Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay naipahayag sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang wala kahit katiting na kaibahan, at nang wala kahit katiting na pagitan.
Ang paglitaw at pagsilang ng lahat nitong mga bagong bagay ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha: kasinggaling Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na ay mananatili magpakailanman. Hindi kailanman nagbago ang katunayang ito: ganoon sa nakaraan, ganoon din ngayon, at magiging ganoon sa buong kawalang-hanggan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I”
Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang natamo ng Lumikha kung ano ang itinakda Niya na matamo, at nakamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, kundi mapipigilan din ng Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nalikha na, at napapagharian ang lahat ng bagay na Kanyang nagawa na sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, ang lahat ay sistematiko at palagian. Ang lahat ng bagay din ay nabuhay at namatay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, umiral sila sa gitna ng batas na Kanyang naitalaga na sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang hindi saklaw!
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I”
Nang pabalikin ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa mga patay, gumamit Siya ng isang linya: “Lazaro, lumabas ka.” Wala Siyang sinabi maliban dito—ano ang kinakatawan ng mga salitang ito? Kinakatawan nila na maipagtatagumpay ng Diyos ang anumang bagay sa pamamagitan ng pagsasalita, kabilang ang pagbuhay mag-uli sa isang taong patay. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, nang Kanyang nilikha ang mundo, ginawa Niya sa pamamagitan ng mga salita—mga sinalitang kautusan, mga salita na may awtoridad, at kagaya lamang kung paanong ang lahat ng bagay ay nilikha. Ito ay naisakatuparan kagaya niyon. Ang nag-iisang linyang ito na sinalita ng Panginoong Jesus ay kagaya lamang ng mga salitang sinalita ng Diyos nang Kanyang likhain ang kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay; taglay nito ang kapantay na awtoridad ng Diyos, ang kakayahan ng Lumikha. Ang lahat ng bagay ay inanyuan at nanindigan dahil sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at kapareho lamang, si Lazaro ay naglakad palabas ng kanyang puntod dahil sa mga salita mula sa bibig ng Panginoong Jesus. Ito ang awtoridad ng Diyos, ipinakita at natupad sa Kanyang nagkatawang-taong laman. Ang ganitong uri ng awtoridad at kakayahan ay pag-aari ng Lumikha, at ang Anak ng tao kung kanino natupad ang Lumikha. Ito ang pagkaunawa na itinuro ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbuhay na mag-uli kay Lazaro mula sa mga patay.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”
Kung ano ang Aking nasabi na ay dapat na mabilang, kung ano ang nabibilang ay dapat na matapos, at ito ay hindi maaaring mabago ng sinuman; ito ay walang-pasubaling totoo. Kung ito man ang nasabi Ko na sa nakaraan o kung ano ang sasabihin Ko sa hinaharap, lahat ay magkakatotoo, at lahat ng sangkatauhan ay makikita ito. Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng Aking mga salita. … Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Anong umiiral na wala sa Aking mga kamay? Lahat ng Aking sinasabi ay nangyayari, at sa mga tao, sinong naroroon na makapagpapabago sa Aking isipan? Maaari kayang ito ay ang tipan na ginawa Ko sa lupa? Walang makahahadlang sa Aking plano; Ako ay palaging naroroon sa Aking gawain gayundin sa plano ng Aking pamamahala. Sinong tao ang maaaring makialam? Hindi ba’t Ako ang Siyang personal na gumawa ng mga pagsasaayos na ito? Sa pagpasok tungo sa sitwasyong ito ngayon, ito ay hindi pa rin lumilihis mula sa Aking plano o kung ano ang Aking patiunang nakita; ito ay itinakda Ko nang lahat sa matagal nang panahon. Sino sa kalagitnaan ninyo ang maaaring makatarok sa Aking plano para sa hakbang na ito? Ang Aking bayan ay makikinig sa Aking tinig, at ang bawat isa sa mga yaon na totoong nagmamahal sa Akin ay magbabalik sa harapan ng Aking trono.
—mula sa “Kabanata 1” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala.
—mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita”
Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni’t ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng pagpapasya ng salita ay maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Noong ang mga demonyo ay napalayas sa tao at siya ay natubos, ito ay nangangahulugan lamang na siya ay naagaw mula sa mga kamay ni Satanas at naibalik sa Diyos. Subali’t, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni’t ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at naghihimagsik laban sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. … Ang kaluwalhatian ng Diyos at awtoridad ng Diyos Mismo na iyong nakikita ay hindi lamang nakikita sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo, nguni’t lalong higit sa pamamagitan ng Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ipinakikita nito sa iyo na hindi lamang ang paggawa ng mga tanda, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, subali’t mas mahusay na kinakatawan ng paghatol sa pamamagitan ng salita ang awtoridad ng Diyos at nagbubunyag ng Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat.
—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”
Kailangan ninyong makita ang kalooban ng Diyos at makita na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing-payak ng paglikha sa mga kalangitan at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga nagawa nang tiwali, na naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha na pagkatapos ay inimpluwensyahan ni Satanas, hindi para likhain sina Adan o si Eva, lalong hindi upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng nagawa nang tiwali ni Satanas upang sila ay mabawi at maging kung anong mayroon Siya at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing-payak ng inaakala ng tao na paglikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng bagay, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa walang-hanggang kalaliman gaya ng inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang baguhin ang tao, upang yaong negatibo ay gawing positibo at upang gawin kung anong mayroon Siya yaong hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi makakamit ng gayon. Sa yugtong ito ng Kanyang gawain, hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang nilikha at dinadalisay ang lahat ng bagay na nadungisan na ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos.
—mula sa “Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?”
Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na sumasailalim sa kapangyarihan ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na mapaghiwalay ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan.
—mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos”
Wala sa mga gawain ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Tulad lang ito nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehova ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; makakapagsabi ang isa na ito ay hindi inaasahan. Ito kung gayon ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehova sina Adan at Eva mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na kailanman muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad lang ng punto na Aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano nagawang tiwali na ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehova; kaya, naggugol na Siya sa bagong gawain mula nang nilikha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit na kailanman. Patuloy na nagsasagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na nagawang tiwali na ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinasagawa ng Diyos na si Jehova ang Kanyang matalinong gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya kailanman itinitigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang kaaway na ginagawang tiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, na matanggap ang Kanyang dakilang pagliligtas, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan sa lahat at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya’t hindi lamang Niya nagagawang magpasakop ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa lupa sa Kanyang paanan, at hindi ang huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan bago ang pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang mga kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong sansinukob, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan na pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, ang pagka-makapangyarihan sa lahat, at partikular ang pagiging totoo ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ngayon ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang pagiging totoo ng Diyos.
—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw”
Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging nasubok na maghanap ng mga daan at paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Ngunit makasusuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan nito? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—maaari bang ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas ay may anumang pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo kung saan ang Aking buong plano ng pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking hambingan. Hindi Ko ba ito karunungan?
—mula sa “Kabanata 8” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Kapag opisyal na akong nagsimula ng Aking gawain, ang lahat ng tao ay kikilos kasabay ng Aking pagkilos, nang sa gayon sinasakop ng mga tao sa buong sansinukob ang kani-kanilang sarili kasabay Ko, mayroong “pagsasaya” sa buong sansinukob, at ang tao ay napapasulong Ko. Bunga nito, Aking nalalatigo ang malaking pulang dragon mismo sa isang kalagayan ng pagdidiliryo at pagkalito, at pinagsisilbihan ang Aking gawain, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanasa, iniiwan itong walang pagpipilian kundi magpasakop sa Aking pagpigil. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking alalay, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ko kailanman niluwagan ang Aking “mga kinakailangan” dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawain ng Aking pagkakatawang-tao ay kinukumpleto sa sambahayan nito. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano.
