sa paraan ng Diyos. Dahil dito, nawala nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kanya ring tinalakay kung paano ang katotohanan na ang napakaraming mga paglabag sa batas na nagaganap sa simbahan ay isang palatandaan na iniwan na ng Diyos ang mga relihiyosong lugar at hindi na gumagana roon ang Banal na Espiritu. Sinabi niya na kung nais ng isang tao na makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat nilang hanapin ang mga yapak ng Diyos. Nadama kong ang pakikisalamuha ni Kapatid Liu ay may katalinuhan at mayroong kaliwanagan ng Banal na Espiritu at kaya’t nagmadali akong kumuha ng panulat at papel at nagtala habang siya ay nagsasalita.
Pagkatapos ng hapunan, ibinabahagi sa amin ni Kapatid Liu ang tungkol sa paraan ng pagbabalik ng Panginoon, ang misteryo at katotohanan ng pagkakatawang-tao, ang katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at kung paano makilala ang pagitan ng totoong Kristo at huwad na mga Kristo, bukod sa iba pang mga paksa. Mula sa pakikinig sa pakikisama ng kapatid, sa palagay ko ay pinatototohanan niya na bumalik na ang Panginoong Jesus. Narinig ko rin na binabanggit ng kapatid ang pariralang “ang kidlat na kumikidlat sa silanganan” nang maraming beses. Nabigla ako at hindi ko maiwasang na itanong: “Kapatid Liu, ang sinasabi mo ba ngayon ay ang pangangaral ng Kidlat ng Silanganan? Narinig ko na ang mga tao lamang mula sa Kidlat ng Silanganan ang nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoon.”
Ngumiti ang kapatid at tumango ang kanyang ulo na nagsasabing, “Tama iyan, kapatid, tunay na bumalik na ang Panginoong Jesus. Ang pangalang Kidlat ng Silanganan ay mula mismo sa propesiya ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27). Ang sinasabi ng propesiya na ito ay na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay magiging maikli at mabilis, tulad ng isang tumiwalag na kidlat—”
Bago pa matapos ang pagsasalita ni Kapatid Liu, masasabi ko na ang katunayan na nangangaral siya ng sermon ng Kidlat ng Silanganan, at kaya ay gumawa ako ng isang dahilan upang umalis. Pag-uwi ko sa bahay, nakararamdam ako ng pagkalito at labis na nalulumbay—hindi ko nais na kilalanin na ang pangaral na ipinangaral ni Kapatid Liu ay ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Naisip ko sa aking sarili, “Ang pagbabahagi ni Kapatid Liu ay may katalinuhan at nagliliwanag, walang anumang katulad samga maling pananampalataya na ibinubuga ng mga pastor. Nagkamali ba ang pag-intindi ko kay Kapatid Liu? Hindi ko mapigilang mag-online at hinanap ang Kidlat ng Silanganan. Ang impormasyon na natagpuan ko ay nagsabi na ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik bilang isang babae. Labis akong hindi mapakali, naisip ko sa aking sarili, “Kung iyon ang kaso kung gayon ang mga pangangaral ng Kidlat ng Silanganan ay tiyak na hindi magiging tama. Dahil walang paraan na ang Panginoon ay babalik bilang isang babae. Kung tutungo ka sa maling landas palagi kang maaaring umikot at bumalik, ngunit kung ipagkanulo mo ang Diyos, wala ng bawian ito. Sa hinaharap, hindi ko na dapat pakinggan ang anumang pangangaral nila.”
Gayunpaman, hindi ko matanggal ang balita ng pagbabalik ng Panginoon sa aking isipan. Nang gabing iyon, walang kamalayan na binuksan ko ang kuwaderno na naglalaman ng mga tala na ginawa ko noong araw na iyon sa pagdiriwang ng kaarawan at naisip ko ang pagbabahagi ni Kapatid Liu. Naisip ko sa aking sarili, “Sa aking buong panahon sa simbahan, hindi ko naintindihan ang mga katotohanan na pinakibahagi ni Kapatid Liu sa kasalukuyan. Maaari ba na ang Diyos na kung saan pinatotohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang tunay na bumalik na Panginoong Jesus? Kung hindi ako tutungo at makikinig at mawalan ng pagkakataon na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, hindi ko ba isinagawa ang pananampalataya nang walang kabuluhan sa lahat ng mga taong ito? Ngunit ang Kidlat ng Silanganan ay malinaw na mali na magpatotoo na ang Panginoon ay bumalik bilang isang babae. Sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay Diyos Ama at ang Panginoong Jesus ay ang Banal na Anak, kapwa sila mga lalaki. Kaya’t kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay dapat maging isang lalaki, at hindi maaaring maging isang babae….” Lumakad akong paroo’t parito na nakikipagtalo sa aking sarili at, hindi alam kung ano ang gagawin, tahimik akong nanalangin sa Diyos na nagsasabing,” Panginoonko! Sa aking palagay si Kapatid Liu ay nagbahagi nang mabuti at ang kanyang pangangaral ay naaayon sa Bibliya. Nag-aalala ako na kung hindi ako magpapatuloy na makinig at talagang dumating Ka, mawawala ko ang aking pagkakataon. Gayunpaman, nag-aalala din ako na baka mali na magpatuloy sa pakikinig at maaaring, sa ganitong paraan, ipagkanulo Ka. Hindi ko lang alam kung ano ang aking gagawin ngayon. Mahal na Diyos, mangyaring tulungan at gabayan mo po ako.”
