16.12.19

Pagninilay ng Kristiyano: Tunay Ka bang Naglilingkod sa Diyos


Kahulugan ng Buhay : Tunay Ka bang Naglilingkod sa Diyos


Ni Liangzhi

Isang Kuwento ng Pagkalkula: Pagkain para sa Pag-iisip

Nakabasa ako ng isang kuwento sa online tungkol sa isang bata na nagbigay ng bayarin sa kanyang ina, at sa bayarin na iyon ay isinulat niya ang lahat ng mga bagay na nagawa niya upang matulungan siya sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa kanyang maliit na kapatid na babae; sinabi niya na ang kanyang ina ay dapat magbayad sa kanya ng 50 dolyar.  Binayaran siya ng kanyang ina ng 50 dolyar at pagkatapos ay naghanda siya ng isang bayarin para sa kanya. Sinama niya ang lahat ng uri ng mga bagay tulad ng kanyang kapanganakan, ang oras na ginugol niya sa kanya kapag siya ay may sakit, nang tinuturuan siya na lumakad, at ang pananalangin para sa kanya. Ang lahat ay nakalista sa zero na mga dolyar. Nang makita ito, nakaramdam ng hiya ang batang lalaki at ibinalik sa bulsa ng kanyang ina ang 50 dolyar.

Ang anekdota na ito ay nagpangiti sa akin, at naisip ko, “Ganunpaman, ang bata sa kwento ay bata pa. Bakit hindi natin patatawarin ang kamangmangan ng mga bata?” Ngunit pagkatapos ay talagang pinaglaanan ko ito ng pag-iisip: Hindi ba ang pag-iisip ng batang walang muwang ay salamin ng sikolohiya ng karamihan sa mga tao ngayon? Sa ganitong isang materyalistikong lipunan, maraming mga bagay na malinaw na may mga presyo silang itinatak, kaya natural na inaasahan natin ang kabayaran sa ating mga pagsisikap. Minsan, ang isang bagay na talagang dapat nating maging kontribusyon ay nagiging isang walang puso na transaksyon.

Pagpapaubaya sa mga Bagay, Paggugol ng Sarili, Buong Sikap na Paggawa para sa Diyos: Para Saan ang Mga Ito?

Hindi ko mapigilang isipin ang aking sariling karanasan. Hindi rin nagtagal, naging abala ako sa gawain ng simbahan. Tumatakbo ako at patuloy na abala, bumabangon ng maaga at nagtatrabaho ng dis-oras ng gabi, at kahit mahirap at nakakapagod, nasisiyahan ako sa ginagawa ko. Isang araw ay umalis ako sa bahay nang 5:00 a.m. upang makarating sa bahay ng isang kapatid na lalaki na nakatira nang 15 kilometro ang layo bago mag 6:00 a.m., at pagkatapos ay lumabas ako kasama ang ilang mga kapatid upang ibahagi ang ebanghelyo. Kahit na hindi na ito ang tayog ng taglamig ngunit mayroon pa ring ginaw sa hangin, mas lalo na sa panahon ng madaling araw. Nilamon ng kalamigan ang mundo makalipas ang isang mahabang gabi; ang mga puno sa tabi ng kalsada ay nagyelo at tila walang buhay. Sa kabila ng aking mabibigat na amerikana at pananggalang sa hangin, ang hangin sa aking motorsiklo ay nakakapasok pa rin sa aking mga manggas at diretso sa aking dibdib—pakiramdam ko ay parang nahulog ako sa isang butas ng yelo, at ang aking parehong mga paa ay namanhid mula sa ginaw din. Napahinto ako ng ilang beses, pinapadyak ang aking mga paa upang painitin sila. Hindi ko maiwasang maisip sa aking sarili, “Kung hindi para sa gawain ng simbahan, sino ang lalabas nang maaga sa ganitong uri ng panahon? Kailangang makita ng Diyos ang lahat ng ginagawa ko, di ba?” Naisip ko rin kung paano, sa mga ilang taong ito ng pananampalataya, iniwan ko ang aking pamilya at karera upang maikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos ng kahit pa tag-hangin at tag-ulan. Natiis ko ang paninirang-puri at pangungutya ng iba, at naaresto at inusig ako ng gobyerno. Malaki na ang naibigay ko sa Diyos, kaya’t inisip ko na sa huli ay dapat akong pagpalain, at tiyak na malaki ang aking gantimpala. Naisip ko na pagdating ng Panginoon, tiyak na bibigyan niya ako ng isang korona ng kaluwalhatian sa akin. Sa pag-iisip nito ay nakaramdam ako ng labis na kasiyahan at naramdaman kong lumakas ang loob ko. Hindi ko na naramdaman na sobrang lamig. Noong nabasa ko ang kwento ng batang lalaki na nagbigay ng bayarin sa kanyang ina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagsisi sa sarili. Naisip ko, “Ano ang pagkakaiba ng aking pag-iisip at kung ano ang ginawa ng bata sa kwento? Humihingi ako ng mga pagpapala at isang korona mula sa Diyos para sa aking mababaw na pagdurusa at pagsisikap—hindi ba ito paggawa lamang ng kasunduan sa Diyos?”

