3.11.19

Ang Saligang Kapaligirang Tinitirahan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Daloy ng hangin

Pag-bigkas ng Diyos, soberanya Kaalaman, Kaligtasan, ebanghelyo,


Ang Saligang Kapaligirang Tinitirahan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Daloy ng hangin



Ano ang ika-limang bagay? Ang bagay na ito ay lubos na may kaugnayan sa bawat araw ng bawat tao, at matatag ang kaugnayang ito.  Ito ay isang bagay na hindi kayang mawala sa buhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Ang “daloy ng hangin” ay mga salita na marahil naiintindihan ng lahat ng tao. Kaya ano ang daloy ng hangin? Maaari ninyong sabihin na ang pagbalong ng hangin ay tinatawag na “daloy ng hangin.” Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi kayang makita ng mata ng tao. Ito rin ay isang paraan kung saan ang hangin ay gumagalaw. Ngunit ano ang daloy ng hangin na pangunahin nating pinag-uusapan dito? Maiintindihan ninyo sa sandaling sabihin Ko ito. Ang daigdig, habang ito ay umiikot, ay nagdadala ng mga bundok, mga dagat, at ang lahat ng bagay, at kapag ito ay umiikot ay mayroong bilis. Kahit na hindi ka makakaramdam ng anumang pag-ikot, talagang umiiral ang pag-ikot nito. Ano ang dala ng pag-ikot nito? Mayroon bang hangin malapit sa iyong mga tainga kapag ikaw ay tumatakbo? Kung ang hangin ay kayang malikha kapag ikaw ay tumatakbo, paanong hindi magkakaroon ng kapangyarihan ng hangin kapag umiikot ang daigdig? Kapag umiinog ang mundo, lahat ng bagay ay kumikilos. Ito ay kumikilos at umiikot sa isang partikular na bilis, habang ang lahat ng bagay sa daigdig ay patuloy pa ring lumalaganap at lumalago. Samakatuwid, ang paggalaw sa isang partikular na bilis ay natural na magdadala ng daloy ng hangin. Iyon ay kung ano ang daloy ng hangin. Makakaapekto ba ang daloy ng hangin na ito sa katawan ng tao sa isang partikular na saklaw? Tingnan mo, ang mga regular na bagyo ay hindi ganoon kalakas, ngunit kapag tumama ang mga ito, hindi makayanang tumayo nang maayos ng tao at nahihirapang maglakad palaban sa hangin. Mahirap ding makagawa ng kahit isang hakbang. Masyado itong malakas, ang ilang tao ay naitutulak ng hangin sa ilang bagay at hindi makakagalaw. Ito ay isa sa mga paraan na ang daloy ng hangin ay makakaapekto sa sangkatauhan. Kung ang buong daigdig ay napuno ng mga kapatagan, masyadong magiging mahirap para sa katawan ng tao ang labanan ang daloy ng hangin na lilikhain ng pag-ikot ng daigdig at ng galaw ng lahat ng bagay sa isang partikular na bilis. Magiging masyadong mahirap itong matagalan. Kung ganoon ang kaso, ang daloy na ito ng hangin ay hindi lamang magdadala ng pinsala sa sangkatauhan, kundi pagkawasak. Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal upang maayos ang mga nasabing daloy ng hangin, upang pahinain ang mga nasabing mga daloy ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalit ng direksyon, bilis, at puwersa ng mga ito sa pamamagitan ng magkakaibang mga kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit makakakita ang mga tao ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal, gaya ng mga bundok, mga bulubundukin, mga kapatagan, mga burol, mga lunas, mga lambak, mga talampas, at mga ilog. Nilalapat ng Diyos ang iba’t ibang mga kapaligirang heograpikal na mga ito upang baguhin ang bilis, direksyon at puwersa ng daloy ng hangin, gamit ang nasabing paraan upang pauntiin o manipulahin ito sa isang angkop na bilis ng hangin, direksyon ng hangin, at puwersa ng hangin, upang maaaring magkaroon ang mga tao ng isang normal na kapaligirang tinitirahan. Kailangan bang gawin ito? (Oo.) Ang paggawa ng bagay gaya nito ay maaaring maging mahirap para sa mga tao, ngunit ito ay madali para sa Diyos dahil inoobserbahan Niya ang lahat ng bagay. Para sa Kanya ang paglikha ng isang kapaligiran na may angkop na daloy ng hangin para sa sangkatauhan ay napakasimple, masyadong madali. Kung gayon, sa nasabing kapaligiran na nilikha ng Diyos, bawat isang bagay sa lahat ng bagay ay kailangang-kailangan. Mayroong halaga at pangangailangan sa kanilang lubos na pag-iral. Gayunpaman, hindi nauunawaan ni Satanas at ng tiwaling sangkatauhan ang ganoong pilosopiya. Patuloy silang nangwawasak at nagpapalago, walang saysay na mga nangangarap na gawin ang mga bundok na patag na lupa, pagpupuno ng malalaim na bangin, at pagtatayo ng mga napakataas na gusali sa ibabaw ng patag na lupa upang lumikha ng mga kongkretong kagubatan. Pangarap ng Diyos na maaaring mamuhay nang masaya ang sangkatauhan, lumaki nang masaya, at gugulin ang bawat araw nang masaya sa pinaka-angkop na kapaligirang inihanda Niya para sa kanila. Kaya naman hindi kailanman naging pabaya ang Diyos pagdating sa pakikitungo ng kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Mula sa temperatura hanggang sa hangin, mula sa tunog hanggang sa liwanag, gumawa ang Diyos ng mga maingat na plano at pag-aayos, upang ang mga katawan ng mga tao at ang kapaligirang kanilang tinitirahan ay hindi sasailalim sa anumang balakid mula sa mga natural na kundisyon, at sa halip ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kakayahang manirahan at magpakarami nang normal at manirahan nang normal kasama ang lahat ng bagay nang magkasundo. Lahat ng ito ay ibinigay ng Diyos sa lahat ng bagay at sa sangkatauhan.

Rekomendasyon: