22.11.19

Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapakumbaba upang Turuan ka Kung Paano Magpakumbaba at Masunurin



Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapakumbaba upang Turuan ka Kung Paano Magpakumbaba at Masunurin


Sa pagkaka-alam nating lahat, gusto ng Diyos ang mapagkumbabang mga tao at kinamumuhian ang mga mapagmalaki. Gayunman, palagi tayong pumapanginoon sa ibang mga tao dahil may taglay tayong mga kakanyahan, tayo ay nakakapagsalita ng mga literal na doktrina ng Bibliya, at tayo ay gumagawa para sa Panginoon; wala sa katuwiran na hinuhusgahan at kinokondena ang gawain ng Diyos kapag ito ay hindi ayon sa ating mga konsepto; minamaliit natin ang iba dahil sa ating mga kalibre at mga magandang hitsura…. Ito ay dahil sa hindi tayo mapagkumbaba. Kaya paano tayo magiging mapagkumbaba at masunurin at gustuhin ng Diyos? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya tungkol sa pagpapakumbaba ay magpapakita sa atin sa paraan upang tayo ay maging mapagkumbaba at masunurin.

      Job 22:29

Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.

       Awit 76:8

Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik.

Awit 147:6

Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.

Kawikaan 15:33

Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.

Kawikaan 18:12

Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.

Kawikaan 22:4

Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

Isaias 57:15

Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

       Mateo 11:29

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

Mateo 18:4

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

       1 Pedro 5:5

Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo’y maglingkuran: sapagka’t ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa’t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

       Filipos 2:3

Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili.

Ang tamang paraan ng panalangin ay makatutulong sayo na agad makakuha ng tugon mula sa Diyos. Basahin itong napiling mga artikulo tungkol sa panalangin. Alamin kung paano ang tamang pananalangin sa Diyos nang matamo ang papuri ng  Diyos.