11.3.19

Pamilya-Natagpuan Niya ang Tunay na Kaligayahan Matapos ang isang Nasirang Pagsasama



Ni Zhu Li

Sa kabila nang panghihimok ng kanyang mga magulang at mga kaibigan, determinadong pinakasalan ni Xinping ang kanyang nobyo, Matapos ang kasal, masaya ang buhay nila. Maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa, na palagi niyang pinahahalagahan at ipinagpapasalamat. Naniwala siya na iyon ang matamis at masayang buhay na matagal na niyang inaasam. Para makagawa ng isang masayang pamilya, pinangalagaan niya ang puso at kaluluwa ng kanyang asawa, inuuna ito sa lahat ng bagay, at hinaharap lahat ng problema ng kanilang pamilya nang hindi ito inaabala.

Kalaunan, nakakuha ang kanyang asawa bilang tagapamahala ng isang KTV. Noong umpisa, umuuwi ito kaagad pagkatapos ng trabaho. Ngunit kalaunan ay pagabi na ito nang pagabi kung umuwi at kalaunan ay hindi na niya ito matagawan sa telepono. Kahit na naramdaman niya ang kakaibang ikinikilos nito, hindi niya iyon pinansin at inisip na lamang na, “Malamang ay masyado siyang abala sa panggabing trabaho niya, kaya wala siyang pagkakataon na lokohin ako.”

Isang beses, pumasok sa trabaho ang asawa niya at umuwi lamang kinabukasan. Pagkatapos ay pabirong sinabi ni Xinping na, “Bakit ngayon ka lang umuwi? May babae ka ba?” Hindi inaasahan ay parang walang sumagot ito nang, “Oo. Mula nang ipanganak ang anak natin, itinuon mo na lang sa kanya ang atensiyon mo at hindi na kagaya noon ang trato mo sa’kin samantalang inaalagaan ako ng babaeng iyon.” Tila hinambalos siya ng mga salitang iyon sa ulo. Pinipigilan ang pighati sa kanyang puso, labag sa kalooban niyang sinabi, “Kung gusto mo siya, magpaparaya ako sa kanya.”

“Hindi ko siya gusto, pero kung makikipaghiwalay ako sa kanya ngayon, siguradong magpapakamatay siya. Bigyan mo ako ng panahon, at hahanap ako ng pagkakataon na tapusin ang relasyon namin,” sinabi ng kanyang asawa.

Kahit na sumasang-ayon ang kanyang mga labi, labis na sakit ang nararamdaman ng puso ni Xinping. Napakasakit nang kalooban niya dahil sa nalamang kataksilan nito. Kapag wala ang asawa niya, hindi siya makatulog sa gabi at bawat araw ay tigmak ng luha ang kanyang mukha. Labis siyang nasasaktan at nalulumbay na nagkaroon na siya ng mga puting buhok kahit na nasa edad na dalawampu pa lamang siya.

Isang gabi, paulit-ulit na tinatawagan ng babaeng iyon ang kanyang asawa at pumunta pa sa kanilang bahay. Nang sandaling pumasok siya sa silid, nag-umpisa itong hampasin si Xinping ng telepono nito, sinipa at sinabunutan siya. Labis na nagagalit si Xinping at nilabanan niya ang babaeng iyon, dahilan upang makalmot niya ang braso ng babaeng iyon. Nang makita iyon ng kanyang asawa ay mabilis nitong dinaluhan ang babae, na labis na sumira sa puso ni Xinping at muntik na siyang bumigay. Hindi niya alam kung bakit naging ganito ang pagsasama nila at hindi mapigilang isiping, “Masisira ba ang pamilya namin? Paano ang anak ko? Paano naging ganito ang buhay ko?” Sa labis na sakit at panghihina sa kanyang puso ay naglasing siya sa dalawang bote ng wine sa kanilang bahay, umaasa na aalagaan siya nito. Gayunman, nang bumalik ito at makitang ayos lang siya, dali-dali itong umalis at hindi bumalik nang gabing iyon. Ang katigasan ng loob nito ay muling tumarak sa puso niyang hindi pa naghihilom.

