5.3.19

Ano ba ang Pamantayan ng Matuwid sa Paningin ng Diyos


Ni Li Nan, United States

Ang Pamantayan ng Tao sa Paghusga kung ano ang Matuwid

Sa isang pagkakataon, isang kaibigan ko ang nagbahagi sa akin ng mga talata sa Biblia-ang talinghaga ng lambat sa Mateo 13:47-50, “Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda: Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila’y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa’t itinapon ang masasama. Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila’y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. Sinabi niya, “Kailan lang, nang pinag-aaralan ang mga talatang ito, nagkaron ako ng bagong kaliwanagan: Ginamit ng Panginoon ang talinghaga na ‘to para sabihin sa atin kung ano ang gagawin Niya kapag dumating Siya sa mga huling araw. Sa panahong iyon, isasagawa ng Diyos ang gawain ng paghahati ayon sa uri natin at gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Pipiliin ang magagandang isda at itatago sa sisidlan; ang mga hindi maganda ay itatapon. Ibig sabihin, ihihiwalay ng Diyos ang matuwid sa masasama. Sa wakas, tanging ang matuwid lang ang makakapasok sa kaharian ng langit, samantalang ang masasama ay ang mga taong itinapon at inalis.
Nang marinig ko ito, buong tiwala kong sinabi, “Salamat sa Panginoon! Tayo, na mga naniniwala sa Panginoon, ay pinili Niya sa Kanyang harapan, inihiwalay sa mga Gentil at binigyang-katwiran ng pananampalataya, kaya, tayo ang mga matuwid sa Kanyang paningin. Hangga’t patuloy tayong dadalo sa mga pagpupulong, mananalangin, at madalas na magbabasa ng Biblia, isagawa ang Kanyang salita at magkaron ng pang-unawa, pasensiya at habag para sa mga tao, hindi mananakit o magsasalita nang masakit sa mga tao, hindi maninigarilyo o maglalasing at gayun din, madalas na ipapakalat ang ebanghelyo, ilaan ang ating sarili at gumawa para sa Panginoon, tayo ay magiging matuwid sa Kanyang paningin at susunod sa Kanyang puso.”

Ang Pagpapakita ng Pagkilos nang wasto ay Hindi Nangangahulugan ng Pagiging Matuwid

Matapos marinig ang pagbabahagi ko, mahinahon niyang sinabi sa akin, “Ganon din ang paniniwala ko dati katulad ng sa ‘yo, iniisip na hangga’t makakapagbigay tayo ng kaunting tulong at suporta sa mahihina nating mga kapatid na may mapagmahal na puso, mas pinapalaganap ang ebanghelyo at mas maraming ginagawa, tayo ang magiging matuwid sa paningin ng Panginoon. Pero sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’ (Mateo 7:22-23). Pagkatapos nag-isip ako: ‘Kung magpapakita tayo nang kabutihan, maaari tayong ituring na matuwid ng Panginoon, kung ganon bakit sinasabi pa rin ng Panginoong Jesus na ang mga taong nangaral at gumawa sa ngalan ng Panginoon ay gumawa ng masama? Katagalan, naisip ko ang mga Fariseo. Naglingkod sila sa Diyos na Jehova sa templo nang walang pagbabago, at kahit naglakbay sa iba’t ibang lugar para ipangaral ang ebanghelyo, maraming paghihirap ang tinitiis at malaki ang isinasakripisyo, pero ng nagkatawang-tao ang Diyos at dumating sa mundo, para gawin ang gawain, galit nilang tinutulan at inusig Siya, at sa huli nakipagtulungan pa sila sa pamahalaan ng Roma para ipako Siya sa Krus. At ang resulta, sila ay nahatulan at isinumpa ng Diyos at sumailalim sa pagkawasak na hindi pa kailanman naganap. Ngayon, maraming mga kapatid natin sa Panginoon ang gumawa ng napakaraming gawain at pumunta sa malalayong lugar, at patuloy na dumadalo sa mga pagpupulong, nanalangin, nagbabasa ng Biblia at nag-aalay ng mga handog, nagpapakita ng maraming tila magandang pag-uugali, pero nabigo lang silang isagawa ang salita ng Panginoon at madalas na hindi sinasadyang magkasala. Sa oras na napinsala ang kanilang personal na mga interes, hindi nila nauunawaan at sisisihin ang Diyos. Ipinapakita nito na ang mga may kakayahang mangaral at gumawa para sa Panginoon ay hindi nangangahulugang matuwid.”
Matapos kong marinig ang mga salita niya, naisip ko ang sarili ko: Araw-araw nananalangin ako sa Diyos, sinasabing handa akong ipaubaya sa Kanyang kamay ang aking sarili at pasakop sa Kanyang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos; gayon pa man, kapag nakaengkuwentro ng mga kapahamakan ang pamilya ko, puno ng mga reklamo ang puso ko at kahilingan sa Diyos. Higit pa rito, mayroon din akong mga pag-uugali na sumusuway at lumalaban sa Diyos. Halimbawa, sa panlabas makikitang masigasig akong naglilingkod, pero ang totoo nagpapakahirap ako para sa katanyagan at kapalaran laban sa mga ka-manggagawa ko sa kahit anong paraan. Kapag nakikita kong mas mahusay sila kaysa sa akin at hindi ko maipakita ang sarili ko, naiinggit ako sa kanila, at huhusgahan ko sila nang palihim para suportahan ako ng ibang mananamampalataya; sa panahon ng pangangaral ko, hindi lang simpleng pagpuri sa Panginoon ang layunin ko, magpatotoo para Diyos o dalhin ang mga kapatid sa harap ng Diyos, kung hindi ang gamitin ang mga titik at doktrina para ipagmalaki ang sarili ko makipagkumpitensya sa Diyos para sa tao. … Sa pagnilay-nilay sa lahat ng manipestasyon ko, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan at labis na pag-aalala para sa sarili ko dahil sadyang napakalayo ko sa pamantayan ng pagiging matuwid.