—mula sa “Kabanata 29” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Hindi mapipigilan ang pagtatagumpay ng Diyos laban kay Satanas! Sa katunayan ay matagal nang nabigo si Satanas. Nang ang ebanghelyo ay lumaganap sa buong lupain ng malaking pulang dragon, iyon ay, kung kailan ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsimulang gumawa at ang gawaing ito ay nasimulan, si Satanas ay lubos na natalo, dahil ang pagkakatawang-tao ay upang talunin si Satanas. Nakita ni Satanas na ang Diyos ay muling naging tao at nagsimula muling magsagawa ng Kanyang gawain, at nakita nito na walang hukbo ang makapagpapatigil sa gawain. Kaya’t ito ay nagulat nang makita nito ang gawaing ito at hindi na nagtangkang magsagawa ng iba pang gawain. Sa simula ang akala ni Satanas ay nagtataglay ito ng maraming karunungan, at ginagambala at ginugulo nito ang gawain ng Diyos; ngunit, hindi nito inaasahang muling nagkatawang-tao ang Diyos, at sa Kanyang gawain, ginamit ng Diyos ang pagka-mapanghimagsik nito upang magsilbing pahayag at paghatol sa sangkatauhan, at sa gayon ay malupig ang sangkatauhan at matalo ito. Mas matalino ang Diyos kaysa rito, at ang Kanyang gawain ay lampas sa gawa nito. Samakatuwid, isinaad Ko noong nakaraan ang mga sumusunod: Ang Aking gawain ay isinasagawa bilang sagot sa mga pandaraya ni Satanas. Sa katapusan, ibubunyag Ko ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat at ang kawalang-kapangyarihan ni Satanas.
—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw”
Nasabi Ko na ito dati: Ako ay isang marunong na Diyos. Ginagamit Ko ang Aking normal na pagkatao upang ibunyag ang lahat ng tao at ang maka-satanas na pag-uugali, ilantad yaong mga may maling mga hangarin, yaong mga kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at ibang paraan sa kanilang likuran, yaong mga lumalaban sa Akin, yaong mga hindi matapat sa Akin, yaong mga nag-iimbot sa pera, yaong mga walang pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, yaong mga sumasangkap sa pandaraya at kabuktutan kasama ng kanilang mga kapatid, yaong mga nagsasalita nang matatas para mapapagbunyi ang mga tao, at yaong mga hindi kayang makipag-ugnay sa kanilang mga kapatid nang pare-pareho sa puso at isipan. Napakaraming tao, dahil sa Aking karaniwang pagkatao, ang lihim na lumalaban sa Akin at gumagawa ng pandaraya at kalikuan, inaakalang hindi nalalaman ng Aking karaniwang pagkatao. At napakaraming tao ang nag-uukol ng tanging pansin sa Aking karaniwang pagkatao, binibigyan Ako ng mabubuting mga bagay na kakainin at iinumin, naglilingkod sa Akin na parang mga alila, at sinasabi sa Akin kung ano ang nasa kanilang mga puso, habang kumikilos nang ganap na iba sa Aking likuran. Bulag na mga tao! Hindi lamang ninyo Ako nakikilala—ang Diyos na tumitingin nang malalim sa puso ng tao. Hindi pa rin ninyo Ako kilala hanggang ngayon; iniisip mo pa rin na hindi Ko namamalayan kung ano ang binabalak mo. Pag-isipan mo ito: Ilang mga tao ang nagpakasira sa kanilang mga sarili dahil sa Aking karaniwang pagkatao? Gising! Huwag mo na Akong dayain. Dapat mong ilagay ang lahat ng iyong asal at pag-uugali, ang bawa’t salita mo at gawa sa harap Ko, at tanggapin ang Aking pagsusuri dito.
—mula sa “Kabanata 76” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Kumikilos Ako nang marunong. Nang walang patalim, walang baril at hindi nag-aangat ng daliri, lubusan Kong tatalunin ang mga lumalaban sa Akin at ipinapahiya ang Aking pangalan. Bukas-palad Ako, at sa di-nagbabagong bilis ipinagpapatuloy Ko ang Aking gawain bagaman lumilikha si Satanas ng gayong paggambala; hindi Ko ito pinapansin at tatalunin Ko ito sa kaganapan ng Aking plano ng pamamahala. Ito ang Aking kapangyarihan at Aking karunungan, at higit pa ito ay isang maliit na bahagi ng Aking walang katapusang kaluwalhatian.
—mula sa “Kabanata 91” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga namumunong diktador: ang China, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng China sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at ipinapalaganap ang ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa China, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, ginugulo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mawawala mula sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral. …
Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.
—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan”
Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. … Natanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Nahanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.
—mula sa “Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.