Kalaunan, hindi niya inaasahan, ang pamilya ng kanyang asawa ay pumanig sa babaeng iyon; para pagsamahin ang asawa niya at ang babeng iyon, ang biyenan niyang babae, kasama ang hipag niya, ay talagang nagtanong kung saan-saan upang maghanap ng ipapareha sa kanya, na dahilan upang lalo pa siyang mainsulto. Iniisip na ang buong-pusong pag-aaruga at sakripisyo niya sa pamilya ay sinuklian ng napakasamang trato, biglang naramdaman ni Xinping na walang nakakaintindi at kumakalinga sa kanya.

Nang puno ng paghihirap at kawalan ng pag-asa si Xinping, dumating sa kanya ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Habang nasa isang pagtitipon kasama ang mga kapatid, ibinuhos niya lahat ng sakit at daing niya, pagkatapos niyon ay pinayapa siya ng mga kapatid at pinalakas ang kanyang loob, sinasabing huwag sumuko sa buhay. Matapos ibahagi ng mga kapatid ang salita ng Diyos sa kanya, nalaman niya: Lahat ng mga tao ay pininsala ni Satanas, dahil doon ay pasama nang pasama ang mga tao at lalong nagiging makasarili tayong mga tao; walang tunay na pag-ibig kundi tanging transaksiyon at interes lamang sa mga tao at kahit pa sa magkakaibigan at mga mag-asawa. Isa lamang halimbawa ang naranasan niya: Buong puso niyang pinagsilbihan ang kanyang asawa, minahal siya nito, samantalang nang ituon niya ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang anak, pinagtaksilan siya nito. Naging dahilan iyon upang makita niya na ang pag-ibig sa pagitan ng mga mag-asawa ay talagang makasarili at may pasubali nang walang pagpapaubaya, pag-unawa o konsiderasyon. Ngayon ay dumating ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan na labis na pininsala ni Satanas, hinahayaan tayong makawala mula sa gapos, sakit at panloloko ni Satanas. Gaya ng mga salitang ito na iwinika ng Diyos: “Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng biglaang pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang ‘ama.’ Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik noon pa man. Nananabik Siyang may kapaitan, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi mababayaran at ito ay para sa puso at diwa ng mga tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang katapusan, at marahil ang pagmamatyag na ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman nang tamang-tama kung nasaan ngayon ang iyong puso at espiritu” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat”).

Humaplos ang mga salitang ito ng Diyos sa puso ni Xinping at naging dahilan upang isipin niya ang kanyang sarili: Siya ang naligaw gaya ng sinabi sa salita ng Diyos. Upang magkaroon ng lubos na maligaya at masayang pamilya, siya, ay inuuna ang kanyang asawa sa lahat ng bagay, pinangalagaan at labis itong inisip. Ngunit bilang ganti, pinagtaksilan siya nito at niloko nang hindi iniisip ang kanyang damdamin. Sa kabila ng pagtataksil nito, masakit sa damdamin na hinintay pa rin niyang magbago ang pasya nito, para lamang paulit-ulit na lokohin at masaktan. Iniisip ang mga bagay na ito, hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni Xinping: Oo. Nilikha ako ng Diyos at Siya ang naglagay sa akin sa mundong ito; tanging ang Diyos lamang ang may tunay na pag-ibig at makapagbibigay sa akin ng masayang buhay. Nang mga sandaling iyon, pinainit ng tunay na pag-ibig ng Diyos ang sugatan niyang puso at pagkatapos ay taimtim siyang nanalangin sa Diyos habang lumuluha, “O Diyos, pagod na pagod na ako at miserable sa ilalim ng pagdurusang hatid ni Satanas; napakalayo ng puso ko Sa’yo; nang marinig ko ang pagtawag Mo na parang ina, nakahanda akong bumalik sa Iyo at tanggapin ang Iyong pagsalba at paggabay, hindi na Kita paghihintayin pa.”