Ang mga Nosyon ay ang Ugat na Dahilan ng Paglilimita sa Diyos
Salamat sa Diyos, hindi nagtagal nang matapos ko ang aking dalangin, isang kaibigan ang tumawag sa akin at inanyayahan akong dumalo at makinig sa isang sermon na magkasama. Ipinayo din ng kaibigan ko na direktang ipahayag ang aking mga pagkalito kay Kapatid Liu at hangarin na maunawaan ang may-kaugnayan sa katotohanan, at magdesisyon lamang tungkol sa kung magpapatuloy akong makikinig pagkatapos malutas ang aking mga pagkalito. Ang mga salita ng aking kaibigan ay isang kabuuang paghahayag para sa akin. Syempre! Mali o tama, dapat akong maghintay hanggang sa mahanap at maunawaan ko at bago ako magpasya. Sa ganitong paraan, hindi ko na kailangang balik-balikan ang aking sarili tulad sa nagdaan. Kung hindi ko kailanman nalutas ang aking mga pagkalito at namuhay ng bulag sa aking sariling mga nosyon nang hindi nakikinig sa ibang pananaw na ito at ito nga ay naging tunay na ang Diyos na pinatotohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, kung ganoon ay nilalabanan at tinatalikuran ko ang Diyos at ang aking pagsisisi ay darating kung kailan huli na. Dahil dito, nagpasya akong pumunta at makinig sa pakikisalamuha ni Kapatid Liu sa aking kaibigan.
Dito, ay ang aking pangalawang beses na pakikipag-pulong kay Kapatid Liu, tinanong ko siya, “Kapatid, sinasabi mo na ang Kidlat ng Silanganan ay ang paglitaw at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus, ngunit narinig ko na ang Kidlat ng Silanganan ay nagsasabing ang Panginoong Jesus ay muling dumating bilang isang babae, paanong nangyari ito?”
Ang kapatid ay ngumiti at sinabing, “Kapatid, may ebidensya ba sa Bibliya na sumusuporta sa ating paniniwala na kapag muling dumating ang Panginoon ay hindi Niya gagawin ito sa babaeng pang-anyo? Sinabi ba ito ng Panginoong Jesus? Iprinopesiya ba ito ng mga propeta? Kung hindi, gayon ang paniniwala na ito ay hindi ba batay sa ating mga nosyon at imahinasyon? Hindi ba ito ang ating sariling pagtatakda ng mga hangganan? Sinabi ng Diyos: ‘Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ni Jehova. Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip’ (Isaias 55: 8–9). Ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang Kanyang mga paraan ay kamangha-mangha at hindi mahuhulaan. Kaya, sa bawat oras na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng gawain, walang paltos na lumalampas ito sa ating mga paniwala at imahinasyon. Lalo na sa isang bagay na mahalaga tulad ng pagbabalik ng Panginoon, hindi ba mas maaaring tama na mamuhunan sa karunungan ng Diyos? Kung palagi nating nililimitahan at sinusukat ang gawain ng Diyos alinsunod sa ating sariling mga kaisipan, ay walang-paltos nating nilalabanan ang Diyos! Ito ay magiging katulad ng kung paano ang mga Pariseo, na nakabasa ng banal na kasulatan na ang Mesiyas ay magiging kanilang kaligtasan, nagpatuloy sa kanilang sariling mga pagkaunawa at imahinasyon sa pag-iisip na kapag ang Diyos ay bumalik, ang Kanyang pangalan ay dapat na Mesiyas at Siya ay dapat na maging Hari sa pinagmulan. Gayunpaman, nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ang kalagayan ng Kanyang pagdating ay lubusang malalim na sumasalungat sa mga naunang pagkaunawa ng mga tao—hindi Siya tinawag na Mesiyas, ipinanganak sa isang sabsaban (hindi sa palasyo ng hari) at lumaki sa isang pamilya ng mga karpintero. Bagaman malinaw na alam ng mga Pariseo na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan, hindi nila iniimbestigahan o sinaliksik. Sa halip, dahil ang gawain ng Panginoong Jesus ay hindi akma sa kanilang mga pananaw at imahinasyon, hindi nila kinilala Siya bilang Mesiyas at ipinako Siya sa krus, sa huli ay ginalit ang disposisyon ng Diyos at naging mga masasama na lumalaban sa Diyos. Kaya, nararapat nating kunin ang mga Fariseo bilang halimbawa at tigilan ang paglilimita sa gawain ng Diyos tulad ng kanilang ginawa sa lahat ng kabayaran. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang gawain ng Diyos na hindi naaayon sa ating mga pananaw, nararapat tayong mapagpakumbaba at dahan-dahan na nagsasaliksik hinggil sa Kanyang gawain.”
Matapos kong marinig ang pagbabahagi ni Kapatid Liu, nakaramdam ako ng lubusang pagka-kumbinse at pagkapahiya. Naisip ko, “Tama iyon, ang Diyos ang Lumikha. Paano ako, isang tao na hamak bilang maliit na butil ng alikabok, masyadong nakakaintindi at nililimitahan ang gawain ng Diyos sa lahat ng Kanyang kadakilaan? Kung hindi ko maintindihan, maaari muna akong sumang-ayon at magsimulang maghanap!”
Itutuloy …