11.11.19

“Ang Misteryo ng Kabanalan” (Clip 3/6) Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos


Tagalog Christian Movie | “Ang Misteryo ng Kabanalan” (Clip 3/6) Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos


    Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang.  Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?

Tayong mga Kristiyano ay nananalangin sa ngalan ng Panginoong Hesukristo araw-araw, pero alam ba natin ang kahulugan ni Kristo?