Pagkatapos, binasa niya ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, na sinasabing, “Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay sinira na nang labis ng lipunan, siya ay inimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at tinuruan sa ‘mga dalubhasaan.’ Ang paurong na kaisipan, masamang moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng mga bagay na ito ay ang matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kaniyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawa’t araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa kasamaan ng laman sa pusali” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos”). Matapos basahin ang mga salitang ito, naramdaman iyon ni Xinping sa kaibuturan niya. Iniisip ang miserable niyang karanasan sa pag-aasawa, tunay na naranasan niya ang kasamaan at lagim ng mundong ito: Sa mundong pinamumunuan ni Satanas, walang tunay na pag-ibig sa pagitan ng mga tao. Kahit gaano pa tayo kalapit sa isa’t isa, kapag dumating na ang mahalagang sandali, lahat tayo ay magiging mag-isa, at tatalikuran din ang ating mga konsensiya at pagkatao. Gaya ng nangyari sa kanya, ang asawa niya ang nagtaksil sa kanilang pagsasama, ngunit wala sa pamilya nito ang kumausap o umintindi sa kanya; sa halip, sinubukan nila ang lahat ng paraan para alisin siya sa pamilya. Kaiba naman sa simbahan, ang mga kapatid ay inalagaan, pinalakas ang kanyang loob at tinulungan siya; wala sa kanila ang umalipusta sa kanya o iniwasan siya. Mula rito, nakita ni Xinping na tanging sa pamumuhay sa tahanan ng Diyos lamang natin makakamit ang tunay na pag-ibig. Nang mga sandaling ito, nagliwanag at napayapa ang puso ni Xinping. Sa ilalim ng pagpapahirap ni Satanas, napaka-miserable at pagod na pagod at ayaw na niyang tingnan ang halaga at lumaban para sa kanyang sarili. Kahit na ano pa ang gawin ng kanyang asawa sa hinaharap, napagdesisyunan niyang tanggapin ang katotohanan at sundin ang pagpapatakbo at pagsasaayos ng Diyos.

Sa wakas, hindi bumalik ang asawa ni Xinping at naghiwalay sila. Kahit na hindi naging maganda ang pagsasama nila, masuwerte pa rin siya. Dahil ang nawala lamang sa kanya ay isang lalaki na hindi siya mahal ngunit ang natamo niya ay ang pag-ibig ng Diyos.

Kalaunan ay nag-umpisang alalahanin ni Xinping ang sarili niyang karanasan: Lumaki sa isang pamilyang puno ng karahasan, umasa siya na makahanap ng mabait na asawa at mamuhay ng masaya at tahimik habang tumatanda. Kipkip ang napakagandang pangarap sa kanyang hinaharap, nagkaroon siya ng dalawang nobyo na parehong iniwan siya sa magkaibang dahilan; nawasak ang puso niya sa pag-alis ng mga ito. Nakilala niya ang kanyang asawa nang panahong labis ang kanyang pighati. Noong una ay naisip niyang maaari siyang mamuhay nang masaya hangga’t ibinibigay niya ang buong puso niya rito. Gayunman, ang kabayaran ng kanyang tunay na pag-ibig ay ang panloloko at pagtataksil nito. Kahit na labis siya nitong nasaktan, umasa pa rin siya na mababawi niyang muli ang puso nito sa pamamagitan ng kanyang pag-intindi at pasensiya. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, labis siyang naimpluwensiyahan ng mga kasabihan na gaya ng “Mahalaga ang buhay, pero mas mahalaga ang pag-ibig,” “Ang tunay na pagmamahal ay hindi dapat pagsisihan,” naniwala na mayroong tunay na pag-ibig sa mundo, at na hangga’t ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya niya, kaya niyang makamit ang pag-ibig nang mag-isa. Gayunman, hindi niya alam na ang lahat ng mga isipin at pananaw na ito ay mga lason na itinanim sa kanya ni Satanas, na dahilan upang hindi niya makita ang pagkakaiba ng mabuti sa masama. Nang kumilos siya ayon sa mga kaisipan at pananaw na iyon ni Satanas, tanging pinsala at matinding kalungkutan lamang ang natanggap niya.