Ang isang talata ng mga salita ng Diyos na binasa ni Kapatid Li habang nasa pagpupulong ay pumukaw sa akin. “Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. … Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binabago nila ang kanilang mga interes, binabago ang kanilang pananaw sa buhay, at binabago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mababago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-aabala sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapus-tapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! … Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong” (“Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”).

Ang bawat isa na mapanghamong mga salita na kaisipan ng Diyos ay dumiretso sa aking puso. Nakaramdam ako ng hiya sa pag-iisip na hinihingi ko ang biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos dahil medyo nagdusa ako, dahil sa aking maliit na mga sakripisyo at mga pagsisikap. Naisip ko ang aking sarili bilang isang taong tunay na gumugugol ng kanyang sarili para sa Diyos, na talagang nagmamahal sa Diyos at nakatuon sa Kanya. Noon ko lang napagtanto na sa mga taon na iyon ng pagpapaubaya sa aking pamilya at trabaho, na binigay ang aking panahon ng kabataan at nagtitiis ng pagdurusa at paghihirap, hindi ito dahil sa mayroon akong integridad o dahil mahal ko ang Diyos o sinusunod ko ang Diyos ng labis, ngunit ito ay sa paghahangad na humingi ng mga biyaya at pagpapala mula sa Diyos; ito ay para sa kapalit na mga pagpapala ng kaharian ng langit. Nakita ko ang pagdurusa at paggugol ng aking sarili bilang isang bagay pangkalakal upang magsagawa ng mga transaksyon sa Diyos; Nagmadali akong maitala ang bawat maliit na bagay na ginawa ko sa aking kuwadernong-listahan ng mga mabubuting gawa, palaging naglalayong makakuha ng mga pagpapala at mga gantimpala mula sa Diyos. Hindi ba iyon isang ugnayang pakikipag-sundo sa Diyos? Hindi ba’t ginagamit at niloloko ko Siya? Ang aking pinaniniwalaan sa paggawa ay napakaraming mga pangangalunya, napakaraming hindi makatwirang mga kinakailangan—Talagang ako ay isang kahiya-hiya, hamak na tao lamang na para sa aking sariling pakinabang; Talagang sobra akong makasarili at ganap na nawawala ang budhi at pandahilan ng tamang pagkatao.

Napagtanto ko na sa sandaling tayo bilang mga tao ay napinsala ni Satanas, lumalakad tayo sa batas na satanikong pangkaligtasan na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Sa likas na katangian, lahat tayo ay lubhang o makasarili at kasuklam-suklam, nagmamalasakit lamang tungkol sa pang sariling makukuha. Anuman ang ginagawa natin, humihingi tayo ng gantimpala para sa ating mga pagsisikap; palagi nating isinasaalang-alang at nagpaplano para sa ating sariling mga interes. Kahit na sa ating pananampalataya, ang ating inilaan at paggugol para sa Diyos ay naglalaman ng ating personal na motibo at pangangalunya; nais lamang nating gamitin iyon kapalit ng mga gantimpala at biyaya sa hinaharap. Hindi ito maligayang pagdedika sa ating sarili. Sa ganitong uri ng pagsusumikap at paggugol ng ating sarili sa ganoong paraan, hindi natin binabayaran ang pag-ibig ng Diyos, ngunit malamig na nagsasagawa ng mga transaksyon—na napakasakit sa Diyos! Paano ang pagdurusa at paggugol ng ating sarili para sa Diyos sa ganoong paraan makakakuha ng Kanyang pag-apruba?

