Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo
Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw.
Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
Ang Propesiya ng Lantad na Pagbaba ng Panginoon
Pahayag 1:7
“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.”
Mateo 24:29-30
“Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”
(Judas 1:14)
“Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal…”
Mga Gawa 1:11
“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”
Lucas 21:25-27
“At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa’y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka’t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”
Ang Propesiya ng Lihim na Pagbaba ng Panginoon
Lucas 12:40
Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
Mateo 25:6
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.”
Pahayag 3:3
“Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.”
Pahayag 16:15
“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.”
Pahayag 3:20
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.”
Lucas 17:24-25
“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.”
Mateo 24:27
“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.”
Ngayon, paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw? Kung ang mga tao ay manindigan sa pagbabalik ng Panginoon sa mga alapaap at, kaya, panatilihin ang kanilang titig magpakailanman na nakatutok sa kalangitan, na hindi naghahanap sa lihim na yapak ng pagdating ng Panginoon, masasalubong ba nila ang pagdating ng Panginoon?