Pagkatapos ay naging tulad nang sa mga hindi naniniwala sa Diyos ang kaisipan ni Xinping. Ilan sa kanila ang buong araw na nagtatalo dahil sa mga emosyonal na problema, na sa huli ay naging dahilan ng napakaraming trahedya ng pagpatay. Kahit na ipinaghiganti nila ang kanilang mga sarili sa iba, nakakulong sila at ang iba pa nga ay buhay ang naging kabayaran. Habang iniisip iyon, tunay na naramdaman ni Xinping na napakasamang mamuhay sa ilalim ng mga lason ni Satanas, dahil anumang oras ay lalamunin tayo ni Satanas. Nang mga sandaling ito, tunay siyang nagpasalamat sa Diyos dahil sa pagpili Nito sa kanya. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos at pagbabahagi mula sa mga kapatid, sa wakas ay nalaman na niya ang panloloko ni Satanas, nakakaiwas sa paglamon nito sa kanya.

Apat na taon na ang lumipas mula nang makipaghiwalay si Xinping mula sa kanyang asawa, sa panahong iyon ay itinuon niya ang kanyang sarili sa paggawa ng kanyang gawain bawat araw, at madalas na nakikipagkita sa mga kapatid at nakikipagpalitan ng mga karanasan sa kanila. Sa pamumuhay ng ganito, sagana at masaya siya sa kanyang puso at sigurado at masaya ang kanyang kalooban. Ngayon ay nalaman na niya na ang dahilan kung bakit palagi siyang nabibigong mahanap ang tunay na kaligayahan sa mundo at labis pang nasasaktan ay dahil mali ang direksiyon na kanyang tinatahak. Dahil nasa ilalim ng pamumuno ni Satanas ang buong mundo, paano natin mahahanap ang tunay na kaligayahan? Ngayon, kahit na bumalik pa siya sa Diyos at nag-umpisang sambahin ang Lumikha, magaan ang kanyang damdamin at malaya at ipinagpapasalamat na ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang batayan ng ating pag-iral ay talaga ngang tunay na kaligayahan. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Makapapasok lamang sa iyong puso ang Diyos kung ito ay bubuksan mo sa Kanya. Makikita mo lamang kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita mo lamang ang Kanyang kalooban para sa iyo, kung Siya ay nakapasok sa iyong puso. Sa sandaling iyon, madidiskubre mo na ang lahat ng tungkol sa Diyos ay napakahalaga, na kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay karapat-dapat pakaingatan. Kumpara doon, ang mga taong nakapaligid sa iyo, ang mga bagay at mga pangyayari sa iyong buhay, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kasama, at ang lahat ng mga bagay na iyong minamahal, ay hindi man lamang dapat banggitin. Ang mga ito ay napakaliit, at napakababa; mararamdaman mo na walang materyal na bagay ang muling makapaglalapit sa iyo, at hindi ka na nila mapagbabayad muli ng anumang halaga para sa kanila. Sa kababaang-loob ng Diyos makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw; higit pa rito, sa isang bagay na Kanyang ginawa na pinaniniwalaan mong masyadong maliit, makikita mo ang Kanyang walang hanggang karunungan at ang Kanyang pagpapaubaya, at makikita mo ang Kanyang tiyaga, ang Kanyang pagtitimpi, at ang Kanyang pag-unawa sa iyo. Magbubunga ito sa iyo ng pag-ibig para sa Kanya. … Kapag dumating ang araw na iyon, naniniwala Ako na magkakaroon ng ilang mga tao na magsasabing: Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at ang Kanyang diwa ay napakabanal—sa Diyos ay walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, ngunit tanging pagkamatuwid at kawastuhan, at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao. Dapat itong pagsikapan at hangarin ng mga tao” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).