Ang Pamantayan ng Matuwid sa Paningin ng Diyos

Nang makitang pinanghihinaan ako ng loob, ibinahagi niya sa akin ang isang sipi ng salita ng Diyos na nakita niya sa isang website ng ebanghelyo kamakailan, “Isang katotohanan na ‘walang matuwid sa ibabaw nitong lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa mundo.’… Ang ‘pagkamatuwid’ ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi ito nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang mga pagsasaayos ng Diyos bilang isang hulog ng langit na kinahihiligan, kailan man o saan man, tulad lamang ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. … Gaano man kahusay ang iyong mga pagkilos, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, o nagnanakaw o nang-uumit sa kanila, hindi ka pa rin natatawag na matuwid, dahil ang gayong mga bagay ay naaangkin ng sinumang normal na tao” (“Ang Masama ay Dapat Maparusahan).
Pagkatapos nagpatuloy siya sa pagbabahagi, “Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos ang pamantayan ng isang tunay na taong matuwid. Ang pagiging matuwid sa paningin ng Diyos ay hindi nangangahulugan ng mabuting pag-uugali, hindi nangangahulugang mapagkawang-gawa, palakaibigan, o hindi nakikipagtalo o nakikipag-away sa iba, at hindi rin nangangahulugang pagbabasa ng Biblia at pananalangin minu-minuto ng bawat araw. Ang tunay na matuwid ay tumutukoy sa mga tao na tatanggapin ang ninanais ng Diyos bilang sa kanila, at magiging tungkulin para magawa ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos bilang sarili nilang tungkulin nang walang mga intensyon at karumihan, mga hindi isinasaalang-alang ang kanilang sariling mga interes, pakinabang at kawalan at magagawang matakot sa Diyos at talikdan ang masama at magpapasakop sa orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos, at sa huli, maging kaayon ng Diyos. Ito lang ang tanging pamantayan ng matuwid sa paningin ng Diyos. Ipinapakita sa atin ng Biblia na bihira ang mga taong tinatawag na matuwid ayon sa Diyos. Binanggit sa Genesis 6:9, “Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya.” Nang ibinunyag ang kalooban ng Diyos kay Noah-hinayaan siyang magtayo ng isang arka at ipalaganap ang ebanghelyo, kahit na nahaharap siya sa pang-aalipusta, paninirang-puri, at paghuhusga ng mga tao noon at lahat ng uri ng paghihirap, hindi siya naglatag ng mga kondisyon o gumawa ng mga dahilan sa halip sumunod lang siya sa mga hinihiling ng Diyos nagpatuloy sa paggawa ng arka, ipinalaganap ang ebanghelyo, at tinupad ang utos ng Diyos; bukod pa ron, si Job, na kilala natin, ginugol ang buong buhay niya sa pagsisikap na lumakad sa daang may takot sa Diyos at pagtalikod sa kasamaan. Kahit na naharap siya sa paulit-ulit na tukso mula kay Satanas, at nawala ang lahat ng kanyang ari-arian at mga anak na lalake at babae at nagkaron din ng mga sugat sa kanyang buong katawan, kung kaya nagtiis ng matinding sakit sa pangangatawan at pag-iisip, pinuri pa rin niya ang banal na pangalan ng Diyos, nagdadala ng isang maganda at umaalingawngaw na patotoo para sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang matuwid at perpektong tao sa paningin ng Diyos.”
Sa pamamagitan ng pagbabahaging ito, nagkaron ako ng tiyak na puntirya, at ang paraan kung pa’no maging isang taong matuwid. Kung gusto natin maging isang matuwid na tao, hindi lang tayo dapat magkaroon ng mabuting hangarin o gumawa ng mga paimbabaw na mabubuting gawa, sa halip isagawa natin ang salita ng Diyos, kumilos ayon sa salita ng Diyos, at hangaring lumakad sa daang may takot sa Diyos at lumalayo sa masama.
Salamat sa Diyos! Buo ang tiwala ko sa pagiging isang taong matuwid!