Napagtanto ko na sa sandaling tayo bilang mga tao ay napinsala ni Satanas, lumalakad tayo sa batas na satanikong pangkaligtasan na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at ang diyablo ay nakakakuha ng pinakahuli-hulihan.” Sa likas na katangian, lahat tayo ay lubhang o makasarili at kasuklam-suklam, nagmamalasakit lamang tungkol sa pang sariling makukuha. Anuman  ang ginagawa natin, humihingi tayo ng gantimpala para sa ating mga pagsisikap; palagi nating isinasaalang-alang at nagpaplano para sa ating sariling mga interes. Kahit na sa ating pananampalataya, ang ating inilaan at paggugol para sa Diyos ay naglalaman ng ating personal na motibo at pangangalunya; nais lamang nating gamitin iyon kapalit ng mga gantimpala at biyaya sa hinaharap. Hindi ito maligayang pagdedika sa ating sarili. Sa ganitong uri ng pagsusumikap at paggugol ng ating sarili sa ganoong paraan, hindi natin binabayaran ang pag-ibig ng Diyos, ngunit malamig na nagsasagawa ng mga transaksyon – na napakasakit sa Diyos! Paano ang pagdurusa at paggugol ng ating sarili para sa Diyos sa ganoong paraan makakakuha ng Kanyang pag-apruba?

Ang Pag-ibig ng Diyos ay Hindi Mabibilang—Paano natin Mababayaran ang Katiting nito?

Nang maglaon, Binasa ko ang isapang talata ng mga salita ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang tiwali o sumusunod sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Bagama’t sinasabi ng Diyos na Siya ang Lumikha at ang tao ay Kanyang nilikha, na para bang may kaunting pagkakaiba sa antas, ang realidad ay lahat ng nagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay sobra-sobra para sa ganitong kalikasan ng relasyon. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, patuloy rin at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip ng Diyos ang tungkol dito ni sinisikap na umako ng parangal. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. … Kahit na ang sangkatauhan ay madalas na nagpupuri sa Diyos o nagpapatotoo para sa Kanya, walang kahit na ano sa mga asal na ito ang hinihingi ng Diyos. Ito ay dahil hindi kailanman hinahangad ng Diyos na ang anuman sa mabubuting bagay na ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay maipagpalit sa pagkilala ng utang na loob o para ito ay mabayaran” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I”).

Ang mga salita ng Diyos ay labis na nakakaantig sa akin. Pinitas tayo ng Diyos mula sa isang masaganang dagat ng mga tao, pinahihintulutan tayo na maunawaan ang ilang mga katotohanan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita, makakamit ng pagkilatis sa mabuti at masama, sa pangit at kagandahan. Pinayagan tayo na maging banal bukod sa mga tao sa mundo at maiwasan ang pinsala ni Satanas, mamuhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at proteksyon, at lumakad sa tamang landas sa buhay ng paghanap ng katotohanan, sa pagkatakot sa Diyos at ng pagtaboy sa kasamaan. Gayunpaman, hindi natin iniisip na bayaran ang biyaya ng Diyos, sa halip nananalig sa Diyos alang-alang sa pagkakaroon ng mga pagpapala. Kapag gumagawa tayo at naggugugol ng ating sarili para sa Diyos, nakakaranas ng kaunting pagdurusa, nalalantad ang ating pagkamakasarili at kasakiman; madalas nating gamitin ito bilang kapital upang hingin ang biyaya ng Diyos at hilingin sa Diyos na mapanatili ang pagkakaisa sa ating mga tahanan at kaligtasan ng mga miyembro ng ating pamilya. Nakatuon tayo sa pag-aasam sa mga pagpapala ng kaharian ng langit at ng korona ng kaluwalhatian na ibibigay sa atin ng Diyos. Sinong may-alam gaano kahaba ang bayaring inilahad natin sa Diyos, ngunit mula pa nang nilikha ng Diyos ang mundo at ginawa ang lahat para sa ating sangkatauhan, ano ang hiniling Niya sa atin? Nilikha niya tayo, nilalanghap ang buhay sa atin, pati na rin ang inihanda ang hangin, sikat ng araw, ulan, at pagkain na kailangan natin, na pinahihintulutan tayong mamuhay nang normal na may sustansya at pagpapakain ng Diyos. Matapos matiwali ni Satanas, tinuruan ng Diyos ang sangkatauhan kung paano mamuhay sa pamamagitan ng pag-iisyu ng batas at mga utos sa pamamagitan ni Moises, pati na rin kung paano sambahin ang Diyos. Pinamunuan niya ang sangkatauhan sa libu-libong taon. Nang maglaon, ang mga tao ay nagsimulang gumawa ng mga kasalanan nang madalas at hindi na itinataguyod ang kautusan, kaya patuloy na kinondena at pinapatay. Ang Diyos mismo ay naging laman at ipinako sa krus, dinala ang lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan na walang sala, tinubos tayo mula sa kasalanan. Mula noon ay natanggap natin ang biyaya ng kaligtasan ng Panginoong Jesus; kapag umaamin at nagsisisi tayo sa Diyos, tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan at natatamasa natin ang mayamang grasya at biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa kabuuan, ang Diyos ay tahimik na nagbibigay ng alalay para sa atin, pinapatnubayan Niya tayo sa Kanyang gawain at mga salita, at nagbayad Siya ng personal ng Kanyang sarili para sa atin. Gayon pa man, hindi Niya kailanman hinilingan tayong bigyan Siya ng anumang kapalit, ngunit umaasa lamang na maaari nating makilala Siya ng lubusan at sumunod sa Kanya. Nang makita ang higit na pag-ibig na ito mula sa Diyos, kinailangan kong hanapin ang aking sariling puso. “Paano ako naging kwalipikado na humingi sa Diyos, upang iunat ang aking kamay, hinihiling ang biyaya ng Diyos para lamang sa aking pansariling interes o dahil lamang sa ako ay naghirap ng konti sa paggawa at paggugol ng aking sarili? Hindi ba iyon ganap na hindi makatwiran?”

Ang Dahilan at Ang Pagpursige na Dapat Mayroon Ako

Sabi ng mga Salita ng Diyos: “Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. … Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaang sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging suwail ng tao” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao”). “Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos” (“Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos”). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naiintindihan ko na ang paggawa at paggugol ng ating sarili para sa Diyos ay hindi isang bagay pangkalakal para sa atin upang makagawa ng isang transaksyon sa Kanya, at hindi rin ito paraan upang makakuha ng mga pagkakaloob at pagpapala bilang kapalit. Sa halip, tungkulin na dapat nating tuparin bilang mga nilikha na nilalang; responsibilidad natin ito. Anuman ang maaaring kahantungan natin sa huli, hindi maikakaila na ito ay tama at wasto na dapat nating tuparin ang ating tungkulin tulad ng mga bata ay dapat na malinaw na may ugnayang obligasyon sa kanilang mga magulang—ito ang uri ng kadahilanan na dapat nating taglayin. Kailangan nating magkaroon ng wastong mga hangarin at layunin sa ating pananampalataya; dapat nating hanapin ang katotohanan, isinasagawa ang mga salita ng Diyos, at maging higit pa sa may kusang gumugol ng ating sarili para sa Diyos. Dapat nating tunay na mahalin ang Diyos at isaalang-alang ang Kanyang kalooban, isakatuparan ang Kanyang mga turo, at maging mga nilalang na may pagkatao at katwiran upang ang puso ng Diyos ay magkaroon ng kaunting kaaliwan. Ito ang hangarin na dapat magkaroon ang isang nilikha, at ang pamumuhay lamang sa ganitong paraan ang hustisya sa hindi makasarili na pag-aalay at pagkakaloob ng Diyos. Naisip ko ang alagad ng Panginoong Jesus na si Pedro—ginugol niya ang kanyang sarili at nagtatrabaho para sa Panginoon, pinapastulan ang maraming simbahan at ibinibigay ang buong buhay niya sa Panginoon. Sa panahong iyon ay hindi lamang siya nagdusa nang labis, ngunit pinag-uusig din ng naghaharing partido ng mga panahong iyon, at sa huli ay ipinako ng pabaliktad sa krus para sa kapakanan ng Panginoon. Lahat ng ginawa ni Pedro para sa Panginoon ay hindi isang transaksyon; hindi ito kapalit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit o para sa mas mabuting kapalaran o biyaya, ngunit nagawa sa pundasyon ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Ito ay upang gawin ang kalooban ng Diyos at makumpleto ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Nakita ni Pedro ang paggugol ng kanyang sarili para sa Panginoon bilang isang bagay na may malaking kaluwalhatian; Nakita niya ang pagmamahal at pagbibigay-kasiyahan sa Panginoon bilang kanyang tanging hangarin sa kanyang pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit siya tinanggap ng Panginoon at sa wakas ay naperpekto siya Niya.

Matapos maunawaan ang lahat ng ito ay talagang lumiwanag ang aking puso. Napagtanto ko na kapag gumagawa para sa Diyos, nagsasakripisyo ng mga bagay at gumugugol ng aking sarili sa aking pananalig, dapat munang magkaroon ako ng tamang direksyon, tamang target, at dapat kong sundin ang halimbawa ni Pedro na hinahangad na mahalin at masiyahan ang Diyos. Dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos ng isang may kusang puso, tapat na gawin ang aking tungkulin, at kumpletuhin ang ipinagkatiwala sa akin ng Diyos. Anumang iba pa ay pagpapatalo sa sarili, at ang pagpapanatili sa aking pananampalataya hanggang sa wakas ay hindi pa rin makakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Salamat sa Diyos sa Kanyang kaliwanagan at gabay! Amen!