1.3.19

Mga Talata sa Biblia Tungkol sa Kagalakan-Mangagalak kayong lagi sa Panginoon


Kawikaan 10:28
Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni’t ang pagasa ng masama ay mawawala.
Kawikaan 17:22
Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni’t ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
Awit 69:32
Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
Mateo 5:12
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
Lucas 1:14
At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.
Lucas 15:10
Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
Roma 12:2
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.
Roma 15:13
Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo’y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Filipos 4:4
Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
1 Tesalonica 2:19
Sapagka’t ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito?
Juan 16:22
At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni’t muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
Juan 16:24
Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo’y magsihingi, at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.
1 Pedro 1:8
Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian.
Pahayag 19:7
Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin; sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na.