“Ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo” (1 Juan 4:2-3).
“Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo” (2 Juan 7).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Dahil naniniwala ka sa Diyos, kung gayon ay kailangan mong ilagay ang pananampalataya sa lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, samakatuwid ay walang halaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka kailanman sumunod sa Kanya o tinanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, at sa halip ay hiniling sa Diyos na sumailalim Siya sa iyo at sundin ang iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-mapaghimagsik sa lahat, at ikaw ay hindi mananampalataya. Paanong ang isang kagaya nito ay magagawang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi sumusunod sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-suwail na tao ay isa na sadyang sinasalungat at tinatanggihan ang Diyos. Siya ay kaaway ng Diyos at isang anti-kristo. Ang gayong tao ay laging nagpapanatili ng poot laban sa bagong gawa ng Diyos, nagpapakita ng walang layuning sumailalim, at kailanman ay hindi naging masayang sumunod o nagpakababa ang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at kailanman ay hindi sumailalim sa iba. Sa harap ng Diyos, itinuturing niya ang kanyang sarili na pinaka-marunong sa pangangaral ng “salita” at pinaka-bihasa sa paggawa sa iba. Kailanman ay hindi siya nagtapon ng kayamanan na nasa kaniyang pag-aari, ngunit itinuring ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin, na ipangaral sa iba, at ginagamit upang turuan ang mga hangal na sumasamba sa kanya. Mayroon talagang iilang ganoong mga tao sa iglesia. Maaaring sabihin na sila ay “matigas na mga bayani,” sali’t salinlahing nakikipamayan sa bahay ng Diyos. Iniisip nila na ang pangangaral sa “salita” (doktrina) ang kanilang pinakamataas na tungkulin. Isang taon pagkatapos ng isa pa at isang henerasyon pagkatapos ng isa pa, isinasagawa nila ang kanilang mga banal at sagradong tungkulin. Walang naglalakas-loob na hawakan sila at walang naglalakas-loob na lantarang sisihin sila. Sila ay naging “hari” sa bahay ng Diyos, na kumikilos ng napakalupit sa mga kapanahunan. Ang mga demonyong ito ay naghahangad maghawak-kamay at magsama-samang wasakin ang Aking gawain; paano Ko mapahihintulutan ang mga buhay na demonyong ito na umiiral sa harap Ko?
mula sa “Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos”
Ang sinumang hindi naniniwala sa gawain at salita ng nakikitang Diyos at hindi naniniwala sa nakikitang Diyos ngunit sa halip ay sumasamba sa di-nakikitang Diyos sa langit-ay walang Diyos sa kanyang puso. Sila ang mga tao na suwail sa at nilalabanan ang Diyos. Ang mga taong ito ay may kakulangan sa pagkatao at katuwiran, bukod pa sa katotohanan. Para sa mga taong ito, ang nakikita at nahahawakang Diyos ay lalong hindi maaaring paniwalaan, ngunit ang hindi nakikita at hindi nahahawakan na Diyos ay ang pinaka-kapanipaniwala at ang pinaka-nakatutuwa rin sa kanilang mga puso. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang katotohanan ng realidad, at hindi rin ito ang tunay na kakanyahan ng buhay, higit na hindi ang mga intensyon ng Diyos; sa halip, itinataguyod nila ang katuwaan. Alinmang mga bagay ang pinaka-may kakayahan na magpahintulot sa kanilang makamit ang kanilang sariling mga pagnanasa ay, walang duda, ang kanilang mga paniniwala at paghahangad. Sila lamang ay naniniwala sa Diyos upang masiyahan ang kanilang sariling mga pagnanasa, hindi upang hanapin ang katotohanan. Ang mga tao bang ito ay hindi mga manggagawa ng kasamaan? Sila ay lubos na may tiwala sa sarili, at hindi sila naniniwala na wawasakin sila ng Diyos sa langit, ang mga “mabubuting tao” na ito. Sa halip, naniniwala sila na pinahihintulutan sila ng Diyos na manatili at, higit sa rito, ay gantimpalaan ang mga ito ng napakaganda, sapagka’t marami silang mga bagay na ginawa para sa Diyos at nagpakita ang isang mahusay na pakikitungo ng “katapatan” sa Kanya. Kung hinahangad nila ang nakikitang Diyos, ang mga ito ay agad na mag-aalsa laban sa Diyos o magwawala sa sandaling ang kanilang mga kagustuhan ay hindi mapagbibigyan. Ito ang mga napakasasamang taong naghahanap na masiyahan ang kanilang mga sariling pagnanasa; hindi sila mga tao ng katapatan sa pagtugis ng katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao ay ang tinatawag na masasamang tao na sumunod kay Cristo. Yaong mga tao na hindi naghahanap ng katotohanan ay hindi maaaring maniwala sa katotohanan. Silang lahat ang mga higit na hindi makakita ng hinaharap na kalalabasan ng sangkatauhan, sapagkat hindi sila naniniwala sa kahit anong gawain o pagsasalita ng nakikitang Diyos, at hindi sila makapaniwala sa hinaharap na hantungan ng sangkatauhan. Samakatuwid, kahit na sumunod sila sa nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng masama at hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi rin nila isinasagawa ang katotohanan na kinakailangan Ko.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama”
Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay minamahal lamang niya ang mga di-nakikita at di-nahahawakan, mga bagay na kataastaasang hiwaga at kamangha-mangha na hindi lubos mawari at maabot ng mga mortal lamang. Mas hindi makatotohan ang bagay na ito, mas pinag-aaralan pa ito ng mga tao, anupa’t nagsisikap kaysa sa anupaman, at dinadaya ang sarili niya na makakamit niya ito. Mas hindi makatotohanan ang mga ito, mas malapitang sinisiyat at pinag-aaralan ng tao, gumagawa pa nga ng mga sarili niyang mga malawakang ideya tungkol dito. Sa kabilang banda, habang mas makatotohanan ang mga bagay, mas ipinagwawalang-bahala ang mga ito ng tao, iniiungusan niya ito at higit pang mapanlait sa mga ito. Hindi ba ito mismo ang pag-uugali ninyo sa makatotohanang gawain Ko ngayon? Habang mas makatotohanan ang mga bagay, mas kumikiling kayo laban sa mga ito. Hindi ninyo man lamang binigyan ng panahon para pag-aralan ang mga iyon, sa halip hindi ninyo iyon pinapansin; inuungasan ninyo ang ganitong makatotohanan at tahasang mga tuntunin, anupat pinananatili mo ang napakaraming pagkaintindi tungkol sa Diyos na ito na totoong-totoo, at walang kakayanang tanggapin ang Kanyang katotohanan at pagka-karaniwan. Sa ganitong paraan, hindi ba kayo naniniwala sa gitna ng kalabuan? Mayroon kayong di-natitinag na paniniwala sa malabong Diyos noon, at walang hangad sa tunay na Diyos ngayon. Hindi ba ito dahil sa ang Diyos noon at ang Diyos ngayon ay mula sa magkaibang panahon? Hindi rin ba ito dahil sa ang Diyos noon ay ang mabunying Diyos ng kalangitan, ngunit ang Diyos ngayon ay isa lamang maliit na tao sa lupa? Karagdagan pa, hindi ba ito dahil sa ang Diyos na sinasamba ng tao ay katha ng kanyang mga pagkaintindi, samantalang ang Diyos ngayon ay totoong katawang-tao na iniluwal sa lupa? Nang matapos masabi ang lahat, hindi ba ito dahil sa ang Diyos ngayon ay totoong-totoo kaya’t hindi Siya itinataguyod ng mga tao? Sapagkat kung ano ang hinihiling ng Diyos sa mga tao ay iyon naman ang talagaang pinakaayaw nilang gawin at iyong nakakapagparamdam sa kanya ng kahihiyan. Hindi ba ginagawa lamang nitong mahirap ang mga bagay para sa tao? Hindi ba nito ipinapakita ang kanyang mga pilat? Sa ganitong paraan, marami sa mga hindi pinagsisikapan ang katotohanan ay naging mga kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, naging antikristo. Hindi ba ito isang maliwanag na katotohanan? Noong hindi pa nagiging tao ang Diyos, maaaring ikaw ay naging isang relihiyosong personalidad o isang debotong mananampalataya. Pagkatapos na ang Diyos ay maging tao, marami sa gayong mga debotong mananampalataya ay hindi kusang naging mga antikristo. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka nagtuon ng pansin sa katotohanan o humanap ng katotohanan, sa halip ay patuloy mong isinaisip ang mga kabulaanan-hindi ba ito ang pinakamalinaw na dahilan ng iyong alitan sa Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Kristo, kaya hindi ba ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay mga antikristo? At talaga bang ang pinaniniwalaan at minamahal mo nang tunay ay ang Diyos na nagkatawang-tao? Ito ba ay ang talagang buhay, humihingang Diyos, na pinaka-totoo at bukod-tanging karaniwan? Ano ba talaga ang layunin ng iyong pagsisikap? Ito ba ay nasa langit o nasa lupa? Ito ba ay isang pagkaintindi o katotohanan? Ito ba ay ang Diyos o isang di-pangkaraniwang nilalang?
mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos”
Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lang sa 10,000 sa mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag masyadong magtiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung susuriin mong mabuti at paulit-ulit na pagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga ito ay totoo o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang kanilang nabasa, pikit-matang hinuhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na nagsasabi, “Kaunting pagliliwanag lamang iyan mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag ninyong lapastanganin ang Banal na Espiritu dahil lamang sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi totoo, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa huli’y parurusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t hindi ka pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pagisipan ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?
mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa”
Yaong mga naniniwala lamang kay Jesucristo at hindi naniniwala sa nagkatawang-taong Diyos ng kasalukuyan ay hinahatulang lahat. Silang lahat ay mga nasasapanahong Fariseo, dahil hindi nila nakikilala ang Diyos ng kasalukuyan, at silang lahat ay lumalaban sa Diyos. Kahit na gaano pa katapat ang kanilang paniniwala kay Jesus, lahat nang ito ay mawawalan ng kabuluhan; sila ay hindi tatanggap ng papuri ng Diyos.
mula sa “Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto”
Naniniwala kayo sa pagkakaroon ng Diyos na nasa langit ngunit ayaw tanggapin ang Diyos na nasa lupa. Gayunpaman, hindi Ko pinapayagan ang inyong mga palagay. Ang Aking pinapupurihan ay ang mga taong nananatiling matatag na pinaglilingkuran ang Diyos na nasa lupa, hindi kailanman yaong hindi kinilala kailanman ang Cristo sa lupa. Walang halaga kung gaano katapat ang mga tao sa Diyos na nasa langit, sa katapusan, hindi pa rin sila makakaligtas sa Aking kamay na nagpaparusa sa mga makasalanan. Yaong mga taong makasalanan; sila ay makasalanan na lumalaban sa Diyos at hindi kailanman nagalak sa pagsunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi kilala, at lalong higit, hindi kinikilala si Cristo. Naniniwala ka na makakikilos ka hangga’t gusto mo patungo kay Cristo habang nananatili kang tapat sa Diyos na nasa langit. Mali! Ang kamangmangan mo kay Cristo ay kamangmangan din sa Diyos na nasa langit. Gaano ka man katapat sa Diyos na nasa langit, ito ay mga walang silbing salita at pagkukunwari, dahil sa ang Diyos na nasa lupa ay hindi lang kasangkapan para tatanggapin ng mga tao ang katotohanan at mas malalim na karunungan, ngunit higit ay kasangkapan sa paghahatol sa tao at kasunod nito ang paglilikom ng mga katibayan upang parusahan ang masasama. Naiintindihan mo ba ang mga pakinabang at mga kahihinatnan nito? Naranasan mo ba ang mga ito? Ang hiling Ko ay maintindihan ninyo balang-araw ang katotohanang ito: Para makilala ang Diyos, kailangan ninyong makilala hindi lang ang Diyos na nasa langit ngunit, ang mas mahalaga, ang Diyos na nasa lupa. Huwag malito kung ano ang dapat unahin o payagan ang mas mababa upang mangibabaw sa mas nakatataas. Tanging sa ganitong paraan lamang ikaw makakabuo ng magandang relasyon sa Diyos, maging mas malapit sa Diyos, at madala palapit ang iyong puso sa Kanya. Kung nasa pananampalataya ka sa marami nang taon at matagal nang may kaugnayan sa Akin, ngunit nanatiling malayo sa Akin, ay masasabi Kong madalas kang magkasala sa disposisyon ng Diyos, at ang iyong katapusan ay napakahirap ipagpalagay. Kung ang maraming taon nang pagkakaugnay mo sa Akin ay hindi ka binago upang magkaroon ng pagkatao at katotohanan, at sa halip ang iyong masamang pamamaraan ay lalong nag-ugat sa iyong kalikasan, kung hindi ka lamang lubhang mapagmataas ngunit pati na rin ang iyong maling pag-intindi sa Akin ay lalong lumala, at dahil dito itinuring mo Akong pawang iyong alalay, ay masasabi Kong ang iyong pighati ay hindi lang ganoong kalalim, ngunit tumagos na sa iyong mga buto. At ang maaari mo na lamang gawin ay maghintay at maghanda sa iyong huling hantungan! Hindi mo kailangang magsumamo sa Akin at maging iyong Diyos, sapagkat nakagawa ka ng kasalanan na ang nararapat ay kamatayan, walang kapatawarang kasalanan. Kahit maaaring magkaroon Ako ng awa sa iyo, ang Diyos na nasa langit ay igigiit na kunin ang iyong buhay, dahil sa ang iyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos ay hindi pangkaraniwang problema, ngunit isang pinaka-malala sa kalikasan. Kapag dumating ang panahon, huwag mo Akong sisisihin dahil sa hindi pagbibigay-alam sa iyo noong una. Ang lahat ng ito ay bumabalik dito: Kapag nakipag-ugnayan ka sa Cristo-sa Diyos na nasa lupa-bilang pangkaraniwang tao, iyon ay, kapag nanampalataya ka na ang Diyos na ito ay tao lamang, ikaw ay marapat lamang na mamatay. Ito lamang ang Aking maipapayo sa inyong lahat.
mula sa “Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa”
Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Ikaw ay naniniwala sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa iyo na kapag ikaw ay lumaban kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos.
mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”